Download App

Chapter 1370: Kayamanan, Parating na Kami! (8)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagulat din si Fan Zhuo. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang naging interesado si Jun

Wu Xie sa kabaong ng Dark Emperor.

Sa totoo lang, lahat sila ay naghahanap lamang upang makakuha makapangyarihang lakas at

hindi nais na gamabalin ang payapang himlayan ng Dark Emperor, kaya naman, ang pagbukas

sa kabaong… ay nakakagulat.

Si Ye Gu ay nakanganga habang nakatingin sa magandang dalagita na nakapagbigkas ng

kalapastanganan, hindi siya makapaniwala.

[ Sino ang dalagitang ito? Nangahas magtanong na buksan ang kabaong ni Lord Jue?]

Matapos sabihin ni Jun Wu Xie ang mga salitang iyon, siya ay tumalikod papunta kay Jun Wu

Yao na ilang hakbang lamang ang layo sa kaniya.

"Matutulungan mo ba ako?" tanong ni Jun Wu Xie habang nakatitig kay Jun Wu Yao.

Saglit na nagulat si Jun Wu Yao ngunit bigla siyang natawa. "Kung ikaw ay interesado,

bubuksan namin ito."

Halos maiiyak na sina Ye Sha at Ye Mei sa sandaling iyon.

[Lord Jue! Wala ka bang pakialam sa iyong mga sinasabi?]

[Hindi mo ba naiisip na ikaw ay buhay na nakatayo dito at maaaring walang laman ang

kabaong! Ang Young Miss ay malinaw na naghahanap ng sagot sa iyong tunay na pagkatao!

Ang Young Miss ay naghihinala na ikaw ang Dark Emperor, hindi mo ba susubukang gumawa

ng paraan upang harapin ito!?]

[ Hindi ito ang tamang oras upang maging maawain!]

Sa kabila ng nararamdamang pagkabahala nina Ye Mei at Ye Sha, wala silang magawa upang

baguhin ang salitang sinabi ni Jun Wu Yao.

Si Jun Wu Xie ay patuloy na nakatingin ng tahimik kay Jun Wu Yao na may ngiti pa rin sa labi,

naroon ang pamilyar na tuwa sa mata.

"Lit… Little Xie… Talaga bang ipabubukas mo ang kabaong?" Tanong ni Qiao Chu na may pag-

aalinlangan sa boses.

"Maaaring hindi iyan ang pinakamabuting gawin, tama? Ang Dark Emperor… Maraming taon

mula nang siya ay bumagsak, at tayong pumunta dito upang nakawin ang kaniyang mga

kayamanan na nakabaon sa libingan ay isang kawalang-galang na, kung gagambalain natin ang

payapang pamamahinga niya…" Sinabi ni Quiao Chu habang sinusubukan niyang pigilan, hindi

niya maintindihan kung saan nanggaling ang ganitong ideya ni Jun Wu Xie

Sa kanilang paglalakbay, ito ay hindi niya narinig sa kaniya na mayroon siyang binabalak kahit

isang beses.

Saglit na tumahimik si Jun Wu Xie bago niya sinabi: " Nagbibiro lang ako."

"Har?" tanong ni Qiao Chu, biglang napatigil sa kinatatayuan.

Hindi pa niya nakitang nagbibiro si Jun Wu Xie tungkol sa anumang bagay at sa unang

pagkakataon ang ginawa niya ay hindi biro. Halos mawala sila sa ulirat sa matinding takot.

Sa pagbabago ng isip ni Jun Wu Xie, sina Ye sha at Ye Mei ay nakahinga ng maluwag.

"Biro lang ba ito?" Ngunit si Jun Wu Yao ay pinagmamasdan ng malapitan si Jun Wu Xie.

Bahagya niyang napansin na tila may natuklasan na ang dalagita. Kahit siya ay hindi sigurado

kung ang kabaong ay may "labi ng Dark Emperor" at kung ang kabaong ay binuksan at wala

itong laman, mapapatunayan ni Jun Wu Xie na totoo ang kanyang kutob.

[Ngunit….]

[Bakit bigla na lamang nagbago ang isip niya?]

Mukhang hindi na ipagpapatuloy ni Jun Wu Xie na pag-usapan ang paksang iyon nang

bumaling ang kanyang paningin sa mga mahiwagang bagay na nakalagay sa lalagyan na gawa

sa buto, dahil sa kalmado at mahinahong pagkatao nito, tila lahat ng mga salitang nabanggit

kanina ay talagang biro lamang.

Habang siya ay naglalakad patungo sa daan-daang salansanan na gawa sa buto, ang pusang

itim na nakapatong sa balikat ni Jun Wu Xie ay nagsalita na silang dalawa lamang ang

nakakarinig at sinabing:

"Mistress, may natuklasan ka ba?" nararamdaman nito ang pagtaas-baba ng damdamin ni Jun

Wu Xie at sa mga sandaling iyon tulad ng dati, naramdaman niya ang pagbabago sa damdamin

ni Jun Wu Xie.

"May magbabago ba kung gawin ko o hindi?" biglang tanong ni Jun Wu Xie

Ang pusang itim ay natigilan.

Sa sandaling iyon, si Jun Wu Xie ay masigasig na matukoy ang tunay na katauhan ni Jun Wu

Yao. Nang tinanong niya kung handa ba siyang tulungan nito, ang kaniyang matigas at matatag

na pagpapasya ang naging dahilan upang maramdaman ni Jun Wu Xie…

Ang kanyang hangarin upang mapatunayan kung sino siya, ay hindi masyadong makabuluhan.

[Kung sino siya, o kung saan man siya nanggaling, ay hindi na mahalaga pa.]

[Para sa kanya, ito ay si Jun Wu Yao lamang .]

[Ang tanging nasa ilalim ng Heavens, si Jun Wu Yao. Ang taong laging nagtatanggol at

gumagabay sa kanya, si Jun Wu Yao!]


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C1370
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login