Download App

Chapter 876: Ang Katapusan (37)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Kapag may nakikita siyang gwapo, ayaw niyang umalis, tignan mo… Oh diba,

binubuhat siya ni Chen Yang… Nakangiti siya oh…"

Hindi nagtagal, lumapit rin si Xu Jiamu para hawakan ang kamay ni Little Rice

Cake… at…. Biglang hinawakan ni Little Rice Cake ang mukha ni Xu Jiamu

habang ngiting ngiti.

Kasama rin ng dalawa si Qiao Anxia, pero noong ito na ang bubuhat, biglang

umilag si Little Rice Cake at muling tumingin kay Xu Jiamu habang nakangiti.

Kaya bilang in, biglang nagaalala si Qiao Anhao. "Lu Jinnian, sa tingin mo

bakla si Little Rice Cake…"

"Mmh."'Baby pa si Little Rice Cake paano naman niya malalaman kung bakla

siya…' Pero bago pa makapagsalita si Lu Jinnian, hindi mapakaling hinatak ni

Qiao Anhao ang manggas niya at takot na takot na tumingin. "Lu Jinnian,

umamin ka nga sa akin. Mas gusto mo ba ang mga lalaki? Lalo na yung mga

mas bata sayo?

"Kaya ba sinuportahan mo si Chen Yang?

"Lu Jinnian, baka naman may gusto ka sakanya…"

Dahil sa sinabi ni Qiao Anhao, parang biglang nabulunan si Lu Jinnian at

literal na nanlaki ang mga mata. 'Ano bang pinagsasabi mo jan!'

Para kumalma, huminga siya ng malalim bago siya lumapit sa tenga ni Qiao

Anhao. "Qiao Qiao, alam mo ba natatakot ako kasi baka hindi maging matalino

si Little Rice Cake."

"Bakit?" Inis na inis na lumingon si Qiao Anhao. "Isang buwan palang si Little

Rice Cake, paano mo naman nasabing hindi siya matalino?"

"May nabasa kasi ako sa internet na ang talino raw ng bata ay nanggaling sa

ina." Pahabol ni Lu Jinnian bago niya nakangiting batiin ang isang paparating

na bisita.

Ilang segundo pang nakatitig si Qiao Anhao kay Little Rice Cake bago niya

naproseso ang sinabi ni Lu Jinnian, kaya nang sandaling maintindihan niya na

ang ibig sabihin nito, inis na inis siyang humabol at hinatak ang manggas nito.

"Lu Jinnian, tinawag mo ba akong bobo?"

-

Mukhang gustong gusto talaga ni Little Rice Cake si Xu Jiamu dahil

nakayakap lang ito sakanya at ayaw talagang magpahawak sa iba, at bilang

uncle, wala naman itong problema kay Xu Jiamu, bagkus, sobrang saya niya

pa nga.

At sa totoo lang, sa kabuuhan ng salu-salo, sila lang halos ang laging

magkasama.

Sa kalagitnaan, biglang umihi si Little Rice Cake kaya dali-daling pinatawag ni

Qiao Anhao ang nurse para palitan ito ng diaper. Pero noong mahiwalay ito

kay Xu Jiamu, bigla itong nagiiyak, kaya para tumahan, nagkasundo na si Xu

Jiamu nalang magpalit at maglinis dito.

Wala namang nakababatang kapatid at unang pamangkin ito ni Xu Jiamu,

kaya ngayon niya lang ito nagawa. Pagkatanggal niya ng diaper, may

kapiranggot pang ihi na pumatak sa pantalon, pero pinunasan niya lang ito ng

wet wipes, na walang bakas ng kahit anong pandidiri, at nagpatuloy sa

pagpapalit ng diaper kay Little Rice Cake.

Kinalaunan, nagsi'uwian na ang mga bisita at isang lamesa nalang ang naiwan

na may tao – ilang business partners ng mga Qiao at mga kaibigan ni Chen

Yang sa idustriya.

Bukod sa mga artista, may iba pang mga inimbitahan si Chen Yang, at isa na

rito ang isang videographer na kilala dahil sa mga sikat nitong kliente.

Habang naguusap ang grupo, biglang napunta ang topic kay Song Xiangsi.

"Si Song Xiangsi talaga ang pinaka makarismang babaeng nakilala ko."


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C876
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login