Not your preferred language? Here to Choose your language.
My Youth Began With Him (Tagalog)

My Youth Began With Him (Tagalog) MYBWH

Author: Baby Piggie

4.6 (863 ratings)

265 Siya ay Isang Babaeng Hindi mo Kayang Hawakan (2) 4yr

Translator: - -Editor: - -

"Bakit naman?" Nagulat na tinanong ni Huo Mian si Nannan.
"Pero sinasabi ng lahat na may gusto sayo si Young Master Su."
"Mga sabi-sabi lang iyon, huwag mo silang seryosohin. Si Su Yu ay may madaming girlfriends at marami sa kanila ay artista. Humahanap lang talaga siya ng paraan para hindi mabagot dito sa ospital kaya huwag mo na ito masyadong pag-isipan."
"Oo, tama ka. Marami namang nakapaligid na babae sa kanya at sa tingin ko, hindi na tayo ulit magkakaroon ng pagkakataon na makita siya pagkatapos niya madischarge," sabi ni Nannan habang nagdilim ang kanyang mukha.
Ngumiti lang si Huo Mian at hindi na nagsalita…
Ang pinakamaganda niyang gawin ay iwasan na makita si Su Yu dahil kahit hindi mabuting tao si Huo Siqian, may kahulugan naman ang babala nito at ayaw niya mapalapit sa isang lalaking katulad ni Su Yu.
Ang mga entertainment headlines noong araw na yun ay: 'Si Su Yu, ang presidente ng Imperial Star ay nadischarge na. Sinalubong siya ng mga luxury cars at ang lahat ng mg

Latest Updates