Kastilyo Novels & Books - WebNovel

Not your preferred language? Here to Choose your language.

About 4 results

  • Lost With You (Tagalog BL)

    Lost With You (Tagalog BL)

    LGBT+ ROMANCE SURVIVAL BL YAOI TAGALOG

    Sumabog ang sinasakyang cruise ship nina Cyan at nang lalaking pinangalanan niyang Red—nagkaamensia ito matapos makaligtas sa trahedya—na papuntang Japan. Kapwa sila nangangapa sa pagsubok ng survival sa isla. Magkatuwang sila sa paghanap ng pagkain, tubig at matutuluyan upang mabuhay habang naghihintay ng tulong. Lumipas ang mga araw, ang dating magkakilala ay napalapit sa isa't isa, kasabay nito ang pagtayo nila ng sarili nilang kastilyo sa paraisong sila ang namumuno. Bumuo ng pangako sa isa’t isa na ang isla ang tanging saksi.Dumating ang tulong na dati’y inaasam nila—pero ngayo’y kinakatakutan na nila. Bumalik din ang mga alaala ni Red, at natuklasan nilang pareho na nakatali na pala ito sa iba. Paano na ang mga pangakong binuo nila? Paano na ang pagmamahalan nila?

    detail
  • The Secrets (R18)

    The Secrets (R18)

    Fantasy R18 DRAGON

    Isang babaeng magtatangkang alamin ang lihim ng kastilyo na matagal nang hindi alam kung ano o sino nga ba ang mga nilalang doon.At isang nilalang mula sa kastilyo na laging nakikisalamuha sa mga tao ngunit hindi batid ng mga ito.Anong mangyayari kung ang kanilang mga landas ay magtatagpo?Malalaman kaya ng babae ang lihim nito at ng kastilyo?At ano naman kaya ang mangyayari kapag nalaman niya na ito?#G×GThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.Plagiarism is a crime punishable by Law.Only suitable for ages 18+All Rights Reserved 2020Book Cover made by LittleHyuung

    detail
  • Kaharian ng Haraya

    Kaharian ng Haraya

    Fantasy ROMANCE MAGIC TEEN

    Kabayanihan ang pagiging isang alagad ng sining. Ito ang nagtuklasan nina Ella na isang manunulat, Tino na isang musikero, Patrick na isang mananayaw, at Joel na isang mangguguhit sa kanilang karanasan sa Kaharian ng Haraya na kanilang babaunin sa pagbabalik nila sa mundo kung saan nila tutuparin ang kanilang mga pangarap at susundin ang sinasabi ng kanilang mga puso – ang pagiging makasining. Bandang alas-10 ng umaga ng Sabado, unang araw ng Pebrero, taong 2020, naghahanap mula sa kanyang laptop ng maaaring salihang spoken word event si Ella, isang manunulat at graduating high school student. Kanyang binisita ang isang link sa website na pagtatanghal.com sa pag-aakalang isa lamang itong simpleng kaganapang sasalihan ng iba’t ibang uri ng artista. Subalit biglang nagkaroon ng nakasisilaw na liwanag mula sa screen ng kanyang laptop at pagkadilat niya ay wala na siya sa kanyang kwarto, kundi nasa kastilyo na ng Kaharian ng Haraya. Maya-maya ay nakita niyang sumulpot bigla sina Tino, kumukuha ng kursong music; Patrick, high school student na hilig ang pagsasayaw, nakababatang kapatid ni Tino; at Joel, bank teller mula Lunes hanggang Biyernes at tattoo artist naman kapag wala siya sa trabaho niya sa bangko. Sina Tino, Patrick, at Joel ay mula rin sa mundo ng mga tao na napunta sa nasabing kastilyo dahil din sa link na pagtatanghal.com na nakita ni Tino sa kanyang cellphone. Sa labas ng kastilyo ay nakita nila na naglalaban ang mga nilalang, ngunit protektado ang kastilyo at isang entablado sa harap nito ng mahiwagang panangga. Sa loob naman ng kastilyo ay nakilala nila si Prinsesa Masining na may mahikang gumawa ng mga bagay base sa kanyang mga nakikita. Ayon kay Prinsesa Masining, naroon ang apat upang tulungang maisaayos ang Haraya at maibalik ang pagmamahalan at pagkakaisa sa kaharian na nawala mula noong inagaw ng isang tusong heneral, si Heneral Baligho, ang makapangyarihang korona ng kanyang amang-hari na si Kahalangdon. Ang korona ay makapagbibigay sa sinumang may suot nito ng pambihirang katalinuhan at kasagutan sa mga misteryoso sa Haraya. Naganap ang pagpatay ng heneral, na may pambihirang husay sa pakikidigma, kay Haring Kahalangdon sa mahiwagang entabladong pinagdarausan ng masasaya at makukulay na pagtatanghal – ang entabladong nasa harapan ng kastilyo na nababalutan rin ng mahiwagang panangga. Subalit nadungisan ang entablado ng pagiging sakim sa kapangyarihan ni Heneral Baligho. Mula noon, nawalan ng pagmamahalan sa kaharian, maliban sa mga mahikerong nasa loob ng kastilyo na pinoprotektahan ng mahiwagang panangga na gawa ni Haring Kahalangdon bago siya malagutan ng hininga. Sa tulong ng iba pang mga mahikerong nasa loob ng kastilyo, kikilalanin nina Ella, Tino, Patrick at Joel ang Haraya. Matutunghayan nila ang iba’t ibang klase ng mahika na kayang gawin ng mga mahikerong sina: Reyna Kasiki na ina ni Prinsesa Masining, may makapangyarihang tinig kapag umaawit na kayang pumukaw ng atensyon ninuman; Prinsipe Klasiko na pinsan ni Prinsesa Masining, may kakayahang lakbayin ang iba’t ibang panahon at mundo; Prinsesa Kakaniyahan na kapatid ng hari, may kakayahang basahin ang pagkatao at iniisip ng sinuman; Prinsesa Rosida na asawa ni Prinsipe Klasiko, may kakayahang magpausbong ng mga halaman, puno at bulaklak; at Prinsipe Marahuyo na anak nina Prinsipe Klasiko at Prinsesa Rosida, may kakayahang magpaamo at magpasunod ng mga hayop. Sa papaanong paraan kaya makatutulong sina Ella, Tino, Patrick, at Joel na walang taglay na mga kapangyarihan na tulad sa mga mahikerong makakasama nila sa Kaharian ng Haraya?

    detail
  • Talunan Nga Ba Ang Prinsesa Ng Huolan?

    Talunan Nga Ba Ang Prinsesa Ng Huolan?

    Si Trisha Herlaz ay isang modelo at magaling na martial artist at cultivator. Ngunit isang araw habang siya ay pararangalan ng "Noble Excellency Award" isang matagal na niyang inaasam-asam na parangal sa martial arts school, hindi inaasahan ang kaguluhang magaganap kung saan dito masasawi si Trisha...Ngunit hiniling niya na sana manatili pa siyang buhay at maenjoy ang buhay... Kaya nang magmulat siya ng mga mata doon niya nalaman na nasa ibang bansa at panahon siya. Napag-aralan niya ang mga sitwasyon at kailangan niyang ipaghiganti ang may-ari ng katawan na gamit niya.Siya na si Cheng Xiaoran, ang nag-iisang prinsesa ng kahariang Huolan di marunong magcultivate ng inner chakra at chi. At may mahinang katawan kaya naaapi ng mga taong may alam sa martial arts!Ngunit napakaarogante, mainipin,at makulit nito...Nagkagusto rin si Xioran sa isang napakagwapong anak ng pamilyang Fei, isang napakagaling na cultivators na pamilya sa kahariang Huolan,dala sa kanya sa kapahamakan sa nakaraan nito.Gusto nitong maghiganti sa lahat ng tao na nanakit sa kanya kasama na ang lalaking pinakamamahal niya. At itama lahat ng pagkakamali...Pero kailangan nya munang mahanap ang "nakatadhana" para sa kanya upang masira ang sumpa...Ngunit ayaw payagan ng hari't reyna si Xiaoran na lumabas ng kastilyo dahil mapanganib daw para sa kanya. Ngunit buo na ang pasya niya...Para makalabas ng kastilyo, kailangan niyang magbalatkayo bilang isang lalaki upang hindi mahalata ng pamilya niya na sumuway sa kanyaHabang nasa sitwasyong iyon nakatagpo siya ng bakla na napakakulit at laging lumalapit sa kanya...Magagawa kaya ni Trisha na ngayon ay si Xiaoran na ang kagustuhan ng may-ari ng katawang gamit niya?...Basahin ang mangyayari sa kwento ni Trisha Herlaz na naging si Cheng Xiaoran sa makalumang panahon...Halika tunghayan mo ang bawat mangyayari sa buhay ni Xiaoran. Basahin mo ang kwento niya....

    detail
  • No more results