Download App

Chapter 8: Isang Alanganing Sitwasyon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Biglang binangga ng Midnight Phantom Cat si Sleeping Moon na tumilapon sa isang tabi. Hinampas naman nito ang isa pang natumbang kalaban na si Fallen Sun

"Ah! Pasensya na!" Dahil nag-iisa lamang si Fallen Sun, papaano niya maiilagan ang mabilis na atake ng Midnight Phantom Cat?

Sa mga sandaling ito lamang nagpaumanhin si Sleeping Moon, dahil namalayan niya na siya pala ang nagturo sa mga baguhang ito kanina na may chansang maaring ma-OT ang kalaban at maibabaling sa iba ang aggro nito't aatakihin sila.

"Tumigil kayo. 'Wag niyo munang atakihin." Sinabi ni Sleeping Moon kay Fallen Sun na agad tumigil sa pag-atake. Agad niyang nilapitan ang Midnight Phantom Cat muli para kunin ang aggro. Sino makakaalam na pagkatapos kalmutin ng ilang beses si Fallen Sun, biglang susungab sa ibang miyembro ang Midnight Demon Cat?

"T*ngina! Isang chain OT! Niloloko mo ba ako?" Galit na sinigaw ni Sleeping Moon. Ang miyembro na inaatake ay nakatayo lang dahil sa pagkalito. Isa siyang mage na may suot na cloth armor.

Ang atakihin nang nagngangalit sa galit na Midnight Phantom Cat ay isang trahedya para sa kaniya.

Bumagsak ang kaniyang Health, pero kahit na naging mabilis ang aksyon ni Ye Xiu para panatilihin siyang buhay. Kaharap ang isang hidden BOSS, gaano katagal kaya siya mabubuhay?

Agad din lumabas ang sagot: pitong segundo. Naka-cooldown pa rin ang Heal ni Lord Grim. At mabilis siyang kinalmot at hinati sa dalawa ng nagngangalit sa galit na Midnight Phantom Cat.

Si Sleeping Moon ay kaagad na tumalon para tulungan ang kasamahan niya, pero nawalan siya ng sapat na oras para isalba ang kasama niya.

Sa larong Glory, kapag namatay ang isang manlalaro sa isang dungeon, mapipilitan siyang lumabas sa dungeon at hindi na maaring makabalik. Sa madaling salita, ang dating five-member party ay naging four-member party na lang.

"T*ngina, sunod-sunod na OT, ba't nakatayo lang kayong lahat jan? Papatayin niyo ba ako sa pagod?" 

Napatigil si Sleeping Moon. Pagkatapos mamatay ng mage, hindi bumalik ang aggro ng Demon Cat sa kanya, sa halip ay matuling na kinalmot nito ang pangatlong miyembro.

Ang ikatlong miyembro ay isa ring cloth-armored mage ngunit sa pagkakataong ito, hindi tinulungan ni Ye Xiu ang manlalarong iyon. Sa halip ay ang tumumbang si Fallen Sun ang tinulungan niya.

Tanging pitong segundo lamang ang maibibigay na karagdagang oras ng Heal sa manlalarong iyon bago siya mamatay. Ito'y dahil bukod na sa karagdagang Attack Speed at Damage mula sa Berserk Status ng Midnight Phantom Cat, lahat ng mga atakeng nailalapat ng halimaw na ito ay naglalapat rin ng Bleed Debuff.

Sa kasamaang-palad ay nalapatan ng Bleed Debuff si Fallen Sun.

Pinagtuonan ng pansin ni Ye Xiu ang Health Bar ng Mage at ni Fallen Sun, paniguradong may isa sa kanilang mamatay. Kaya ang tanging ginawa na lamang ni Ye Xiu ay pagsikapang may mabuhay na isa sa kanilang dalawa.

Nawalan na ng tiwala si Ye Xiu kay Sleeping Moon, at deretsahan niyang inabandon ang Mage para panatilihing buhay si Fallen Sun. Ang ginawa niyang aksyon ay nag-akit sa galit ni Sleeping Moon na kaagad namang nagsalita: "Bakit siya ang tinulungan mo?!"

Hindi sumagot si Ye Xiu. Dahil walang tumulong ay hindi nagtagal, bumagsak ang Magee, at habang minumura ni Sleeping Moon si Ye Xiu, sumungab ang Midnight Demon Cat kay Fallen Sun nang walang pag-aalinlangan.

Lubhang nataranta't natakot si Fallen Sun, at nagtanong siya na para bang isang hangal: "Aatakihin ko ba?"

"ATAKIHIN MO SIYA T*NGA!" Pagalit na sabi ni Sleeping Moon kahit hindi niya alam kung bakit siya nagagalit. Nagmumura siya habang hinahabol ang Midnight Phantom para kunin ang aggro nito.

Labing-tatlong segundo.

May hinulaang oras si Ye Xiu. Hindi niya alam kung talagang minamalas lang ba talaga si Fallen Sun, dahil sa mga sandaling napawi na ang epekto ng Bleed Debuff, kinalmot na naman siya ng Midnight Phantom Cat na naglapat na naman ng Bleed Debuff sa kaniya.

Ang mga Status Effects na ito ay mayroong napakaliit na chansa lamang na lumapat sa manlalaro, pero bakit para bang mayroong isang-daang porsyentong lumapat ang mga epektong iyon kapag si Fallen Sun ang pinupuntirya ng kalaban?

Halos lahat ng mga Debuff Effect ng Midnight Phantom Cat ay napunta sa katawan niya kaya hula ni Ye Xiu na labing-tatlong segundo na lamang ang itatagal ng kaniyang buhay.

Sa mga sandaling ito ay maari pa siyang isalba ni Sleeping Moon sa pamamagitan ng paghatak ng aggro ng halimaw papalayo kay Fallen Sun, pero ano ba ang ginagawa niya ngayon?

Ang malakas na si Sleeping Moon na nagsimula pa nga sa labanan kanina ay para bang naging isang mangmang, walang kahit na isa sa kaniyang mga atake ang tumatama sa kalaban.

Sa kalagitnaan ng kaniyang pagmumura't pagsisisigaw ay sa wakas, tumumba na si Fallen Sun.

Matapos ang pagkamatay ni Fallen Sun ay inatake na ng Midnight Phantom Cat si Sleeping Moon. Para sa halimaw ay hindi karapat-dapat para sa kaniya ang atakihin si Ye Xiu.

Ito'y dahil sa lubhang hindi naging maganda ang ipinamalas na lakas ni Ye Xiu, at dahil wala siyang ginagawang mga galawan na pumapasok sa aggro range ng Midnight Phantom Cat, hindi siya pinansin nito.

"Kaibigan, huwag kang matakot! Mayroon ka pa bang mana?" Pinukaw ni Sleeping Moon ang atensyon ni Ye Xiu at inudyukan pa siya.

"Hindi ba't ikaw dapat sa ating dalawa ang hindi dapat na matakot?" Sagot ni Ye Xiu.

"Huwag kang mag-alala, maganda naman ang pakikisama natin dalawa kaya hindi magiging problema para sa atin ang patayin ang pusang iyan." Sumagot si Sleeping Moon at umasta na para bang siya ay isang dakilang bayani. Pero sa huli ay hindi tumama ang kaniyang atake at nakalmot siya ng Midnight Phantom Cat sa mukha.

"HEAL! HEAL! HEAL!" Malakas na sigaw ni Sleeping Moon.

Walang sumagot sa mga tawag niya. Noong una ay wala namang naging problema si Ye Xiu sa pagbibigay niya ng suporta sa buong team, pero ngayon ay hindi niya nilapatan ng Heal si Sleeping Moon.

"Hindi ako pwede mag-heal, magkakaroon ng OT." Nakita ni Sleeping Moon ang isinulat ni Ye Xiu sa ibabaw ng ulo ni Lord Grim.

"Ano bang…" Lumingon si Sleeping Moon at nakita niyang kalmadong nakaupo si Ye Xiu sa ilalim ng isang malaking puno. Dito niya namalayan na talagang may mali sa kasalukuyan niyang sitwasyon.

Si Lord Grim na ito ay paniguradong hindi isang baguhan. Lubhang maaga pa naman bago magkaroon ng OT, pero bakit niya sinabi iyon?

"Hindi magkakaroon ng OT. Dalian mo na't lapatan mo na ako ng Heal." Ito lang ang nagawang isigaw ni Sleeping Moon. Ngunit sa huli, wala pa ring ginawang aksyon si Ye Xiu.

Nasa harapan na niya ang Midnight Phantom Cat. Sa mga sandaling inatake na siya ng puso ay biglang bumilis ang kaniyang galaw, binuhat niya ang kaniyang espada't hinarangan ang mga kamay nito.

Matapos niyan ay tumalon siya paatras at sinimulang labanan ang halimaw ng harap-harapan, gaya ng ginagawa niya noong una.

At ngayon ay madalang na siyang nagkakamali't tumatama na ang kaniyang mga atake.

Pero hindi na naging dalisay ang pagkasunod-sunod ng kaniyang atake, dahil ang kasalukuyang kaharap niya ay isang Midnight Phantom Cat na mayroong Berserk Status.

Hindi nakakayanan ni Sleeping Moon na sabayan ang pusang iyon at matapos umatras ay nakalusot na ang atake ng Midnight Phantom Cat, at tinamaan na siya't nagtamo ng pinsala.

"BIlisan mo't dagdagan mo na ako!" Ngayon ay natataranta na si Sleeping Moon, kahit na mas malakas siya kaysa sa Mage, at ang namatay na si Fallen Sun. Hindi ibig sabihin na wala nang makakatalo sa kaniya.

"Dagdagan ng ano?

"Dagdagan mo ang buhay ko!"

"Ano bang ibig sabihin ng dagdagan ko ang buhay mo? Ang nakikita ko lang naman ay bumabaha ang dugo mula sa katawan mo?"

"Sige…" Umabot sa sukdulang ang galit ni Sleeping Moon.

"Sayang, kung kaya mo lang sanang patayin ng mag-isa ang hidden BOSS ay kinailangan mo lang na maging Party Leader, at baguhin ang Looting Order para mapasayo ang lahat ng mga kagamitan ng hidden BOSS…"

"Sayang nga lang dahil hindi mo nakakayanang patayin ng mag-isa ang BOSS kaya sinadya mong kunin ang aggro nila at hinahayaang magkaroon ng OT sa pinakamainam na sandali para mamatay ang mga kasamahan mo."

"Sa pamamagitan ng paraang iyan ay paniguradong mapapasayo ang hidden BOSS. Hindi na importante pa kung matatapos mo ang kabuuan ng dungeon dahil wala ka nang mga kasamahan, ang importante ay nasa iyo ang mga kagamitang mahuhulog mula sa hidden BOSS."

Matapos maipadala ang mensaheng ito ay biglang nanlamig at nangis si Sleeping Moon. Hindi niya inakala na ang taong ito na naging tahimik mula sa simula hanggang sa mga sandaling ito ay malalaman ang kabuuan ng kaniyang mga plano.

Ang nauna niyang plano ay habang pinananatiling buhay ng healer ang iba pa niyang mga kasamahan ay bigla niyang ibabaling ang aggro ng halimaw sa kanilang apat para mapatay niya ng mag-isa ang BOSS.

Pero hindi niya inakala na biglang malalaman ng taong ito ang kabuuan ng kaniyang plano, at hindi lang iyan ang nangyari.

Alam rin ng lalakeng ito na hindi niya maisasalba ang mga kasamahan niya kaya gumawa siya ng mga bagay na naging dahilan para hindi mapunta sa kaniya ang aggro ng halimaw.

Ngayon, huwag mong sabihin na hahayaan na lamang niyang mamatay ako sa kamay ng Midnight Phantom Cat?

"Kaibigan…" Nakita ni Sleeping Moon na talagang hindi mabait na taong itong si Lord Grim kaya kaagad siyang nagsimulang himukin siya na: "Huwag na muna nating pag-awayan ang lahat ng mga nangyari, ano sa tingin mo kung magsanib pwersa na muna tayong patayin ang Phantom Cat na ito at paghati-hatian natin ng parehas ang mga kagamitang ihuhulog ng pusang ito?"

"Paghati-hatian? Mas gusto ko kung mapapasaakin ang lahat!"

"Sige…" Walang nagawa si Sleeping Moon kundi ang sumang-ayon, "Hindi lang naman mga materyales ang kadalasang hinuhulog ng Midnight Phantom Cat, pumili ka muna ng isa mula sa mga kagamitan at paghati-hatian natin ang matitira."

Dahil talagang hindi niya kakayaning talunin ang hidden BOSS kapag walang tumulong sa kaniya ay nagbigay ng panukala si Sleeping Moon para mahimok ang loob ni Ye Xiu.

Sa labas ay parang nagpapakabait na siya, pero sa kaloob-looban niya'y isinusumpa na niya ang pangalan ni Lord Grim sa puso niya't nangako siyang darating rin ang araw na makakabawi siya.

"Huwag ka nang mag-alala pa sa lahat, mas mabuti pang kumalma ka na't tahimik na pumanaw!"

"Na… Nahihibang ka na ba?! Kung mamamatay ako ay mamamatay ka rin, hindi ba? Kung mangyari iyon ay walang kahit na sino sa atin ang mananalo't makakakuha sa mga kagamitan." Isang-kapat na lamang ang natitira sa Health Bar ni Sleeping Moon.

"Kaibigan, hindi mo na kailangang magpumiglas pa, hayaan mo nalang ang sarili mo na matamaan at mapatay ng kalaban."

"Isa kang tanga!" Pagalit na sigaw ni Sleeping Moon.

"Lord Grim, talaga bang wala ka na sa iyong katinuan? Hindi mo ba alam kung gaano kalakas ang Full Moon Guild na kung saan ako kasali?"

"Magkikita tayo sa impyerno!" Isang tama na lamang ay mamamatay na siya.

"Put*ngina!" Hinampas siya ng Midnight Phantom Cat at kaagad na binalot ng dilim ang kaniyang mundo.

Hanggang ngayon ay hindi pa gumagalaw si Lord Grim mula sa kaniyang kinauupuan. Pero sa mga sandaling tumumba si Sleeping Moon ay kaagad siyang sumugod.

Marahang tumawa si Ye Xiu. Tumalon ang kaniyang Lord Grim at winasiwas nito ang Myriad Manifestation Umbrella, sa lakas ng pagbukas sa armas ay bumukas ng pabaliktad ang payong.

Inayos niya ang payong at ngayon ay nagmumukha na talaga ito na isang tunay na Lance.

Kasalukuyang papahampas na ang payong na para bang isang Lance sa Midnight Phantom Cat.

Batte Mage Skill: Dragon Tooth.

---------

1 Off Tank

2 Main Tank

3 One-quarter


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C8
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login