Forum Download app Gifts
50% (THS: Book 1) YINYANG UNIVERSITY *boyXboy* / Chapter 2: Chapter 1: Breaking the Time Rule!

Read (THS: Book 1) YINYANG UNIVERSITY *boyXboy* - Chapter 2 online

Chapter 2: Chapter 1: Breaking the Time Rule!

*** SHERO'S POINT OF VIEW ***

Malakas ang tibok ng aking puso habang binabagtas ko ang madilim na pathwalk sa likod ng school building namin. Alas siete na ng gabi at nandito ako sa loob ng campus para balikan ang naiwan kong notebook at libro sa algebra, naiwan ko ang mga iyon sa locker room. Meron kaming long test bukas ng umaga kaya kelangan ko iyong makuha para makapag-aral ako. Isang direktang paglabag sa school rule ang ginagawa kong ito, pwede akong patawan ng suspension o ang malala expulsion dahil dito. Siguradong patay ako kapag may nakakita sa akin na crimson, sana walang may makakita sakin. Sana wa...?

"Tigil!!!"

Naku lagot na. Napahinto ako sa paglakad. Ang narinig ko ay boses ng lalaki at kahit hindi ako lumingon ay alam kong nakasuot siya ng ternong kulay crimson na pants at blazer na isa lang ang ibig sabihin, kabilang siya sa crimson class. Ako nama'y nakasuot ng ternong kulay grey na pants at blazer na ang ibig sabihin ay kabilang sa grey class at hindi dapat naririto sa loob ng campus sa oras na 'to. Lagot na, ano nang gagawin ko ngayon? Haharap ba 'ko sa kanya at magmamakaawa na huwag akong isumbong at magpaliwanag na nandito ako dahil kukunin ko ang mga naiwan kong gamit? O huwag nang humarap at tumakbo na lang dahil baka dalhin niya 'ko sa office ng student council?

Tatakbo na lang ako at magtatago, hindi niya naman nakita ang mukha ko kaya hindi niya 'ko makikilala at masusumbong. Sana lang hindi siya mabilis tumakbo para hindi niya ako maabutan.

"Kung iniisip mong tumakbo, iyon ang huwag mong gagawin dahil mabilis akong tumakbo at sigurado akong maaabutan kita."

Napalunok ako ng laway dahil sa narinig ko mula sa lalaki sa likuran ko. Ano siya manghuhula at nahulaan niya ang gagawin ko? Pwes kung iniisip niyang maabutan niya 'ko iyon ang hindi mangyayari dahil hindi ako magpapahuli sa kanya nang buhay o sa kahit na sino mang crimson.

"Kung gano'n eh 'di habulin mo 'ko!" hamon ko sa kanya at walang lingon-likod na tumakbo ako nang mabilis sa abot ng aking makakaya. Hindi niya 'ko dapat maabutan, hind ako magpapahuli.

Tumakbo ako nang mabilis palayo sa lalaking iyon. Ito na yata ang pinakamabilis na takbo na ginawa ko sa buong buhay ko. Didiretso na sana ako sa gym kung nasaan ang locker ko nang bigla kong makasalubong sa path walk ang isang grupo ng mga crimson. Lima sila, tatlong babae at dalawang lalaki. Napahinto ako sa kanilang harapan at nakita ko ang iba't ibang reaksiyon ng kanilang mga mukha. Merong nakakunot ang noo, may magkasalubong ang mga kilay, may nasurpresa at meron ding parang walang pakialam.

"Isang kang grey class! Anong ginagawa mo dito?" gulat at may pagkabahalang tanong ng cute na babae na merong kulay brown at kulot na buhok.

"You are not suppose to be here, gusto mo bang masuspend or worst maexpel?" sabi naman ng maganda at matankad na babae na merong mahaba at itim na buhok.

Walang may lumabas na salita sa aking bibig at umiling lang ako sa kanila bilang tugon.

"Umuwi ka na habang wala pang may nakakakita sa 'yong ibang crimson," payo ng lalaking nakasalamin habang nakatitig sakin, parang sina-psycho niya 'ko. Siya ang pinakamaliit sa kanilang lima, kung hindi ako nagkakamali nasa 11-12 years old lang siya. Dahil nga isa siyang crimson kaya hindi na ako nasurpresa na college na siya. Dito kasi sa Yin-Yang kapag sinabing crimson class ibig sabihin no'n ay advance, matatalino at multi-talented. Pero kakambal rin ng salitang crimson ang mga salitang, masusungit, abusado, matatapang at mga sira ulo, kaya nakakatakot talaga sila.

"O-okay salamat..." parang wala sa sarili na tugon ko at biglang may sumigaw mula sa malayo sa likuran nila.

"Isang grey class! Night keepers hulihin siya bilis!!!" rinig kong sigaw ng isang lalaki at nakaturo sa direksyon ko.

Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko ang pagdatingan ng ibang mga crimson na siguro ang iba ay member ng night keepers. Ang mga night keepers ay mga crimson na nagbabantay at nagpapatupad sa peace and security tuwing gabi dito sa Yin-Yang at bihasa sila sa larangan ng martial arts.

"Tumakbo ka na bilis!!" narinig kong tili ng babaeng may kulot na buhok.

Parang natauhan naman ako at mabilis na 'kong tumalikod at tumakbo patungo sa malapit na four storey building ng arts and sciences. May mga silid doon na nakapatay ang ilaw na ibig sabihin ay walang tao kaya pwede kong pagtaguan. Mula sa baba ay nakita kong walang crimson na gumagala sa balkonahe sa second floor kaya umakyat ako ngunit napaatras ako pabalik sa hagdan at muling bumaba nang bumukas ang pinto ng isang silid at nagsilabasan doon ang mga crimson. Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click <a href="https://www.webnovel.com/book/(ths-book-1)-yinyang-university-*boyxboy*_15380412006227605/chapter-1-breaking-the-time-rule!_41373260344000407">www.webnovel.com/book/(ths-book-1)-yinyang-university-*boyxboy*_15380412006227605/chapter-1-breaking-the-time-rule!_41373260344000407</a> for visiting.

Lumingon ako sa aking likuran at lumaki ang aking mga mata nang makita kong papalapit na sa 'kin ang mga night keepers. What the f*ck?! Kung kaninang pagdating ko ay isa lang ang nakakita at humabol sa 'kin ngayon nama'y mahigit dalawang dosena na.

Mabilis akong tumakbo sa likod ng arts and sciences building dahil iniisip kong may kadiliman sa parting iyon at pwede akong magtago roon. Hinihingal at pagod na 'ko pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo dahil baka mahuli ako, kapag nagkataon suspension o expulsion ang matatanggap kong reward. Hindi nagtagal at naabot ko rin ang madilim na parte ng lugar kaya kahit naririnig ko ang mga yabag ng mga night keepers ay hindi ako nabahala. Patuloy lang ako sa pagtakbo, alam kong hindi nila ako nakikita dahil sa suot kong kulay abong uniporme at isa pa wala silang mga flash light. Kaya kong magtago bago pa nila ako maabutan pero ang tanong saan? Nalampasan ko na ang building ng arts and sciences at ngayon nama'y nasa likod na 'ko library. Naalala ko sa dulong bahagi nito ay merong maliit na stock room na ginagamit ng mga school cleaners para pagtaguan ng kanilang mga panlinis na gamit. Pwede akong magtago do'n iyon ay kung bukas ito.

Binilisan ko ang pagtakbo hanggang sa maabot ng kamay ko ang knob ng pinto ng stock room, agad ko itong pinihit at bumukas ito. Salamat may pagtataguan na 'ko. Mabilis akong pumasok sa masikip na silid at nilock ko ang pinto. Sa wakas at nakawala rin ako sa mga mababangis na mga crimson. Ang gugwapo at ang gaganda nga nila pero mga wild naman, para silang mga gangster, mga assassin, mga asong ulol na gustong manlapa ng tao. Nakakatakot talaga sila.

Mabilis ang tibok ng aking puso at habol-habol ko ang aking hininga, grabe subrang nakakapagod 'yong ginawa ko. Kahit nakapagtago na 'ko ay hindi pa rin humuhupa ang nerbiyos ko dahil feeling ko ay hindi pa 'ko safe. Ano mang oras kasi ay maaaring may sumira sa pintuan ng stock room na ito at kaladkarin na lang ako palabas, at dalhin sa office ng student council para turuan ng leksyon dahil sa paglabag ko sa time-rule.

Lumanghap ako ng malalim. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Paulit-ulit at kinalma ko ang aking sarili. Sandali lang, bakit parang may naaamoy akong mabangong perfume? Hindi ba dapat medyo masangsang ang silid na 'to dahil nakatambak dito ang mga gamit panlinis sa campus? Pero bakit amoy mabango? Napalunok ako, kung hindi ako nagkakamali'y meron akong kasama sa loob ng stock room na ito, pero sino? At isang kamay ang mahigpit na kumulong sa 'king mga braso mula sa likuran at ang isang kamay naman nito'y tumakip sa aking bibig.

"Tumahimik ka kung ayaw mong mapahamak," pabulong na banta ng lalaki sakin.

Hindi ako nakagalaw at parang naparalisa ang buo kong katawan. Parang nanlambot ang mga tuhod ko bigla. Ito na ba ang katapusan ko?

Maya-maya'y narinig ko ang mga yabag at boses sa labas ng pintuan. May pumihit sa knob ng pinto pero hindi iyon bumukas dahil nakalock iyon.

"Nakalock ang pinto, baka nandito siya sa loob."

"Sige sirain natin ang pintuan para bumukas."

"Huwag! Maliit na stock room lang yan para sa mga gamit ng mga cleaners, hindi siya kakasya diyan."

"Dumiretso tayo, tiyak hindi pa 'yon nakakalayo!"

"Brownout!!!"

"Night keepers, maghiwa-hiwalay kayo! Gumamit kayo ng flash light sa paghahanap! Hanapin niyo ang grey na 'yon. Huwag niyo siyang hayaan na makalabas ng Yin-Yang! Kapag hindi niyo siya nahuli kayo ang malalagot sakin. Maliwanag?!!"

"Yes sir!"

Ilang sandali pa at nawala na ang mga crimson na nag-uusap sa labas. Tama ba ang narinig ko, brownout daw? Kung brownout sa Yin-yang ibig sabihi'y madilim ang paligid, pwede na akong tumakas.

"Iniisip mo bang tumakas dahil brownout?" tanong ng lalaking nakahuli sakin. Binaba niya ang kanyang mga kamay at pinakawalan ako. Kung hindi ako nagkakamali batay sa boses niya ay siya 'yong crimson na unang nakakita sakin kaya tumakbo ako. Sa totoo lang siya ang may kasalan kung kaya hinahabol ako ng mga night keepers, kung sana kanina ay hindi niya ko sinita eh 'di sana hindi ako nagpanic at saka tumakbo.

"Wala naman akong masamang ginagawa ah. Wala akong masamang motibo sa pagpasok dito ngayong gabi. Naiwan ko lang kasi 'yong notebook at libro ko sa algebra sa locker, gusto ko lang sanang kunin dahil meron kaming pagsusulit bukas ng umaga," kinakabahan at natatakot kong paliwanag.

Nakakainis, dahil sa takot ay namuo ang mga luha sa aking mga mata at tuloyan iyong dumaloy sa 'king pisngi. Bigla kong naalala 'yong ibang mga grey class na nagbaviolate ng time-rule katulad sa ginawa ko ngayon, natatagpuan sila na bugbog sarado, puno ng mga pasa ang katawan at halos hindi makalakad. Wala sa kanila ang umamin na mga crimson ang gumawa no'n pero alam naman ng lahat na crimson ang may kagagawan no'n. Sa sitwasyon ko ngayon, natatakot ako. Hindi ko pa naranasang mabugbog at ayukong maranasan iyon. Nasanay akong may tumatanggol sakin at ngayo'y wala na. Nakakalungkot dahil hindi ko alam kung pa'no ko dedepensahan ang sarili ko laban sa mga taong gustong manakit sakin.

Tahimik akong lumuha na sumabay sa nakakatakot na kulog at pagbagsak ng malakas na ulan sa labas.

"Hindi mo kailangang umiyak para maawa ako sa 'yo. At huwag kang mag-alala hindi kita isusumbong. Ibigay mo sa 'kin ang susi ng locker mo at ako na ang kukuha sa gamit mo," sabi ng lalaki.

Sandali akong natigilan dahil sa kanyang pahayag at mabilis 'kong dinukot sa bulsa ko ang susi at inabot sa kanya. "S-26" Sabi ko. Iyon ang number ng locker ko.

Hindi siya tumugon at mabilis na lumabas ng stock room. Hindi ko alam kong mabait siya o may ibang agenda kaya ako tinulungan. Iniisip ko, paano kaya kung pakitang tao lang ang ginawa niya at pagbalik niya ay kasama niya na ang presidente ng student council?

***

Isang oras ang dumaan simula nang umuwi ako dito sa tinitirhan kong condo na ilang metro lang ang layo sa school namin. Sinuong ko ang malakas na ulan kaya basang-basa ako at heto nga katatapos ko lang magshower at magpalit ng puting sando at asul na boxer. Hindi ko alam kong matutuwa ba ako dahil hindi ako nahuli kanina o matatakot dahil binigay ko sa isang crimson ang susi ng aking locker na pwedeng maging ebidensya sa ginawa kong pag-violate ng time-rule ng University.

Hindi ko hinintay na bumalik sa stock room ang crimson na nagmagandang loob na tumulong sa 'kin. Naisip ko kasing hindi lahat ng taong tumutulong ay walang hinihintay na kapalit at 'yong iba sa kanila ay meron. Sa kaso ko pinili ko ang huli, ang umiwas sa maaaring kalabasan sa ginawang tulong kuno ng estrangherong crimson sa 'kin. Ang pagkakamali ko lang ay binigay ko sa kanya ang number ng locker ko, iyon ang hindi ko dapat ginawa. Pero ano pa'ng magagawa ko? Nangyari na 'yon wala na 'kong magagawa pa. Ang isa pa pala sa pinagpapasalamat ko ay walang cctv sa campus dahil kapag nagkataon naku hindi ko matatakasan ang ginawa kong kasalanan.

Papasok na sana ako sa kwarto ko nang may marinig akong kumatok sa pinto. Mabilis akong lumapit at sumilip sa peephole. Isang lalaki ang nasa labas, nakayuko siya kaya hindi ko makita ang mukha niya. Ayon sa suot niyang uniporme ay isa siyang crimson, wala akong personal na mga kakilalang crimson sa Yin-Yang at kung sino man siya ano ang pakay niya sa akin? Basang-basa siya at meron siyang dalang plastic bag. Sandali lang, hindi kaya siya 'yong crimson na lalaki sa stock room? Pagbubuksan ko ba siya o magpapanggap akong hindi ko narinig na kumatok siya?

Kinakabahan na naman ako. Sige na nga, bahala na. Inabot ko ang knob at binuksan ko ang pinto. Bumungad sa 'kin ang basang crimson. Kaharap ko na siya, inangat niya ang kanyang ulo at nagtama ang aming mga mata. Mukha yatang galit siya. Magkasalubong ang kanyang makakapal na kilay na bumagay sa medyo singkit at itim niyang mga mata. Matangos ang kanyang ilong at mapula ang kanyang natural shape lips. Sa kabuuan ay masasabi kong gwapo siya at mukha siyang modelo dahil sa tankad niya, sa tingin ko'y hindi bababa sa 5'10" ang kanyang height.

"Bakit ka umalis ng stock room? Bakit hindi mo ako hinintay na bumalik bago ka umalis? Alam mo bang napagod ako sa kakahanap sa 'yo sa loob ng campus dahil akala ko nahuli ka nang mga night keepers?! Hindi mo man lang inisip na karga de consensya kita kapag nakita ka ng ibang crimson at ginawan ka nila ng masama!!" galit na sumbat niya sakin. Aray naman! Parang napipi ako at 'di makapagsalita. Sige ako na ang guilty pero sandali lang hindi ko pa siya kilala.

ITUTULOY!!!


next chapter
Load failed, please RETRY

Privileged

More Privileged Chapters

Download the app and become a privileged reader today! Come take a sneak peek at our author's stockpiled chapters!

Download

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Send Gifts
Gifted
Thank you for your generous gift.

Cost Coin to skip ad

You can get it from the following sources

  1. 1. Daily check-in
  2. 2. Invite friends invite now >
  3. 3. Vote for new stories Vote >
learn more >
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

login
Report inappropriate content
error Tip

This's an experimental test for reading assistance in case.

We highly recommend you to enjoy the beauty of the original words.