Download App

Chapter 65: Malakas na Tiwala sa Sarili

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Puchi!

Bumagsak ang Violet Meteorite Sword at tumalsik ang dugo kahit saan.

Namutla ang kulay ni Li Fei.

Bagaman nakapatay na siya ng maraming ligaw na hayop sa Misty Forest, hindi pa siya kailanman nakapatay ng isang tao.

Ngayon ang isang maayos at buhay na tao ay namatay mismo sa harap ng kaniyang mga mata, naging dahilan ito upang makaramdam siya ng pandidiri at tumakbo siya sa gilid upang sumuka.

Itinabi ang Violet Meteorite Flexible Sword, iniabot ni Duan Ling Tian ang kaniyang kamay at inalis ang Spatial Ring ni He Zu Dao.

Matapos kagatin ang kaniyang hintuturo, tinuluan niya ng dugo ang singsing upang ipahayag ang pagmamay-ari.

Hiss!

Ang pakiramdam ng pagsasama dahil sa dugo ay bumagsak sa kaniya. Ang mukha ni Duan Ling Tian ay hindi mapigilang mapangiti.

Ang pagtataglay ng alaala ng Rebirth Martial Emperor ay nagpahintulot kay Duan Ling Tian na gamitin ang Spatial Ring na parang pagkontrol niya sa kaniyang braso.

"P**a, sobrang liit!"

Nang pumasok ang kaniyang mga pag-iisip sa SpatialRing, nakita niya na mayroon lamang itong cubic meter na espasyo. Natulala siya ng ilang sandali bago hindi mapigilang sumigaw nang bulgar.

"Ikaw ang Supreme Elder ng He Clan, ngunit talagang gumagamit ka ng pinakamababang grado ng Spatial Ring."

Nang sabihin niya ito, sumulyap na may paghamak si Duan Ling Tian sa katawan ni He Zu Dao.

Madaling isipin na kung hindi patay si He Zu Dao, siguradong magagalit ito nang sobra hanggang sa dumura ito ng dugo.

"Hayaan mo na, gagawan ko na lang ng paraan."

Hindi isinuot ni Duan Ling Tian ang Spatial Ring sa kaniyang kamay bagkus ay itinago niya ito sa kaniyang bulsa.

Ang Spatial Ring ay hindi isang bagay na dapat ipakita sa publiko.

Kapag nakatuntong lamang siya sa Core Formation Stage at maging isang weapons craftsman, maaari niyang baguhin ang panlabas na itsura ng Spatial Ring; doon lamang niya maaring gamitin ang Spatial Ring sa publiko.

"Paanong siya ang Supreme Elder ng He Clan? Mukha siyang pulubi! Bukod sa ilang Grade Seven Gold Injury Pills at ilang cultivation methods at martial skills, mayroon lamang 100 pilak ng sobrang sukli!

Matapos suriin ang mga bagay sa loob ng Spatial Ring, hindi mapigilan ni Duan Ling Tian na kutyain siya.

Si Duan Ling Tian, gayunpaman ay hindi alam na bilang Supreme Elder ng He Clan, mayroong hindi pangkaraniwang estado si He Zu Dao.

Kung gusto niya ng pera, hindi magpupursigi ang He Clan na tuparin ang kagustuhan niya, kaya't hindi niya kailangan na magtabi ng pilak sa kaniyang katawan.

Ang kaniyang mukha ay nagpapakita ng napakalaking kayamanan.

Sumunod dito ang pagwasak sa bangkay at pag-alis sa lahat ng bakas.

Nagsindi ng apoy so Duan Ling Tian at direktang sinunog ang bangkay ni He Zu Dao.

"Nasaan ang pugad ng Snow Python?"

Matapos maghanap nang mahabang oras, hindi nahanap ni Duan Ling Tian ang pugad ng Snow Python. Ang kaniyang paghahanap ng kayamanan ay tuluyang napunta sa wala.

"Kakaibang He Zu Dao, hindi na babanggitin ang pagiging mahirap mo, winasak mo rin ang katawan ng Snow Python… Ang Blood Explosion Inscription, handa ka pang gamitin ito!"

Habang nakatingin sa wasak na katawan ng Snow Python, mayroong nasasaktang ekspresyon si Duan Ling Tian.

Bilang hari ng mga mababangis na hayop, ang buong katawan ng Snow Python ay puno ng kayamanan, ngunit winasak ito nang buo ni He Zu Dao.

"Eh?"

Sa sandaling ito, nagningning ang mga mata ni Duan Ling Tian.

Sa katawan ng Snow Python, isang puting bola ang kumikislap na may malamyang ningning ang lumutang.

"Beast Core?"

Naging mabilis ang paghinga ni Duan Ling Tian. Hindi niya inaasahan na ang Beast Core ng Snow Python ay hindi masisira.

Nang lalapit na siya at kukunin ang Beast Core.

Natigil ang ngiti sa kaniyang mukha.

Whoosh! Whoosh!

Ang dalawang maliliit na pythons ay mabilis na nagpakita, mabilis na hinati at kinunsumo ang Beast Core ng Snow Python.

"Hayaan mo na. Kahit na kunin ko ang Beast Core, hindi ko rin ito magagamit sa mga susunod. Hahayaan ko na lang silang kunin ito."

Mabilis na nakalimutan ito ni Duan Ling Tian.

Ang isang tao ay hindi maaaring direktang kunsumuhin ang Beast Core ng isang mabangis na hayop.

Kapag nakunsumo, ang magaang kalalabasan ay qi deviation, habang ang mas mabigat na kalalabasan ay pagkamatay dahil sa pagsabog.

Ang mga tao ay maaari lamang gamitin ang Beast Cores ng mga mababangis na hayop bilang medicinal catalysts; pagkatapos maihalo sa ibang pang mahalagang medicinal materials upang makagawa ng medicinal pill ay doon lamang ito maaaring kunsumuhin.

Ang isang Beast Core ng nakatatakot na mabangis na hayop tulad ng Snow Python na maikukumpara sa isang Nascent Soul Martial Artist ay nangangailangan kahit papaano ng isang Grade Seven Alchemist upang makagawa.

Grade Seven Alchemist.

Para kay Duan Ling Tian, medyo malayo ito.

Matapos rin sunugin ang bangkay ng Snow Python, isinama ni Duan Ling Tian si Ke Er at Li Fei at umalis sa Misty Forest.

Sa daan pabalik.

"Ang Spatial Ring na iyan…"

Tumingin si Li Fei kay Duan Ling Tian na mayroong pekeng ngiti.

Tumingin nang masama si Duan Ling Tian at sinabi, "Huwag kang mag-isip ng kung anumang ideya sa Spatial Ring, akin ito."

"Hindi. Kahit may ideya ako tungkol diyan, wala ring kwenta iyon. Nagtataka lang ako… Kung malaman ng iba na mayroon kang Spatial Ring, anong mangyayari?"

Ang mga nakabibighaning mga mata ni Li Fei ay kumislap nang may malamyang ngiti.

'Tinatakot mo ba ako?"

Nanliit ang mga mata ni Duan Ling Tian habang ang mga sulok ng kaniyang mga bibig ay kumurba at naging isang ngisi.

Isang masamang pangitain ang lumitaw sa puso ni Li Fei.

Katulad ng inaasahan.

"Heh, mukhang hindi ako tutulungan ng isa diyan upang pagalingin ang kaniyang lolo… Hayaan mo na, itatabi ko na lang ang aking enerhiya."

Ngumiti nang nakaloloko si Duan Ling Tian.

Namutla ang mukha ni Li Fei nang pagalit niyang sabihin, " Ikaw, ikaw.. pilyo ka! Nangako ka sa akin."

"Nangako ako? Bakit, hindi ko alam.. Ke Er, nangako ako sa kaniya?"

Tumingin si Duan Ling Tian kay Ke Er at bahagyang ngiti.

Sa pagkakataong ito, inaalagan ni Ke Er ang dalawang maliliit na pythons na nakatulog nang mahimbing matapos kunsumuhin ang Beast Core ng Snow Python.

Ang kaniyang magaganda at malilinaw na mga mata ay naglalabas ng kinang tulad ng isang ina.

"Young Master, wala akong narinig."

Sinadyang kampihan ni Ke Er si Duan Ling Tian.

"Kayong dalawa… inaapi niyo ako."

Namula ang mga mata ni Li Fei at halos paiyak na.

"Tama na, hangga't isisikreto mo ang nangyari ngayong araw, sigurado akong ibabalik sayo nang malusog ang iyong lolo. Hindi lang iyon, kaya ko rin siyang hayaan na madaling maging isang Grade Eight Weapons Craftsmen na walang epekto pagkatapos."

Pangako ni Duan Ling Tian.

"Pilyo!"

Ngumiti si Li Fei habang umiiyak.

"Tama, dahil alam ng iyong lolo na pinatay ni He Zu Dao ang kaniyang ama ilang taon na ang nakalilipas, bakit hindi niya ipakita sa publiko ang blood letter? Upang makita ng iba ang totoong mukha ni He Zu Dao."

Itinanong ni Duan Ling Tian ang gumugulo sa kaniyang puso.

"Sa tingin mo ba hindi iyon gusto ng aking lolo? Ngunit nang mahanap ng aking lolo ang blood letter, naging Grand Elder na si He Zu Dao sa He Clan ng Aqua Mist at may hindi pangkaraniwang estado. Kahit na ipasapubliko ito ng aking lolo, imposible para sa Li Clan na saktan ang Grand Elder ng He Clan dahil sa isang disipulo na namatay ilang taon na ang nakalilipas."

"Dagdag pa rito, ang aking lolo ay nag-aalala rin na kapag nalaman ng publiko ang tungkol sa blood letter, magiging dahilan ito upang magalit si He Zu Dao dahil sa kahihiyan at maghiganti… Noong oras na iyon, ang aking lola ay ipinagbubuntis ang aking ama, kaya't pinili ng aking lolo na mapagpasensiya itong dalhin, at ang bagay na ito ay unti-unting naging buhol sa kaniyang puso."

Bumuntong-hininga si Li Fei.

"Ngayon ang buhol sa puso ng iyong lolo ay maaari ng maalis dahil itong kaniyang magiging manugang ay ang siyang naghiganti para sa kaniya!"

Nakalolokong tumawa si Duan Ling Tian.

"Sinong gustong magpakasal sa iyo?"

Binigyan ni Li Fei ng mapanghamak na tingin si Duan Ling Tian habang ang kaniyang nakamamanghang magandang mukha ay namula.

Takot na mapansin ni Duan Ling Tian, mabilis siyang tumalikod.

Sa ilalim ng palubog na araw, ang hugis ng Aurora City ay sa wakas nagpakita sa kanila.

Si Duan Ling Tian at dalawang dalagita ay direktang bumalik sa Li Clan Estate.

Matapos sabihan si Ke Er na iuwi muna ang dalawang maliliit na pythons, sinundan niya si Li Fei at nakarating sa bahay nito.

"Fei, nakabalik kana?"

Sa malaking courtyard ay nakatayo ang isang matandang lalaki na nasa pitumpung gulang na.

May manipis na katawan ang matandang lalaki; tila siya ay madadala ng hangin.

"Lolo, mayroon akong magandang balita na sasabihin sa inyo."

Lumakad si Li Fei sa courtyard at hinawakan ang kamay ng matandang lalaki. Sa kaniyang mukha ay lumilitaw ang isang ngiti.

Ang matandang lalaki ay mayroong natutuwang ekspresyon at ngumiti at nagtanong, "Anong magandang balita?"

Bumulong si Li Fei sa matandang lalaki at marahang sinabi, "Lolo, patay na si He Zu Dao."

Agad na nanginig ang katawan ng matanda tila tinamaan ng kidlat, at ang kaniyang paghinga ay bumilis.

Huminga nang malalim ang matandang lalaki at mabagal na sinabi, "Fei, hindi ka dapat nagbibiro sa mga bagay na ganito."

Bagaman alam niyang ang kaniyang apo ay hindi pa kailanman nagsinungaling sa kaniya, ang sinabi ng kaniyang apo ngayon ay talagang mahirap tanggapin.

"Lolo, siya ang pumatay kay He Zu Dao. Kung ayaw niyong maniwala, maaari niyo siyang tanungin."

Nang mapansin na hindi naniniwala sa kaniya ang matandang lalaki, agad na nalito ang dalagita at mabilis na tumingin kay Duan Ling Tian na may ekspresyon na nanghihingi ng tulong.

"Ikaw si Duan Ling Tian?"

Ang maulap na tingin ng matandang lalaki ay agad na kumislap at bumagsak kay Duan Ling Tian tila sinusubukang basahin ito.

Ngunit sa kasamaang palad, nabigo lamang siya.

Nakatayo roon si Duan Ling Tian, hindi gumagalaw, tulad ng isang bundok.

"Hindi na masama, karapat-dapat ka sa iyong reputasyon. Ngayon ay naniniwala na ako na mayroon kang lakas upang matalo si Li Qing."

Tumango ang matandang lalaki.

"Lolo."

Binati ni Duan Ling Tian ang matandang lalaki.

Agad na nagulat ang matandang lalaki.

Agad namang namula ang mukha ni Li Fei habang mabangis na tiningnan si Duan Ling Tian.

"Hahahaha…"

Nang mapansin ang ekspresyon ng apo, tila naintindihan ng matandang lalaki ang isang bagay at tumawa nang malakas.

"Lolo, hindi iyon ganon, " kinakabahang paliwanag ni Li Fei.

"Fei, hindi mo kailangang mahiya. Ang kalalakihan ay dapat magpakasal at ang kababaihan ay dapat ipakasal. Dagdag pa rito, sa tingin ko hindi masama ang batang ito; mayroon siyang katangian para maging aking manugang. Bagaman minsan gusto niyang magmalaki, maliit na problema lang iyon at hindi dapat palakihin."

Nang matapos magsalita ang matandang lalaki, tila mayroon siyang nais iparating tungkol sa isang bagay.

"Lolo, kahit na magmalaki ako o hindi, malalaman niyo rin. Ang una ay magpapatotoo ako sa ngalan ni Li Fei na ang iyong personal na kalaban na pumatay sa inyong ama, si He Zu Dao ay talagang patay na. Napatay siya ng aking sword strike… Ang Spatial Ring na ito ang pinakamagandang ebidensiya."

Kinuha ni Duan Ling Tian ang Spatial Ring sa kaniyang bulsa habang nagsasalita, at inabot niya ito sa matandang lalaki.

Nanginginig ang kamay ng matandang lalaki nang abutin at suriin niya ito.

Gulat na gulat ang matandang lalaki.

"Tama… tama, ito nga ang Spatial Ring ni He Zu Dao! Ano ba ang totoong nangyari?" tanong niya matapos ibalik ang Spatial Ring kay Duan Ling Tian.

Mabilis na ikinwento ni Duan Ling Tian ang buong istorya sa matandang lalaki.

"Snow Python? Haha… hindi bulag ang langit, hindi bulag ang langit…"

Malakas at masayang tumawa ng matandang lalaki.

Ang buhol sa kaniyang puso sa loob ng maraming taon ay sa wakas ay naalis.

Sa ilang sandali, nagningning ang kaniyang mukha at naging mas bata ng ilang taon.

Inipon ng matandang lalaki ang kaniyang hininga bago taos-pusong nagpasalamat kay Duan Ling Tian, "Ling Tian, bata, maraming salamat."

"Pamilya tayo, hindi mo kailangan maging magalang, lolo… kung hindi ako nagkakamali, bukod sa pagkakaroon ng mainit na pakiramdam sa iyong Origin Energy nitong nakaraan at hirap sa pagtulog, kapag gumagawa ka ng sandata, madalas kang napapagod at nakararamdam na mayroon kang puso ngunit walang lakas upang matapos ang paggawa, hindi ba?" sabi ni Duan Ling Tian na may seryosong mukha.

Huminga nang malalim ang matandang lalaki bago hindi makapaniwalang nagtanong, "Ling Tian, bata, kaya mo talagang mapansin ang aking nakatagong karamdaman mula sa pagpilit na pataasin ang aking Weapon Flame'grade sa pagtingin lamang sa Spirit Weapon na ginawa ko?"

"Siyempre po. Hindi lang ang iyong nakatagong karamdaman, lolo, maaari ko rin itong pagalingin, ngunit kailangan niyong maghintay na makatuntong ako sa Core Formation Stage," sabi ni Duan Ling Tian.

"Bakit?"

Nalilito ang matandang lalaki.

"Dahil kapag nakatuntong ako sa Core Formation Stage ay doon lamang ako makagagawa ng Pill Flame mula sa aking Origin Energy at makagawa ng isang medicinal pill na makakatulong sa pagpapagaling sa iyo, lolo." Mabagal na sinabi ni Duan Ling Tian.

"Ling Tian, bata, kahit na may likas kang talento ng isang alchemist, ang pagiging isang alchemist ay hindi ganoon kasimple…"

Mapait na tumawa ang matandang lalaki nang maramdaman niya inaabot ni Duan Ling Tian ang hindi niya kayang hawakan.

"Lolo, kahit anong sabihin ko ngayon, hindi kayo maniniwala. Sa loob ng dalawang buwan, malalaman niyo kung ang sinabi ko ay tama o mali."

Naglabas ang katawan ni Duan Ling Tian ng malakas na tiwala sa sarili.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C65
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login