Redefining Her
Sa tagal kong nagbabasa ng mga nobela, parang naikot ko na lahat ng klase ng plot.
Yung female lead na minamaliit, inaapi, maghihiganti, tapos magiging successful, and then— happily ever after.
Ulit-ulit. Walang bago.
Minsan gusto ko na lang pagalitan ‘yung mga author: “Ano ba ‘to, puro recycled?”
Pero nung huli kong binasa, doon na ako napuno.
Maganda sana ‘yung world, maganda ‘yung twist… pero ‘yung female lead?!
Walang diskarte, hindi marunong magluto, tapos mamamatay lang dahil sa gutom?!
Seriously?!
“Salamat, author,” sabi ko, “at nakuha mong igigil ako sa bida mong babae. Napaka walang kwenta.”
Then suddenly—
“Become her. Change the story.”
Akala ko glitch lang. Pero bago pa ako makapag-react, may liwanag na bumalot sa paligid ko…
At sa isang iglap, wala na ako sa harap ng laptop ko.
Ngayon, nandito ako.
Sa loob ng nobelang kinaiinisan ko.
At ang mas masakit?
Ako na ‘yung female lead.
Pero kung iniisip ng mundong ‘to na magiging tanga rin ako tulad niya…
well, think again.
This time, I’ll change the story.
And this time, the heroine fights back.