Download App

Chapter 1377: Wu Yao (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Siya ay nasasaktan kapag nakikita niya itong nagagalit. Wla siyang magawa kapag matigas ang

ulo nito

Iyon ang unang pagkakataon na nalaman ni Jun Wu Yao na ang kaniyang damdamin ay

maaaring maapektuhang ng ibang tao at ang pakiramdam na ito ay naging dahilan upang siya

ay mawala sa sarili.

Kung kaya't pansamantala niyang iniwasan si Jun Wu Xie , ngunit siya ay nag-aalala sa

kaligtasan nito at iniwan niya si Ye Sha upang manatili sa tabi ni Jun Wu Xie at protektahan ito.

Hanggang sa Cloudy Peaks, kung saan pinasabog ni Ye Sha ang sarili nang si Jun Wu Xie ay

nasa panganib.

Nang maramdaman niya iyon, nagawa niyang pigilan ang sarili sa matinding kagustuhan na

mabilis na magtungo sa tabi nito.

Ang nakakalitong damdamin, ay parang isang nakawalang hayop na hindi makontrol ang sarili.

Hanggang sa nakita niya ito at niyakap sa kaniyang mga bisig, nakaramdam siya ng kasiyahan

na hindi pa niya nararamdaman kailanman.

Simula noon ay hindi na pinigilan pa ni Jun Wu Yao ang kaniyang sarili at tinanggap ang tunay

niyang nararamdaman para kay Jun Wu Xie, maging ano pa man sila.

Siya ay handa upang protektahan ang dalagita.

Anuman ang kahihinatnan, hindi na niya nais na pigilan pa ang sarili na gawin iyon.

Hindi pa rin alam ni Jun Wu Yao kung ano ang tawag sa kaniyang nararamdaman, ngunit isa

lang ang malinaw sa kaniya. Gusto niyang makasama ang dalagita. Hindi mahalaga kung saan

o kaila, nais niyang gawin ang lahat ng kanyang makakaya, lumaban sa lahat ng mayroon siya

upang protektahan ito.

Hindi niya mahanap ang tamang salita kung ano kaniyang nararamdaman, ngunit batid niya.

Ang tatlong karakter na ang basa ay Jun Wu Xie ay naging amahalaga sa kaniyang buhay, hindi

maikakaila na nakatatak na sa kaniya habang buhay .

Ang walang katapusang agos ng mga alaala ay mabilis na nagpaikot-ikot sa kaniyang isip at sa

wakas ay tinapos ni Jun Wu Yao iyon sa isang halik. Sa katunayan, kung may magagawa

lamang siya, hihilingin niya na hindi na matapos ang sandaling iyon.

"Gusto kong tawagin mo ako ng ganoon."

Wu Yao, ang kaniyang pangalan. Kahit na sino pa siya sa nakaraan, mula sa sandaling iyon, siya

ay si Jun Wu Yao. Ang Jun Wu Yao na pagmamay-ari lamang nito.

Isusuko niya ang buong mundo upang siya lamang ang maging laman ng puso nito.

Ang mga pisngi ni Jun Wu Xie ay namula ngunit hindi nagpahalata na siya ay medyo nahihiya

habang nakatingin kay Jun Wu Yao na may ngiti sa kaniyang mukha.

Dati ay hindi niya alam kung paano tumawa, ngunit ngayon ay nasanay na siyang ipakita ang

isang nakangiting mukha.

Silang dalawa ay tahimik na nagkakaintindihan sa isa't isa. May mga salita na hindi na

kailangan pang sabihin dahil ito ay naiintindihan na nila.

Lahat ng uri ng matatamis na salita o mga pangako ng wagas na pag-ibig ay hindi

maihahambing sa malalim na pagtitinginan sa pagitan ng dalawang puso.

Kapag ang nararamdaman ay lumalim tulad nito, ang isang salitang pagtugon ay ang magiging

pinakamagandang salita ng pagmamahal.

"Kung gusto mo ito, hindi ba dapat ikaw ay naghahanap na ng isang bagay para kay Little

Jue?" tanong ni Jun Wu Xie na bahagyang tumaas ang kilay. Nakuha na niya ang kaniyang

kailangan, kaya hindi ba't dapat ay ibalik ito sa pamamagitan ng pagkilos nito?

Tumawa ng mahina si Jun Wu Yao. Kitang kita na sa mukha ni Jun Wu Xie ang kaniyang mga

ekpresyon kumpara sa kaniyang pagkatao noong una silang nagkita at tiyak na mas kawili-wili

ito ngayon. At ang ikinatutuwa niya ay nasaksihan niya ang ang pagbabago nito.

[Sa kabutihang palad…]

[Hindi pinalagpas na makita ito.]

"Ang iyong utos ay natanggap na aking Young Miss." Sinabi ni Jun Wu Yao at biniro si Jun Wu

Xie, siya ay mukhang masunurin na tinatanggap ang mga utos sa kaniya.

Si Ye Gu ay halos sumuka ng dugo sa kaniyang nakikita, ang buong pagkatao ay natigagal.

Tinapik si Ye Gu sa balikat nina Ye Sha at Ye Mei sa labis na pagkahabag.

[ Masasanay din siya sa tamang panahon.]

Dahil sa nakuhang "panghihimok" kay Jun Wu Xie, hindi na pinilit hanapin ni Jun Wu Yao ang

magical artifact na angkop para kay Jun Wu Xie, sa halip ay lumingon kay Little Jue na

nakatayo sa gilid, na ang ulo ay nakasiksik sa kaniyang balikat.

Si Little Jue ay nagkaroon ng takot kay Jun Wu Yao at hindi na siya nagtatangkang kumilos sa

tuwing makikita niya si Jun Wu Yao. Ang makita ang takot na munting nilalang na nakatayo

doon ay magbibigay ng pakiramdam sa sinuman na naising ito'y kunin upang yakapin upang

aliwin.

Sa kasamaang palad, ang yakap ni Jun Wu Yao ay para lamang kay Jun Wu Xie.

"Ang Soul Calming Jade ay magical artifact na nagpapanumbalik ng souls at may magical

artifacts na mas mahusay kaysa dito. Bata, masaya ako ngayon kaya ako ay pipili ng isang

nababagay para sayo." Tumatawang sinabi ni Jun Wu Yao, ang kaniyang boses ay masigla, na

parang ipinararating sa lahat na siya ay talagang masaya ngayon!


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C1377
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login