Memitim Novels & Books - WebNovel

Not your preferred language? Here to Choose your language.

About 24 results

  • The Billionaire's Innocent Maid (R18/SPG)

    The Billionaire's Innocent Maid (R18/SPG)

    RATED 18 - MATURE CONTENT Si Hera Louisiana Reyes ay isang outcast ng kaniyang pamilya. Siya ay itinuturing na isang itim na tupa at tinatrato nang masama. Sa kaniyang mga kapatid, siya lang ang hindi nakapagtapos ng kaniyang pag-aaral. Isa siyang waitress ng isang sikat na restaurant ngunit natanggal dahil sa pananampal niya sa pinsan ng kaniyang amo. Naghanap siya ng trabaho at isang araw ay may bigla na lang sumulpot na lalaki at nag-alok sa kaniya ng isang trabaho na may malaking sahod. Kahit desperado siya, tinanggap niya ang trabaho. Ngunit hindi niya alam na ang trabahong naghihintay sa kaniya ay magdadala lamang sa kaniya ng sakit at kakaibang sarap na hindi pa niya nararanasan sa tanang buhay niya. Ano na lang ang kaniyang magiging reaksyon kung isang araw ay natagpuan na lang niya ang kaniyang sarili na may kakaibang relasyon sa kaniyang Amo?

    detail
  • niyebang itim

    niyebang itim

    detail
  • Itim na Ulap

    Itim na Ulap

    detail
  • UNO (Tagalog)

    UNO (Tagalog)

    Action ACTION ROMANCE MYSTERY

    Seryoso ang mukha ng lahat habang nasa conference room lalo na ng bigyan bawat isa ng folder na naglalaman ng panibagong assignment. Huminga muna ang lalakeng nasa harap na bahagyang may edad na ngunit matikas pa rin ang tindig. Nakasuot ito na itim na vest na nakapatong sa suot nitong putting amerikana. Ganoon din ang suot ng iba pang nasa loob ng silid.“Your folder contains the information we’ve got about Agent One who disappeared for almost ten years. That person has no identity and left no traces at all. We thought he’s dead but a source confirmed he’s still alive and still working on something. That’s why we have to know what happened to him and his reasons for not reporting in this office for those years we thought he’s dead.” Pagpapaliwanag ng lalake kasabay ang mga bulung-bulungan. Maya-maya’y nagtaas ng kamay ang isa sa mga nakaupo na nakikinig. “Yes, Agent 15?” Tawag ng lalakeng nakatayo sa nagtaas ang kamay.“Why do you need us all in this case, Michael?” Tanong nito na hindi na nag-abala pang tumayo.“Good question. The Greater Heights needs all of its agents in this case. Why? Dahil hawak ni Agent One ang data na naglalaman ng mahahalagang impormasyon patungkol sa ating lahat. Nung aktibo pa siya sa organisasyon, siya ay isa sa may access sa ating system. Nang mawala siya at ideklarang patay, hindi na binago ang ating system. Ngunit ngayong may impormasyong buhay siya, huli na para mabago pa ang lahat. Kaya kailangang maibalik siya at tinayaking walang nag-leak sa mga hawak niya. Dahil kapag nagkataon, mamimilgro hindi lamang ang mga buhay nating lahat kundi lahat ng mga taong malalapit sa ating buhay.” Pagpapaliwanag ng lalake. Kita ang pagkabalisa ng lahat.“Finding a missing person is the easiest thing a single agent can do, Michael.” Wika naman ng isang pang agent na nakaupo na sinang-ayunan naman ng marami.“Yes….unless wala na ang lahat ng source maging ang lahat ng may koneskyon kay Agent One.” Sagot ng lalake na ikinatahimik ng lahat.***********************************************Basahin ang makabagong istorya na puno ng aksyon, misteryo, at pag-big."UNO"sa panulat ni B.M. CervantesCopyright by B.M. CervantesAll Rights Reserved 2020

    detail
  • Kiss of Death and Shadows

    Kiss of Death and Shadows

    Fantasy ACTION ROMANCE MAGIC VAMPIRE DEVIL SMUT TAGALOG

    4.87

    (Formerly known as "My Boyfriend is a Grim Reaper")"A kiss has tied her soul in the hands of the prince of darkness."Lexine died on the night of her sixteenth birthday. Ngunit dahil sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari ay nakatakas siya sa kamatayan. Makalipas ang limang taon ay isa na siyang sikat na ballerina at namumuhay sa ibabaw ng mundo bilang nag-iisang tagapagmana ng sikat na business tycoon. In a snap of a finger, she could have anything she wants. Ngunit ang perpekto mundo ni Lexine ay mabilis na bumaliktad sa pagdating ng isang misteryosong lalaki na nagtatago sa itim na hood at nababalot ng kakaibang tattoos. May sinisingil itong kabayaran mula sa isang kasunduan na hindi na niya naaalala.Paano tatakasan ni Lexine ang lalaking ito? Lalo na't hindi lang buhay niya ang nasa panganib-dahil maging ang puso niya ay gusto nitong angkinin. GENRE: Romance, Urban Fantasy, Paranormal, Suspense*** GRIM REAPER CHRONICLES ***Book 1: Kiss of Death and Shadows (Ch.1-119)Book 2: Touch of Wrath and Blood (Ch.120-235)Book 3: Embrace of Night and Fury (Ch.236-339)TRIGGER WARNINGS: Violence, use of inappropriate words, attempted r*pe, nudity, religious topics, physical & woman assault, loss of a loved one, kidnapping, graphic death, mass death, gore, murder, torture, emotional abuse, child abuse, self-harm, insects, blood, drug & alcohol use, nightmares, child traumas”Anj Gee Novels”Grim Reaper Chronicles- CompletedAdik Sa'yo - On Hold[Sexy Monster Series]Bite Me- CompletedTeach Me- CompletedMate with Me- TBA—————Join our FB group: Cupcake Family PHLike Anj Gee's FB Page: facebook.com/AnjGeeWrites

    detail
  • Might God: The Legend

    Might God: The Legend

    Ito ay kwento ni Might o kilala bilang "Might God" Sya ay isang binata na nais maging isang ganap na Manlalakbay/Mandirigma at nag nanais na makapasok sa sikat na akademya na nag ngangalang "Pinagsama". Sa paaralang ito ay mahahasa ang kagalingan ng bawat isa at mahasa ang kanilang mga kakayanan mapa mahika man o ispiritwal. Ngunit kung sino man ang walang kakayahan na gumamit ng Mahika o Ispiritwal na kapangyarihan ay hindi makakapasok sa paaralang ito sapagkat walang lugar ang mga walang kakayahan sa lugar na ito.Sa mundong ginagalawan ni Might ay may tatlong uri ng tao at kung ano ang mga kakayahan nito.Mahikeros - May kakayahang gumamit ng mahika at iba pang katangian ng nag mamahika. May dalawa itong klase. Itim at Puti.Anti Mahikeros- May kakayahang ispiritwal at pisikal na lakas. May dalawa din itong uri. Itim at Puti.Inaktibos- Mga walang kakayahan mapa ispiritwal man o mahika. Tanging mga normal na tao lamang ang mga ito. kadalasan ang mga ito ay mga alipin o mamamayan lamang ng isang bansa o nasyon.---Author's Thought -----------Ang kwentong ito ay isang nobela. Ang bawat karakter,lugar o pangyayare sa kwentong ito ay kathang isip ko lamang. Paumanhin kung meron akong nagagamit na pangalan ng nabubuhay man o namayapa na. Ang intensyon ko lamang ay gumawa ng kwento at ibida ang Pilipinas at ang mga Pilipino bilang isang magaling na manunulat sa lahat ng dako ng mundo.

    detail
  • Self Healing Magic

    Self Healing Magic

    Sci-fi ROMANCE MAGIC DEVIL LEVELUP VIDEOGAME

    4.54

    Gusto ni Yman magkaroon ng mahika na makapag pagaling ng may sakit. Para mapagaling ang ina na may karamdaman. Kaya sobrang saya niya dahil ang naka display sa status Job niya ay Healer. Ngunit ang nakalagay sa skill section na magic spell, ay lowest D rank Healing Magic or Self Healing Magic? Unang araw ng mission ng grupo ni Yman sa loob ng itim na butas, kasama ang pinakamagandang transfer student na si Maena. Hanggang saan si Yman dalhin ng kanyang self healing magic? Ano ang naghihintay sa kanila sa loob ng itim na butas? Magtagumpay kaya sila sa kanilang misyon? O di kaya.....

    detail
  • Death's Warm Embrace

    Death's Warm Embrace

    Sci-fi KIDNAP

    Andy is a Reaper. She must work with The Ferrymen to stop The Memitim from going on a killing spree. This would be easier if she wasn't just now, at the age of 24, receiving her training as a Reaper. Will she be able to stop The Memitim before they kill all everyone they come in contact with? Or will she have to watch as humans and Reapers alike die at their hands?

    detail
  • THE THIRDS BOOK 2: UNCONDITIONALLY (OATH NECKLACE)

    THE THIRDS BOOK 2: UNCONDITIONALLY (OATH NECKLACE)

    Urban ROMANCE CAMPUS FIRSTLOVE

    Si Dave? Sa unang tingin mukha itong suplado. Notorious playboy type, gayun pa man ay relax ang aura ng mukha nito. Halatang may lahing Latino. Obvious iyon sa kulay nitong hindi maitim at hindi rin maputi, sobrang ganda ng ilong at pula ng labi. At ang buhok nitong medyo kulot na may kahabaan ay parang itim na damong gumapang pababa sa batok nito. At siguro kung ganito kagwapo ang boyfriend niya, ready siyang umiiyak ng kahit ilang beses pa! Pero hindi siya pinaiyak ni Dave. Dahil higit pa yata sa kayang gawin ng sinomang lalaki ang ginawa nitong sakripisyo at pagpoprotekta kay Audace. At ang lahat ng iyon ay sapat na para mahalin niya ito ng buong puso. Ang maganda pa, mahal na mahal rin pala siya ng binata. Masasabi niyang masyado siyang imperfect para sa isang lalaking katulad ni Dave kaya unti-unting nilamon ng matinding insecurity ang puso niya. Pero gaya ng madalas na mangyari noon pa man. Naroon parin si Dave para sagipin siya. Pero hanggang kailan siya kayang sagipin ng kanyang knight in a shining armor? Paano kapag nalaman nito ang sikreto niya? Lalo na’t muling nagbalik si Alfred at nakahanda siya nitong bawiin kay Dave anuman man ang mangyari. Masagasaan na ang masasagasaan, masaktan na ang lahat ng pwedeng masaktan?

    detail
  • Friends Series

    Friends Series

    Teen ROMANCE TEEN FAMILY

    ? Oooooohhhh…ohhh… (Ako'y Dyooooosaaaa)Di ba't sabi mo, napaka-olats ko…Wag nang magpaganda,Sayang lang ang oras ko.Sa kapal ng kilay,Pwedeng hide-outSa itim ng balat,Yari pag nagbrown-out ? Pagpasok ko pa lang sa lobby ng pinagtatrabahuhan ko ay lahat napatingin sa akin. Literal na lahat. At lahat sila ay napatigil sa kaniya-kaniyang ginagawa. I smirked before passing them."Model ba yan?" "Artista kaya?""Ang ganda niya!"? Lumipas ang ilang taon,Humanda kang ngumanga(aha)Pag nakita mo ako ngayon,Mala-Venus ang ganda!!! ?"Uy pre tignan mo ang ganda!""Ang sexy, pare!""May boyfriend na kaya siya?" Ilan lamang yan sa mga narinig kong sabi ng mga nadadaanan ko. Hindi ba nila ako nakikilala? Ang O.A naman nila kung ganon. Hindi ko alam na ganito pala kalaking pagbabago ang mangyayari sa buhay ko. Sana pala ay matagal ko ng inayos ang itsura ko para mas maaga nila akong tanggap.Nakakatawa talaga ang itsura nila. Hindi ko yon ine-expect ha. ? Oohhh ohhh woaaaaaah…Ako'y Dyoooooosaaa…Sabi mo noon, oooohhhAmbisyoooooooosaaa!Anong ma-sesayHavey na havey!Di na ko waley,Hindi na ko chaka face!Woaaaaaah…Ako'y Dyoooooosaaa… ?Pumasok na ako sa opisina. At handa na sanang bumati kay Sir na nakatalikod sa akin habang siya ay may kausap sa telepono kaya tumikhim na lang ako para makuha ang atensyon niya. Agad naman itong napalingon sa akin at nagtaka naman ako nung makita ko ang nanlalaki niyang mata."Good Morning po Sir!" magiliw kong bati. Ang pogi-pogi talaga ni Sir Renzo. Kaya crush na crush ko siya pero konti lang "Hihihihihi" bungisngis ko pa.Umayos naman ng tayo si Enzo at tumingin sa akin. "Ahm.. What are you doing in my office Miss? What can I do for you?" magalang niyang tanong sa akin. "Pati ka ba naman Sir?!" gulat kong sabi "Ako ho ito si Beth!" magiliw kong pagpapakilala. Tumawa muna siya ng malakas tulad ng pagtawa niya tuwing nahihirapan at napapahiya ako. "Are you kidding me? Miss-I-don't-know-your-name stop this crazy things. Ang layo-layo ng itsura mo sa itsura ni Beth. You're gorgeous while she..." tumigil ito saglit "she's ah... not that pretty so. In other words you're not her. Stop joking around." natatawa pa nitong sabi.Kahit nasasaktan man sa panlalait ay ngumiti na lang ako ng pilit. "Hindi ho ako nagbibiro Sir!" seryoso kong sabi.Nang makitang seryoso ako ay dahan-dahan siyang tumigil sa pagtawa niya at tumayo ng tuwid. "Oh" sambit niya tila ba naguguluhan pa rin kung bakit ganito ang aking bagong itsura."Okay lang ho yon Sir! Magtrabaho na lang ho tayo!" at tumalikod. Ang sakit pala talagang marinig mula sa taong gusto mo yun. Pinunasan ko na lang ang kumawalang luha aking mga mata.Ako si Elizabeth Yngrid Alindogan. Ang Bethy la Panget sa kwentong ito na naging Bethy la Pretty?!

    detail
  • Mateo Leoron Teodoro

    Mateo Leoron Teodoro

    Sa isang baryo sa Pampanga noong sinaunang panahon, lahat ng mga tao ay may kanya-kanyang kaalaman sa kapangyarihang itim na kung tawagin nila sa kanilang wika ay KALAM. Ang KALAM ay isang malalim na salitang Kapampangan na ang ibig sabihin ay "The Gifted". Sa labis na pagkauhaw sa Kalam, magkakaroon ng matinding giyera sa kanilang lugar. Magpapalakasan ng kapangyarihan at mag-uubusan ng lahi para lang makuha ang lahat ng karunungang itim na nakapaloob sa Kalam. Dahil doon, nalagas ang lahat ng kanilang angkan at walang natira. Sa modernong panahon ngayon, may isa pang natitirang tao na taglay ang lahat ng Kalam. Siya si Father Mateo del Puero Salvador. At nagbabalak siyang ituro ito sa mga bagong Kapampangan. Ano kaya ang mangyayari kapag nabuhay muli ang kulturang ito sa panahon ngayon kung saan ang Kalam ay itinuturin na lamang sa kanilang lugar bilang alamat?

    detail
  • Trinity Blood

    Trinity Blood

    Fantasy ROMANCE VAMPIRE WEREWOLF HISTORICAL

    Warning: This reading content may contain violence.. "This year 3000, Taon kung saan ang mundo ay nahati sa tatlong parte.Ang Coronasian Empire sa Eastern(Asia) Continent kung saan kaming mga tao ang namumuno, Ang Develon Empire sa Western Continent(North America/Western Europe) kung saan ang mga werewolves ang namumuno,at ang panghuli ang Solemn Empire sa may upper continent Kung saan Ang mga Vampires ang namumuno. "Masasabi ko na kaming mga tao ay nagsisilbing livestock ng ibang uri... " "Kaya naman gumawa ang aking Grandfather ng isang samahan na ang tawag ay Crounux ,Ang crounux ay isang Vampire Hunter's na ang misyon ay sugpuin ang kasamaan ng mga vampires , hindi na namin binigyan pansin ang mga werewolves sa kadahilanang nagkaroon ng truce ang aming bansa at ilang libong taon na ding magka-alyansa. "Ako ngayun ang nagiisang anak ng kasalukuyang Hari ng Coronasian Empire, Ako Estelle Veronica Syldevan, ay kasalukuyang kinukoronahan sa aking kaarawan bilang isang ganap na Heirress ng Coronasian Empire, ng biglang sumugod ang malaking grupo ng Vampires at pinatay ang aking ama, at di pa sila nakontento naririto ako sa harap ng kanilang leader,nakaupo sa sahig sa harap niya mayroon siyang itim na buhok na kabaliktaran ng saakin na kulay puti na sinasabing ang mga may gantong buhok ay pinanganak para mamuno,Ang kanyang mata ay sobrang pula na kakulay ng dugo sa kanyang ispada na pinangsak sak Niya aking ama....... "Napatulo ang aking luha ,ngunit agad ko ding pinunasan at tumingin ng deretso sakanya, Kung ito man ang huling araw ko ngayun masaya ako at ikaw ang papatay saakin ,The king of of the Vampires ,Lord Dimitry Vladimir......." If you like this chapter enough to press the vote button then please leave a nice and criticizing comments and if you feel generous enough Share !, I'd really appreciate it thanks for reading...

    detail
  • Bloom of Death

    Bloom of Death

    Teen TRAGEDY CONQUER HISTORICAL KILLER

    "Hindi lahat ng taong nasa paligid mo, maaari mo nang pagkatiwalaan. Minsan, yung taong akala mo nasasayo ang katapatan 'yun ang kalaban," naibulong ni Ashley sa hangin bago pumikit at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Sa pagpikit ng dalaga, kasabay nito ang pagtunog nang isang makinang naka konekta sa kaniya, hudyat na tumigil na ang pag tibok ng puso nito at duon naka patong ang isang itim na rosas.Sa madilim na sulok ng hospital room kung nasasaan si Ashley, nakatago at naka ngisi ang isang tao na buong akala ng lahat ay matagal nang patay. Si Jamie, ang anak-anakan ng baliw na Principal ng Diel Xi Kil University.[If you ever receive a black rose, hide! Before you die!][This story is currently under revision. I am truly sorry for the errors, I hope you'd understand. Happy reading!]Date started: September 2018Date finished:

    detail
  • Grow (Tagalog)

    Grow (Tagalog)

    Habang paakyat si Yurika sa puno at palipat-lipat sa sanga, naaaninag niya ang buong kagubatan sa loob ng isla. Sinuot niya ang kanyang binoculars upang mapagmasdan pa ang magandang tanawin. Maliwanag sa kanyang paningin ang bughaw na kalangitang niyayakap ang mga bulak na ulap. Sa bandang kanan, natatanaw din niya ang isang burol na hindi abot ng gubat. Wala itong mga pananim at ligaw na halaman. Tanging puno lang ng akasya at maliliiit na damo lang na saktong bumabalot sa buong palibot ng burol.Ngunit may isang bagay na umani ng interes sa kanya. She zoomed in a little bit her binoculars. Sa burol na iyon may taong nakahiga. At ang mas maganda pa nito, wala itong pang-itaas na saplot. Lantad sa paningin niya ang hubad at maskuladong katawan ng lalaki. Ngunit hindi niya makita ang mukha nito 'pagkat natatakpan ito ng itim na sumbrero."Asar naman. I think kailangan ko ng bumaba. Parang may nangangailangan ng tulong," anitong nakangiti.

    detail
  • Yin and Yang: Chosen Ones

    Yin and Yang: Chosen Ones

    Sa itim at puti sino ang mananaig? Tunay na Pagmamahal ba ang babago sa lahat? Ikaw lang ang dapat maka-alam ng mga ikwe-kwento ko dahil kayo lamang ang makakahusga nito.. kayo ang magtutuloy para sa susunod na hinaharap. - Lunar Daee NightwalterDate Published : August 3, 2017 ( wattpad) Date Completed:*********Date Published : January 6, 2019 (Webnovel) Date Completed:*********Language: Tagalog/English

    detail
  • Behind the scene of 1940's (Filipino/Tagalog)

    Behind the scene of 1940's (Filipino/Tagalog)

    History ROMANCE

    Hong Kong1940 DecemberSa kalagitnaan ng tumitinding pangalawang digmaang pandaig ay wala paring tigil ang paroon at parito ng mga tao. Tulad na lamang ng magkapatid na sina Celio at Celia na kasalukuyang sakay ng naglalayag na pampasahirong barko mula Japan patungong Hong Kong.Maraming sakay ang barko na karamihan ay mga sino (Chinese), may mangilan-ngilang kanluranin din.Malaki ang kainan sa loob ng barko na halos puno na rin sa tanghaling iyon. Sa isang sulok na mesa ay makikita doon na nakapalibot ang limang ginoo na pangkanluranin ang kasootan.Dalawa sa mga ginoong iyon may mala mais na buhok, mapuputing balat at namamaga pa ang pisngi dahil sa lamig ng panahon kagaya ng isa pa na ang ipinagkaiba lang ay ang itim na buhok. Ang dalawang pang ginoo naman ay parihong may itim at kulot na buhok, maputi din ang mga ito marahil ay dahil sa matagal na pamamalagi sa kanlurang lupain, hindi nga lang tulad sa tatlo kanina na halata ang lahing kastila at amerikano.Masaya silang kumakain na animoy walang kagulohang nagaganap. May kung anu-anong pinag-uusapan na minsan ay nagkakatawanan pa. Marahil ay nakasanayan na lamang nila ang putukan, bumbahan at iyakan dahil sila ang mga sanggol na isinilang sa magulong panahon. At ngayon sa panahon ng kanilang tagsibol ay papaano nila gagampanan ang pagiging pag-asa ng bayan?"Nakakahiya mang aminin ngunit sasabihin ko parin." Wika ng isa na may mala mais na buhok na nagngangalang Alfredo Diaz. "Sa iyong kaanyuan ngayon ay mukhang higit ka pa yatang mas magandang lalake kaysa sa amin ginoong Celia."Sumang-ayon naman ang tatlo habang patuloy ang masayang kaninan."Ang pangit kasi, mas pagkakamalan pa akong babae kaysa sa kanya eh." Pagbibiro naman ng kapatid ni Celia na si Celio at napahalakhak ang mga kasama nilang mukhang mga kanluranin ngunit sa pilipinas isinilang at may lahing malaya."Nagsalita ang sampid." Banat naman ni Celia na kasalukuyang nakaayos ng panglalake dahil napagkatuwaan lamang nito."Ako sampid? Kala pala ang gwapo ko." Sinabayan pa iyon ni Celio ng malakas na tawa pati narin ng mga kasama nila kaya naman ay nagtinginan sa kanila ang iba pang naroon na kumakain din.Nagkasabay naman na siminyas ng katahimikan sina Manuel Revera na may mala mais ding buhok at Robert Taylor na siyang nag-iisa sa kanilang may lahing kano."Bukas ng umaga ay dadaong na ang barkong ito sa hongkong, may pupuntahan pa kaming tatlo kaya baka hindi na kami makasabay sa inyong magkapatid pauwi." Seryosong pahayag ni Robert.Natigilan naman si Celia dahil ibig sabihin niyan ay hindi na niya makikita ang matagal na niyang hinahangaan (daw) na walang iba kundi ang makisig na si Robert.Ano bang pwedi niyang gawin? Nais niya pang makasama ito ng matagal. At hindi niya pa nakukuha ang kailangan niya dito."Nako tamang-tama lamang iyon dahil nais din namin ng kapatid ko na mamasyal muna sa hongkong." Pagdadahilan ni Celia na sasalungatin sana ng nakababatang kapatid na nasa tabi niya, mabuti na lamang at tumingin muna ito sa kanya, at sa tinginan ng magkapatid ay nagkaintindihan sila. "Wala kaming kakilala dito sa Hong Kong, baka pweding sumama narin kami sa inyo?"Nagkatingin ang tatlo, halata sa mga mukha ng mga ito ang hindi pagsang-ayon sa sinabi ni Celia."Ah kasi..." Hindi naman alam ni Alfredo kung ano ang dapat sabihin."Kung hahayaan mong sumali si Celio sa amin ay pwedi namin kayong isama." Si Robert ang nagsalita. "We're not going there just for fun.""I can't let him join that secret org of you people." Pagtanggi naman ni Celia. "Bakit hindi nalang kaya ako ang pasalihin niyo?"Natawa ang mga ginoo sa winikang iyon ni Celia."Ayaw mong pasalihin si Celio pero gusto mong isali ang iyong sarili?" Pagpapalinaw ni Manuel kay Celia.

    detail
  • Tales of Celeste

    Tales of Celeste

    Isang misteryosong lagusan ang bigla na lamang gumimbal sa tahimik na pamumuhay ng mga mamamayan sa mundo ng Albion. Nababalutan ito ng itim na mahika at aura na nagdudulot ng matinding panganib. Dahil dito ay agad na tinipon ni Haring Qesien ang pinakamalalakas na mandirigma sa kanilang mundo. Sa pangunguna ni Prinsipe Astro, ay naglakbay na sila patungo sa Camptarel Haven. Misyon nila na masugpo ang kadiliman, at tuluyang maisara ang lagusan. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay napabilang si Trese sa grupong ito. Isa lamang siya sa libo-libong mga alipin na pinagkaitan ng lakas sa mundo na punong-puno ng hiwaga at mahika. Ganoon pa man ay nanatili siyang mapagkumbaba at may pagmamalasakit sa kapwa. Ginawa ni Trese ang lahat, makasama lamang ang lalaking itinitibok ng kaniyang damdamin. Ngunit sadyang malupit sa kaniya ang tadhana. Sa pagbabalik ng mga naburang alaala, handa ba niyang isakripisyo ang mga mabibigat na tungkulin para lamang sa inaasam na kalayaan at kaligayahan? O babalik siya sa tunay niyang katauhan?

    detail
  • Bloody Count

    Bloody Count

    Horror R18 SCARY

    Patungo ang walong magkakaibigan sa bahay bakasyunan ng binatang si Louis upang ipagdiwang ang kaarawan nito. Nguni't sa kasamaang palad inabot sila ng malakas na bagyo kaya napagdisisyunan nilang maghanap muna ng matutuluyan. Nadiskubre nila ang bayan ng San Fidel pero hindi nila alam ang panganib na nagbabadyang mangyari sa kanila sa lugar na iyon. Kinabukasan, napansin nilang nawawala ang isa sa kanilang kaibigan. Pinilit nilang hanapin ito nguni't may nadiskubre silang itim na sikrero na naghatid sa kanila sa kapahamakan. By counting in reverse, Everyone should run..Everyone should hide..Because if not,They will suffer and die.

    detail
  • Hell University (Abandoned University)

    Hell University (Abandoned University)

    Horror SYSTEM MYSTERY DARK GENIUS NONHUMAN DEVIL ACADEMY ABANDONED UNDEAD SURVIVALGAME

    Isang araw may Mag kaKaibigan na magtratransfer sa Isang sikat na Unibirsidad ang "Hell University". Kilala bilang isang Sikat na Unibirsidad Sa boung Mundo.....At ang nag tratransfer sa Unibirsidad na'to ay si'na Chris Alonzo , Alex Magalzo, Kristene Alfonzo,Stephanie Magan, at si Christian Gracia.Alex: Oi Sure na ba talaga kayo DitoChristian: Sure na Alex Bakit natatakot kabaAlex:: Oo. pangalan palang Hell University diba nakakatakot naChristian: Sabihin mo na. na Duwag KaChris: Hoy.. TUMIGIL. Na kayo ba ka Mag Kakapikonan na naman kayoStephanie: Oo nga mag Kakapikonan kayo tapos mag aaway away kaya Tigilan ninyo Na yanKristene: Oi Nandito na TayoAlex: Oo nga Nakakatakot talagaChristian:: Oo nga...,, bakit mukhang walang tao*****Kristene*****:: baka UmalisStephanie: Ehh paligid nito ayy gubat na ehh paano naman yun aalisChris: Oo ngaNarrator: Nakita ng mag kakaibigan na mukhang walang tao Tapos biglang may nag pakilala sa kanilaSofie: Hi sa Inyo Ako nga pala si Sofie Camaro Ako Nga pala Ang Isa sa Mga Guro Dito Sa Hell UniversityAlex: ahh Hi po Maam....Chris: Hi po maamKristene: Hi MaamChristian:: Hi po Maam.. Kami Nga pala Yung mga bagong Estudyante.....!Stephanie: Hi Maam... Maam Bakit Walang tao Dito sa Hell University????.Sofie: Baka Nasa Dorme Lahat SilaStephanie: Ahh kaya PalaSofie: ohh Hali Na Kayo ipapakita ko sa inyo ang Dorme NinyoLahat: Ok po Maam......Pag katapos nilang mag punta sa, Dorme nilaDahil sa pagud Nila Bigla bigla nalang sila na tutulog Tapos pag tung tong ng 3:00AmNag kanya kanya na silang gumising At si Kristene naman lumabas muna kasama niya ang libro niya Habang naka upo tapos biglang may nakita siyang lalaki na Naka itim......!!!Kristene: Sino Ka...????Lalaking na ka itim:: Isa ako Dito Na Estudyante sa Hell UniversityKristene: Ehh anong hawak moLalaking na ka itim:: Hindi mo ba alam na Sa pag tung tong ng 3.00Am Ay pwede kang pumatay kahit SinoKristene: haa?? Anoo??!!!!!Lalaking na ka itim: pwede kahit Sino pwede mong paslangin...Dahil sa Takot ni Kristene bigla nalang siya umalis papunta sa dorme niyaKristene: Oi kayong lahat alam ninyo ba dito sa paaralan na'to ay sa pag Tung tong ng 3.00Am pwede kang pumatayChris:: Hindi Namin alam at Impossibly naman yunKristene: Hindi Totoo may nag sabi sa akinStephanie: Sino????Christian: Oo nga Sino ang lalaking iyun????Kristene:: Hindi ko alam Basta Sabi niya lang na pag tung tong ng 3.00am pwede kang pumaslang ng kahit SinoStephanie: Grabe naman yun...!!!!Chris: Oo nga...Alex: Diba Sabi ko Naman sa Inyo nah Nakakatakot Dito Diba Alis Na TayoChristian: Huwag ka ngang DuwagAlex: Oo sige na duwag ako Dahil Hindi ko pa Gustong MamatayChris: Ahh kaya PalaKristene: Oi Lahat kaayo Tingnan ninyo ang nasa bintanaStephanie: Ang rami ng taong naka itim na nakatingin sa Atin ....Chris: Oo nga ang rami nila... Bakit kaya nila tako tini tingnan???.Kristene: Hindi kaya Gusto Nila tayong patayin..??Christian: Oo nga patayin na tayo Ehh anong Oras na ba ???Alex: 3.25am nah ..Stephanie: Anong Gagawin natin???Alex: Natatakot na Akoo!!!!!Chris: Isara ninyo ang bintana at pinto Walang lalabas Sa Atin ok...Lahat:. Okkk..

    detail
  • COLORS OF ROSES: THE BLACK ROSE

    COLORS OF ROSES: THE BLACK ROSE

    Realistic ROMANCE

    "Bakit kulay itim ang rosas na Ito?" Yan ang tanong Ng isang binatang lalaki. His name is Felix. Felix is a lonely guy that has no relationship with others, no friends, nothing. But it will all change when he met a girl.A girl that could put a color in his life, a girl that could put a color in his black rose. Ang babae na magpapatibok sa puso nya, ang babae na akala nya para sa kanya, ngunit panandalian lang pala.

    detail