Not your preferred language? Here to Choose your language.
My Youth Began With Him (Tagalog)

My Youth Began With Him (Tagalog) MYBWH

Author: Baby Piggie

4.6 (863 ratings)

267 Siya ay Isang Babaeng Hindi mo Kayang Hawakan (4) 4yr

Translator: - -Editor: - -

Tumango si Huo Mian, "Oo, nadischarge na siya."
"Nakita ko ang formation sa labas ng ospital at sobrang daming babaeng artista ang pumunta."
"Oo at may iilan din na hindi ko mamukhaan. Idagdag pa rito, maraming tao ang nanuod at maraming media rin ang pumunta."
"Nakita ko rin sa isang maliit na news outlet na habang nananatili si Su Yu sa South Side, may hinaharot siyang nurse doon. Kilala mo ba siya? Dali, sabihin mo nga sa akin kung ano ang nangyari?"
"Anong masaya sa mga balita sa showbiz? Madalas tungkol lang naman ito sa isang mayamang lalaki na may sinusubukan maikama. Nakakabagot ito." Kumagat ng malaki si Gao Ran at sumabat.
"Hindi maiintindihan ng mga lalaki ang mga usapang ganito." Kaagad hinila ni Zhu Lingling ang kamay ni Huo Mian at nagtanong, "Dali na, sabihin mo sakin ang tungkol dito."
Medyo nakokonsensya. Tumingin si Huo Mian kay Qin Chu, at pagkatapos, sumagot, "Sa totoo lang… hindi rin ako sigurado. Lagi kasing may bodyguards si Su Yu at mahirap lapitan kaya so

Latest Updates