Download App

Chapter 19: Simula ng Martial Contest

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Pang siyamnapu't siyam?"

Ang mga labi ni Zhao Feng ay naging isang ngiti, "Nasasabik na ako para sa paligsahan na ito…"

Ang lahat ng mga kayang mapabilang sa ranggo ng top 100 ay kinukunsiderang talentado sa loob ng sect. Matapos ang lahat, mayroong lagpas sa libo libong mga kabataan na nasa pagitan ng libindalawa at labing walong taong gulang sa loob ng sect. At hindi bababa sa limang daan sa kanila ang sumali sa kompetisyon.

Kung hindi nakipagsanib si Zhao Feng sa misteryosong mata, siya ay hindi magkakaroon ng karapatan para sumali ngayon.

"Mayroong pang dalawampung araw ang natitira. Kailangan kong gamitin nang mabuti ang aking oras…" Si Zhao Feng ay dumiretso pauwi para maghanda para sa kompetisyon.

****************************

Ang panahon ng family sparring contest ay palapit na nang palapit.

Lahat ng kabataan sa Zhao sect ay nasa ilalim ng isang hindi mapalagay na kapaligiran. Madami ding mga disciples ang naging matagumpay dahil sa pressure na ito.

Ito ang resulta na gusto ng mga tagapamuno ng Zhao sect.

Matapos makauwi ni Zhao Feng, maliban sa pagpapatatag sa kanyang Inner Strength, tuloy parin ang pagsasanay niya sa Angry Dragon Fists. Hanggang sa ngayon, ang Angry Dragon Fists pa rin ang pinakamalakas na atake ni Zhao Feng.

Kalahating buwan na ang nakalipas, sinanay niya ang Angry Dragon Fist hanggang sa mataas na antas. Ngayon, ang kanyang Angry Dragon Skill ay naabot na ang pinaka mataas na antas.

Ang pinakamataas na antas ay nirerepresenta ang siyamnapung porsiyento o mas mataas na porsyento ng pinsala gamit ang skill, na halos limampung porsiyentong mas mataas kumpara sa mayroon ito sa mataas na antas.

May kalahating buwan pa ang natitira bago ang paligsahan.

Nagdagdag pa ng maraming lakas si Zhao Feng sa pagcucultivate. Ang kanyang pinaka pokus ay ang Air Crossing Breathing Technique, dahil tumutulong ito sa Inner Strength. At para mas palawakin pa ang kanyang cultivation, ginamit ni Zhao Feng ang kanyang tatlong daang taong gulang na blood plant.

At dahil nabuo na niya ang unang ilang sinulid ng Inner Strength, ang kanyang cultivation ay nadagdagan sa isang hindi kapani-paniwalang bilis at madali siyang nakapasok sa tuktok ng ikatlong ranggo. Kalahating hakbang na lamang ang layo niya mula sa pagpasok sa ikaapat na ranggo.

Hu~

Naglabas ng isang mahabang hininga si Zhao Feng. Sinanay niya ang kanyang katawan hanggang sa pinakamataas na potensyal nito.

"Mayroong pang tatlong araw ang natitira. Maabot ko kaya ang ika-apat na ranggo," bulong ni Zhao Feng. Ang paboritong henyo ng Zhao sect, si Zhao Linlong ay tila naabot na ang ikaapat na ranggo, dalawang taon na ang nakakalipas.

Para sa mga susunod na dalawang araw, sinubukan ni Zhao Feng na abutin ang ika-apat na ranggo, pero parehong nabigo ang kanyang mga pagtatangka. Ito'y nasa loob ng kanyang ekspektasyon.

"Ang aking chi at katawan ay malayo pa rin para maabot ang ikaapat na ranggo." Hindi nagtagal ay nahanap narin ni Zhao Feng ang rason. Ang unang tatlong ranggo ng Martial Path tungkol sa isang solidong pundasyon. Ang ang pundasyon ay hindi solido, maapektuhan nito ang mga realms sa hinaharap.

At para sa dalang buwang nakalipas, mabilis na napataas ni Zhao Feng ang kanyang ranggo na naging sanhi ng pagkahina ng kanyang pundasyon. Alam ito ni Zhao Feng at hindi na sinubukang puwersahang maabot ang ikat-apat na ranggo.

*********************

Hindi nagtagal, isang araw nalang ang natitira.

"Ang family sparring contest ay magsisimula ba bukas!" Huminga nang malalim si Zhao Feng at isang mahinang berdeng liwanag ang lumitaw nang binuksan niya ang kanyang mga palad. Dahil sa pagkakaroon ng Inner Strength, kaya niyang makapatay ng isang cultivator na nasa ikatlong ranggo sa isang saglit lang.

Ang isang quasi Martial Artist ay kayang talunin ang isang normal na ikatlong ranggo sa isa o dalawang galaw lamang at kaya ring pagbantaan ang isang deadly beasts katulad ng Green Headed Tiger King. Gayunpaman, kapag narating na ng isang tao ang punto ng half-step Martial Artist, ang lakas ng isang tao ay lubha nang nalagpasan ang lakas ng isang quasi Martial Artist.

Kaya na ngayon ni Zhao Feng na makipagpalitan ng ilang mga atake kasama ang Green Headed Tiger King. Ang pinakamalaking pagkakaiba niya at ng mga Martial Artist ay hindi ang body strength, kundi ang dami ng kanyang chi.

****************.

Sa gabing 'yon, sa isang tiyak na hardin sa loob ng Zhao sect…

Jiang!

Isang espada ang nakalabas mula sa sheath nito at gumawa ng mga ilusyon sa hangin. Ang may-ari ng espada ay isang binata na nakasuot ng lilang damit. Ang kapangyarihan ng kanyang espada ay naabot na ang isang nakakatakot na antas. Ang kanyang mga kaswal na atake ay maikukumpara sa Cracking Wind Sword ni Xin Fei, na kayang pumatay sa mga cultivators ng ikatlong ranggo sa isang galaw.

"Hindi na masama, Yijian! Nasanay mo na ang high ranked martial na Cold Flowing Sword hanggang sa mataas na antas. Mula sa mga outer sect disciples, malamang ikaw lamang ang nakapagsanay ng isang High rank martial art hanggang sa mataas na antas," sabi ng isang medyo matandang lalake habang nakangiti.

Ang nakasuot ng lilang damit ay si Zhao Yijian, na pangatlo sa mga outer disciples.

"Mukhang ang unang puwesto sa mga outer disciples ay malapit nang magbago. At ang insekto, si Zhao Feng, ay madudurog sa ilalim ng aking mga paa!" Malamig na sabi ni Zhao Yijian.

Nang binanggit niya si Zhao Feng, ang kanyang espada ay biglang nagsagawa ng limang iba't ibang mga atake. Ang lakas na kanyang ginamit ay kayang gulatin maging ang mga True Martial Artists.

Yijian, ang iyong paningin ay limitado. 'Wag lang ang mga outer disciples ang isipin mo." Ang lalake ay umiling…"Ang totoo mong mga kalaban ay ang mga inner disciples! Sa lakas mong yan, madali lamang sayo na makapasok sa top 20, ngunit ako'y labis na matutuwa kung magagawa mong makapasok sa loob ng top 10."

"Opo, ama!" Ako'y pitumpu't pitong pursyento sigurado na kaya kong makapasok sa top 10," Sabi ni Zhao Yijian nang may tiwala sa sarili.

********************

Sa isa pang gusali sa loob ng Zhao sect…

"Yufei, ang preliminaries ay magsisimula na bukas. Gaano ka kakumpiyansa?" isang matandang lalaki na isa ang braso ang nagtagong habang nakangiti.

"Huwag kang mag alala lolo, mayroon akong lubos na tiwala na walang sinuman sa mga outer disciples ang kapantay ko." Ang mukha ni Zhao Yufei ay mainit na nagliwanag habang siya'y ngumiti.

"Kailangan mo lang mag alala kay Zhao Yijian. At para kay Zhao Yue, ang kanyang forte ay depensa kaya't hindi ka niya magagawang pagbantaan," Pagsisiyasat ng matandang isa ang kamay.

"Si Zhao Yijian? Siguro." Hindi naniniwala si Zhao Yufei, Bilang isa sa mga henyo ng sect, walang sinuman ang kayang makapasok sa kanyang mata. Gayunpaman, hindi niya alam kung bakit ang binatang 'yon ay paulit-ulit na lumalabas sa kanyang isipan. Ang taong 'yon ay hindi man lang nakaranggo sa top 10 ng mga outer disciples…

"At saka, kung ikaw ay makapasok sa finals at makaharap si Zhao Linlong, na nanguguna ang ranggo, 'wag mong tigasan ang iyong ulo. Matapos ang lahat, siya ang pinakamalakas sa mga kabataan ng Zhao sect," babala ng matanda.

******************

Sa parehong oras, sa isang napakagarang istraktura…

"Gan, Kun, dapat ay pareho nyong pagbutihan sa paligsahan ngayong taong 'to. Lalo ka na. Gan. Naabot mo na ang lakas ng isang quasi Martial Artist. Kasama yan, dapat puntiryahin mo ang top 10," isang aroganteng boses ang nagsalita.

"Opo, ama! Sa lakas kong 'to, maging si Zhao Yue, na nangunguna sa mga outer sect disciples ay walang laban sa'kin," kaswal na sinabi ni Zhao Gan.

"Zhao Feng! Naabot ko na ngayon ang ikatlong ranggo at nasanay ang Thirteen Changes of the Poisonous Snake hanggang sa unang anim na mga pagbabago. Tatalunin kita sa paligsahang ito!" Si Zhao Kun na nakatayo sa tabi niya ay nagsabi.

Maging ang ilan sa mga elders ay hinihintay na ang parating na paligsahan. Hindi mabilang na Zhao sect disciples ang ikinukuskos ang kanilang mga palad para sa laban bukas. Ang lahat ay naghihintay para sa pagkakatong ibahin ang kanilang kapalaran…

******************

Kinaumagahan ng sumunod na araw…

Habang ang langit ay nagliliwanag, madaming tao ang nakikita habang nagtitipon sila sa Sky Martial Field, isang importanteng lugar ng sect. Madami sa mga dumating ay mga Zhao sect disciples at ang ilan sa kanila ay mayroong gitna o mataas na posisyon sa loob ng sect.

Ang top three outer disciples na sina Zhao Yijian, Zhao Yue at Zhao Yufei ay dumating narin.

Maging si Zhao Feng ay nandito na rin. Ito ang unang beses niyang makapasok sa Sky Martial Field. Habang lumilipas ang oras, nadadagdagan ang mga disciples na dumating. Gayunpaman, karamihan sa kanila ay mga outer disciples. Kaunti lamang ang mga inner disciples na dumating.

Ang Sky Martial Field ay mayroong sampung entablado, lahat sila'y may lawak na isang daang metro.

Hindi ito nahanap na kakaiba ni Zhao Feng dahil magkakaroon pa ng preliminaries. Ang preliminaries ay nagsisimula sa mga outer disciples. Limampung outer disciples ang haharap laban sa limampung inner disciples. Ang punto nito ay para matanggal ang mga mahihina sa mga outer disciples at ang mga elite lamang ang maiiwan.

Ang ibig sabihin nito ay hindi na kailangan ng mga inner disciples na sumali sa preliminaries. Kailangan lamang nilang mag hintay para sa final tournament na gaganapin pagkatapos ng kalahating buwan.

Sa wakas, mahigit kumulang dalawampung inner disciples ang dumating. Ang mga inner disciples na ito ay may interasadong mga ekspresyon habang nakatingin sila patungo sa mga outer disciples.

"Hehehe! Mayroong ilang malalakas na outer disciples. Ilan kayang mga inner disciples ang matatanggal."

"Sa tingin ko, ang top 3 lang ang may pagkakataong maging inner disciples," Ang mga inner disciples ay nag-uusap.

"Tignan niyo! Si Zhao Qin, na ikaapat sa mga inner disciples ay nandito!"

Ang mga tao ay biglang tumahimik.

Isa siya sa mga pangunahing pinagtutuunan ng atensyon ng mga inner disciples. Mayroon siyang isang maaliwas na mukha at isang tahimik na katauhan. Habang iniinspekyon ni Zhao Feng ang babae gamit ang kayang kaliwang mata, nakita niya na mayroon siyang inner strength na mas mahina kumpara sa mayroon siya!

"Martial Artist… ang Zhao Qin na ito ay naabot na ang ikaapat na ranggo ng Martial Path!" Huminga nang malamig si Zhao Feng. Bagama't alam niya na ang mga inner disciple ay may hindi kapani-paniwalang talento, ito'y mas mataas kaysa sa kanyang inaasahan.

Kung si Zhao Qin na pang-apat ang ranggo ay mayroong cultivation ng ikaapat na ranggo, gaano pa kaya kalakas si Zhao Linlong, na nangunguna sa ranggo?

"Narinig ko na ang lakas ni Zhao Qin ay mas mahina lamang kaysa sa lakas nina Zhao Linlong, Zhao Han at Zhao Chi, at ito'y isang hakbang lamang na mas mababa sa apat na mga henyo ng Sun Feather City."

"Unang puwesto ay si Zhao Linlong, pangalawang puwesto ay si Zhao Chi, pangatlong puwesto ay si Zhao Han… wala sa kanila ang nandito.

Naramdaman ni Zhao Yue na nangunguna sa mga outer disciples, na pumangit ang kanyang ekspresyon. Malinaw naman na wala sa kanila ang nakaramdam na mahalagang panoorin ang mga laban ng mga outer disciples. Ang kanilang lakas at ranggo ay nakaabot na sa isang hindi natitinag na punto. Siguro, magkikita na lamang sila sa final tournament.

Matapos ang kalahating oras, isang boses ang nagsalita sa buong field, "Ang family sparring contest ay magsisimula na ngayon! Ngayong araw ay ang preliminaries at tanging ang mga outer disciples lamang ang makikibahagi. Limampu lamang sa limang daan at dalawampung tao ang tutuloy patungo sa final tournament!"


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C19
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login