Ang kaluluwa ni Zhao Feng ay hindi naman nakatulog. Sa halip, napunta lamang ito sa malapanaginip na pilak na bola, kung saan nakakita ito ng mga serye ng malalabong imahe.
Isa itong magulong labanan, kulay abo at malungkot, at isang napakalaka na nakakaangat na ere ang siyang nasa buong palibot.
Brrrooom!
Sa dulo ng labanan kung saan hindi niya kita, naririnig niya ang hindi mabilang na mg malakidlat na pagsabog. Sa battlefield, may mga iba't ibang anyo ang naglalaban, ang kanilang mga laban ay kayang hatiin ang langit, sirain ang mundo, at punitin ang tela ng espasyo mismo.
Sa lugar na ito, hindi masabi ni Zhao Feng kung kaninong panig ang langit at kung kanino ang kalupaan.
"Napakalakas…! Anong klaseng labanan ito!?" Nanginig ang isip ni Zhao Feng. Lahat ng anyo sa labanang ito ay mayroong lakas na higit pa sa isang ordinaryong God Lord.