Not your preferred language? Here to Choose your language.
My Youth Began With Him (Tagalog)

My Youth Began With Him (Tagalog) MYBWH

Author: Baby Piggie

4.6 (863 ratings)

261 Ang Tinatawag na “Mahalin mo ako, Mahalin mo ang aso ko” (3) 4yr

Translator: - -Editor: - -

"Anong ibig mong sabihin? Hindi naman alam ni Zhixin na kasal na tayo, ang alam niya lang ay mag-isa akong nagrerenta at nag-aalala lang siya sakin."
"Kaya sa tingin ko dapat mong sabihin sa kanya ito pag nagkaroon ka ng pagkakataon, kung hindi, baka magkaroon pa siya ng ibang ideya sa hinaharap."
Tumawa si Huo Mian dahil alam niya kung ano ang ibig sabihin ni Qin Chu…
"Pero sa tingin ko ang kotseng iyon..."
"Kayo ng magkapatid ang bahala sa kotse. Kung sa tingin mo masyado itong mahal, pwede ka naman makipagpalit sa kanya."
Kaagad tumigil sa pagsasalita si Huo Mian. Para sa kanya, masyado ng mamahalin ang Volkswagen, kaya bakit niya ito papalitan ng dilaw na sports car?
Pag-uusapan siya ng mga nurses sa South Side station hanggang sa malunod siya sa dura nila. Siguro kapag nangyari ito, aakalain nila na nakahanap siya ng sugar daddy kapag nagpalit siya ng kotse.
Siguro nga huwag na nila pag-usapan ang bagong kotse ni Zhixin.
Pero, kung hindi nag-aalala si Qin Chu na hindi matu

Latest Updates