Download App

Chapter 36: Pangunahing Clan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang coming of age of ceremony, isang napaka-importanteng bagay na isang beses lamang sa buhay kung mangyari.

Ayon sa mga lumang kautusan, ang coming of age ceremony ng Li family ay ginaganap kasama ang Fang at Chen families, walang pagkakaiba ngayong taon.

Ngayong taon, ang Chen family naman ang punong-abala sa seremonya.

"Tian, Ke er, ilang araw na lamang ay nasa tamang edad na kayo," sabi ni Li Rou sa magkasintahang nasa tabi niya. Ang kaniyang magadang mukha ay puno ng pagmamahal.

"Ke Er, narinig mo ba? malapit na tayong tumuntong sa tamang edad, kaya't maaari na natin siyag bigyan ng lalaking apo ng may makalaro na si ina," sabi ng binata sa dalagitang katabi niya.

Ang kaniyang mukha ay namula at nahihiyang yumuko. Wala siyang masabi.

"Batang mabaho, kakaiba talaga ang imahinasyon mo!" tiningnan ng masama ni Li Rou ang binata at pinagpatuloy ang sinasabi, " Hindi rin masama ang isang babaeng apo. Magiging kasing ganda siya ni Ke Er pagdating ng araw…"

Nang makita ni Duan Ling Tian ang seryosong itsura ng kaniyang ina, tumigil na siyang biruin ito, ngunit nang marining niya ang sumunod na sinabi nito, wala talaga siyang masabi.

Namamana ata iyon?

"Narinig mo iyon? Maglapit nang magkaroon ng mga apo ang Ninth Elder. Kapag hindi ka nagbawas ng timbang matapos ang coming of age ceremony, babaliin ko ang mga paa mo! Sa itsura mo ngayon, sinong babae ang magpapakasal sayo?"

Sa malapit ay sinabihan ni Fifth Elder Li Ting ang matabang bata, na nasa tabi niya. Ang huli ay may inosenteng ekspresyon nang tumingin siya sa nanunulsol nang may sama ng loob.

Tumingin sa malayo si Duan Ling Tian, iniiwasan siya.

Ang coming of age ceremony ay ginaganap ng tatlong pamilya sa Fresh Breeze town isang beses sa isang taon. Ang mga kasama ay mga binata at dalagang katutuntong pa lamang ng labing-anim na taong gulang… Bukas, si Duan Ling Tian, Ke Er at Li Xuan ay labing-anim na taong gulang na.

Sa Chen family estate, ang mga disipulo ng Chen family ay nakapalibot sa malawak na Martial Arts Practice Hall.

Ang mga Patriarch ng Chen family, Li family at Fang family ay nakatayo sa mataas na entablado. Sila ang nangunguna sa coming of age of ceremony ngayong araw.

Ang coming of age ceremony ay hindi isang simpleng ceremony. Ang pinakaimportanteng parte nito ay ang "Friendly Battle" pagkatapos ng ceremony..

Ang tinatawag na Friendly Batlle na ito ay isang labanan sa martial arts sa pagitan ng mga binata at dalaga ng tatlong pamliya ng Fresh Breeze Town na dumalo sa coming of age ceremony. Sa huli, ang top ten, top three, at top one na kabataan ay pagdedesisyunan. Makatatanggap sila ng mga premyo na inihanda mismo ng tatlong pamilya.

"Hindi ba't iyon si Duan Ling Tian?"

Nang magtipun-tipon na ang mga binata't dalaga sa martial arts practice hall, ilang mga matatalas ang mata na mga disipulo ng Chen family ang nakakilala sa binatang nakatayo sa loob.

"Tama, lalahok ngayong taon si Duan Ling Tian sa pagsapit ng age ceremony.

"Mukhang ngayong taon ay walang suspense sa Friendly Battle; walang kaduda-dudang kukunin ni Duan Ling Tian ang unang pwesto!"

"Sigurado iyan. Natatakot akong wala ni isang susubukang kalabanin siya."

...

Nagsimulang magdiskusyon ang mga disipulo ng Chen family.

"Siya si Duan Ling Tian?"

Isa mga disipulo ng Chen family ang tumingin sa binate mula sa malayo at nagulat.

Hindi ba't siya ang binatang pumunta sa weapon store ng Chen family upang bumili ng mga materyales noong nakaraang araw? Hindi ba siya yung may posibilidad na tutulungan ng isang weapon craftsman?

Ang coming of age ceremony ay pormal ng nag-umpisa!

Pagkatapos ng simpleng ceremony ay ang mga talumpati ng Patriarchs ng tatlong pamilya. Iyon ay walang iba kundi mga salitang pampalakas ng loob…

"Nakakawalang-gana."

Kumunot ang noo ni Duan Ling Tian. Muntik na siyang makatulog nang marinig ang mga talumpati, dahilan upang ang dalagang nasa tabi niya ay hindi mapigilan ang kaniyang sarili na tumawa habang tinatakpan ang kaniyang bibig.

Ang matabang bata na nakatayo sa kabila niya ay nagtanong kay Duan Ling Tian, sa mahinang boses, "Boss, maaari ba akong gumamit ng inscription sa friendly batlle pagkatapos ng pagsapit ng age ceremony?"

"Bukod sa mga miyembro ng Li Family, ikaw na ang bahala kung kanino mo gagamitin iyan," sabi ni Duan Ling Tian.

"Boss, kung hindi sa miyembro ng Li family, walang rason para gamitin ko pa ang inscriptions…."

Ang matabang bata ay sobrang nag-aalala na parang malapit na siyang umiyak.

Madali siyang mananalo laban sa mga binata at dalaga ng Chen at Fang families, ngunit ang problema ay ang ilan sa mga anak ng elder ng Li family ay nakikilahok din sa coming of age of ceremony.

Pagdating sa mga taong iyon, wala siyang tiwala sa sarili.

"Sino nagsabi sayong maging tamad!?"

Binigyan niya ng masamang tingin ang matabang bata, naramdaman ni Duan Ling Tian na wala siyang magagawa.

Bagaman gumawa siya ng Seven Treasures Body Tempering Liquid para kay Li Xuan si Li Xuan ay may di mapigilang pag-uugali. Hindi niya kayang pakalmahin ang kaniyang sarili at magcultivate, kaya't nasa ika-apat na antas pa rin siya ng Body Tempering stage.

.Ang mga anak ng mga elder na lumahok sa pagsapit ng age ceremony, bagaman mayroon lamang silang Six Treasures Body tempering Liquid, lahat sila ay tumuntong na sa ika limang antas ng Body Tempering.

"Kalimutan mo na iyon, wala akong tsansa na makapasok sa top three, pero makakaya kong makapasok sa top ten."

Mabilis na tinanggap ng matabang bata ang kaniyang kapalaran.

Ang pagkakaroon ng isang lugar sa top three ay para lamang makilala siya; hindi siya nag-aalala tungkol sa mga ibang premyo sa huli.

Sa wakas ay natapos na ang talumpati ng tatlong Patriarchs, ang friendly battle ay opisyal nang nagsimula.

Ang mga binata at dalaga ng tatlong pamilya na sumali sa pagsapit ng age ceremony ay umabot sa kabuuang 121 katao. Nahati sila sa dalawang dibisyon na may animnapung grupo bawat dibisyon. Ito ay upang isakatuparan ang unang ikot ng elimination battles.

Ngunit ang friendly battle ngayong taon ay mayroong Duan Ling Tian, kaya't naiiba ito.

Matapos ang talakayan ng tatlong Patriarchs ng mga pamilya, kahit na ang Fang family ay hindi lubos na pumapayag, kailangan nilang kilalanin ang lakas ni Duan Ling Tian. Sila ay nagpasya na direktang iparangal kay Duan Ling Tian ng unang posisyon ng friendly battle sa taong ito!

Ang mga dumalong binata at dalaga ay walang tutol sa desisyon.

Anong klaseng biro iyan! Si Duan Ling Tian ay pumatay kamakailan lamang ng isang unang antas na Core Formation martial artist, kaya kung talagang lumahok siya sa friendly battle at makatapat nila si Duan Ling Tian, ganap silang susuko.

Ang pakikipaglaban sa isang hindi normal na tao tulad ni Duan Ling Tian ay talagang paghingi ng sarili mong kamatayan.

Nalagpasan na ni Duan Ling Tian ang mga taong kasing-edad niya sa Fresh Breeze Town matagal na panahon na.

"Boss, talagang masaya ito para sayo. Ni hindi mo na kailangan lumaban sa arena at direkta ka na sa taas para sa unang posisyon!

Ang matabang bata, na may tatak na 32 sa kaniyang kamay, tumingin kay Duan Ling Tian na may ekspresyon ng selos at paghanga.

Hindi pinansin ang matabang bata, tumingin si Duan Ling Tian sa dalagang nasa tabi niya at nagtanong, " Ke Er, anong numero ka?"

" Numero 7."

Magaang ngumiti ang dalaga.

Matapos ang ilang sandali, ang friendly battle ay nagsimula na.

Habang nakikita ang mga binata at dalaga na bumabato ng mga sipa at suntok sa isa't-isa, nagsimulang antukin na naman si Duan Ling Tian.

Nang oras na ng laban ni Ke Er ay doon lamang nabuhay ang diwa niya.

Sa oras na pumunta na si Ke Er sa arena, malumanay siyang nakatayo roon.

Dahil sa kaniyang elegante at pinong pigura at mukhang tulad ng isang anghel, agad niyang nakuha ang atensyon ng lahat.

"Napakaganda!"

"Kung maaari akong makapag-asawa ng tulad niya, handa akong mapaikli ang buhay ko ng sampung taon."

"Tumigil ka sa pangangarap. Hindi mo ba alam ang iyong limitasyon? Ang babaeng iyan ay kay Duan Ling Tian."

...

Ang mga mata ng mga nakapalibot na mga binata ng Chen family ay nagniningning, nasasabik na nakatingin sa dalagang nasa arena.

'Ikawalong antas ng Body tempering stage!"

Sa mataas na entablado, kasama ang Patriarch ng Li family, si Li Nan Feng, lahat ng tatlong Patriarchs ay nagulat nang makita nila sa isang tingin ang cultivation ng dalaga.

Ang kalaban ni Ke Er ay isang binatang bahagyang mahiyain na ang cultivation ay nasa ikatlong antas ng Body Tempering stage. Ang mga atake ng binata ay diretso at normal, at matapos patumbahin ni Ke Er sa pamamagitan ng isang tama ng palad, sumuko siya.

Mula simula hanggang matapos, hindi gumamit ng martial skill si Ke Er.

Siyempre, ang pangunahing dahilan ay walang alam na martial skills si Ke Er.

Hindi iyon dahil sa madamot si Duan Ling Tian; binigyan niya ng mataas na ranggong cultivation method tulad ng Frost God's Sword Technique si Ke Er. Wala lang talaga siyang pakialam sa mga ordinaryong martial skills, at ayaw niyang mawala sa pokus si Ke Er.

Sa oras na ito, isa sa mga elders ng Chen family ang nakatitig sa dalaga na naglalakad pababa ng arena at sumigaw,"Ikawalong antas ng Body Tempering stage!"

Nang marinig ang kaniyang sinabi, ang mga nakapalibot na mga disipulo ng Chen family ay namangha!

Ang dalagang ito na katutuntong pa lamang ng labing-anim na taong gulang ay isang ikawalong antas na Body Tempering martial artist?

Ang buong martial arts practice hall ay agad na nalaman ang tungkol sa cultivation ng dalaga, at lahat ng nakarinig ay namangha, bumalik lamang sa katinuan matapos ang matagal na oras.

Ang lahat ay nakatingin sa magandang dalaga na nahihiyang nakikipag-usap kay Duan Ling Tian.

"Siya ay isang ikawalong antas na Body tempering martial artist? Nagbibiro ka, hindi ba…."

'Ang Third Elder na ang nagsabi. Sa tingin mo nagbibiro siya?"

"F**k! Hindi lamang si Duan Ling Tian ang kakaiba, pati mga taong nakapaligid sa kaniya ay kakaiba!"

...

Parang nagngangalit na apoy ang pagsulong ng friendly battle.

Ika-una, Duan Ling Tian.

ikatlo, Ke Er.

ikalawa, Li Sheng.

ikatlo, Li Ke.

Ika-apat, Li Qiu.

Ika-anim, Li Xuan.

...

Sa sampung nangunguna, ang unang anim ay miyembro ng Li family!

Ang Patriarch ng Li family, si Li Nan Feng, ay puno ng ngiti ang mukha. Hindi ito nakabibigla para sa kaniya.

Ang Patriarch ng Chen family, si Chen Li, ay may nagtatakang ekspresyon. Hindi niya naisip na magkakaroon ng ganoong resulta.

Ang Patriarch ng Fang family, si Fang Yi, ay may malungkot na ekspresyon, ang Fang family ay nakakuha lamang ng isang pwesto.

Ang susunod ay ang award ceremony.

Para sa unang posisyon, si Duan Ling Tian ay nakatanggap ng tatlong daang baryang pilak at dalawang Body Tempering Pills.

Ang huling pitong tao ay nakatanggap ng isang daang baryang pilak.

"Kuripot, masiyadong kuripot!"

Natanggap ni Duan Ling Tian ang unang premyo na pinagseselosan ng maraming tao, ngunit hindi siya masiya nang ilagay niya ang pera sa kaniyang bulsa.

"Young Master!"

Samantala, masayang ibinigay ni Ke Er ang kaniyang premyo kay Duan Ling Tian.

Sa ilang sandali, ang mga nakapalibot na nagngangalit na tingin ay tila susunugin si Duan Ling Tian.

Sa sulok ng martial arts practice hall, si Chen Mei Er, na parang maliwanag na buwan na napaliligiran ng mga bituin ay tumingin sa magkasintahan habang marahang kinakagat ang kaniyang labi.

Nang tumingin siya sa dalaga, ang malinaw niyang mga mata ay kumislap na may bakas ng selos at inggit.

Nang dumating ang gabi, ang coming of age ceremony ay nagtapos.

Ang mga Patriarch ng Fang at Chen family ay nagpatawag ng biglaang pagpupulong nang gabing iyon. Ang layunin ng pulong ay para natural na pag-usapan ang performance ng mga binata't dalaga ng Li Family.

Sa sampung pwesto sa friendly battle, anim ay nakuha ng iisang pamilya.

Sa kasaysayan ng Fresh Breeze Town, ito ay isang bagay na hindi pa nangyayari noon!

Kapag may hindi pangkaraniwang naganap ay siguradong may kakaibang nangyayari!

Pagkatapos nito, ang dalawang pamilya ay nagsimulang mag-imbestiga sa mga galaw ng Li Family nang pasikreto.

Ngunit sa huli ang kanilang pagsisiskap ay nauwi sa wala. Hindi sila nagtagumpay sa paghahanap ng kung anuman.

Sa Li family estate, sa loob ng audience hall.

Tumingin si Patriarch Li Nan Feng sa binata at dalagang nasa harap niya at sinabi, "Ling Tian, Ke Er, ang dahilan ng pagtawag ko sa inyo ay dahil may pag-uusapan tayong isang bagay."

"Sigel ang po, Patriarch."

Tumaas ang mga kilay ni Duan Ling Tian.

Si Li Nan Feng ay dahan-dahan na nagsabi, "Sa kasalukuyang mga naabot ninyong dalawa, may mga bagay na maaari ko ng sabihin sa inyo ngayon ... Sa totoo lang, ang Li family ng Fresh Breeze Town ay sangay na pamilya lamang ng Aurora City's Clan."

Bahagyang nagulat si Duan Ling Tian.

Narinig niya ang tungkol sa Aurora City at alam niyang may Li family doon.

Ngunit hindi niya naisip na ang Li family ng Fresh Breeze Town at Li family ng Aurora City ay may relasyon, ni na sila ay ang sangay na pamilya nito.

Si Li Nan Feng ay nagpatuloy, "Ang pangunahing clan ay may panuntunan para sa mga disipulo ng pamilya: ang sinumang mga disipulo na mga alchemist, weapon craftsmen, inscription masters, o maaaring tumuntong sa ikapitong antas ng Body Tempering stage bago ang edad na labing-walo ay karapat-dapat pumasok sa pangunahing clan at gumawa ng lugar para sa kanilang sarili sa pangunahing clan. "


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C36
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login