Download App

Chapter 1492: Nagpunta ng Walang Paanyaya (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Hindi maari." Sagot ng Spirit Jade Palace Lord na matigas ang ekspresyon sa kaakit-akit nitong mukha.

"Hindi ka pwede manatili dito." Matigas ang tono ng boses.

Tumaas ang kilay ni Jun Wu Xie habang nakatitig sa naninigas na labi ng Spirit Jade Palace Lord. "Bakit?"

"Ang Spirit Jade Palace ay hindi tumatanggap ng sinumang lalaki dito sa loob." naging mabagsik ang boses ng Spirit Jade Palace Lord.

Tiningnan ni Jun Wu Xie ang Spirit Jade Palace Lord mula ulo hanggang paa, mabagal itong sinukat, ang ibig niyang ipahiwatig ay napakalinaw.

Hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha ng Spirit Jade Palace Lord at humugot ito ng malalim na hininga bago nagsalita: "Bukod sa akin."

"Tumatanggi ako." saad ni Jun Wu Xie.

"..." Nanlaki ang mata ng Lord ng Spirit Jade Palace sa batang matigas ang ulo. [Hindi ba masyado na yatang iniisip ng batang to ang kaniyang sarili? Kailan niya sinabi na maaring tumanggi ang bata?]

"Kung nag-aalala ka tungkol sa iyong mga disipulo sa loob ng palace, makakasiguro ka. Kailangan mo lamang akong bigyan ng isang silid at hindi ako gaanong lalabas kung gusto ko." Saad ni Jun Wu Xie. Napansin niya ang pag-iiba sa pagitan ng lalaki at babae doon kaya hindi niya isinama si Dumb Qiao.

Nanigas ang bibig ng Spirit Jade Palace Lord, nangati ang paa niya sa pagnais na sipain ang hambog at ayaw sumuko na batang ito palabas sa lugar na iyon.

[Hindi mo alam na ito'y walang kinalaman sa kaniyang mga disipulo!!]

"Hindi pa rin maari!"

Dumako ang tingin ni Jun Wu Xie sa Spirit Jade Palace Lord. "Ang mga tao sa buong mundo ay sinasabi na ang Spirit Jade Palace ay may magagandang babae na kasing dami ng ulap at ang kanilang Palace Lord ang pinaka-maganda sa buong Middle Realm. Ngunit walang nakakaalam na ang Lord ng Spirit Jade Palace sa katunayan ay isa pa lang lalaki. Maari kayang… may lihim na hindi alam ang mga tao sa labas?'

Ang mata ni Jun Wu Xie ay nakakakilabot, na para bang tumatagos iyon sa puso ng tao.

Matiim na tinitigan ni Jun Wu Xie ang Spirit Jade Palace Lord na nagdulot ito sa kaniya ng pakiramdam na parang may ginawa siyang kahiya-hiya na hindi dapat malaman kaya ang kulay sa mukha nito ay nag-iba.

"Ikaw na bata ka…" naningkit ang mata niya. Kung hindi lamang sa katotohanan na nakita niya ang bata na may kakayahan marahil ay pinatay na niya ito gamit ang kaniyang palad at pinakain sa mga isda. "Manatili ka kung gusto mo, ngunit binabalaan kita! Hindi ka maaaring lumapit sa kahit isang disipulo ng Spirit Jade Palace. At! Anumang bagay na pagmamay-ari ko ay hindi mo maaaring hawakan kahit bahagya."

Pagkasabi niyon, ipinitik ng Spirit Jade Palace ang kaniyang daliri at isang matandang babae na puti na ang buhok ang dahan-dahang naglakad papasok. Bagaman ang mukha nito ay puro kulubot na, ngunit kung pagmamasdan ito ay hindi pa ito ulianin.

"Ipagkakatiwala ko ang batang ito sa iyo. Kuhanan mo siya ng lugar na walang tao sa paligid at doon mo patirahin. Mag-uto ka ng isang tao na magdadala sa kaniya ng pagkain tatlong beses sa isang araw at huwag mo hayaan ang mga disipulo na makalapit sa lugar na iyon." Ang kulay sa mukha ng Spirit Jade Palace Lord ay hindi maganda at bagaman napilitan siya tanggapin ang hiling ni Jun Wu Xie, ay mabigat ang loob na ginawa niya iyon.

[Ang munting bata na ito ay may lakas ng loob na ipahiwatig sa kaniya kanina na maaaring may kinasasangkutan siya imoralidad sa kaniyang mga disipulo sa Spirit Jade Palace!]

Kung mayroon siyang kahit anong masamang intensyon, ay ginawa na sana niya iyon noon pa! Kakailanganin pa ba na usisain siya ng bata?

Ang Lord ng Spirit Jade Palace ay umalis na madilim ang mukha, habang ang mukha ng matandang babae ay magiliw,ang mata na nakatingin kay Jun Wu Xie ay puno ng ngiti.

"Ang munting Young Master, ano ang itatawag ko sa iyo?"

Magalang na sumagot si Jun Wu Xie: "Ang inyong junior ay may apelyido na Jun."

"Young Master Jun, ang pangalan ko ay Yue. Tawagin mo na lamang akong Granny Yue. Sa edad kong ito, ang tawagin akong Granny ay hindi isang pananamantala." Saad ni Granny Yue na tumatawa habang nakatingin kay Jun Wu Xie. "Maaari ba sumunod sa akin si Young Master Jun." Matapos sabihin iyon, ay tumalikod na si Granny Yue at naglakad na papasok sa palace.

Nang magpakita si Granny Yue kanina, walang naramdaman si Jun Wu Xie na may kahit sino na nasa malapit ngunit sa isang mabilis na pagpitik ng dalir ng Spirit Jade Palace Lord, si Granny Yue ay agad nagpakita. Malinaw na si Granny Yue ay hindi pisikal na malayo sa kanila.

Sa kapangyarihan ni Jun Wu Xie na nasa ikaapat na antas ng Purple Spirit at hindi niya nagawang maramdaman ang presensiya ni Granny Yue maski bahagya, naisip ni Jun Wu Xie na iyon ay kagila-gilalas.

Tila ang Spirit Jade Palace ay isang lugar kung saan ang mga dragon ay nagtatago at ang mga tigre ay nakayukyok.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C1492
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login