Halimaw Novels & Books - WebNovel

Not your preferred language? Here to Choose your language.

About 25 results

  • Monster Invasion (Tagalog)

    Monster Invasion (Tagalog)

    Fantasy ADVENTURE SYSTEM COMEDY HAREM APOCALYPSE TAGALOG

    4.89

    Isang araw, biglang sumulpot ang mga halimaw na galing sa ibang dimensyon upang sakupin ang ating planeta. Sinubukan lumaban ng mga tao pero ang naging resulta ay kalunos-lunos. Dahil dito, maliit na parte na lamang ng mundo ang natira para pamuhayan ng mga tao. Pero bago maubos ang sangkatauhan, binigyan sila ng langit ng isang pagkakataon. Isa-isang nagkaroon ng kapangyarihan ang mga tao para maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili. Pero may isang tao na nagkaroon ng medyo kakaibang kapangyarihan... Nagising si Ye Song mula sa mahimbing na pagkakatulog at nakita niya na ang mga halimaw ay nagsimulang maghasik ng karahasan. "System, ano na ba level ko ngayon?" *Ding* *Ang level ng host ay 999*

    detail
  • Tinatagong Halimaw

    Tinatagong Halimaw

    Horror MYSTERY SCARY

    detail
  • Killing Me Softly (Filipino)

    Killing Me Softly (Filipino)

    Teen ROMANCE BETRAYAL KILLER

    Hindi pinagpala si Madison sa itsura. Bawat tao ang tingin sa kanya ay halimaw dahil sa itsura daw niyang nakakatakot. Pero nang mangyari ang isang krimen ay nagbago ang lahat. Siya ang idinidiin na pumatay sa ina ng nobyo niya. Akala niya ay paniniwalaan siya ng kanyang mahal na nobyo pero parang ito pa ang gustong-gustong kumitil sa buhay niya.Para makatakas sa kasalanang hindi ginawa, kumapit siya sa alok ng isang lalaking hindi kilala. Pumayag siya sa nais nito na magparetoke at mabuhay sa ibang katauhan.Akala niya magiging madali ang lahat dahil ibang-iba na siya. Pero nagkamali pala siya dahil ang akala niyang lalaking tumulong sa kanya ay may tinatago pala.Kakayanin ba niya ang sunod-sunod na rebelasyon na malalaman?

    detail
  • Alchemic Chaos: Fate

    Alchemic Chaos: Fate

    Fantasy ACTION MAGIC

    ANG MGA ALKEMISTA ang tinaguriang 'magiting' at makapangyarihan sa buong kontinente ng Azalea. Pinaniniwalaang iginawad ng Diyos ang kanilang taglay na lakas. Lakas na nararapat na gamitin sa kabutihan at sa paglaban ng masama. Ngunit hangga't namamayani ang inggit at kapangyarihan ay magagamit ito sa hindi nararapat-sa kasamaan. Ang mabuti laban sa masama. . . Isang kapalaran. At doon nagsimula ang unang digmaan ng kapangyarihan. ***Isang gabi, isang pangyayaring hindi inasahan. Isang pangyayaring labis na pinagsisihan ang nagpayanig sa takbo ng buhay ni Kira - ang pamosong binibining heneral ng Titania. Trinaydor ng kaibigan at iniwang mamatay sa kamay ng isang halimaw. At ang isang bagay na hindi niya matatakasan. Mahika. Tentasyon ng kasalanan. Responsibilidad. Digmaan. "Kaya mo bang tanggapin ang kapalarang kaakibat ng pagiging alkemista? "-

    detail
  • It Came From The Sky (tagalog)

    It Came From The Sky (tagalog)

    Di akalain ni Sean na mawawala ang pamilya niya sabay pagkawala ng misteryosong liwanag na bumaba sa lupa mula sa kalangitan at pati mga tao ay nawala din. Kahit di niya matanggap, nagpatuloy siya sa buhay na tinatahak, hanggang sa meron siyang natuklasan. Mga nakakalaban niyang malahalimaw at nakakatakot na itsura at gusto siyang kainin, paano niya kakalabanin ang mga halimaw? At di niya alam kung buhay pa ba ang pamilya niya, paano kung pati siya ay mahigop ng liwanag sa oras na dumating ulit ito? May matutuklasan din ba siyang panibagong pagsubok o pag-asa?

    detail
  • IN PAPA BEAR'S ARMS (MSV)

    IN PAPA BEAR'S ARMS (MSV)

    Urban ROMANCE ACTION COMEDY

    Here's a cutesy whirlwind romance between a modern day Goldilocks who ran off to the woods to avoid the wolves who wanted to kill her and her sexy and dangerously handsome mysterious "Papa Bear" who actually lived in the woods together with his cute little twin bears.FULL TEASER:CHI-CHI WOKE UP FROM A VERY STRANGE DREAM. Napadpad daw siya sa isang liblib na lugar dahil tinakasan niya ang mga halimaw na gusto siyang kainin! Halos maubusan siya ng hangin sa kakatakbo. Mabuti nalang at nakakita siya ng isang maliit na bahay sa gitna ng kagubatan.Pumasok daw siya sa loob. Dahil sa sobrang kagutuman ay kinain niya ang masarap na tinolang manok na nakahain sa mesa. Mabilis niyang naubos ang kanin sa tatlong plato. Dahil mainit, naisipan niyang maligo. Pagkatapos maligo ay naisipan niyang matulog. Pagod na pagod siya. May tatlong kwarto sa loob ng bahay na may tatlong magkakaibang size ng kama! Siyempre pa ay mas pinili niya ang pinakamalaki, mas masarap matulog sa mala-queen sized bed na gaya ng kama niya sa bahay. Napakalambot. Tuwang tuwang niyakap niya ang mga asul na unan. Hanggang sa tuluyan siyang gupuin ng antok.Pamilyar ang kwento huh? Gusto niyang matawa, para siyang si Goldilocks! Kapag may dumating na papa bear, iisipin niyang siya na talaga si Goldilocks. She grinned. Muli niyang niyakap ang asul na unan. A-asul na unan? Naalimpungatan siya."Who are you?" gulat na napatitig siya sa mala-greek god na lalaking iyon. Oh my papa! Nakakatakam ang pawisang katawan nito na puro abs ang tiyan at may nagtitigasang muscles sa braso! At noon niya naalala ang lahat—na hindi nga siya si Goldilocks! Mas lalong hindi iyon isang panaginip lamang! Dahil kitang kita niya ang nagbabagang mga titig ni Papa Bear sa hubad niyang katawan at ang pagsinghap ng dalawang batang nasa likuran nito!A/N:All rights reserved to My Special Valentine. Published on February 19, 2012. This story gave birth to Eunice Xyra of MSV. :-D

    detail
  • Internal Sin (Tagalog)

    Internal Sin (Tagalog)

    Fantasy ACTION ADVENTURE MAGIC DEVIL TAGALOG

    Misteryosong nawawala ang mga piling tao na galing sa ibat ibang lahi at mga bansa.Sila ay napadpad sa isang tila pirpektong mundo kong saan naroon matatagpuan ang lahat ng pinaniniwalaang mga halimaw na syang sa mga lumang kwento lang maririnig. Sa mundong ito nabububay sa katawan ng tao ang kapangyarihan na nagmumula sa pitong charka. Sa kakaibang mundo ding iyon matatagpuan ang mga napakalalaking dungeon na syang binabantayan ng mga kahariang naglalaban laban para alamin ang paraan para makabalik ang tao sa totoong mundo na pinag mulan nito.Sa huli tangin ang kahariang makakakompleto lamang ng libro galing sa mga dungeon ang syang makakaalam ng katotohanan at paraan para makabalik ang mga tao sa orihinal nilang mundo.

    detail
  • Hymoneurí Academy

    Hymoneurí Academy

    Walang nakakaalam kung sino-sino, pano, at anong rason sa paglaganap ng mga halimaw sa mundo ng Andastre ngunit nagbago ang aking kaalaman nang aming pinagtulungan kung paano malaman. Halika at samahan mo kami sa aming pagtutuklas sa matagal na delubyo sa mundong ito. Hawakan mo lang ang aking kamay at pumikit para maramdaman mo ang kinabukasan ng iyong pagsunod.

    detail
  • The Great Emperor Of The Blues

    The Great Emperor Of The Blues

    Dahil sa nangyaring labanan ng mga tao at halimaw, nag dulot ito ng malaking pinsala sa buong kagubatan. Ang kahali-halinang gubat ay ngayo'y mistulang naging libingan ng mga patay. At ang mga bangkay ay walang iba kundi ang mga miyembro at kaanib ng buong angkan, walang habag na kahit ang mga supling at bagong inapo ay hindi pinatawad.Ngunit lingid sa kanilang kaalaman ang pinaka-importanteng nilalang. Ito'y saksi sa lahat ng nangyaring kabrutalan na gawa ng mga tao.Sinong mag-aakalang ang dating tanyag at prestihiyosong angkan sa buong lupalop ay nalipul sa iisang gabi lamang. Dangan ito'y nag-iwan ng malaking guhit sa kaniyang puso.Siya'y lumaki ng mabuti sa kamay ng mga nakatatanda sa buong kagubatan. Alam niya ang malaking responsibilidad na kaniyang dinadala. Sa murang gulang, di hamak at siya nga'y pinagpala ng kakaibang henyo.Hindi isang tao, hindi isang hayop. Ngunit isang engkantong naghahari sa buong lupain, siya si Dakila, ang dakilang emperador ng mga Bughaw.

    detail
  • Hybrid's Territory (Tagalog Bxb)

    Hybrid's Territory (Tagalog Bxb)

    Fantasy BL

    Dahil sa kakaibang kulay ng kanyang mga mata, isang halimaw ang turing sa kanya ng iba. Sinasaktan. Tinataboy. Walang may gustong lumapit at makipagkaibigan. Lahat ay kinasusuklaman siya. Kayang indain ni Louise ang lahat ng iyon basta't nariyan lang ang kanyang pamilya. Subalit sa pagkawala ng mga ito, nawalan na rin siya ng tibay ng loob. Ngunit umabot sa sukdulan ang galit sa kanya ng mga tao. Siya ang tinuturong salarin sa sunod-sunod na pagpaslang sa kanilang bayan. Isang gabi, kinuyog siya ng taong bayan. Gusto siyang patayin. Tumakbo siya ngunit nakorner siya ng mga ito. Wala siyang ibang pagpipilian kung 'di ang pumasok sa loob ng Dermont forest. Ang pinakdelikadong lugar sa bayan Dermont. Walang nakakalabas na buhay sa lahat na mapangahas na pumasok dito. Hindi na siya hinabol ng taong bayan subalit kakaibang nilalang naman ang gusto siyang paslangin. At ang kakaibang nilalang na ito ay hindi lang nag-iisa, kung 'di marami sila!At hindi niya inaasahan na sa pagising niya, ibang mundo na ang kinasasadlakan niya at sa tingin niya'y dobleng hirap ang mas mararanasan niya lalo na sa isang nilalang na nagmamay-ari ng isang teritoryo.

    detail
  • Lily (Taglog Novel)

    Lily (Taglog Novel)

    Lily, by her name you can say that she's fragile, feminine and Innocent, but she's beyond our imagination.In Lewisiville, she is famous because she can slay, she's a huntress. Kaya niyang makipag buno sa mga halimaw na siya mag isa and because of that madaming gusto siyang kunin para sa serbesyo at yun ay ang pag huhunting.Here comes a big opportunity for her, she was given a task to hunt a dangerous monsters, not just a normal monster—they are different sa mga na huhunting niyang mga halimaw, and because it has a big cost she accept the offer.Pero alam niya ba ang mga kakaharapin niya para mahanap at mahuli ang mga halimaw na iyon? What if hindi pala isang normal na pag huhunting lang sa ANIM na HALIMAW na iyon? Can she take?

    detail
  • Florenzia Mysteria

    Florenzia Mysteria

    Fantasy ACTION ADVENTURE

    Sino si Florenzia?Ang dalagang namumuhay ng mag-isa sa gitna ng ipinagbabawal na gubat, ang Forbidden Forest. Lugar kung saan napapaligiran at pinaninirhan ng mababagsik at mababangis na mga halimaw sa lugar ng Leria. Ano ang misteryo ang nababalot sa katauhan ni Florenzia? Siya ba ay may hatid na maganda sa mundo ng Leria? O ang kabaliktaran nito? Halina't tunghayan natin ang pakikipagsapalaran niya sa mundo ng mahika. Pakikipagsapalaran sa paghahanap ng hustisya sa mga taong pumaslang sa kaniyang kinilalang mga magulang.

    detail
  • D.I.D

    D.I.D

    Urban R18 MYSTERY KILLER

    Isang babae ang pinagkaitan ng magandang buhay. Lumaking hindi kilala ang magulang, walang gustong makipag kaibigan, at inaalispusta ng kung sino man. Dahil sa hindi niya kayang lumaban para sa sarili niya, hindi niya alam, nakabuo siya ng halimaw kung saan lahat ng hindi niya kayang gawin, ay sila ang gumagawa. Subaybayan ang storya ni Dianne at kilalanin pa natin ang dalawang halimaw na kanyang tinatago.

    detail
  • Major Concequence! The Limited Hero

    Major Concequence! The Limited Hero

    Fantasy ACTION ADVENTURE OVERPOWERED

    Si Aleph ay isang overpowered Legendary Hero. Pero kahit na nagtataglay siya ng pambihirang lakas, mayroon pa rin siyang isang kahinaan na maging siya ay hindi ito kayang mapaglabanan—ang paggamit ng iisang mahika na pang-opensa o pang-depensa. At hindi lang ito, matapos pa niyang magamit ang kaisa-isang mahika na pang-opensa man o pang-depensa man ay hahantong na naman siya sa isang sitwasyon na maging siya ay hindi ito kayang mapaglabanan—ang pagtulog.Si Naxa, isang negosyante at nagmamay-ari ng isang kumpanya, ay naka-engkwentro ng isang Mythical Creature—isang Werewolf. Sinubukan niyang makatakas mula sa Werewolf kasama ng isang batang babae na kinuha niya mula sa halimaw. Sa pamamagitan ng kaalaman niya sa iba't ibang klase ng mga mahiwagang items at elixirs, napagtagumpayan niya na mailigtas ang batang babae mula sa Werewolf pero nailagay naman niya sa kapahamakan ang kanyang sariling kaligtasan.Kahit pa wala nang pagkakataon para gumamit pa isa pang mahiwagang elixir, gumamit pa rin si Naxa, dahil umaasa siya na mayroon siyang matatawag na maaaring magligtas din sa kanya mula sa Werewolf.Sa mga panahon na parang wala nang pag-asa, dumating si Aleph at iniligtas si Naxa mula sa Werewolf. Dahil sa sobrang pagod, at side effect ng nainom ni Naxa na mahiwagang elixir, nakatulugan na niya ang lahat at hindi na nagawang makapagpasalamat man lang kay Aleph...

    detail
  • Game Fighter

    Game Fighter

    Subaybayan nating panlalakbay nila Sesame, Elvin at Renzo sa mundo ng laro.Para malaman natin kung paano sila maka-survive sa laro..Malalakas na player at halimaw ang makakalaban, mahirap mga Quest ang mapagdaanan. At maaari pang maaring mangyari...Kung saan susubukin ang kakayanan, katatagan pati na ang pag-iisip.Ito ang Game Fighter, lalabanan na nila ang bagsik na laro ng buhay.

    detail
  • I Only Level Up | (Solo Leveling) TAGALOG.

    I Only Level Up | (Solo Leveling) TAGALOG.

    Sci-fi ACTION ADVENTURE SYSTEM

       (Only I level up) (Korean: 나 혼자만 레벨업; RR: Na Honjaman Level-up; lit. I Alone Level Up) I Alone Level-Up known as Solo Leveling is a popular light novel covering Action, Adventure, and Fantasy genres. Written by Chu-Gong (추공) on February 14, 2014. It was then serialized as a novel in Papyrus that ended with 14 volumes and 270 chapters. Solo Leveling Wiki Solo Leveling Wiki: Read Solo Leveling Novel (Only I level up) is a South Korean novel written by Chu-Gong. It was serialized in Papyrus and later in Kakao’s media platform KakaoPage and concluded with 14 volumes and 270 chapters. The novel has been licensed in English by Webnovel under the title solo levelling Only I Level Up. 10 taon na ang nakalilipas, pagkatapos ng "Gate" na konektado sa totoong mundo sa mundo ng halimaw na binuksan, ang ilan sa mga ordinaryong, araw-araw na mga tao ay tumanggap ng kapangyarihan upang manghuli ng mga monsters sa loob ng Gate. Kilala sila bilang "Hunters". Gayunpaman, hindi lahat ng Hunters ay malakas. Ang pangalan ko ay Sung Jin-Woo, isang E-ranggo na Hunter. Ako ay isang taong may panganib sa kanyang buhay sa pinakamababang mga piitan, ang "Mahina sa Mundo". Ang pagkakaroon ng walang mga kasanayan na maipakita, bahagya kong nakamit ang kinakailangang pera sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa mga mababang antas na mga piitan ... hindi bababa sa hanggang sa nakita ko ang isang nakatagong piitan na may pinakamahirap na kahirapan sa loob ng mga D-ranggo na mga piitan! Sa huli, habang tinatanggap ko ang kamatayan, bigla akong nakatanggap ng kakaibang kapangyarihan, isang log ng paghahanap na nakikita ko lamang, isang lihim sa pag-level up na alam ko lamang! Kung nagsanay ako alinsunod sa aking mga pakikipagsapalaran at pangangaso ng mga monsters, tataas ang aking antas. Ang pagbabago mula sa pinakamahina na Hunter hanggang sa pinakamalakas na S-ranggo ng Hunter!

    detail
  • Hemira, Anim na mga Kasamahan

    Hemira, Anim na mga Kasamahan

    Ang prinsesa ng kaharian ng Gemuria ay nabihag ng mga masasamang nabubuhay at halimaw kaya naman si Hemira, ang heneral ng mga mandirigma ng kahariang ito ang naatasan upang iligtas ang prinsesang nabihag. Ngunit bago niya magawa iyon ay kailangan niya munang hanapin ang anim na makakapangyarihang nabubuhay na makakasama niya at makatutulong sa kaniya sa pagliligtas sa prinsesa. Magagawa niya kayang makumpleto ang mga nabubuhay na iyon at mailigtas ang kanilang prinsesa? Paano kung hindi makisama ang mga ito sa kanya? At sino sa anim na iyon ang makakahuli ng kaniyang puso at makakapagpa-ibig sa kaniya na ang tanging alam lamang ay kung paano ang makipaglaban? Ito ang kanyang mga paglalakbay sa iba't-ibang mistikal na lugar na puno ng aksyon at siya si Hemira, sisimulan na ang paghahanap niya sa kanyang Anim na mga Kasamahan.

    detail
  • The Leged of Daya

    The Leged of Daya

    Mas gugustuhin ng kasaysayan ang mga alamat keysa sa mga tauhan nito. Mas inuuna ang saya keysa sa pait mula sa mga matatayog na hiyaw hanggang sa mga tahimik na hikbi. Naaalala nito ang labanan ngunit hindi ang mga dumanak na dugo. Ngunit kahit ano pa man ang naaalala ng kasaysayan tungkol sa akin, kung ako man ay maaalala pa nito, tanging maliit na kapiraso ng katotohanan lamang ang maililimbag. Dahil kahit ano at sino pa man ako - kaibigan, sugo, tagapagligtas- tanging ang aking maalala sa aking sarili, bilang ako, ay isang...Halimaw.Ako si Daya, at ito ang totoo kong kuwento.

    detail
  • The Billionaire's Switch [Filipino/Tagalog]

    The Billionaire's Switch [Filipino/Tagalog]

    Fantasy COMEDY ENEMIESTOLOVERS MAFIA FORBIDDENLOVE GETTINGBACKTOGETHER WATTPAD RICHDAUGHTER IDENTITYEXCHANGE SUBSTITUTE TYRANT FALLS IN LOVE

    Sa edad na labinwalong taon ay sumabak sa matinding labanan si Aero Babel. Isa siya sa libo-libong sundalong pinadala sa isang kakaibang mundong puno ng mga halimaw. Paano kaya siya makakaligtas sa lugar na tinatawag na Beast City kung ito ay maituturing na isa sa mga kilalang lugar na pinamumugaran ng mga malalakas na mga halimaw.

    detail
  • MAHARLIKA: Modernong Katipunero

    MAHARLIKA: Modernong Katipunero

    Ang tawag sa kanila ay mga Hunters, ang mga modernong katipunero ng bansang Pilipinas. Pero ano nga ba talaga sila? Pumapaslang lang ba sila ng mga masasamang nilalang sa dilim para protektahan ang mga inosente? Ang mga Hunters ay mayroong tinatawag na 8th sense, isang uri ng superhuman ability na ginagamit nilang panlaban sa mga folkloric creatures na naghahasik ng lagim sa kahit na saang parte ng bansa.Bago pa man tumapak sa delikadong mundo ng mga Hunters ang ating bida, mapupunta muna siya sa isang malagim na uri ng laro, ang death game o tinatawag ng mga Hunters na Awakening Phase.Dito masusubukan ang kaniyang tatag, tapang, at lakas pati na ang iba pa niyang mga kasama bago tuluyang magising ang natutulog nilang 8th sense.Mamumulat sila sa bagong mundo na hindi nila inakalang totoo. Mga nilalang na nababasa lang sa mga kuwento at sinasabi ng mga matatanda ay nagkalat at kailangan nilang gamitin ang buong lakas at talino nila para pigilan at puksain ang mga ito upang maprotektahan ang mga kapwa Pilipino.Mga modernong katipunero, lalaban hindi sa mga mananakop kundi sa mga halimaw na hindi kayang tapatan ng mga ordinaryong tao lamang.

    detail