Download App

Chapter 480: Isang Oportunista (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kahit na halos katabi lang ng Qi Kingdom ang Battle Spirits Forest, wala masyadong alam sina Long Qi at ang kaniyang grupo sa loob ng kagubatang iyon. Sila ay naligaw nang sila ay pumasok sa Battle Spirits Forest. Naging madugo ang paglalakbay nina Long Qi sa kagubatang iyon.

Hindi kailangan ng Lin Palace ng spirit stones. Sa Qi Kingdom, matapos na maupo ni Mo Qian Yuan bilang Emperor, malaki ang kaniyang pagtitiwala sa Lin Palace at ipinagkatiwala nito ang mga suplay ng kaharian sa Rui Lin Army. Ang balak ni Long Qi ay ibibigay nito kay Jun Qing ang nakalap nitong spirit stones at hayaan itong magdesisyon kung ano ang gagawin doon.

Ngunit ngayon, para matunton ang lokasyon ng Spirit Moon Lake, wala siyang nagawa kundi ang pumayag sa kagustuhan ni Ning Xin.

"General Long, inabala ka na namin ng sobra." Saad ni Rong Heng na hinahabol ang hininga habang pilit na sumasabay sa grupo. Sinundan niya si Mu Chen sa Lin Palace at natutunan na nilang makisama sa mga Rui Lin Army.

Ang mga disipulong nagmula sa Cloud Treading Peak ay walang malakas na spiritual power. Bukod sa kanilang galing na gumamot ng ugat at arteries ng isang tao, wala silang pinagkaiba sa ordinaryong tao. Ang kanilang kasalukuyang sitwasyon ay nangangailangang pasukin ang delikado at mapanganib na kagubatang ito, gayong nagsisimula na ring dumilim. Kung hindi dahil sa magandang naisipan ng Panginoon Lin na samahan ang grupo nina Long Qi, baka sila ay buto na lang bago pa man makaabot sa Spirit Moon Lake.

"Kayo ay naririto para hanapin ang partikular na halamang-gamot na iyon para makagawa ng gamot para sa Rui Lin Army, ito na lang ang maitutulong namin sainyo." Sagot naman ni Long Qi, diretso lang ang tono nito, dahilan para mailang ang makakausap nito. Ngunit sa maiksing panahon na nakasama nila ito, alam na nila Rong Heng na sadyang ganito lang talaga makitungo ang mga lalaking namuhay na kasama ang sandata.

"Sana ay makakuha tayo ng maraming Aqua Spirit Grass para makagawa ng sapat na elixir." Saad ni Rong Heng.

Bahagya namang Tumango si Long Qi aat sinenyasan na ang anim na sundalo ng Rui Lin Army. Agad na hinati-hati ng grupo ang kanilang mga sarili sa tigdadalawa at lumapit kay Rong Heng at sa dalawa pang disipulo. Hinawakan nila nag mga hinihingal nang disipulo at nagpatuloy, binuhat ng mga ito ang mga disipulong kanilang kasama.

"Maraming salamat." Muling pinasalamatan ni Rong Heng ang mga sundalo.

Si Ning Xin naman na pinapangunahan ang grupo ay tahimik na nag-oobserba sa kaniyang likuran. Humabol naman si Lu Wei Jie sa lakad ni Ning Xin at tinanong ito: "Little Xin, ang mga lalaking iyon ay mukhang hindi mga mangangalakal ng halamang-gamot dahil sa mga armadong kasama nila." Hindi siya sigurado sa ibang bagay, ngunit para kunin si Escort Long, alam niyang hindi lang ito ordinaryong guwardiya. Si Lu Wei Jie ay natanghal na ikalawa sa Zephyr Academy's Spirit Tournament at alam niya ang kapangyarihan kapag nakakita siya noon.

At ang tumayo lang sa tabi ni Long Qi, namangha na si Lu Wei Jie sa nagpapahirap na presensiya nito. At ang pagpapahirap na kaniyang nararamdaman ay hindi lang dahil sa pagkakaiba ng kanilang spiritual power at ring spirit, kundi ay dahil iyon sa awra mismo ng lalaking iyon.

Ang presensiya ng lalaking ito ay umaani ng respeto at takot. Ang matalim nitong tingin ay magpapaiwas sa sinuman ang tititig dito. Dahilan para hindi ito matitigan ng diretso.

"Ang isa bang ordinaryong mangangalakal ng halamang-gamot ay tutungo pa rito sa Battle Spirits Forest? Para lang silang naghanap ng ikakapahamak nila. Kung tama ako sa aking hinala, at ang mga ito ay hindi galing sa ordinaryong lugar lang, maaaring galing ito sa makapangyarihang pwersa." Nagsalubong ang mga kilay ni Ning Xin, "Tignan mo ang mga lalaking mas matatangkad at matipuno ang pangangatawan, tuwid ang kanilang katawan at matigas ang kanilang mga mukha. Mukhang sumailalim sila sa isang masusing pagsasanay. Maaaring nakasuot sila ng ordinaryong kasuotan ngunit ang mga sandatang nakasabit sa kanilang bewang ay hindi basta-basta ng espada. Ngunit anuman ang hinahanap nila, isa lang ang alam natin, sila ay malalakas at makapangyarihan."

Nagtiwala si Ning Xin sa kaniyang sariling pangitain at alam niyang ang mga lalaking ito ay mas higit pa sa kung ano ang pinapakita nila.

"Bakit pala nanghingi ka ng limang mataas na uri ng spirit stones?" Tanong ni Lu Wei Jie, naguguluhan ito. Kung tunay ngang malalakas ang mga ito, hindi ba't mas mabuti kung maakay nila ang mga ito? Sa halip ay nanghingi si Ning Xin ng nakakapanggilas na kabayaran.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C480
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login