Download App

Chapter 3: ANGELO II

Continuation. . .

Pero imbes na kantyaw ni Kuya Tom ang marinig ay isang malalim na tikhim mula sa likod ang narinig ko. Agad akong napalingon sa likod at laking gulat ko nang makita ang nasa likod.

"Anak ng tupang baliw," halos masamid ako sa sarili kong laway nang bumungad sa'kin ang naka-topless na si Angelo.

Dahil sa pagkagulat ay hindi sinasadyang nahawakan ko ang mismong kawali at napaso tuloy ako.

"Araaay!" biglang daing ko at tinignan ang agad na namulang kamay ko.

Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala ngayon si Angelo na agad pinatay ang gas stove. Kinuha niya ang napasong kamay ko at dinala ako sa may lababo. Binuksan niya yung gripo at hinayaang mabasa yung paso ko ng tubig.

Tahimik lang siya at ako parang napipi rin. Eh kese nemen! Hindi ako makapagsalita, nalunok ko siguro yung dila ko. At feeling ko buong mukha ko ang napaso dahil nag-iinit yung mukha ito. Nakakahiya! Namumula na siguro ako dahil sa hiya.

Matapos banlawan ni Angelo yung paso ko kumuha siya ng band aid sa may cabinet sa ibabaw ng lababo at nilagyan niya ang sugat ko. Wala paring kaming imikan. Spell A-K-W-A-R-D!

"You should be careful," saad niya matapos malagyan ako ng band aid. Pero hindi siya nakatingin sa'kin. Pagkuwa'y umalis na siya  ng walang pasabi.

What the hell did just happened?

Toot toot toot toot

Loading detected. . .

"Waaaaaaaah!" Halos maputol na siguro ang ugat sa leeg ko sa kakatili na walang boses. Imagine that! Nagtititili ng walang boses. Ako lang yata eksperto diyan.

Tsaka lang nag si-sink sa utak ko ang nangyari. His touch, his voice and his topless body. O to the M to the G! Napapraning naba ako? Napapa-english na nga ako sa kalokahan ko. Send help! I can't breath!

"HOY! Anyare sa'yo, V?" biglang naputol yung kilig moment ko nang marinig ang saway ni Kuya Tom. Panira ng moment eh!

"Ah, wala kuya! Wala! Wala! Ano kasi. . .ano," aligaga na'ko sa pagdadahilan, buti nalang nakahanap ako ng palusot.

"Ito kasing sandok nabitawan ko, tumama sa paa ko yung handle tapos masakit. Umimpit ako pero pinigilan kong mapasigaw dahil baka makabulabog ako. Oo, tama! Yun nga kuya. Hehe," mabilis kong saad sabay dampot ng sandok sa paanan ko. Buti nalang talaga. Pero teka? Nahulog ko pala itong sandok? Kailan? Nung kilig moment ko? Ah, basta. Thank you sandok, you save my life.

"Haha! Para ka kasing naano diyan eh!" sagot niya at tumuloy na siya sa ref para kumuha ng tubig.

"Sige V, mauna na'ko. May hinahabol pa kasi akong kliyente," saad ni Kuya Tom at nagmamadaling umalis na.

Tinapos ko nalang ang pagkain ko at umalis narin, baka mahuli pa ako nito sa trabaho dahil sa maagang pagpapatasiya.

*

Natapos ang buong araw ko sa trabaho at sobrang pagod na pagod ako. Ikaw ba namang nakatindig buong mag-araw tapos minu-minutong nag-e-entertain ng customer. Hep! Baka ano'ng isipin niyo ha? Customer sa cosmetic care ang ibig kong sabihin. Isa nga pala akong sales lady sa QQ Cosmetics. Hindi ko ma-gets kung bakit QQ yung name ng store na pinapasukan ko, para kasing nakakailang banggitin. Tunog mura eh! Q, parang pinaikling F-Q. Ah basta, alam niyo na 'yun.

Halos alas sinco na ng hapon nang makauwi ako sa boarding house. Mabilis kong tinahak ang 2nd floor dahil gusto ko na talagang mahiga. Nananakit na kasi itong mga paa ko.

Pagkarating ko sa kwarto ay agad akong sumalampak sa kama. Basta ko nalang initsa yung high heels ko at inilapag sa sahig ang shoulder bag ko. Pagod na pagod ako besh! At dahil sa pagod hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

"Say my name, baby," bulong niya sa gitna ng aming paghuhugpungan.

"Angelo. . ." ungol ko.

"Say it again baby but this time I want it in a moaning way," demand niya habang hinahalikan ang leeg ko pababa sa balikat.

"An--ge--lo--ooh!" sinunod ko naman ang utos niya. At tila mauubusan na ako ng hininga.

Patuloy na naglakbay ang mga halik niya hanggang natunton nito ang labi ko. Dinampian niya ito ng marahang halik at biglang hinarap ako.

Nagkatitigan kaming dalawa at kitang-kita ko ang mala-adonis niyang mukha. Tila nauhaw ako bigla nang makita ang pagkagat niya ng kanyang labi. Bago paman ako makakilos ay bigla niya akong sinunggaban ng. . .

"Kyaaaah!" napamulat ako bigla habang naghahabol ng hininga. Shet na malagkit! Ano na namang kadumihan yung panaginip ko? Napapadalas na yata ang pagpapantasiya ko kay Angelo. Naku! Erase! Erase! Hoy Victoria umayos ka!

Nang makarekaber na'ko, dinukot ko kaagad ang cellphone ko sa bulsa ng aking palda. Ala siyete na pala ng gabi, dalawang oras na pala akong tulog. Kaya naman pala medyo gutom na'ko.

Dali-dali akong tumayo at naghubad para makapagpalit ng pambahay dahil nakatulog ako kanina na hindi nakakapagbihis. Nagsoot nalang ulit ako ng loose tshirt at shorts, hinubad ko narin yung bra ko dahil mas komportabli akong walang ganun pag nasa bahay lang. Bigla kong naramdaman na naiihi ako. Kaya pumunta muna ako ng banyo.

Nasa may dulo lang ng hallway yung banyo dito sa taas, katabi ng kwarto ni Angelo. Pipihitin ko na sana yung door knob nang may narinig akong ungol mula sa loob. Parang may tao yata sa loob. Sino kaya 'to, si Kuya Tom?

"Kuya Tom, ikaw ba 'yan?" tanong ko pero walang sumagot.

"Hello? Sino'ng andiyan?" saad ko ulit sabay katok na sa pinto. Wala paring sumasagot pero andoon parin yung ungol sa loob ng banyo.

Nilapat ko yung kanang tenga ko sa pinto para mas marinig yung ungol sa loob. Na-ku-curious kasi ako. Hindi ko maintindihan kung anong ungol ba iyon, basta sigurado akong sa tao. Hala! Baka may anong kababalaghan ginagawa yun sa loob. Patay ako nito pag nalaman na nasa labas ako ng banyo.

Akmang aalis na sana ako nang biglang lumakas yung ungol. Hahakbang na sana ulit ako pero ito na naman, mas lalong lumakas yung ungol. Ay takte! Ano ba naman 'yan. Dahil sobrang nagtataka na'ko, pumihit ako paharap uli sa pinto ng banyo. Bahala na si batman! Lamunin nalang ako ng lupa pag nagkataon. Pikit-matang tinadyakan ko yung pinto ng banyo. At napakurap ako bigla sa bumungad sa'kin.

"O-M-G!" Tili ko nang makita ang nasa loob ng banyo. Patay!

To be continued. . .

***

Raw and unedited. Expect typos and errors.

Comments and votes are highly appreciated and don't hesitate to voice out your thoughts.

Nagmamahal,

V lalamunin ng lupa *send help*


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login