Download App
89.28% Pure Blood

Chapter 25: ESP CHAPTER

PBESPECIAL2

nagising ang dalaga sa napakadilim na lugar 

"Asan ako?"

At tila nanginig ang katawan nito ng isang boses ang marinig nya na para bang galing pa sa hukay .

"Samantha~"

"Anong pinagsasabi mo?! Hindi ako si samantha! ako si ronalyn!"

"Samantha~"

"Nyaah! tigilan mo sabi ako! Waaaaaa!" Sigaw ng sigaw ang dalaga at tumatakbo kahit napakadilim na halos wala kang makikita.

"Hahahahahaha! Baka nakakalimutan mong sinanlal mo ang kaluluwa mo sakin para sa paghihiganti mo? hindi mo ba maalala?"

Napahinto ang dalaga at nakatayo na para bang nagbalik tanaw ito.

"Dama Ronalyn, pinapatawag ka ni Prinsesa Samantha carlos"

"H-ha? B-bakit daw ho?" 

Tila nanginginig sa kaba si Rona pero nagtungo sya sa silid ng prinsesa

"Prinsesa sama---" hindi pa sya nakakakatok ay isang kawawang dama ang lumabas ng hindi maitsurahan dahil naliligo ito ng pagkain at halatang bugbog sa sampal at sapak. Umiiyak ang dalaga ng sya'y balingan.

"M-mag iingat ka Rona"

Tila mas kumabog ang dibdib ni Rona sa sinasabi ni Lea isang dama sa palasyo. Baguhan lang si Rona dito kaya hindi nya alam ang ugali ng prinsesa Samantha. Ang alam nya lang ay mainitin ang ulo nito.

Napalunok sya bago napagpasyahang pumasok sa silid na tahimik. 

"Ikaw ba ang bago kong dama?!..."

Natulala pa si Rona sa kagandahan nito 

maputi at may violet eye's 

Isang sampal ang nakapag pabalik sa kanya sa katinuan. 

"Tatanga tanga kasi hahaha"

Nuong una labis na napakabait ni Samanta kay Rona ngunit tila napaka bilis ng pangyayari

Namulat sya ng nakatali ang kamay at paa. 

Nasuka sya sa baho ng lugar kung hindi sya nagkakalami basement iyon.

"Rona...tumakas kana..." Umiiyak na sabi ni Dhang Ondaloc, isang katiwala sa mansyon.

Napanganga si Rona ng makita ang bestfriend nyang si Christine Diocales

Gusto nya itong puntahan ngunit nakatali sya puno ng pasa at dugo ang kaibigan nya.

May kumaluskos kaya kinabahan sya.

"Cherry?" Nagtataka nyang sabi isa itong mayordoma ng mansyon.

"Ssssh...! Pagnaabutan ka si samantha, hindi mo gugustuhin kaya tumakas ka na!" 

At paalis na sana sya ng may humablot sa mahaba nyang buhok dahilan para sumakit ang ulo nya.

"Ang kulit nyo! Mga tanga!" At nanlaki ang mata nya sa sumunod na nangyari. Nakahita na si Cherry at wala na itong malay dahil nadaganan ito ng cabinet. Nagsimulang pumatak ang luha nya.

"Princess S-samantha maawa kana po sa amin pakiusap."

Isang malakas na sampal ang inabot nya, Suntok, sabunot. Nanlalabo ang paningin nya ngunit kung wala syang gagawin mamamatay sya, hindi pwede mangyari iyon nag iintay pa ang kapatid nya sa kanya.

Isang matalas na gunting ang nakuha nya ng tumalikod si Samantha agad nya ito sinaksak. Agad na bumagsak si Samantha sa sahig.

Nabitawan ni Rona ang gunting at humagulhol

"Kasalanan mo ito! Itataya ko ang buhay ko sa masamang elemento maging ikaw lang ako! Pag babayarin kita! Gagamitin kita hayop ka!" At isang malakas na sigaw ang ginawa ni Rona. Marahil patay na sana sya kanina kung hindi nya sinabi ang 'masamang elemento pumasok ka sakin iyong iyo ang kaluluwa ko buhayin mo lang ako please '

Ng maalala ni Ronalyn na sya at si samantha ngayon ay iisa na, napangiti sya. Makakapaghiganti na din ako sa wakas.

"Binuhay na kita ngayon at sisingilin na kita"

Mapanuksong boses  "Anong kailangan kong gawin?"

"Ang patayin si Xherina Louisa White"

(Third person pov)

"Ngayon inuutusan kitang gawin ang hinihingi kong kapalit "

"Paano kung hindi ako pumayag?" Dahil sa katawan ni Samantha andito pa din ang tapang nito kahit si Ronalyn ang nasa loob ng katawan ni Samantha

"Kristine, 'diba kapatid mo sya~"

Mapanuksong boses nito. napalunok na lang si Ronalyn na ngayo'y si sam na. Demonyo nga talaga at gagamitin pa ang kapatid nya mapasunod lang sya.

{Witch World}

Habang nag-hahanda ng pagdiriwang ang pure witch ay tila kinakabahan na si Joelie ann Amistad, ang apo ni tata gomo na para bang may masamang mangyayari.

"Joe!...." Hinihingal ang dalawang bantay ng lagusan na sina Guian Carla Rubrico at si Laiczz Sandoval.

"Naparito kayo?" Nangangamba na sabi ni Joelie.

"May mensahe ang kapatid mong si Cherry!" at may lungkot sa boses ni Carla ng sabihin iyon.

"Si Ronalyn po na kaibigan nyo wala syang maalala na witch sya akala nya normal lang sya. Si Cherry ay dumating para tulungan sya ngunit si Samantha! Sinapian sya ng masamang elemento at pinatay nya si Cherry pati ang kaibigan mo" hindi maiwasan maiyak ng dalawang kambal.

Datin ang mga ito ay nag aaral sila sa Anura vamp school ay magkakaibigan na sila.

"Aaaaah! Huhuhu!! "

Napaupo sa lupa si Joe habang umiiyak ng todo.

"Nawala na sina Erica pati ba naman sya?itinago ko na sya pero mapapahamak pa rin pala sya! Si ate, pnatay nila! Mga walang puso!"

Nagsidatingan sina Elizabeth na nanay ni Xelo at si tata Gomo

"A-apo.... W-wala na ang kapatid mo" 

Garalgal na Boses ng matanda, may witch na naghatid ng katawan nina Ronalyn at Cherry

Ilang oras ang lumipas naisipan nyang buksan ang sulat.

"Joelie si Cherry 'to, tila may kakaiba kay Samantha ramdam kong mali ang ikinikilos nya. Kung hindi man ako makabalik ng hating gabi puntahan mo ang bahay na ito xxxxx pagnakita mo na agad mong itago, alagaan ang kapatid nyang si Kristine pakiusap Joelie "

Nagpunas luha si Joelie, kanina lang umalis ang kambal para magbantay sa lagusan.

Agad kinuha ni Joelie ang wand nya at nagtungo sa lugar na iyon.

>>>>>Sa kabilang banda nag-iintay si Honey mai na dumating si Xelo dahil may kailangan itong sabihin at napaka importante nito.

Napalingon si Honey Mai sa bandang likuran, si Louisa Alexandra lang pala ang dama ng mga Elfo

"Naparito ka?" walang emosyong sabi ni Honey mai..

"Kanina nag karoon ng kaguluhan sa bayan ...."

"Puntuhin mo Louisa " naiinip na sabi nito.

"Ang prinsipe ng Elf nagbabalik na "

Hindi maari, mukhang kailangan na talagang lumakas ni Xelo. Marami pa syang dapat matutunan at malaman ngunit isa lamang ang hindi nya dapat malaman dahil baka ikapahamak nya pa ito.

Ngunit tama nga ba ang narinig nya?  Ang balita nya sa half blooded ay patay na ito kasama ang half wolf princess na si Sydney ...how come?

Tila napaka daming misteryo na ang lumilitaw. Kanina lamang ay nakausap ni Honey mai ang babaylan at sinasabing, May nakakatakot na nilalang ang magbabalik. Hindi isa, dalawa o tatlo dahil walang nakaka alam kung gaano sila kadami? Kalakas? Kabangis? O mas malala pa sa inaasahan nila. Ngunit isa nalang ang natitirang pag asa nila, si Xelo.

Dahil naiinip na si Honey mai sa tagal ni Xelo ay tinawag nya ang isa sa bantay na si 

Gwyn Valyn

"Valyn dalhin mo dito si Xelo ngayon na "

At tumalikod si honey dito.

"Oo na tss"

"Hey Gwyn!" Napalingon si Gwyn sa kumakaway na si Enzo

"Paano mo nalaman palangan ko?"

"Grr~ cold mo! Hihi ako yung muntik mo nang patayin sa pana nyo noong bumalik si Serrafin sa witchcraft!"

Nag wink si Enzo...

"Tsk...."

At tinalikudan ito ng dalaga.

"sungit naman " bulong ni Enzo.

"Miss saan ka pupunta!" Hinabol ito ni Enzo.

"Xelo " maikli at bored na sabi nito

"Hinahanap mo ako? bakit?" Napalingon ang dalawa sa nagsalita sina Xelo at Ayuki pala.

"Sumama ka sakin"

"Tara na Xelo sumama ka na samin" nakangiti na sabi ni Enzo at inakbayan si Gwyn siniko naman ito ni Gwyn.

"Si Xelo lang idiot" at hinila na ni Gwyn si Xelo bago tuluyang nawala na sila sa lugar na iyon. Walang kinikilalang prinsipe o prinsesa ang mga bantay.

"Nakakahilo" agad na napahawak si Xelo sa tyan nya para bang she will vomit any second.

"Tss... Sure ka ba talagang sya yan Honey mai?" Napa poker face si Gwyn.

"Tch.. You may go. leave gamutin mo muna sina Lea Miras malubha ang natamo nya. "

" nga pala si Dhang Ondaloc may misyon sya kaya maiiwan si Christine diocales para bantayan ang mga gamot " 

At tumalikod na si Gwyn at naglaho.

Nilingon na ni Honey mai si Xelo na nanlalambot

"Tsss kailangan mo talaga ng pagsasanay "

"Agad agad? Hindi ba pwedeng bukas na?"nakahawak sa dibdib si Xelo.

" gusto mo ba matuto o hindi?!" 

"He he sabi ko nga "

"Marunong ka naman ng self defense diba?hiyaaaah!!" 

Mabilis ang nangyari at nasipa ni Honey mai sa likod si Xelo kaya napaluhod si Xelo.

Nanlaki ang mata ni Hiney mai ng makaramdam sya ng sakit sa sikmura na naduduwal sya

"Shit! Xelo are you okay?"

Agad na dinaluhan ni Enzo si Xelo upang makaayos ng upo at sinandal sa puno.

'There something wrong here' 

Sabi ni Honey sa isip nya.

"Paano mo nalaman ang lugar na ito?"

Nanlaki ang mata ni Enzo at kinilabutan sya. Isang babaeng green ang buhok na may maputlang balat. Babaeng emerald ang mata.

"Esmeralda?"

"Paki alamero!" Napatingin si Honey mai sa singsing ni Enzo.

"Tabi"

At tumabi si Enzo nagtataka padin si Enzo 

Pano nangyari ang bagay na ito. Paano?Isang lumang babaylan , isang lumang dama ng sinaunang pureblooded prince ay buhay na buhay at kaharap nya.

"Shit Esmeralda! Buhay ka?" hindi talaga mag sink-in kay Enzo ang lahat 

" walang hiya ka Enzo alam mo ba kung kanino ang lumang amulet na ito ha?! Papatayin mo yata ako!"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ang amulet sabi ko kanino ito?!"

"Kay Prince Serrafin Venidict yung pasaway na Half wizard na tinakasan si Aloida dekada ang na ang nakakaraan"

"Andami mong sinabi"

Napairap si Honey mai. Habang si Xelo ay nanghihina padin. Napaisip si honey mai 

Sa kaunaunahang pure Blooded prince ito. 

Ibinigay nya sa kapatid nya para maprotektahan nya ito.

Walang nakakaalam kung sino ang kapatid nya. Kaya't paano napunta ito kay Serrafin Venidict?

Kaya pala kanina mabilis na natagpuan kami ni Enzo at nasaktan ako, siguro kung normal lang ako na bampira namatay na ako.

"Mag usap tayo Enzo mamaya, ngayon kasi sasanayin ko muna si Xelo kaya makakaalis ka na"

"Pwede ba akong tumulong?"

"Oo, alamin mo kung posible na buhay pa ang kapatid ng sinaunang hari" 

"Ha? Matagal na iyan Esmeralda marahil wala ng impormasyon dyan at patay na yon. Wala ng bumabanggit dyan kahit sina Ina at ama e"

"Kung gusto mo makatulong gagawin mo, layas" at umalis na si Enzo don ng pagtabuyan sya ni Esmeralda.

Kahit si Enzo nagtaka din sa sinabi ni Esmeralda na si Honey pala. May kapatid pala ang sinaunang hari. Teka wala naman atang kapatid yon eh! Walang may alam. Edi sya na ang sinaunang dama!

Sa isip ni Enzo.

Tila pagulo na ng pagulo ang nangyayari, di mawari kung malulutas paba ito kung papagtagpiin ang pangyayari.

"Xelo gising, ang unang pagsasanay mo ay magsisimula na!" Sigaw ni Esmeralda.

"Ay tokwa!" Sigaw ni xelo

"Tsk tanggalin mo ang kwintas kapag magsasanay tayo " 

"Ha? Ah sige " nilagay ni Xelo iyon sa bulsa nya 

"Tumayo ka dito " at may pinalutang na bato si Esmeralda 

Sinunod ni Xelo yon.

"Ipikit mo ang iyong mga mata, isipin mong nasa gitna ka ng dagat, tahimik at mapayapa..... "

"Huminga ka ng malalim, let your concentration begin. Anong nararamdaman mo?" Pagtatanong ni Esmeralda.

"M-malamig...m-maliwanag...."

"Natural lang yan. Ngayon ano pa ang nararamdaman mo?" hindi inaasahan ni Esmeralda ang sinagot ni Xelo...

"M-may babae. Nakatalikod sakin..."

"Shit" mahinang bulong ni Esmeralda 

"Who is she" 

"I-i cant breath... "

lalapitan na sana ni Esmeralda si Xelo para gisingin at pamulatin ng isang barier or parang may telekenesis na pumigil sa kanya.

"Let her finish what she started"

"Who are you?"

"Di mo na kailangan pang malaman" 

Anlamig ng boses nito. Half mask ang suot ng babae at puro itim

"Acckkk...."

"A-anong ngyayari sa kanya?!" Sigaw ni Esmeralda.

"Sa ngayon kailangan nyang labanan ang takot nya, takot na malaman kung sino ba talaga sya"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ipagpatuloy mo na, kausapin mo na sya"

"Tss, Xelo naririnig mo ba ako?"

"oo! T-tulungan m-moko h-hindi ako m-makahinga...!" Pero nakatayo pa din si Xelo sa bato na lumulutang at nakapikit.

"Xelo makinig kang mabuti, may nilalang dyan at papatayin nya lahat ng di kabilang sa kalahi nya. Xelo di kanya papakawalan! Gawin mo ang lahat para mapatay mo sya"

"H-hindi ko kaya..."

"Sino sya xelo?"

Nagkaroon ng mga sugat si xelo at kinabahan na si Esmeralda.

"Xelo kill that creature now!"

Pero patuloy sa panginginig ang katawan ni Xelo

"Xelo!" 

Agad na sinambot ni Esmeralda si Xelo ng bumagsak ito.

"Magigising sya mamaya, Oras na maging malakas sya tandaan mo na ang labis ay masama"

Naglaho ang babaeng nakamaskara na parang nahuhulaan na nya kung sino ito kaya napangisi sya.

" hindi na safe dito" isip ni esmeralda at binuhat si Xelo

"Kailangan kong madaliing turuan ka Xelo, kailangan ka namin" seryoso na sabi ni Esmeralda.

Sino ang babaeng nakamaskara? Paano ko gagawin ng napakabilis ito kung mag isa lang ako? Sino ang kapatid ng sinaunang hari? Sabi sa babaylan pitong hinirang ang magbabalik? Anong ibig sabihin ng babaylan? Sinong pito yun?


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C25
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login