Download App
66.66% Satan Disciple / Chapter 8: KABANATA 7

Chapter 8: KABANATA 7

Ercyl Pov...

Nauna na akong pumasok kesa kay Zajid.Bahala sya dun may kailangan pa akong hanapin. Nagpalingon lingon ako.

Napaka aga ko ngayon kaya mababantayan ko mga papasok sa gate.

Sana sana makita ko si jethro...

Ilang minuto pa ang lumipas dumadami na ang estudyante pero hindi ko pa nakikita si jethro.

Nagtago ako sa pader ng pumasok si Zajid na nakangisi sa gawi ko. Hala dont tell me nakita nya ako?

"we meet again"

"aypalakangtinolalumipad!"

Halos mangarate na ako sa gulat ng may sumundot sa tagiliran ko.

"ahem,"

Tumikhim sya kaya napa ayos ako ng tayo pero naka taas mga kilay ko.

"bakit kaba na ngingiliti? Anong again? Hindi nga kita kilala, my mama told me not to talk to stranger"

At inirapan ko sya.

"ang bilis mo naman makalimot...Im xenon Pinaka gwapo sa lahat"

At kumindat sya .

Napalunok ako.. The way na kausapin ka nya parang inuutusan ka nyang kanya ka na.

"gago!"

Lumipat ang tingin ko kay prestine na binatukan si xenon.

"aray pres ano ba?" at umismid yung xenon.

Pinagmasdan ko lang sila nang may umakbay sa akin.si Zajid sino pa ba?

"Xenon andito naman ako e wag ka nang humanap ng iba tsk tsk. Saka wag moko papagpalit sa mga dugyot----well maganda naman sya MAS maganda nga lang ako"

At inakbayan ni pres si xenon na nakangiwi na ngayon.

So under sya kay prestine? Anong meron sa kanila?

"guys! Too early huh landian agad" at inirapan kami ni andrea

"wala ka kasing lovelife" at again humirit na naman ang baliw na si zajid.

"che! Lets go na nga ercyl" at akmang hihilahin ako ni andrea ng magsalita si zajid.

" dont drag my queen unless you want me to rip off your heads"

Natahimik ang lahat at tumingin kay zajid.

Ano bang nangyayari ?

Nanginginig namang bumitaw si andrea at umirap

"a-alis na ako" sabi nito at umalis.

"zajid, idol mo ba si chance?"

Nilingon ko si xenon na naka smirk kay zajid. Sinong chance?

"mag usap muna kayo kasi late na kami duh"

At inakbayan na ako ni prestine at hindi naman pumalag si zajid.

"sino si chance?"

Natatakot kong tanong , sinong hindi matatakot sa babaeng to? Dragon na matatakot kang baka sa bawat salita nya ay bugahan ka ng apoy.

"chance lockward borrison, Lalakeng never nag tanggal ng maskara nya noong mga panahong bago palang kami sa lugar na ito.Matapang at walang puso.Napaibig sya ni Lady Ayura ngunit ng mamamatay sa di malamang dahilan si Lady Ayura ay nawala nalang bigla si chance "

At bumuntong hininga si prestine .. Na para bang kay bigat ng loob nya ng banggitin ang pangalang LADY AYURA.

"lady ayura anong meron sa kanya?"

Tinignan nya ako at umiwas din ng tingin bago kami nagpatuloy sa paglalakad

"Sya yung babaeng Kabaligtaran mo.Wala syang sinasanto.

Wala syang inaatrasan.Idol sya ng lahat.Pero hindi sya kagandahan. Sya yung babaeng malayo sayo hahaha"

Napa face palm nalang ako.minsan seryoso minsan baliw.

May mga sapak talaga tao dito

Tapos naka smirk syang tumitig sa akin bago kami pumasok sa room ay bumulong sya.

"nakakapaso ang ganda mo.Nakakapaso din ang ugali mo"

Hindi ko alam kung gagapangan ako ng takot. O matutuwa tinawag nya akong MAGANDA pero hindi ko alam kung anong tamang paliwanag sa NAKAKAPASO.

Isa lang kasi ang alam ko. KAPAHAMAKAN ang dala ko.

Hays. Ercyl stop over thinking .

"Hi mine "

Napanguso ako ng katabi ko pala si zajid. Im sure mangungulit na naman to.

" may ginawa ba sayo si prestine?" sabi nya ng makaupo na ako

Sinamaan ng tingin ni pres si zajid

" sabi ko nga wala" at ngumiti si zajid.

"dito ka lang sa tabi ko " bulong nya kahit hindi nakatingin sa akin

Dug.dug.dug.dug.dug...

Bakit parang ang bilis ng takbo ng puso ko?

"good morning, Lets topic about blah blah blah"

Wala akong maintindihan.well iniisip ko lang naman kung anong gagawin ko.mukhang nawiwili na ako dito e.

Ano ba kasing sekreto ng lugar na ito?

Pumapatay ba talaga sila?

Kailangan kong bumalik mamayang gabi dun sa mga damuhan oo tama.

"ms.Zoashtre are you listening?"

Napatayo ako ng tuwid.

"po?"

Tumahimik sa loob. Tatayo sana si zajid ng pigilan sya ni prestine.

"excuse me madam pinapatawag po sa main office si Mercylhye Faith Zoashtre"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.parang lahat ng hirap ko nawala noong narinig ko ang boses nya.

"jethro..." bulong ko

Walang sabi sabi ay naglakad ako papunta sa gawi nya at nakatitig lang ako sa kanya.

"ms.zoashtre ayos lang kalang?"

Parang napahiya naman ako ng tapikin ako nung teacher namin.

Nilingon ko ang mga kaklase kong nakangisi sa akin maliban kay zajid na nakatingin sa sahig .

Binalewala ko yun at sumunod na kay jethro.

Habang naglalakad kami nakatingin lang ako kay jethro na naglalakad nasa likod nya ako.

Walang pinagbago, matikas padin sya lumakad.

Napangiti ako sa naiisip ko. Kinikilig padin ako kahit wala pa syang ginagawa.

Napahinto ako at parang nag slow mo ang pag lingon nya sa akin. Pero this time wala na ang ngiti sa mga labi nya

"hey, alam mo naman siguro ang office diba? Di ka naman ata bobo"

At tinignan nya ako mula ulo hanggang paa.

Ouch. Ang sakit naman.

"s-sige" sabi ko at nauna nang maglakad palayo sa kanya.

Pinahid ko ang namumuong luha sa mga mata ko.

"ano ba yan ang iyakin ko talaga"

Pinahid ko ang tumulo uling luha sa mga mata ko.

May amnesia ba sya? Bakit nya ako kinalimutan?

Aalis pa kami dito e. Oo tama aalis kami kasama si princess.

--

--

"Good morning po" sabi ko at inilibot ang paningin ko sa malawak na silid na madaming libro at may malaking bubog na salamin.

"hello Mercylhye"

Tiningnan ko ang babaeng may itim na itim na buhok.

At may kulay green na mata.

Lumakad ako papalapit sa kanya.

"New student right?"

Ay hindi left. Aww bakit nag aala prestine ang ugali ko?

"opo "

"then you must know whats the rule and what is this place"

Tinignan ko sya ng mabuti. Pero isang matamis na ngiti pero parang may mali.

"okay po"

"Im Stacey Veluz not that old kasi hindi naglalayo ang edad natin.At ang lugar na ito ay malayo sa katotohanan.Maganda naman dito yun nga lang lumayo ka sa dapat mong layuan "

"ano pong ibig nyong sabihin?"

"hindi ka naman bobo diba? Tuwing ika 12 ng umaga may laro ng kamatayan. May Satan Desciple na nangunguna.They can kill if they want to"

Kinakabahan at nakakatakot sya.nagpatuloy sya sa pagsasalita

"sympre sa anim na yun.. May tatlong babae Sila ang hinahanap nila isa ka kaya dun? Kung isa ka man dun .....magtago ka na "

Napalunok ako ng tumawa sya pero nakakapangilabot

"hahahahaha by the way you are a student here at wala kang alam second. You are student here at wala kang pakealam Easy right? Now you can go."

Tumayo na ako at umalis dun.

May sinabi pa sya pero diko na narinig

"Nakakadarang ka nga talaga lalo na sa malapitan"

-

-

"kamusta sa loob?"

"aypalakangtinola!"

Napahawak ako sa dibdib ko. Grabe feeling ko aatakihin na naman ako ng hika.

Nilingon ko ang walanghiyang gumulat sa akin.

"sorry sa inasta ko kanina.By the way Im jethro alvin devastre, Alvin na lang"

Tumango ako. Hindi ko alam ang sasabihin. Mukhang hindi nya talaga ako kilala.

Sabay kaming naglakad.

"ahm jeth? Este alvin Mahilig kaba sa riddles?" pasakalye kong sabi

"hmm pwede din.Akala ko kasi malalakas lang ang mga andito nakakapagtakang nakapasok ka hahaha i mean siguro nga nakapasok ka kasi nakakadistract ang ganda mo lalo na mga mata mo pardon haha"

Napangiti ako. Kahit kelan talaga hindi sya direct kung magsalita.

Kasi sya yung lalaking pagsasalitaan ka ng masama pero maganda padin ang dating sayo.

"oo nga e. Nakakapagtaka na nakapasok ako dito"

Inakbayan nya ako.

"alam mo hinahanap ko ang pinsan ko at naalala ko sya sayo kaya i will protect you , ako na ang magiging kuya mo"

Kinikilig ako ng sobra pero parang may mali. Bakit hindi nya ako maalala?.

"get off.... dude"

Nagulat ako ng parang batang pilit tinatanggal ni zajid ang pagka akbay sakin ni jethro

"ow zajid! Girl mo ba to?" at nginuso ako ni jethro

"oo ang ganda no?" at ngumisi si zajid na proud na proud.

Okay kakaiba sya akala ko mag seselos .

What do i expect? Siraulo ata yan e.

Iniwan ko sila dun bahala sila.

Kailangan ko muna ng fresh air.

Medyo malawak naman itong school nila e.

--

Third person pov

"What? Nawawala ang notebook?"

"anong nawawala ang notebook?"

Nagkatinginan ang tatlo

"lagot tayo."

Sabay sabay nilang sinabi.

----

Sa kabilang banda ay busy sa mga ginagawang gamot Si Nero ang doctor ng lugar na iyon.

"ibigay mo ito kay stacey alam na nya kung anong gagawin"

At inabot nya ito sa isang babaeng naka school uniform.

"sandali lang, huwag mong sabihing nawawala ang subject"

"masusunod po"


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C8
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login