Not your preferred language? Here to Choose your language.
My Youth Began With Him (Tagalog)

My Youth Began With Him (Tagalog) MYBWH

Author: Baby Piggie

4.6 (863 ratings)

257 Maasahan 4yr

Translator: - -Editor: - -

Inilapag ni Lolo Liu ang hindi niya tapos kainin na mansanas, ngumiti at tumingin kay Huo Mian, "Dahil nakita ko na maganda ang pag-aalaga mo sakin sa mga nakaraang araw, nakikipaglaro ka ng Chinese chess sa akin, at tinutusukan ako ng mga gamot, napag-usapan namin ng asawa ko ang tungkol dito at nakapagdesisyon na ipakilala ka sa isang tao. Pinapanood kita, Huo Mian. Mabait kang babae at pinakamaasahan na nurse dito sa ospital. Mapagkumbaba ka rin at hindi magarbo, hindi katulad ng ibang kabataang nandito ngayon."
"Oo, patuloy ang pagsabi sakin ng asawa ko kung gaano ka kabait at naniniwala ako sa opinyon niya."
"Um, sandali, Lolo Liu, sa totoo lang, ako ay..."
"Huwag ka munang magsalita at makinig ka sakin. Ang apo ko ay ikinasal na, kaya sayang, pero ang pang-apat kong kapatid ay may apo na kasing-edad mo at maasahan siyang lalaki. Siya ang company commander sa air force. Bata siya at may narating na sa buhay, at ang pinaka-importante, malapit na siyang mapromote kaya magandang h

Latest Updates