Not your preferred language? Here to Choose your language.
My Youth Began With Him (Tagalog)

My Youth Began With Him (Tagalog) MYBWH

Author: Baby Piggie

4.6 (863 ratings)

264 Siya ay Isang Babaeng Hindi mo Kayang Hawakan (1) 4yr

Translator: - -Editor: - -

"Bakit naman hindi?" Nakasuot si Wu Xiaoxue ng itim na dress at pulang beanie. Halata na rin ang maliit na umbok sa kanyang tiyan.
"Oh, ano ang maitutulong ko?" Maraming kailangan gawin si Huo Mian kaya wala siya sa mood para makipag-away kay Wu Xiaoxue.
"Napadaan ako sa isang lugar na dimsum habang papunta ako kaya binilhan na rin kita ng merienda."
Pagkatapos, inilapag ni Wu Xiaoxue ang takeout bag sa lamesa…
Tiningnan ito ni Huo Mian - marami itong laman na pagkain. May panghimagas, macarons at milk tea.
Nagising ba si Wu Xiaoxue sa maling parte ng kama ngayong umaga?
"Bakit mo ito ginagawa?" Naguguluhan, ibinaba ni Huo Mian ang kanyang pen sa kanyang kamay.
"Alam ko kung kailan ako magpapasalamat," simpleng sagot ni Wu Xiaoxue.
Kaagad naman naintindihan ni Huo Mian ang ibig niyang sabihin. Sa totoo lang, kailanman hindi niya inakala na marunong rin pala tumanaw ng utang na loob si Wu Xiaoxue.
Ang akala ni Huo Mian ay pagsasabihan siya ni Wu Xiaoxue na asikasuhan lang niya

Latest Updates