Download App

Chapter 4: Ang tinatagong relasyon ng pag-aasawa

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagsimulang magkagulo ang medya sa sinabin ni Mo Ting. Anong ibig sabihin ni Mo Ting sa mga sinabi niya? Intensyon niya bang kunin bilang modelo si Tangning? Nagbibiro ba ito?

Kahit ano pa ang paliwanag meron ito ay hindi na nila inabali si Tangning at isinisi ang lahat ng ito sa Tianyi Entertainment.

At dahil dito, nagsimula ang gulo sa Tianyi Entertainment at ang assistant ni Mo Youro ang unang nagsimula nito, "Kung hindi mo kayang hawakan ang maliit na gulong ito, ano pa ang iba mong kayang gawin? Antayin mo at tignan natin kung ano ang parusang ibibgay sa iyo ni President Han!"

Kalmadong nagpalit ito ng damit at mahinahong umalis sa eksenan iyon. Nakita niyang nakaparada ang sasakyan ni Mo Ting habang siya ay papalabas pa lamang sa pinto.

"Get in."

Sumunod siya dito at pumasok ng sasakyan niyo. Lubos na nagpapasalamat si Tangning sa kanyang ginawa para sa kanya, "Thank you for today."

"Sa tingin mo ba, hahayaan ko silang apihin ang aking bagong asawa saharap ng lahat ng tao?" Habang bahagyang nakangiti ang mga mata ni Mo Ting na tumitingin dito.

"Sa totoo lang, hindi ako karapat-dapat sa binigay mong tulong. Sinadya ko naman kasing ipaalam sa lahat kung sino talaga ako." Mahinanong pagpapaliwanag nito.

Tinitigan ni Mo Ting ang taong nasa harapan nito, "Alam ko."

"It's just that, kung wala kang magandang planong naiisip para labanan ang ibang tao, dapat tinanong mo muna ako. Tingin mo, sa ginawa mong pagsakripisyo sa sarili mo para lang siraan ang isang tao ay para kang naging tanga, 'di ba?"

Hindi kumibo si Tangning at pinapakinggan lang ito.

"Saan kita ibababa?"

"Sa bahay mo. Hindi ba kasal na tayo?" Walang pagaalinlangang sagot ni Tangning. Simula ng nagdesisyon itong magpakasal, hindi niya na ito maibabalik pa o pagsisihan ang mga nangyari.

"Sigurado ka? Hindi lang tayo kasal pero tonight is also our wedding night!"

Namumula man ang pisngi ay tumango si Tanging ng may katiyakan. "I've long prepared myself at malaki ang pasasalamat ko na hindi mo ibinunyag ang ating relasyon. Gayun paman, simula ngayon, mas gugustuhin kong manatili kang patas. Gusto kong makuha ang lahat ng nararapat sa akin ng hindi humuhingi ng tulong sa iba."

Hindi na nagpumilit pa si Mo Ting. Pagkatapos ng lahat, bihira algn siyang makakita ng babaeng hindi siya ginagamit para sa pansarili nilang kagustuhan. Napagpasiyahan niyang maupo at hinayaan si Tangning na ipakita ang kakayahan nito.

Hindi nagtagal, pagkatapos umalis ng magasawa ay nakatanggap ng tawag si Tangning sa kanyang manager, Long Jie, "Tangning, nakita ko na ang ebidensyang magpapatunay na buntis nga si Mo Your. Anong gusto mong gawin ko dito? Tapos ang eksenang ginawa mo ngayon sa jewelry show na iyon ay naging viral. Pinagpipyestahan ka na ng mga tao, anong plano mong gawin?"

"Long Jie, are willing to stay by my side?"

"Bakit mo pa ako tinatanong niyan?" pabulong na sagot ni Long Jie, "Sa tingin mo ba susunod pa ako sa magkasintahang taksil na 'yon?!"

"Then release the statement na pinagawa ko sayo. But be wanred, sa gagawin nating ito, haharapin natin ang Tianyi Entertainment!"

"hindi ako takot sa kanila!" Nananabik na tugon ni Long Jie. "Sa una pa lang dapat ay ginawa na natin to. Sige, ihahanda ko na ang mga ebidensya bago pa tio makapagbigay ng tugon niya."

Pinatay ni Tangning ang telepono at bumalik ang katahimikan sa loob ng koste pero halatang kinakabahan na siya. Iniisip niya sa mga oras na iyon kung ano ang pananaw ni Mo Ting sa kanya.

"I…"

"'Di mo na kailangang magpaliwanag. Narinig ko lahat ang pinagusapan niyo ngayon lang. Pero, may tanong ako sa'yo, ganito ka ba talaga ka honest?" tumigil ang sasakyan ng maging pula ang ilaw. Kinuha ni Mo Ting ang opurtunidad na ito upang hawak ang baba ni Tangning habang parang agilang sinusuri niya ito ng kanyang mga mata.

"Tapat lang ako sa harap mo and I intend to stay for it this way…" ipinakita ni Tangning ang katapatan niya rito, "… natatakot akong baka iba ang pagkakintindi mo at sumama ang tingin mo sakin."

Nagulat si Mo Ting bago ito magsalitang muli, "Kung ako sa'yo, I would be even more extreme!"

Agad na nahulaan ni Mo Ting ang nangyayari sa pagitan nina Tangning, Mo Yurou, at Han Yufan. At dahil sa naging reaksyon nito ay binigyan ni Tangning ng kahalagahan ang sinabi ng kanyang bagong asawa. Pinangako niya sa kanyang sarili na kahit anong mangyari ay aalalahinin niya ang araw na ito ang mga pangakong pinangako niya kay Mo Ting sa sandaling iyon magpakailanman.

….

Samantala, hindi makapaniwala si Han Yufan sa kanyang natanggap na balita sa ginawang paglalantad ni Tangning sa itaas ng entabladong iyon. Hindi lang iyon, nakatanggap din siya ng tawag galing sa designer ng HF at pinapaalam dito na may intensyon silang kasuhan ang Tianyi Entertainment dahil sa paglabag nito sa pinagusapang kontrata. Sa isang iglap, naging usap-usapan ang Tianyi Entertainment dahil sa gulong nangyari habang umalingawngaw ito sa internet na parang isang mabilis na apoy.

Nakatingin si Mo Yurou sa recording ng ginawa ni Tangning sa itaas ng entablado habang hinila si Han Yufan, "Tignan mo, gusto ni Tangning na makilala ng lahat! Alam naman nitong ang pagkakaiba namin ay ang amin mga binti. She did it on purpose!"

"Yurou, hindi naman ganyn si Tangning e. Hindi naman ito ang kauna-unahang nangyari na pinalitan ka niya." pinagkatiwalaan pa rin ni Han Yufan si Tangning.

"So, ang sinasabi mo mas pinakakatiwalaan mo pa si Tangning?!Wag ka ngang tanga, Yufan! Dapat may managot sa nangyaring ito ngayon. Gusto mo ba talagang mawala ang kontrata? Gusto mo bang sabihin sa lahat na pinakiusapan natin si Tangning para palitan ako? Kung 'yon ang gusto mong mangyari, we're doomed!"

"Anong gusto mong gawin ko?"

"Dahil magpapakasal na rin naman kayo ni Tangning, hindi na siya magiging kabilang sa industryan ito. Kailangan mong I-anunsyo ito para sa Tianyi Entertainment. Kailangan mong sabihin sa lahat na hindi mo alam ang mga nanyari at sabihin sa kanila na gusto lang ni Tangning na gumawa ng hype; at dahil doon nakuha nitong magkunwari na siya ay ako." Habang paninising sinabi ni Mo Yurou na kagagawan ni Tangning ang mga ito.

"Ito na nga lang siguro ang magagawa natin sa mga pangyayaring ito." Patangong sagot ni Han Yufan. Pero habang tinatawagan niya ang kanyang PR, nakatanggap ito ng tawag galing sa kanyang assistant.

"Bilis! President Han, check the entertainment news headline! Tangning's manager has just revealed some big news!"

Dali-daling itong nag-online at hinanap ang sinasabing headline. Hindi siya makapaniwalang naunahan siya ng manager ni Tangning at sinabi nitong makailang ulit nang pwersahang ginawang kapalit ni Han Yufan si Tangning para sa mga palabas ni Mo Yurou habang ipinagkukumpara ang mga litrato ng dalawang modelong bilang pruweba. Sinabi rin nito na inaapi rin sila ng mga maliliit na kompanya at ilang taon na nilang inaapi si Tangning.

Galit na tumawag si Han Yufan sa manager ni Tangning.

"Nababaliw ka na ba, Long Jie?!"

Dinig ang malakas na tawa nito sa kabilang linya at kalamdong sinabihan niya ito, "Matagal ko ng gusto umalis sa pangit na kompanyang ito."

"Yufan, siguradong kagagawan na naman ito ni Tangning. Bilis, let's cover it up by posting news of her creating hype."

Walang pagaalinlangang tinawagan ni Han Yufan ang kanyang mga kakilala sa medya at pinatanggal ang balitang ginawa ni Long Jie. Mabilis niyang pinalitan ang balitang ito na nagsasabing tinangka gumawa ni Tangning ng hype.

Sa isang iglap, ang pangalan ni Tangning at ng Tainyi Entertainment ay ang usap - usapan at nakikita ng mga tao bilang palagiang hinahanap sa online.

Walang may nakakaalam sa relasyon ni Mo Ting at Tangning, Maliban kay Tangning, walang ibang may nagtangkang kalabanin si Han Yufan.

Si Tangning ang nakatanggap sa maikling dulo ng stick, umani siya ng hindi makapaniwalang dami ng insulto online.

Akala ng lahat ay may kabaliktaran na ng mangyayari, pero ang salitang ginawang kapalit si Tangning ay nangunguna sa search ranking at nagpapakita lang dito ang balitang ibinunyag ni Long Jie kamakailan lang - nagpapakita ito na si Tangning ang tunay na biktima.

Ang kwento naunang ilabas ni Long jie ay nagbigay ng desisyon sa mga netizens na kahit ginawang makailang ulit na ginawang kapalit ni Mo Yurou si Tangning ng hindi nagdudulot ng problema at paulit - ulit nilang ginawa ito ay naging mainit na usap - usapan sa online. Pagkatapos no'n, lahat sila ay sumang-ayo na ang naging biktima nga ay si Tangning.

Hindi makapaniwalang kinuha ni Han Yufan ang kanyang telepono at tinawagan ang headn ng kanyang PR at inutusan ang mga ito na gumamit ng mas maraming pera para tanggaling ang balitang ginawa ni Tangning.

Samantala, habang hawak ni Mo Ting ang kanyang telepono at hawak ang balitang galing sa iba't -ibang mapagkukunan, "Pag ang balita tungkol kay Tangning ay nawala sa search rankings, maghanda na ang mga kompaniya niyo na magsisara."


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C4
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login