Download App

Chapter 49: 200,000 na Pilak

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang Dark Spirit Fruit, sa loob dalawang buhay ng Rebirth Martial Emperor, narinig niya lang ito ngunit hindi kailanman pa nakakita ng isa.

Na nagpapakita kung gaano kabihiran ang Dark Spirit Fruit.

Kung ang Dark Spirit Fruit ay kakainin ng isang ordinaryong tao, ito ay papalakasin ang tao upang agad na makumpleto ang kaniyang body tempering, na nagpapahintulot sa kaniya na makayapak sa ika-siyam na antas ng Body Tempering Stage sa loob lamang ng tatlong buwan...

Hindi kapani-paniwala!

"Dahil sa pagiging katangi-tangi ng Spirit Serpen Form ng Nine Dragons War Sovereign Technique, hindi pa rin ako nagtatagumpay sa susunod na yugto. Siguro ito na ang aking pagkakataon."

Matapos huminga nang malalim, si Duan Ling Tian ay dahan-dahan pinigilan ang pagkasabik ng kaniyang puso.

Hindi niya inaasahan na magiging ganito siya kaswerte.

Ang sorpresa na ito ay masyadong malaki.

Para naman sa dalawang madilim na lila na spirit fruit, sila rin ay napakabihirang mga spirit fruit.

Violet Thorned Fruit

Isang uri ng sobrang nakakalason na spirit fruit. Kung ito ay kakainin ng isang tao, ito ay magdudulot sa kaniya ng mabilis na kamatayan.

Ngunit kung kakainin ng isang makamandag na mabangis na hayop, ito ay mas lalakas pa.

"Young Master, kuhain na'tin ang mga ito."

Hindi namalayan ng dalagita na nakuha niya ang dalawang kasing laki ng kamao na itlog ng python. Nag-iintay siyang nakatingin kay Duan Ling Tian.

"Dahil ang kanilang ina ay patay na, dalhin na'tin sila pareho patungo sa bahay."

Tumango si Duan Ling Tian.

Malinaw na hinog na ang Violet Thorned Fruits. Ang dahilan kung bakit ang black python ay hindi ito kinakain ay malamang dahil ito ay pinapanatili niya para sa kaniyang dalawang anak.

Pagkatapos ng pitasin ang dalawang Violet Thorned Fruits at ang Dark Spirit Fruit, iniwan na ni Duan Ling Tian at Ke Er ang kuweba.

Ang mga mata ni Ke Er ay hindi kailanman iniwan ang dalawang itlog ng python na nasa kanyang mga kamay. Ang kanyang malinaw na mga mata ay napupuno ng kinang ng pagiging ina...

"Ke Er, hintayin mo ako doon."

Si Duan Ling Tian ay lumakad sa harap ng isang walang malay na bata.

Ang kanyang sensitibong mga pandama ay nadama ang nakatagong kagustuhan pumatay mula sa bata.

Kagustuhan siyang patayin!

"Tigilan mo ang pagkukunwari; halata ka dahil sa iyong paghinga," sabi ni Duan Ling Tian sa isang mababang tinig, at sa sandaling ang mga mata ng bata ay naglabas ng isang nakapangingilabot na ekspresyon, ang kanyang Violet Meteorite Flexible Sword ay mabilis na tinusok ang puso ng bata.

Kanina, hindi inaasahan ni Duan Ling Tian na magagambala siya ng mga gayong bagay.

Kaya hindi sila nagpalit ni Ke Er ng kanilang mga damit na kung saan may nakalagay na crest ng Li Clan.

Ngayon, dahil patay na ang batang ito ay maiiwasan niya ang anumang maaaring sumunod na mga problema.

Bilang isang dating weapon specialist, si Duan Ling Tian ay alam kung ang tao ay may kasamaan sa kaniyang puso.

Dahil rin sa pagpapakita ng bata ng kagustuhang patayin siya.

Matapos maglibot sa paligid, napansin ni Duan Ling Tian na apat sa pitong bata ay napatay ng black python. Dagdag ang isa na pinatay niya, may dalawa pang buhay.

Dalawang napakalabong kagustuhang pumatay ang bahagyang mararamdaman.

Sila ay malinaw na gising ngunit nagkukunwari na walang malay.

Sa katahimikan ng paligid, ang mga tainga ni Duan Ling Tian ay bahagyang gumalaw nang marinig niya ang kanilang mabilis at kabadong paghinga.

At dalawa pang pagguhit ang ispada ang tumama sa kanilang puso!

Pagkatapos patayin ang dalawa, kinuha ni Duan Ling Tian ang mahahalagang mga bagay na mayroon sila.

Pagkatapos ay tinitingnan niya ang bangkay ng black python bago naisipang 'wag ito pagpira-pirasuhin, pagkatapos ay dahan-dahang lumakad si Duan Ling Tian patungo kay Ke Er.

Makalipas ang kalahating oras.

Ang katawan ng pandak at matipuno na tinusok sa puso ni Duan Ling Tian ay nanginig. Pilit niyang buksan ang kanyang mga mata, pagkatapos ay inilabas niya ang isang medicinal pill mula sa kanyang bulsa at kahit mahirap ay ininom ito.

Matapos ang maikling oras.

Ang dugo na dumadaloy sa dibdib ng pandak at matipuno na bata ay tumigil na sa wakas.

"Li Clan... Miyembro ng Li Clan ng Aurora City, malamang ay hindi mo naisip na ang aking puso ay nakatagilid."

Ang pandak at matipuno na bata ay nahihirapan na umupo, ang kanyang ekspresyon ay lubhang malungkot.

Dahil ang kanyang puso ay nakatagilid, ang kanyang buhay ay naligtas.

Sa isang iglap, na parang mayroon siyang napansin, ang ekspresyon ng pandak at matipunong bata ay nagbago sa isang natatakot na ekspresyon habang siya'y nagmamadaling tumakas.

Matapos niya tumakbo paalis.

Isang napakalaking hugis ang gumalaw ng isang libong metro sa isang iglap at biglang lumipad pataas, habang naglalabas ng kakaibang ungol na puno ng galit...

Sa Aurora City, sa lugar ng Xiao Clan.

Sa isang malawak at marangyang courtyard, lumabas ang isang bata na burdado ang damit. Ang kanyang ekspresyon ay tila nababahala.

"Ang Six Treasures Body Tempering Liquid na iyon ay napakalupit! Batay sa aking kasalukuyang antas ng paglilinang, ang pag-ubos ng Body Tempering Pills ay nangangailangan ng hindi bababa sa limang araw ng pagkonsumo upang makamit ang pagtagumpay sa susunod na antas, ngunit ang sumasailalim sa medicinal baths ng Six Treasures Body Tempering Liquid ay nangangailangan lamang ng dalawang araw ng pagsipsip bago ako magtagumpay!

Ang bata na nakabihis sa burdadong damit ay isinama ang kaniyang dalawang bodyguard nang iniwan niya ang Xiao Clan at pumunta sa pamilihan ng kalakalan.

"Manager, bigyan mo ako ng isang daan pang bahagi ng Six Treasures Body Tempering Liquid!"

Ang bata na nakasuot ng buradong damit ay pumasok sa medicine store at direktang ipinahayag ang kanyang mga pangangailangan.

Nang mapansin ng manager ng medicine store ang bata na burdado ang damit na nagmamadali, naisip niya na ang Six Treasures Body Tempering Liquid ay walang silbi at ang bata ay dumating upang sirain ang reputasyon ng kanyang tindahan.

Ngunit hindi niya naisip na ito ang sasabihin ng bata.

Isang daang bahagi?

Nanginginig ang puso ng manager.

"Young Master Xiao, natatakot ako na imposible 'yan sa ngayon; hindi ko pa napapalitan ang aking paninda na iyan. Kaya mo bang mag-intay ng dalawang araw mula ngayon?"

Ang manager ay mapait na tumawa.

"Nagtataka ako kung ano ang iniisip mo. Ito ay napakagaling na medicinal liquid ngunit hindi mo ito napalitan. Ito ang 5,000 silver bilang deposito. Pupunta ako upang makuha ito matapos ang dalawang araw."

Ang bata na burdado ang damit ay napakunoot ang noo, pagkatapos ay ibinigay niya ang 5,000 pilak bago umalis nang may malalaking hakbang.

"Dalawang araw..."

Ang manager ay may nababahalang ekspresyon.

Nagbanggit lamang siya ng oras kanina, ngunit siya ay lubos na walang kamalayan kung kailan babalik ang bata ng Li Clan.

Ngayon ay nakaramdam siya ng pagsisisi. Kung alam niya nang mas maaga, ay kukuha siya ng mas maraming Six Treasures Body Tempering Liquid mula sa bata.

"Manager, ano ang nangyari? Ang iyong mukha ay nababahala?"

Sa sandaling ito, isang tinig ang maririnig.

Ang mata ng manager ay agad na nagningning, na para bang natagpuan niya ang kanyang tagapagligtas. Siya ay mabilis na nagpunta upang salubungin ang tao na ito.

Ang taong dumating ay si Duan Ling Tian!

Pagkatapos umalis mula sa pugad ng black python, bumalik sila ni Ke Er sa Aurora City.

Sila ay nagpunta at binenta ang mga bagay na natagpuan nila sa kanilang paglalakbay, binebenta ito sa halagang 3,000 na pilak.

Pagkatapos, sa isang iglap, ay nais niyang malaman kung mabenta ba ang Six Treasures Body Tempering Liquid, kaya siya ay nagpunta sa medicine store.

"Manager, ikaw..."

Tiningnan ni Duan Ling Tian ang bahagyang nababahalang manager sa isang nalilitong ekspresyon.

"Mamimili, ang Six Treasures Body Tempering Liquid na ibinigay mo para ibenta sa aking tindahan ay naubos na."

Ang manager ay kumuha ng isang libong pilak at ipinasa ito kay Duan Ling Tian sa isang bahagyang nababalisang paraan.

Si Duan Ling Tian ay bahagyang ngumiti at nagtanong, "Ngayon, Manager, kailangan mo ba ng mas maraming paninda?"

"Oo, oo! Gusto ko lahat ng kaya mong ibigay sa akin!" Ang manager ay mabilis na sumagot, tila lubos na natatakot na ihiwalay ni Duan Ling Tian ang kanyang suplay.

"Mayroon ka bang isang hindi ginagamit na silid dito?" Tanong ni Duan Ling Tian sa manager.

"Mayroon kami, Mamimili. Kailangan mo ba ito?"

Ang manager ay natuliro.

"Oo, nagpaplano ako na dito gumawa ng medicinal liquid mula ngayon."

Tumango si Duan Ling Tian.

Ang mga mata ng manager ay nanliit habang siya ay namamanghang nagtanong, "Aking mamimili, gumagawa ka ng Six Treasures Body Tempering Liquid?"

"Ito ay isang medicinal liquid lamang. Mayroon bang anumang kadahilanan upang masabik dito? "

Si Duan Ling Tian ay seryosong ngumiti.

Ang mga sulok ng bibig ng manager ay kumibot. Nagtaka siya kung ang bata sa kaniyang harapan ay sinadya iyon sabihin.

Ang isang medicinal liquid na kayang magtagumpay laban sa Body Tempering Pill, ay isang ordinaryong medicinal liquid?

"Dahil narito naman ako ngayon, paghandaan mo ako ng ilang medicinal materials. Gagawa ako ngayon ng ilan para sa'yo."

Dahil sa kahilingan ni Duan Ling Tian, ​​mabilis na natapos ng manager ang paghahanda ng lahat.

Nang tignan ang tumpok ng mga murang medicinal materials sa kaniyang harapan, at pagkatapos ay tingnan ang malaking palayok sa silid, ang mga sulok ng bibig ng manager ay nagsimulang manginig...

Ayon sa mga sukat na ito, ang halaga ng paggawa ng Six Treasures Body Tempering Liquid ay halos wala.

Kung ang malaking palayok ay pupunuin, ito ay makagagawa ng hindi bababa sa 2,000 na bahagi ng Six Treasures Body Tempering Liquid, tama?

Nang ihahanda na ni Duan Ling Tian at Ke Er ang mga medicinal materials, pinigilan ng manager ang galit sa kanyang puso at hinayaan ang sarili niya na umalis sa silid at isinara ang pinto sa kaniyang likuran.

Sa tulong ni Ke Er, natapos na ni Duan Ling Tian ang malaking palayok na puno ng Six Treasures Body Tempering Liquid sa loob lamang ng isang oras.

Pagkatapos ay lumabas siya sa silid at bumalik sa medicine store.

"Manager, kakailanganin kita na hatiin ang Six Treasures Body Tempering Liquids sa magkakapantay na bahagi."

Si Duan Ling Tian ay bahagyang ngumiti sa manager.

Ang manager ay saglit pumasok sa maliit na silid bago lumabas mula na may isang kumikinang na mukha.

"Kagalang-galang na mamimili, ang malaking palayok ng Six Treasures Body Tempering Liquid na iyon ay mahahati sa hindi bababang 2,000 na bahagi... Paano kung ang ibabayad ko sa'yo ngayon ang 2,000 na bahagi lamang, at susuriin na'tin ang pagkakaiba sa susunod?" Ang manager ay nagtanong.

"Sige, para naman sa gastos ng mga nagamit na medicinal materials, ibawas mo na lamang ito mula sa mga sobrang bahagi."

Tumango si Duan Ling Tian habang tinatanggap niya ang mga perang papel mula sa manager.

Ang 200,000 pilak na papel ay mabigat nang hawakan niya ito.

"Hindi na kailangan. Ang halaga ng lahat nagamit na medicinal materials na iyon ay hindi man lang aabot ng isang libong pilak. Regalo ko na lang sa iyo iyon."

Ang manager ay napakamapang-unawa sa paraan ng paghawak niya sa sitwasyon.

Kung sa nakaraan at may isang tao magsasabi sa manager na ang mga medicinal materials na hindi man lang nagkakahalaga ng isang libong pilak ay maaaring gawin bilang medicinal liquid na magkakahalaga ng 220,000 pilak, ay hindi siya maniniwala kahit na siya ay mamatay.

Ngayon na ang katotohanan ay inilatag mismo sa harap ng kanyang mga mata, dapat niya itong paniwalaan.

"Manager, dahil pranka ka, tatanggapin ko. Paano kung ganito: maaari mong angkop na dagdagan ang presyo ng Six Treasures Body Tempering Liquid. Ang aking kita... 80% para sa akin at 20% para sa iyo. "

Si Duan Ling Tian tumitig sa manager.

"Salamat, mamimili!"

Ang manager ay huminga nang malalim.

Alam niya na simula noong maging mabait ang bata, natural na pwede niyang baguhin ang presyo ng Six Treasures Body Tempering Liquid.

"Ah oo nga pala, bago ang matapos ang aming Li Clan Martial Meet, hindi na muli ako pupunta rito, kaya mas mahusay kung hindi mo ibenta ang lahat ng Six Treasures Body Tempering Liquid sa loob ng ilang araw... Ang mga magagandang bagay ay mas mahalaga. Manager, ikaw ay isang matalinong tao."

Matapos kausapin ang manager, at sa ilalim ng nagulat na titig ng manager, bumalik si Duan Ling Tian at Ke Er sa lugar ng Li Clan.

"Young Master, hindi ko naisip na ang pilak ay napakadaling kitain."

Ang mukha ni Ke Er ay bahagyang pula dahil siya ay bahagyang nasasabik.

"Haha... Ke Er, hindi lahat ng tao ay may kakayahang kumita ng pera tulad ng iyong Young master"

Si Duan Ling Tian ay tumawa nang malakas.

Sa buong Cloud Continent, malamang na siya lamang at ang Grand Elder ng Li Family ang nakakaalam kung paano makagawa ng Six Treasures Body Tempering Liquid.

Samantalang siya lamang ang nakakaalam kung paano gumawa ng Seven Treasures Body Tempering Liquid.

Matapos bumabalik sa bahay at batiin ang kanyang ina, si Duan Ling Tian ay dali-daling bumalik sa kanyang silid at kinain ang Dark Spirit Fruit.

Agad na naramdaman ni Duan Ling Tian ang isang mainit at walang hangganang medicinal strength na dumadaloy sa kanyang buong katawan.

Ang kanyang dugo ay mas lumalakas sa bawat sandali, at ang kanyang katawan ay napakabilis na sumasailalim sa pagbabago...

Sa courtyard.

"Ke Er, anong uri ng itlog ito?"

Habang tumitingin sa dalawang itim na itlog na nilagay sa mesa ni Ke Er, si Li Rou ay nagtanong.

"Madam, ang mga ito ay itlog ng black python."

Si Ke Er ay nakangiti.

"Black python?"

Nanliit ang mga mata ni Li Rou.

Siyempre alam niya kung ano ang uhaw sa dugo na mabangis na hayop, ang black python.

"Ke Er, ano ang nangyari?" Tanong ni Li Rou.

Kinuwento sa kanya ni Ke Er ang tungkol sa nangyari sa kanyang paglalakbay kasama si Duan Ling Tian.

"Mukhang lubhang nakinabang kayong dalawa sa pamamagitan ng paghihintay na mahulog ito sa inyong kanlungan."

Si Li Rou ay tumawa.

"Madam, ang young master ay hindi naisipan na iligtas sila. Hindi ba masama iyon?"

Habang kinukunot ang kaniyang kulay rosas, at maliit na bibig, ikinurap ni Ke Er ang kanyang malilinaw na mga mata habang siya ay nakatingin kay Li Rou.

Bagaman hindi nagsasalita si Ke Er ng anumang bagay sa harap ni Duan Ling Tian, ​​sa kanyang puso, nalaman niya na mahirap ang maging kalmado.

Sa kanyang dalisay at simpleng mundo, naramdaman niya na dapat nilang tinulungan ang mga bata at mga dalagita na hanapin at patayin ang black python.

"Ke Er, hindi ko naiisip na si Tian ay nagkamali sa bagay na ito. At saka ang black python ay maaaring nasaktan ka, at kahit na tinulungan mo silang patayin ang black python, maaaring magsama sila upang kalabanin kayo ni Tian para sa makuha ng mga kayamanang itinatago ng black python."

Matiyaga at malumanay na paggabay ni Li Rou. Mas marami siyang karanasan kaysa kay Ke Er bagkus ay nalalaman ang kasamaan ng puso ng isang tao.

Para sa kapakanan ng mga kayamanan, ang mga kamag-anak na pinapatay ang bawat isa ay matatagpuan kahit saan, paano pa kaya ang mga hindi nila kakilala.

"Hmm, hindi masyado naisip ni Ke Er ang tungkol dito sa oras na iyon. Si Ke Er ay makikinig na sa batang master sa susunod."

Bahagyang tumango si Ke Er habang dahan-dahan siyang nakaramdam ng kaginhawaan.

Mula sa sandaling ito, hindi kailanman pagdududahan ni Ke Er ang anumang desisyon ni Duan Ling Tian sa susunod...

Sa kanyang mundo, si Duan Ling Tian ang langit; siya ang kaniyang lahat.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C49
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login