Download App

Chapter 44: Matinding Labanan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang boses ni Lin Qi ay may hindi maitatangging prestihiyoso.

Bagaman bata pa siya, mayroon na siyang tindig ng isang taong may mataas na posisyon.

Huminga nang malalim si Lin Wei, hindi nangangahas na ibuka muli ang bibig niya, ngunit ang kaniyang malamig na mata ay patuloy na nakatitig lamang kay Duan Ling Tian, naghihintay ng pagkakataon na lunukin ito.

Napansin ni Duan Ling Tian ang tingin Lin Wei ngunit ipinagsawalang bahala niya ito.

Ang lakas ni Li Wei ay katumbas lamang ni Li Xiao, at ang ganoong ayos ay hindi banta para sa kaniya.

Ang kaniyang tingin ay bumagsak kay Lin Qi.

"Kung gusto mo ng laban, bibigyan kita!"

Ngumiti si Duan Ling Tian kay Ke Er at sinabi sa kaniyang maghintay siya s atabi ni Li Shi shi bago malalaking hakbang na naglakad para harapin si Lin Qi.

Ang mga disipulo ng Lin Clan outer court ay umatras ng ilang hakbang, nagbibigay ng malaking espasyo.

Ito ay, sa kabila ng lahat, ang pinakamalaking trade market ng Aurora City, kaya mabilis na pumalibot ang mga tagapanood sa tabi ng daan.

"Narinig kong ang binatang nakaberdeng damit ay anak ng Patrirach ng Lin Clan, si Lin Qi."

"Lin Qi, narinig ko na ang tungkol sa kaniya noon, ang top ranked na disipulo ng Lin Clan na kabilang sa kabataan. Sa edad na labimpito, ang kaniyang cultivation ay nasa ikasiyam na antas na ng Body Tempering stage, at nagcultivate pa siya ng tatlong high grade Profound Rank martial skills."

"Tatlong high grade Profound Rank martial skills? Damn.. Talagang pinaglaanan siya ng kayamanan ng Lin Clan."

"Sino ang lalaban sa kaniya?"

"Sa tingin ko iyon ang disipulo ng Lin Clan na may ibang apelyido."

...

Mahinang diskusyon ng mga nakapaligid na tao.

Tumitig si Duan Ling Tian kay Lin Qi nang may seryosong eskpresyon.

Ang pagharap kay Lin Qi ay nagdulot sa kaniya ng isang hibla ng kaba.

Kahit noong nakaharap na niya ang Fang family Manager ng Fresh Breeze Town, isang tao na nasa unang antas ng Core Formation stage, hindi siya kinabahan kahit kaunti.

Sa madaling salita, mas delikado si Lin Qi kaysa kay Fang Qiang!

Inisip niya kahit na madali itong maunawaan.

Ang mga pamilya tulad ng mga pamilya sa Fresh Breeze Town ay mayroon lamang high grade Yellow rank martial skills bilang kanilang pinakamatinding martial skills.

Para naman sa movement techniques, bago niregaluhan ni Duan Ling Tian ang Li family ng isang movement technique, wala ni isa sa tatlong pamilya sa Fresh Breeze Town ang mayroon nito.

Defensive martial skills, sa kabilang banda ay isang bagay na masiyado ng malayo para isaalang-alang ng tatlong pamilya.

Napag-alaman ni Duan Ling Tian sa pamamagitan ng alaala ng Rebirth Martial Emperor na kahit nahahati ang martial skills sa four ranks, katulad ng Heaven, Earth, Profound at Yellow, ang Yellow Rank martial skills ay napapalibutan lamang ng offensive martial skills. Walang movement techniques o defensive martial skills ang nasa Yellow Rank.

Sa Cloud Continent, ang lowest ranked movement technique at defensive martial skills kahit papaano ay Profound Rank.

Whoosh!

Tila pinag-usapan nila, sabay na gumalaw si Duan Ling Tian at Lin Qi.

Spirit Serpent Movement Technique!

Matikas ang pigura ni Duan Ling Tian; bawat galaw na ginagawa niya ay puno ng kagandahan.

Napakabilis niya na halos lahat ng tao na nakapalibot ay hindi mapapigilang suminghap dahil sa paghanga.

Ang mga binti ni Lin Qi ay mala-anino; kahit lumipad ito sa bukid ng yelo, walang maiiwang bakas.

Traceless Snowsteps!

Isang high grade Profound Rank martial skill.

"Saan nagmula ang Duan Ling Tian na ito? Kailan pa nagkaroon ang Li Clan ng isang

"Ang Traceless Snowsteps ni Kapatid na Qi ay isang high grade Profound Rank martial skill na nacultivate na sa initial stage, maikukumpara ito sa isang middle grade Profound Rank movement technique sa mastery stage, o sa isang low grade Profound Rank movement technique sa Perfection stage!"

"Hindi kapani-paniwala! Bukod sa Li Kuang ng Li Clan at Xiao Yun ng Xiao Clan, may isang taong nasa parehong henerasyon na maaaring makipagkumpetensya sa movement techniques ni Kapatid na Qi in!"

"Itong Duan Ling Tian na ito ay nasa ikawalong antas lamang ng Body Tempering stage; hindi niyo ba napagtatatanto na hindi pa nilalaba ni Kapatid na Qi ang kaniyang buong lakas, bagkus ay pinipigilan ang kaniyang lakas sa ikawalong antas ng Body Tempering stage upang makipaglaro sa kaniya?"

"Kung hindi mo sinabi, hindi ko mapapansin. Ang kasulukuyang mga atake ni Kapatid na Qi ay hindi kumukuha ng enerhiya mula sa langit at lupa para makagawa ng ancient mammoth silhouette."

...

Ang bunton ng mga tao ng Lin Clan ay may masayang eskpresyon.

Parang ang taong pakrus na lumilipad kasama si Duan Ling Tian at may magkatulad na bilis ay hindi si Lin Qi kundi ang kanilang mga sarili.

"Duan Ling Tian, tanggapin mo ang aking palm strike!" mabilis at malakas na sigaw ni Lin Qi.

Whoosh!

Malamig ang tunog ng ihip ng hangin.

Ang kanang kamay ni Lin Qi ay mabilis na sumampal; tanging ang makikita lamang ng mga mata ay linya ng mga anino ng palad, bumabalot patungo kay Duan Ling Tian.

Mahigit sa sampung anino ng palad ang bumababa na nagpapahirap upang makita ang totoong hampas.

Kapag nagkamali ng husga, ibig sabihin ay walang duda kang maglalakad sa peligro.

"Ito ang high grade Profound Rank offensive martial skill, Overlapping Afterimages, ang sikat na martial skill ng Lin Clan!"

"Dapat ay ang Overlapping Afterimages ay makakagawa ng siyamnapu't siyam na anino kapag nacultivate sa Perfection stage..."

"Katulad ng inaasahan sa batang henyo ng Lin Clan, si Lin Qi, na kayaning macultivate ang Overlapping Afterimages sa Initial stage sa edad na labimpito."

...

Ang bunton ng mga tao ay hindi nagkulang sa maga taong may kanya-kaniyang opinyon.

"So ito ang high grade Profound Rank offensive martial skill!"

Kumibit ang puso ni Duan Ling Tian.

Sa pamamagitan ng alaala ng Rebirth Martial Emperor, mayroon siyang kaalaman sa high grade Profound Rank martial skill.

Ang isang high grade Profound Rank martial skill kung ikukumpara sa isang middle grade Profound Rank marial skill ay amlaking pagbabago. Hindi lang dahil sa posibilidad na tumaas ng isang antas ang skill, nabibigay-diin din ito sa isang partikular na paraan para malito ang kalaban bago gumawa ng mabilis at malakas na hampas.

Lumiit ang mga itim ng mata ni Duan Ling Tian. Gamit ang karanasan na nakuha niya sa battlefields sa nakaraan niyang buhay, tila nakakakita siya sa higit sa sampung anino, inaalam ang palm strike na nagalalaman ng layuning pagpatay.

Collapsing Fist!

Hinugot ni Duan Ling Tian ang kaniyang kamay bago iindayon ang kaniyang kanang kamao. Ang kamao niya ay tumama sa isang anino.

Bang!

Ang palm at fist strikes ay nagtama.

Agad na ang mga katawan ni Duan Ling Tian at Lin Qi ay nanginig, at umatras si Duan Ling Tian ng tatlong hakbang habang si Lin Qi naman ay limang hakbang na umatras.

Ang mga nakapalibot na nanonood ay nagulat.

Si Lin Qi na pinigilan ang kaniyang lakas sa ikawalong antas nf Body Tempering stage ay nalagay sa hindi magandang posisyon.

"Ang iyong lakas ay mas malakas pa kaysa sa isang ordinaryong ikawalong antas na Body Tempering martial artist."

Tumingin si Lin Qi kay Duan Ling Tian nang may namamanghang eskpresyon.

Normal na ngumiti lamang si Duan Ling Tian.

Dahil nacultivate niya ang Nine Dragons War Sovereign Technique, sa lahat ng okasyon na lumalabas ang kaniyang cultivation, ang lakas niya ay laging bahagyang mas malakas kaysa sa isang taong kapareho niya ng antas ng cultivation.

Katulad nga ngayon.

Ang isang ordinaryong ikawalong antas na Body Temepring martial artist ay mayroong lakas na limang libong libra.

Pero siya sa kabilang banda ay maroong pitong libong libra ng lakas.

"Haha… nakakatuwa! Hindi ako nagkamali ng tingin sa iyo. Bukod kay Li Kuang at Xiao Yun, ikaw ang kauna-unahang disipulo ng Aurora City sa kaparehas na henerasyon ang kayang makita ang aking totoong palm strike."

Tumawa nang malakas si Lin Qi at may masayang eskpresyon.

"Isa pa!"

Nanginig ang katawan ni Lin Qi nang lumipad siya ulit.

Traceless Snowsteps!

Sa oras na ito, siya at si Duan Ling Tian ay hindi umatake sa isa't isa bagkus ay lumipad habang hinahanap ang kaninaan ng isa't isa upang matalo ang kalaban.

Spirit Serpent Movement Technique!

Collapsing Fist!

Ang buong katawan ni Duan Ling Tian ay tila nagbago at naging spirit serpent, lumipad nang makita ang pinakamagandang pagkakataon upang magpasabog ng fist strike sa katawan ni Lin Qi.

Kahit na ang lakas ng Collapasing Fist ay mapipigilan ang Overlapping Afterimages ni Lin Qi sa banggaan, pagdating sa karanasan sa pakikipaglaban, imposible para kay Lin Qi na mapantayan ang antas ni Duan Ling Tian.

Bilang pinakamalakas na Weapon Specialist sa nakaraan niyang buhay, pagdating sa karanasan sa pakikipaglaban, malinaw na si Lin Qi ay hindi niya kapantay ng antas.

Bang!

Bumagsak ang kaniyang kamao, sumasabog sa defensive qi barrier na lumitaw sa katawan ni Lin Qi.

Agad na naramdaman ni Duan Ling Tian ang kaniyang kanang kamay nanginig parang sumuntok siya sa talukob ng pagong, at lantad siya sa lakas ng pwersang bumalik.

Greater Teleportation!

Walang-alinlangan na ginawa ni Duan Ling Tian ang kaniyang defensive martial skill!

Gawin mo sa iba kung anong ginawa nila sa iyo.

Binalik niya ang lahat ng lumihis na pwersang posibleng maibalik kay Lin Qi.

Ang lumihis na pwersa ay matapos ang lahat, nagmula sa defensive qi barrier ni Lin Qi, kaya't ang defensive qi barrier ni Lin Qi ay hindi ito tinaggihan.

Nnaginig ang katawan ni Lin Qi nang ang lumihis na pwersa ay umabot sa kaniya. Parang tinamaan ng kidlat, pumunta siya sa gilid, bahagyang nakakaawa.

"Anong defensive martial skills ang ginagamit mo?"

Tumingin si Lin Qi kay Duan Ling Tian na parang nakakita ng multo.

Bagaman nagulat siya sa karanasan sa pakikipaglaban ni Duan Ling Tian, ang nagpamangha sa kaniya nang lubos ay ang defensive martial skill ni Duan Ling Tian.

Nakaya nitong ibalik ang haloslahat ng pwersa ng kaniyang Profound Turtle Form na pinalihis ni Duan Ling Tian.

Ang lumihis na pwersa ay nagmula sa kaniyang defensive qi barrier, at ang kaniyang defensive barrier ay hindi magpapaapketo rito, kaya't ang pwersa na binalik sa kaniya ni Duan Ling Tian ay naging dahilan upang siya makaranas nang bahagyang pagkatalo.

Ang defensive martial skill ni Duan Ling Tian ay lubusang nilabanan ang kaniyang defensive martial skill.

Nnaliit ang mga mata ni Duan Ling Tian habang marahan niyang sinabi, "Gamitin mo ang buong lakas mo. Hindi mo kailangang ipagpatuloy na pigilan ang lakas mo. Kapag pinagpatuloy mo pa iyon, walang dudang matatalo ka!"

"Sige, dahil gusto mo! Hindi ko talaga inakala na sa parehong henerasyon ng tatlong clan ng Aurora City, may isang tao bukod kala Li Kuang at Xiao Yun na makakayang pilitin ako upang ilabas ang buong lakas ko. Mag-iingat ka,kapag nilabas ko na ang buong lakas ko, may lakas ako ng isang ancient mammoth. Kumpara sa kasalukuyan mong lakas, mas malakas ito ng tatlong libong libra."

Lantarang tumawa si Lin Qi.

Alam niyang ang sinabi ni Duan Ling Tian ay totoo.

Kung isasaalang-alang ang mayamang karanasan sa pakikipaglaban ni Duan Ling Tian at kaniyang defensive martial skill na nilabanan ang kaniyang defensive martial skill, sapat na iyon uoang matalo siya kapag pinigilan niya pa ang kaniyang lakas at pumantay sa antas ni Duan Ling Tian.

Agad na ang mga kalamnan sa katawan ni Lin Qi ay lumaki.

Sa itaas ng kaniyang ulo, ang enerhiya ng langit at lupa ay yumanig nang isang ancient mammoth silhouette ang lumitaw.

"Ang Duan Ling Tian na ito ay talagang abnormal; nagawa niyang pilitin si Lin Qi na gamitin ang buong lakas nito kahit na siya ay nasa ikawalong antas lamang ng Body tempering stage."

"Pagkatapos ng laban ngayong araw, makakakuha pa rin ng karangalan si Duan Ling Tian kahit matalo."

"Tama, ngayon lang ay nasa hindi magandang posisyon si Kapatid na Lin Qi nang pigilan niya ang lakas niya para pumnatay sa antas ni Duan Ling Tian. Madaling makita na balang-araw kapag tumuntong na siya sa ikasiyam na antas ng Body tempering stage, hindi niya na katapat si Lin Qi."

...

Ang mga disipulo ng Lin Clan outer court ay nakatingin kay Duan Ling Tian na may tulirong eskpresyon.

Sa kabilang banda, ang mga disipulo ng Li Clan outer court ay may maliwang na eskpresyon.

Tlagang nagdala ng karangalan si Duan Ling Tian sa kanilang Li Clan.

Simula ngayon, bukod kay Li Kuang, ang Li Clan outer court ay mayroong Duan Ling Tian.

Nnag tumingin si Li Shi shi kay Duan Ling Tian, ang malinaw niyang mga mata ay may kumplikadong eskpresyon.

Ang dalagang nasa tabi niya, gayunman ay tila hindi man lamang nagulat kahit kaunti.

Para sa kaniya, ang kaniyang young master ay isang pinakamagaling habang-buhay, hindi maikukumpara kanino man.

"Duan Ling Tian, mag-ingat ka; kapag nailabas ko na ang buong lakas ko, kahit ito man ay lakas o bilis, magkakaroon ito nang malaking pagbabago!"

Matapos bigyan si Duan Ling Tian ng paalala, kumilos na si Lin Qi.

Traceless Snowsteps!

Ang bilis ni Lin Qi ay bumilis ng 30% kaysa dati.

Overlapping Afterimages!

Higit sa sampung anino ng kaniyang palad ang agad na bumaba, bumabalot patungo kay Duan Ling Tian.

Ang buong lakas ni Lin Qi ay may bilis na nalagpasan ang kay Duan Ling Tian, at ang lakas ng kaniyang Overlapping Images ay nalagpasan din ang Collapsing fist ni Duan Ling Tian, dahilan upang ang defensive martial skill ni Duan Ling Tian, ang Greater Teleportation ay mahirapang salagin ang mga atake.

Kahit na may mayamang karanasan sa pakikipaglaban si Duan Ling Tian at ang Greater Teleportation ay talagang kahanga-hanga, mapupunta pa rin siya sa hindi magandang posisyon pagkatapos ng ilang kilos.

Kung ang martial skills ay ituturing na bilang software, ang lakas naman ng gumagamit ang hardware.

Kung ang hardware ay mas mababa, kahit na maganda pa ang software ay mahihirapan ito.

"Malaki ang agwat ng kanilang lakas; matatalo na si Duan Ling Tian."

Nang mapansin si Duan Ling Tian na patuloy na sumasalag at paulit-ulit na naitutulak, ang mga disipulo ng Li Clan outer court ay mga ngiti sa kanilang mga mukha.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C44
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login