Not your preferred language? Here to Choose your language.
My Youth Began With Him (Tagalog)

My Youth Began With Him (Tagalog) MYBWH

Author: Baby Piggie

4.6 (863 ratings)

262 Ang Tinatawag na “Mahalin mo ako, Mahalin mo ang aso ko” (4) 4yr

Translator: - -Editor: - -

"Oh tama, hindi mo pa rin ba alam ang tungkol dito? Narinig na namin ito, mukhang nahuhuli ka sa balita."
"Uhm… Hindi ko talaga alam."
Bihira lang pansinin ni Huo Mian ang mga chismis sa ospital. Ang pokus niya ay nasa mga pasyente lamang, kaya siya nahuhuli sa balita.
"Mag-ingat ka kay Tingting - ang nurse sa susunod na shift, dahil baka sobra ang pagka-inis nito sayo. Ilang beses na kasi siyang nag-apply para sa promotion pero kailanman hindi niya nakuha ito. Ngayon, biglang ikaw naman ang napromote, paniguradong maiinis ito sayo."
"Oo, iba si Tingting kay Nannan. Si Nannan, ang gusto lang ay pera at mayamang asawa kaya wala siyang plano na mamalagi sa ospital pero si Tingting ay sobra magpahalaga sa kapangyarihan at estado kaya lagi niyang gusto makakuha ng oportunidad para tumaas ang ranggo niya kaya mag-iingat ka."
Pagkatapos, tumawa mga ang mga nurses at umalis…
Sa totoo lang, hindi sila masyadong kilala ni Huo Mian; ngunit, ang kanilang mga departments ay magkalapit lang,

Latest Updates