Download App
82.14% Pure Blood

Chapter 23: KABANATA 21

PB21

(Xelo pov)

Habang naglalakad ako papasok sa vamp academy napansin kong parang normal school lang din pero nung nag bell nagsialisan na sila.

"Hoy Xelo ano pang iniintay mo dyan? tara na! Hindi mo magugustuhan kapag nalate ka" 

At hinila ako ni Madison sa braso ko. Ng makarating kami sa room medyo madami ng mga tao kaya naupo kami banda sa may bintana sa hulihan.

"Hell evening sa lahat, unang subject nyo ngayon ay history— syempre all about vampires "

Nag groan naman ang kadamihan, Nahalata ako ni madison na parang nagtataka sa naging reaksyon ng mga kaklase ko kaya binulungan nya ako.

"Kadamihan dito ayaw ng history boring kasi"

At tumawa pa sya ng mahina. Boring? Para sa akin naman hindi, dahil magandang tuksalin ang nakaraan.

"We are the vampires, topic natin ay mga sinaunang reyna at hari ng bampira. The one is in the palace of—secret. Lumalabas lang sila pag may important event. Sa first family ay si Hannah White at asawa nyang si Davone at alam naman nating history na talaga ang misteryong nababalot sa kanila magmula ng biglang pagkawala ng pureblood king. Sumunod no'n ay wala ng balita, ngunit nakaraan lamang ay natalaga ang isang pure blood ang liitaw na hindi natin alam kung kalaban sya o hindi kaya dapat alerto tayo sa posibleng mangyari. Isa sa pinagtataka ng lahat ay isa syang babae "

Nagsimulang magbulong bulungan ang lahat pero nanahimik lang ako. Isang kaklase ko ang tumaas ang kamay kaya napabaling halos lahat sa kanya ang atensyon.

" Sir, ang pure blooded po ay lalaki lang 'diba?"

"Yun ang akala ng lahat, walang nakaka alam kahit ako o kayo. Sa mga nag daang pure blooded family na sina King Ivan l ,Gino II , Xian |||,Carl |V , hanggang sa last king na si Davone the V king, ay walang nasabing may babaeng pureblooded,"

"Sir! Teka lang kung ganon anong klase syang nilalang? Where she come from? Kung mangyayari yon ito ang unang masusulat sa kasaysayan na magkakaroon ng katulad nya"

"That will be our next topic, good bye class "

parang nabitin ako sa impormasyon na tungkol sa akin at sa nasabing lahi ko. Kinikilabutan din sa mga maaaring kalabasan ng pagiging dugong puro ko.

Ako ba talaga ang ganon? meaning kung nagkataon ako ang unang pure blood na babaeng maitatala kuno sa kasaysayan nila?

"Ayos ka lang?" Nakatulala na pala ako 

"Anong next subject natin?" Plain kong sabi at hinarap ang katabi kong si madison na nag aayos ng notebook nya.

"Hmm...Favorite ng lahat dito toh eh, Daily Vamp Fight."

"Huh?may subject bang ganon? Daily eh gabi na naman ang gulo nyo din ano?"

"Hihihi nakakapagtaka ba? Sa school na ito di mamawalan ng DVF kung saan tinitrain lahat ng half blooded vampires, were not pure eh at 'di lang yon may 3 subject lang kada gabi pero iba iba ang first class"

"Ha? Eh ano ahm anong pang 3rd subject?"

"Hmmm...science, "

"Okay"

Akala ko madali lang yung tinatawag nyang DVF pero nagkamali ako. Nagsimula ng maglabasan ang mga classmate ko

"Tara na sa black circle ang punta natin don ang next class natin."

Napalingon ako sa babaeng huling lumabas sa room 

"Si Honey Mai yan, weird yan at tahimik. vampire at wolf sya nakakapagtaka lang kasi kamukha nya si Esmeralda ang isa sa 7 great dama ng pureblooded kings na naglaho na din ng di namin alam mula ng mamatay ang pinagsisilbihan nilang hari. Ang astig noh? Kung ako magiging lalaking hari, ikaw ang gagawin kong dama hahaha"

"Ah"

Yun nalang ang nasabi ko. Nasa tapat na kami ng black circle kuno. Inilibot ko ng tingin ang lugar. Bilog ito ngunit malawak at madilim ang paligid. Tanging ilaw ng buwan ang nagbibigay liwanag.

"Anong gagawin natin dito?"

"Oh yeah! The DVF is starting!" At hinila nya ako para maupo sa gilid. Parang araneta lang.

"Nakita mo yang lalaki na nasa gitna? sya ang Guran ng DVF, cool nya diba tapos ang gwapo pa hihi"

Oo nga naman mga 20,s lang ito mga itsura nila kung tutuusin nasa 50 year old na.

Hindi ko inaasahan ang sunod na sasabihin ni Madison.

"At pipili sya dito ng dalawang maglalaban isn't great?"

Exited pa sya eh ako nga kinakabahan na.

Kinakabahan ako, anong gagawin ko kung ako ang mapili? Napalunok nalang ako kung sakali man baka nayari na ako.

Nanigas ako sa kunauupuan ko ng malalingon yung creepy na prof. Sakin. Akala ko okay na nung una kasi hindi nya ako tinawag pero mali na naman ako.

"Mauriss cardeonne and........Xherina Louisa Corpuz"

Puro hiyawan ang maririnig mo sa buong piligid, pinagtataka ko lang bakit alam nya ang pangalan ko? Baka may listahan sya ng mga estudyante malamang ay guro sya. Hay nako Xelo ang isip ko ay nasaan na nga ba.

Pero....

Makakaya ko kaya iyon? Ni hindi ko nga alam kung paano kumilos bilang vampire ang makipag laban pa kaya? Kung pwede lang sabihin na magpapaturo pa po ako mamaya hello?


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C23
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login