Download App
5.4% UNTIL WHEN

Chapter 2: Until When

Kaya naman disiplinado ang mga mag-aaral dito at walang nangyayaring bullying na aapi-apihin nalang hindi porket isa ka lang na scholar sa paaralang ito. Ang ibig sabihin ng disiplinado sa kanila ay walang pakialamanan depende nalang kung magkaibigan kayo.

"Oo nga Cloe, nakilala mo na ba?" Girl 2

"Maganda ba? Sa totoo lang. Nakakainggit ang buhay niya. Ang ganda pa ng pangalan" Girl 3

"Hindi pa, wala siya nang bumisita kami at wala man lang kinukwento si Doña Juanita patungkol sa kaniya." sagot ni Cloe

"Mcain Xen? Maganda na sayo yun?" pangiinsulto ni Girl 2

"Oo kaya. Subokan mong isearch pangalan niya. Wala man lang lumabas na kapareho niya." pangangatwiran ni Girl 3

"Bobo ka ba talaga? Pinapatunayan mo lang na nasa class D ka. Napakacommon ng Xen at yung Mcain ay parang apelyido lang ni John Mccain. Kulang lang ng C kaya naging M-cane ang pronounciation." pangungutya ni Girl 2 na akala mo kung sinong matalino.

"Tumigil na kayo! Nasa class C ka lang din kaya hindi mo kailangang ipamukha kung saang section siya. At isa pa, pangalan lang yan. Pwede niyong ipapalitan ang mga pangalan niyo kung gusto niyo. Sa dami ng pera niyo 'bat di niyo gawin? Oo, maganda talaga ang pangalan niya. Maganda, at yun na yun. Hindi niyo kailangang magpataasan ng boses. Dahil sa mga tulad niyo malapit ng bumaba ang standard at ratings ng school natin. Aiish! Nakakarindi" biglaang sigaw ng isa nilang kaibigan na nakahawak ng libro at busy sa pagbabasa.

Napatigil si Nex nang narinig nito ang pagsigaw niya at napatingin ulit siya sa kinaroroonan nila na ngayon ay lima na sila.

Matapos magalit ng babaeng sumigaw ay bigla itong tumayo at marahas na linagay ang librong binabasa nito sa bag at saka umalis.

Hindi siya nakita ni Nex kanina dahil natatakpan siya ng mga kaibigan niya.

Umiling nalang si Nex dahil nang mamukhaan niya ang nagalit kanina ay ang pinakamasungit pala ng kanilang paaralan. Hindi nito alam ang pangalan, kilala lang niya sa mukha bilang masungit.

Umiling nalang si Nex dahil sa nangyari at ipinagpatuloy ang paglalakad.

"Pero Cloe ang ganda talaga ng bag mo! Si Mcain daw ba talaga ang nagdesign niyan?" biglang tanong at pag-iiba ni girl 1 sa nangyari.

"Yun naman ang sinabi ng Doña. Gusto ko sana siyang tanongin kung nasaan siya kaso pinagbilin ni Dad na 'wag na 'wag akong magtatanong o magsasabi ng kahit ano patungkol kay Zyna at alam niyo bang narinig kong tawag ng mga nagtatrabaho sa mansyon nila sa kaniya ay Miss Xen" pagpapatuloy nitong kwento sa mga kasamahan.

Nasa tapat na mismo ni Nex ang mga babaeng nag uusap at kunwari'y hindi nalang niya sila napansin at patuloy pa rin ito sa paglalakad at naririnig niya pa rin ang napakalakas nilang boses.

"Weh? Paano mo narinig? Kung ganun naroon siya nang pumunta ka dun?" Tanong ni girl 1

"Hindi, ang narinig ko ay "Pauwi na si Miss Xen" at saka nagsipuntahan sa kusina ang iba nilang tagapagsilbi para siguro ipaghanda ito. Sayang at paalis na kami ni Dad nun pero sabi ni Dad ay talagang wala daw siya doon kung may bisita sa mansyon nila. May schedule lagi ang mga taong bibisita sa mansyon nila kaya halos 1 week na daw ang nakakaraan nang magpaschedule si Dad para makipagkita kay Doña Juanita." Paliwanag ni Cloe

"Bakit kaya ayaw niyang makilala siya no? Grabe, kung ako sa kaniya hinding hindi ko itatago pagkatao ko noh!" Sabat ni girl 3

"Baka naman abnormal?" Bigkas ni girl 2 at saka sila nagkatinginan at tumawang lahat.

Hindi nalang pinansin ni Nex ang pag-uusap nila at minadalian nalang ang paglalakad saka nito tinawagan ang sundo.

Malapit na siyang makarating sa likod ng school nila kung saan naroon ang sundo niya't naghihintay. Walang student ang pwedeng pumunta dun dahil sa nakakatakot nitong aura at may guard pang nagbabantay para masigurong walang pumuntang estudyante pero sa katunayan ay nakalaan ito para sa kaniya.

"Hi manong Klong" bati nito sa guard na nakaupo sa gilid na nakatingin na sa kaniya kanina pa

"Hello po Miss Xen. Naghihintay na po sa labas ang sundo niyo" bigkas agad nito

"Aa sige po mauna na po ako" at saka ito pumasok sa madalas na niyang daanan pauwi at ginamit ang cellphone nito para ilawan ang dinaraanan nito at makalipas ang dalawang minuto ay nakita na niya ang driver niyang nakatayo kalapit ang simpleng SUV na black.

"Nakauwi na po ba si lola mang Roman?" Tanong nito sa driver habang pinagbubuksan ito ng pintuan.

Tinanggal nito ang maskara nito at linagay sa isang box kung saan ang lagayan nito.

Nagsusuot siya ng maskara kada pumapasok sa paaralan nito at buong buhay niya ay wala pang nakakakita sa totoong itsura nito maliban nalamang sa mga nakakakilala mismo sa kaniya ng personal.

"Hindi pa po Miss Xen, gusto niya pong dumaan daw po kayo ngayon sa kompaniya ninyo." sagot naman nito saka sinara ang pintuan at pumunta sa driver-seat.

Hindi mo malalaman na isang Raconia ang nakasakay sa sasakyan na gamit nila dahil ordinaryong SUV lang sa labas pero ang totoo ay gawa ito mismo ng kanilang kompanya.

Agaw pansin ang mga sasakyan nila dahil ito ang isa sa pinakamahal na sasakyan sa buong mundo. Ayaw nito ng ganung atensyon kaya ginawa niyang parang SUV lang ito.

Nasa kompanya na sila at kailangan niya munang magpalit ulit kaya iniwan siya ng kaniyang driver at naghintay sa labas ng sasakyan.

"Tara na po manong" tawag nito sa driver at saka tuluyang lumabas ng sasakyan.

Lumapit na rin ang driver nito at tinignan muna siya ng maigi ni mang Roman kung hindi ba mahahalata na isa siyang dalaga.

"Okay na po manong, hindi po 'ko mahahalata" pagsisiguro nito sa driver.

"Hanggang kailan ka ba magtatago sa pagiging amiga ng lola mo Miss Xen? Hindi talaga aakalain ng sino man na nagpapanggap ka sa ayos mong 'yan dahil talagang para lang kayong magkaedad ng lola mo" puna sa kaniya ng driver nito na hindi muna nito sinagot dahil binabati siya ng mga empleyado sa hallway kung saan madadaanan papuntang elevator. Kilala siya ng mga empleyado nila bilang matalik na kaibigan ng Doña at sanay na silang hindi bumabati pabalik o bumaling man lang sa kanila ang kunwaring matanda na si Mcain.

Palapit na sila sa elevator kung saan nakatalaga talaga para sa Doña lamang ngunit pati na rin siya na kunwaring amiga nito ay maaring dumaan dito kaya nang tumapat siya sa elevator ay nagbukas agad ito; hindi ito magbubukas kung hindi siya at ang Doña ang papasok dito.

"Hindi ko pa po alam manong, hayaan niyo po't malapit na rin po siguro. Natatakot na po ba kayo sa likod ng school kakahintay sakin?" Pagbibiro nito sa driver pagkasara ng elevator.

"Hindi naman po Miss" ngiti nitong sagot sa kaniya at saka pinindut ang 85th floor kung saan ang pinakamataas na palapag at opisina ng Doña.

Nakarating na sila sa opisina ng kaniyang lola. Buong floor ay opisina nito ngunit madadaanan mo muna ang secretary nito kaya ng mapansin siya ng secretary nito ay binati siya agad.

"Hello po Miss Xen" bati nitong nakangiti na sinuklian naman niya ng ngiti at babatiin na rin sana pabalik dahil para na rin niya itong nakatatandang kapatid pero napatigil siya nang bumukas ang pintuan ng opisina ng kaniyang lola at lumabas dito ang hindi niya aakalaing makikita niya ng personal at sa ganun pang sitwasyon.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login