Download App

Chapter 66: Hidden Dragon List

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Kung gano'n ay maghihintay ako at nang makita natin."

Ang matandang lalaki ay masidhing tumingin kay Duan Ling Tian.

"Pero sa susunod na dalawang buwan, umaasa ako na ihinto ni lolo ang anumang paggawa ng mga sandata. . . Kung hindi, sa sandaling ang Weapon Flame ay mawawalan ng kontrol, maging ako ay mawawalan ng kapangyarihan."

Naging seryoso ang ekspresyon ni Duan Ling Tian.

"Sige, bibigyan kita ng dalawang buwan."

Tumango ang matandang lalaki bilang sang-ayon.

Nagbigay ng ngiti si Duan Ling Tian bago siya umalis.

"Fei, sa tingin mo bang dapat pagkatiwalaan natin ang mga sinabi niya?" tanong ng matandang lalaki sa katabi niyang apo.

"Lolo, nararamdaman kong napakamisteryoso niya. . .May tiwala ako sakaniya."

Umiling na lang si Li Fei at nagkaroon ng liwanag sa malilinaw niyang mga mata.

"Fei, ito ang unang beses na nakita kitang nagtiwala ng ganito sa taga-labas. Mukhang sainyong dalawa hindi lang siya ang may pagtingin. Sabihin mo sa akin, kailan mo pa siya nasimulang magustuhan?"

Ngumiti ang matandang lalaki.

"Lolo, hindi ko siya gusto. Hindi ko papansinin ang sinabi mo."

Namula si Li Fei sa kahihiyan at dali-dali siyang bumalik sa kaniyang kwarto.

"Hindi naman masama ang Duan Ling Tian na ito, at iniligtas pa nga niya ang buhay ni Li Fei noon. Baka. . ."

Naglaho ang ngiti sa mukha ng matandang lalaki habang kausap nang mahina ang kaniyang sarili, tila ba taimtim na nag-iisip tungkol sa isang bagay.

Sa isang tahimik na silid.

Nakade-kwatrong nakaupo si Duan Ling Tian sa kaniyang kama at kinunsumo ang Origin Gathering Pill.

At nagsimula siyang magcultivate.

Nine Dragons War Sovereign Technique, Raging Python Form!

Ang medicinal strength ng Origin Gathering Pill ay naging mainit na pagdaloy sa katawan ni Duan Ling Tian.

Ginabayan ni Duan Ling Tian ang mainit na daloy ng Raging Python Form mental cultivation method, pinaikot niya ito sa kaniyang katawan habang pinapaunlad niya ang Origin Energy.

Ang pagpapaunlad ng Origin Energy ay isang bagay na hindi madaling makumpleto sa maikling panahon kahit na mayroong Origin Gathering Pills.

Hanggang sa kalaliman ng gabi, wala pa ring progreso para kay Duan Ling Tian.

Naintindihan ni Duan Ling Tian na ang pagtaas ng kaniyang cultivation ay hindi napapagtagumpayan ng isang gabi lamang.

Nakatulog na lamang siya pagkalipas ng ilang oras.

Natulog siya hanggang ang kalangitan ay lumiwanag.

Ang mga sumunod na mga araw ay lumipas nang mapayapa.

Nagpatuloy ang buhay nang may ritmo.

Tuwing umaga, si Duan Ling Tian ay magsisimulang i-cultivate ang kaniyang Spirit Serpent Movement sa patyo.

Sa hapon, sa pamamagitan ng medicinal liquid na nabuo galing sa tatlong daang taong gulang na Blood Lingzhi, napapataas niya ang cultivation ng kaniyang defensive martial skill, ang Greater Teleportation.

Sa pagsapit nang gabi, kinunsumo niya ang Origin Gathering Pill at sinimulan ang cultivation ng Nine Dragons War Sovereign Technique upang magawa ang Origin Energy.

Ang kaniyang movement technique, ang Spirit Serpents Movement Technique ay tuluyan ng nakatuntong sa Mastery Stage kanina nang iligtas niya si Li Fei.

Sa kasalukuyan, nang isagawa ni Duan Ling Tian ito, ang kaniyang bilis ay naging kagulat-gulat subalit malayo pa rin ito mula sa kaniyang defensive martial skill na Greater Teleportation, mayroong pagtulong bago ito makarating sa Perfection Stage.

Ang medicinal liquid na nakuha mula sa tatlong daang taong gulang Blood Lingzhi ay naging dahilan upang ito ay sumulong sa kahanga-hangang bilis.

Naniniwala si Duan Ling Tian na ang pagcultivate ng kaniyang Greater Teleportation upang tumuntong sa Mastery Stage ay aabot lamang ng dalawang buwan.

Para naman sa kaniyang cultivation, sa paglipas ng oras, dahil sa masaganang kasaranasan sa cultivation ng Rebirth Martial Emperor, naramdaman na ni Duan Ling Tian ang Origin Energy sa loob niya.

Naniwala siyang hindi aabutin ng mahabang panahon bago niya mapagtagumpayan ang paggawa ng kaniyang Origin Energy.

Ang pagtakbo ng oras ay tila tumatakas na anino ng isang maliit na puting kabayo.

Pagkalipas ng isang buwan.

Bukang-liwayway.

"Young Master, nakalagpas na ako."

Lumakad palabas ng kaniyang silid ang isang dalagitang nakaberdeng kasuotan at ngumiti sa batang nasa courtyard.

Nagcucultivate ng kaniyang movement technique ang bata.

Pagkatapos marinig ang sinabi ng dalagita, napahinto siya at tumayo roon.

Ang Origin Energy na kumislap mula sa kamay ng dalagita ang dahilan upang magulat ang bata.

Sinupresa na naman siya ng likas na talento ng dalagita.

"Ke Er, simula ngayon, maaari mo ng umpisahan ang pagcultivate ng sword skills ng the Frost God's Sword Technique.

Ang tagumpay ni Ke Er ay lagpas pa sa inaasahan ni Duan Ling Tian.

Masaya si Duan Ling Tian para sa kaniya.

Ayon sa sinabi ni Ke Er, pitong Origin Gathering Pills lang ang kaniyang kinunsumo bago niya makumpleto ang kaniyang tagumpay.

Base sa mga alaala ng Rebirth Martial Emperor, sa tuntunin ng natural talent, ang bilis ng tagumpay ni Ke Er sa Core Formation Stage ay nasa taas na ranggo kahit pa sa buong Cloud Continent.

Hanggang ngayon, nagawa ng kumunsumo ni Duan Ling Tian ng siyam na Origin Gathering Pills at nasa kalahati pa lamang siya ng Core Formation Stage.

Matagal-tagal pa bago niya tuluyang makumpleto ang kaniyang tagumpay!

Siyempre, hindi ibig sabihin nito na ang natural talent ni Duan Ling Tian ay mas mababa kumpara kay Ke Er.

Pagkatapos ng lahat, sila ay mayroong magkaibang cultivation methods.

At kahit pa napagtagumpayan ni Ke Er ang cultivation patungo sa unang antas ng Core Formation Stage, kung lakas ang pag-uusapan, hindi siya naiiba sa ordinaryong unang antas na Core Formation martial artist.

Kaya naman siya ay malayo pa para ikumpara sa estado ni Duan Ling Tian ngayon.

Hapon.

Ang dalawang magaganda sa bahay ay lumabas para mamili, naiwan si Duan Ling Tian nang mag-isa.

Binati siya ng hindi inaasahang panauhin.

Ipinakilala ng panauhin ang kaniyang sarili bilang isang taong mula sa Xiao Clan at nagpunta para magbigay ng isang liham ng imbitasyon.

Nangingibabaw ang liham ng imbistasyon. Sa harapan nito, isang godly dragon na may limang kuko lang nakahabi gamit ang pilak na sinulid. Para itong totoo.

Kabubukas pa lamang ni Duan Ling Tian ng liham ng imbistasyon nang. . .

"Mukhang nakatanggap ka ng imbistasyon ng Hidden Dragon"

Isang dalagita na may lilang damit at kaakit-akit na katawan at mala-anghel na mukha ang marahang lumakad sa courtyard.

"Little Fei, ano ang Hidden Dragon Invitation?"

Tinignan ni Duan Ling Tian ng may naguguluhang ekpresyon ang dalagita.

"Kada taon, ang Aurora City ay mayroong pagtitipon para sa mga henyong kabataan sa mga angkan ng Aurora City. Ang mga kabtaan ng tatlong pinakadakilang angkan sa Aurora City na nakakuha ng limang pinakamataas na posisyon sa kani-kanilang clans' Martial Meet ang siyang maaari lamang dumalo sa pagtitipon. Ilan sa mga mahuhusay na kabataan ng ibang mga clans ay dadalo rin subalit ang mga pamilyang iyon ay mayroon lamang isang respektibong lugar."

"Ang pagtitipon na ito ay pangungunahan ng tatlong dakilang angkan ng Aurora City sa paikot na batayan at ngayong taon ang Xiao Clan ang mangunguna," paliwanag ni Li Fei.

"Para saan ang pagtitipon na ito?" tanong ni Duan Ling Tian.

"Upang mairanggo muli ang Hidden Dragon List."

Ngumiti si Li Fei nang mayroong bakas ng masidhing hangarin sa kaniyang mga mata.

"Hidden Dragon List?"

Si Duan Ling Tian ay natuliro.

Sa kaniyang alaala, simula nang dumating siya sa angkan ng Li Clan nakaraang mga nagdaan na buwan, parang narinig niya na na may nagbanggit nitong Hidden Dragon List noon.

Subalit hindi niya ito sinubukang intindihin ng maigi.

Hindi niya alam kung ano itong Hidden Dragon List.

"Ang Hidden Dragon List ay isang listahan ng ranggo para sa pagra-ranggo ng mga henyong kabataan sa Aurora City ayon sa kanilang lakas. Ang ranggo ay itinuturing na mayroong lubhang malaking halaga. Ang mga indibidwal na nakalista ay mga kamangha-manghang henyong kabataan ng Aurora City. . . Halimbawa, si Li Feng ng aming Li Clan, na siyang naging kampeon ng nakaraang taong Clan Martial meet, ang siya ring ikatlong henyong bata ng nakaraang taong Hidden Dragon List."

"Isa lang ang ibig sabihin ng pagpapadala ng imbitasyon ng Xiao Clan. At ang ibig sabihin nito na magbabago ang pagra-ranggo ng Hidden Dragon List. . .Sa pagtitipon, ang mga henyong kabataan ng Aurora City ay magsasama-sama para sa interaksyon at maglalaban. Sa bandang huli, base sa kanilang sariling lakas, ang bagong Hidden Dragon List ay magagawa," pagpapaliwanag ni Li Fei.

Tumango sa Duan Ling Tian nang maintindihan niya.

Binuksan niya ang Hidden Dragon Invitation at binasa ito.

Ang pagtitipon ay gaganapin tatlong araw mula ngayon.

Ang pangyayarihan ng pagtitipon ay sa Xiao Clan's Estate sa Star Observation Platform.

"Nakakawalang-gana."

Sambit ni Duan Ling Tian habang kaswal na itinabi ang Hidden Dragon Invitation habang humihikab.

"Ikaw. . . anong ginagawa mo?"

Laking gulat ni Li Fei.

Pagkatapos ng lahat, karamihan sa mga tao ay pinaglalaban ang lahat ng kaya nilang ilaban para lang magkaroon ng imbitasyon ngunit hindi sila karapat-dapat.

Subalit itong lalaking ito ay itinapon lang ang Hidden Dragon Invitation nang parang basura.

Nang biglang, tila nakaisip siya ng ideya, tanong ni Duan Ling Tian kay Li Fei, "Tama, sinabi mo kanina na mayroon lamang limang Hidden Dragon Invitations sa Li Clan hindi ba?"

"Oo, hindi lahat maaaring makatanggap ng Hidden Dragon Invitation."

Kampante ang pananalita ni Li Fei na mayroong ekspresyon na nagsasabing "ignorante ka talaga."

"Kung gano'n, maaaring sabihin na ang bawat Hidden Dragon Invitation ay mayroong hindi kapani-paniwalang halaga?"

Kumislap ang mga mata ni Duan Ling Tian.

"Siyempre, halos lahat ng kabataan sa nakababatang henerasyon sa Aurora City ay nais makadalo sa taun-taong pagtitipon ng mga henyong kabataan, pero dahil ang bukana ng Hidden Dragon Invitation ay masiyadong mataas, tinatanggihan lamang sila sa pasukan na pinto. Pagkatapos ng lahat, hanggang ang isang henyong kabataan ay maaaring makasali sa pagtitipon, kahit sila pa ay hindi maira-ranggo sa Hidden Dragon List sa bandang huli, mararanasan pa rin nila kung paano kumilos ang iba pang mga henyo. Baka makakuha pa sila ng pakinabang mula roon at mapagtagumpayan ang kanilang sarili.."

Ang ekpresyon ni Li Fei ay nagpapahawatig ng "hindi na iyon kailangan sabihin."

Napansin niyang pinulot ni Duan Ling Tian ang Hidden Dragon Invitation.

Naisip niya na pagkatapos marinig ni Duan Ling Tian ang lahat ng sinabi niya ang sinimulan nitong seryosohin ang Hidden Dragon List.

Subalit sino bang nakakaalam na ito pala ang babanggitin niya sa sarili niya.

"Pagkatapos kong marinig ang lahat ng sinabi mo, ang Hidden Dragon Invitation na ito ay magkakahalaga ng maraming pera, hindi ba? Mukhang kaya kong gumawa ng pribadong subasya para maibenta itong Hidden Dragon Invitation. Malay mo, magkaroon pa ako ng pera dahil dito. . .Oo, ito ang gagawin ko."

"Ikaw. . .Ikaw… Maaari bang wala ka talagang intensyon o anuman na mai-ranggo sa Hidden Dragon List?"

Pagkatapos niyang marinig ang mga sinabi ni Duan Ling Tian, ikinagalit ito ni Li Fei na naging dahilan ng pagbilis ng kaniyang paghinga.

Sa kaniyang opinyon, kasama siya, hangga't ito ay isang henyong kabataan ng Aurora City, sino ang hindi gustong mai-ranggo sa Hidden Dragon List?

Ang mairanggo sa Hidden Dragon List ay isang napakaprestihiyosong karangalan.

Kung sino man ang nasa listahan ay maaaring mag-iwan ng kanilang pangalan sa Aurora City, naghihintulot sa mga susunod pang henerasyon upang tignan ito ng may pagpipitagan.

Subalit ang Duan Ling Tian na ito ay iniisip na ito ay isa lamang paghamak.

"Iyan ay kaunting kasikatan at reputasyon lamang, kaya't hindi ako interesado."

Umiling lamang si Duan Ling Tian, wala ni kaunting pakialam.

Sa kaniyang nakaraang buhay, bilang pinakamalakas na weapons specialist sa mundo, binitbit niya ang tone-toneladang karangalan at kagitingan at siya ay masiyadong mataas para hawakan.

Matagal na siyang walang paki sa ganitong klase ng reputasyon.

Pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Duan Ling Tian, tinignan siya ni Li Fei ng may komplikasyon.

Anong klaseng lalaki ito? Hindi naman siya matanda pero bakit tila mayroon na siyang napakaraming karanasan sa buhay.

Tila mayroong biglang naisip si Duan Ling Tian na naging sanhi ng mabilis niyang pagtatanong, "Tama, muntik ko nang makalimutan. Little Fei, ang Hidden Dragon List ranking, mayroon bang mga premyo ito? Halimbawa, ang unang ranggo ay makakakuha ng mahalagang medicinal material o mahahalagang kasangkapan…"

"Ikaw…"

Ang siryosong ekspresyon sa mukha ni Li Fei ay nasira ni Duan Ling Tian. Siya ay lubos na naguguluhan kung siya ba ay matatawa o iiyak.

"Oo siyempre mayroong mga premyo. Ang mga taong nairango sa loob ng sampung pinakamataas sa Hidden Dragon List ay magkakaroon ng kaukulang premyo… Ang mga premyong ito ay laan ng tatlong dakilang clan ng Aurora City at mas maganda pa ang mga ito kumpara sa mga premyo noong nakaraang Clan Martialn Meet."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin kanina?"

Tumingin si Duan Ling Tian kay Li Fei ng may sisi sa kaniyang mga mata nang itinago niya ang Hidden Dragon Invitation na parang ito ay isang napakahalagang yaman.

"Hindi mo itinanong."

Binigyan ni Li Fei si Duan Ling Tian ng tingin na may paghamak.

"Mukhang hindi mo masiyadong naiitindihan itong mapapangasawa mo. Sige, dapat nating ibahagi lalo ang mga nararamdaman natin… Pumunta ka sa kuwarto ko para magbahagi."

Sabik na sinukat ng mga mata ni Duan Ling Tian ang magandang katawan ni Li Fei habang siya ay nakangiti.

"Pilyo! Ang kapal ng mukha."

Tumalikod si Li Fei sa sobrang hiya at umalis.

"Sa tatlong araw, hahanapin kita. Pupunta tayong dalawa sa Xiao Clan Estate," sambit niya at umalis.

"Mas nagiging kaakit-akit pa ang dalagitang ito…"

Huminga nang malalim si Duan Ling Tian. Ang nagbabagang pakiramdam na nanggagaling sa ibabang parte ng kaniyang katawan ay bahagyang humupa.

Hangad niyang habulin ang dalagita at "parusahan" siya rito.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C66
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login