Not your preferred language? Here to Choose your language.
My Youth Began With Him (Tagalog)

My Youth Began With Him (Tagalog) MYBWH

Author: Baby Piggie

4.6 (863 ratings)

274 Wala sa Mood si Young Master Su (1) 4yr

Translator: - -Editor: - -

Napuno ng pagkabigo ang mukha ni Su Yu ng nakita ang mukha ng babae…
Hindi mapagkakaila ang bata, maganda at ang angat nitong mukha, pero hindi ito ang mukhang nagpapasaya ng puso niya.
Mukha ring madaming pinaretoke ang babae. Ang ngiti niya ay matigas at naapektuhan nito ang itsura niya sa malapitan.
"President Su, gusto ko makipag-toast sayo ng wine. Salamat sa pagbibigay sakin ng oportunidad na ito."
Pero, sumagot si Su Yu ng walang emosyon, "Hindi na ito kailangan."
Pagkatapos, tumalikod na ito at hindi na nakipag-usap sa babaeng ang pangalan ay Mian Mian.
Sa buong gabi, hindi na niya kinausap ang babaeng ito.
Nalungkot si Mian Mian kaya naman pumunta siya sa banyo at palihim na tinanong si Lisa.
"Ate Lisa, hindi ba't si President Su ang mismong pumili sakin para maging supporting actress? Bakit mukhang hindi niya ako gusto?" Iniisip ni Mian Mian na pinili siya ni Su Yu dahil sa ganda niya at gusto siya nitong ikama. Wala lang naman din sa kanya kung gusto siya ikama nito.

Latest Updates