Download App

Chapter 3: CHAPTER 2

"Ang pag-ibig ay isang malayong biyahe. Kaya kung ayaw mong maglakad pauwi, magtira ka para sa sarili mo ng pamasahe."

---

SA anim na buwan akong nanatili sa aking kuwarto ay parang nanibago ulit ako ngayon na makisalamuha sa mga taong bumabati sa 'kin sa kompanya. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o ano dahil sa nararamdaman kong kaba sa dibdib ko.

Naghiwalay na kami ni daddy sa elevator dahil ako ay sa 2nd floor lang pupunta at siya naman ay nasa 3rd floor ang kanyang opisina. Nang dahil sa naninibago ako ay para akong bata na nawalan ng kakampi habang naglalakad sa hallway.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid ng opisina. Nakita ko na wala pa ring pinagbago ang kompanya punong-puno pa rin ng mga trabahador na abalang-abala sa kani-kanilang gawain mula sa pagtitipa sa keyboard ng kanilang kompyuter, pagsagot ng telepono at hanggang sa pagkukwentuhan nila ng tungkol sa kung ano-ano. Larawan sila ng mga taong abala sa pagtatrabaho.

Nang dahil sa rami ng nakita kong tao ay nailang at nahirapan akong huminga dahil sa simpleng pagsulyap lang nila sa akin. Kaya habang naglalakad ako ay mahigpit akong nakahawak sa aking shoulder bag. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng tiwala sa aking sarili simula noong isinarado ko ang puso't isip ko sa lahat at nanatili sa loob ng anim na buwan sa aking kuwarto.

Nagdesisyon muna akong pumunta sa banyo bago tumungo sa opisina ni sir.

Habang nasa banyo ako ay tiningnan ko muna ang sarili kong repleksiyon sa salamin. Wala pa rin iyong dating sigla sa mga mata at mga ngiti sa labi ko. Wala na kasi iyong dahilan ng pagngiti ko pero para sa magulang ko kailangan ko ulit maging masaya kahit wala na siya. Pagkatapos ay pilit akong ngumiti upang kahit papaano ay mawala ang aking kaba.

"Bren, tulungan mo ulit akong maging masaya sa kabila ng lahat," mahinang sabi ko habang naglalagay ng pulbo sa aking mukha para matakpan ang pamamawis nito. Pero napalingon ako dahil naramdaman kong may hangin na biglang humamplos sa likod ko.

Kinilabutan ako pero inisip ko na lang na si Bren 'yon at nasa tabi ko lang habang pinapalakas niya ang loob ko na palagi niyang ginagawa noong nabubuhay siya. Isang tapik niya lang sa balikat ko ay lumalakas na agad ang loob ko.

Ipinagkibit-balikat ko na lang ang nangyari at inayos na lang ang nagusot kong damit mula sa pagkakaupo ko kanina sa kotse. Kahit na ganito ang nararamdaman ko kailangan ko pa rin maging presentable sa paningin ng iba dahil ayaw kong pagtsismisan at masabihan na ang anak ng may-ari ng kompanya ay mukhang manang.

Sabi ni mommy ay maganda pa rin naman daw ako kahit hindi ako gaanong nag-aayos ng sarili. Ako kasi iyong tipong ayos na kahit foundation at lip tint lang ang ilagay sa mukha ko ay ayos na. Sabi niya ay singkit at bilugan daw ang aking mga mata, may mapula at maliit na labi, hugis pusong mukha, matangos na ilong at mestisahing balat na namana ko sa pagiging dugong kastila ng pamilya niya. Dahil sa mga katangiang 'yon ay nabihag ko ang puso ng mahal kong si Bren.

Nagmadali na akong lumabas sa banyo dahil baka ma-late pa ako sa unang araw ng pagbabalik ko sa trabaho. Ngunit hindi sinasadyang may nabunggo akong isang matipunong katawan. Mabango at lalaking-lalaki ang amoy niya na pamilyar sa akin at pakiramdam ko kilala ko na kung sino ang nabangga ko kaya biglang nakaramdam ako ng kaba. "Patay...bakit siya pa ang nakabanggaan ko?" kunot-noong bulong ko.

Mabuti na lang sa pagkakabangga namin ay nahawakan niya ako sa aking baywang. Kung hindi ay mapapaupo sana ako sa tiles at mababalian. Lalayo na sana ako sa pagkakadikit ng aming katawan pero sa hindi inaasahang pangyayari ay naramdaman ko na lang na nakalayo na siya sa akin na para bang amoy pawis ako o may sakit akong nakahahawa.

"Go-good morning Sir Renz, pasensiya na po at nabunggo ko kayo," sabi ko habang nakayuko at nahihiya dahil sa nangyari kanina.

Pakiramdam ko tuloy napakamalas ko sa lahat ng bagay. Ngayon pa lang ako papasok pero may nangyari na agad na kung ano at ang malala pa ay nabungga ko pa ang boss ko.

"Ayos lang iyon, Ms. Gelli. Oo nga pala! Kailangan mo nang bilisan dahil male-late ka na. Dapat nasa opisina na kita ng saktong alas-otso. Kung hindi ay umuwi ka na at maghanap ng ibang malilipatan na departmento," walang kaemo-emosyong sabi niya sa akin habang inaayos ang kanyang nagusot na damit mayamaya ay umalis na rin siya sa harapan ko.

Tiningnan ko muna ang aking relong pambisig. Nakita kong pasado alas-siyete na ng umaga at kailangan ko ng magmadali.

"Naku, kailangan ko nang bilisan baka nga ilipat ako ng ibang department," nagmadali na akong naglakad habang dala-dala ko ang shoulder bag ko.

Wala akong pakialam kahit naka-2 inches ako na heels at idagdad pang nakapalda ako. Kailangan kong magmadali bago mauna si sir sa 'kin. Dahil ayaw kong malipat ng ibang department. Hindi dahil gusto ko siya, 'yon ay dahil bagong pakikisama na naman ang gagawin ko sa ibang departamento kung sakali kaya ayaw ko ng mailipat pa.

Marahas akong napabuga ng hangin para ibalik sa dati ang aking paghinga dahil sa lakad-takbo na ginawa ko kanina. "Sa wakas nandito na rin ako sa opisina ni sir," masayang sabi ko pagkatapos ay pinalipas ko muna ang limang minuto bago ko kinuha ang susi sa bag para makapasok na ako sa loob ng opisina.

Pagkabukas ko ng pinto ay inilibot ko ang aking paningin sa loob ng opisina.

"Mabuti na lang wala pa siya rito.

Siguro naghahanap na naman siya ng mga babaeng bibiktimahin niya."

Ibinaba ko ang aking bag sa may lamesa para makapag-umpisa na akong magtrabaho. Akala ko nga may mga tambak na papeles sa lamesa ko pero wala akong nakita. "Sino kaya ang gumawa ng trabaho ko rito sa loob ng anim na buwan?"

Natampal ko na lang ang noo ko dahil kailangan ko pa palang hintayin si sir na sabihin sa 'kin kung ano dapat kong gawin ngayong araw. Ngayon lang ulit kasi ako pumasok sa trabaho at ayaw kong magkamali sa unang araw ko.

Wala pa ring nagbago rito sa opisina dahil 'yong lamesa ni sir ay malapit pa rin sa lamesa ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang set-up dahil kadalasan ang alam ko sa mga sekretarya ay nasa labas lang ng opisina ng boss nila. Lahat din ng mga gamit ay maayos pa rin na nakasalansan sa kabinet kung saan nakalagay ang mga files. Mukhang masipag ang naging sekretarya ni sir sa loob ng anim na buwan dahil wala akong nakitang tambak na mga papeles sa lamesa ko.

Nakarinig ako ng pamilyar na tunog ng sapatos na naglalakad sa hallway at mukhang papunta rito. Hinintay kong bumukas ang pinto ng opisina. Nang masiguro ko na si sir na ang dumating ay tumayo ako malapit sa aking lamesa para salubungin siya bilang paggalang.

"Ms. Gelli, akala ko wala ka pa kaya natagalan ako pumunta rito," seryosong sabi ni sir habang naglalakad papunta sa kanyang puwesto.

Nakita kong sumandal siya sa kanyang lamesa habang nakatayo at nakikipag-usap sa akin.

"Nagmadali po akong naglakad para hindi kayo mauna rito kaysa sa 'kin," nahihiyang sabi ko sa kanya. Ito na naman ang pakiramdam ko kapag malapit siya sa 'kin at nakikipag-usap sa kanya. Pinagpapawisan at parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Ahh, dahil ba sa sinabi ko kanina? Binibiro lang kita noong sinabi ko 'yon tapos hindi ko alam sineryoso mo pala," nakangiting sabi niya habang nakaupo sa kanyang swivel chair at nakatingin sa akin.

Napalunok na lang ako sa sinabing iyon ni sir sa hindi ko inaasahang sasabihin niya.

"Si-Sir Renz, itatanong ko lang po sana kung ano po ang gagawin ko ngayon at ano iyong mga naiwan kong trabaho sa loob ng anim na buwan na wala ako rito? Saka sino po ang gumawa ng trabaho ko bilang sekretarya niyo," hindi makatingin tanong ko sa kanya.

Wala na kasi ako ibang matatanungan kung hindi siya lang kaya naglakas-loob akong magtanong sa kanya kahit kinakabahan at kinakilabutan ako. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana para malipat ang atensiyon ko.

Mayamaya ay narinig kong tumikhim siya kaya napatingin ako sa kanya.

"Huwag mo ng intindihin at alamin kung sino ang gumawa ng trabahong iniwan mo. Ang mahalaga nandito ka na sa opisina ko at hindi na ako mag-isa rito. Naka-save na riyan sa laptop mo sa may "Gelli's File" ang mga dapat mong gawin ngayong araw."

"Copy sir," nakangiting sagot ko habang nakikita ko siya sa gilid ng mata ko na nag-aayos ng mga gamit niya sa lamesa.

"Gelli, huwag ka muna masyadong magtrabaho kung hindi mo naman kaya," nag-aalalang sabi niya na ikinagulat ko.

"Ahh, sir ayos lang naman sa 'kin saka isa pa hindi naman po ako galing sa sakit," malungkot na sagot ko.

Naramdaman kong nag-uulap na naman ang mata ko kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin-tingin sa mga files para hindi na ako umiyak ulit. Ilang minuto rin ang lumipas simula ng nag-usap kami ni sir.

Narinig kong tumikhim siya kaya napalingon ako sa gawi niya. "If you need someone to talk to, i'm always willing to listen, Gelli."

"I will Sir Renz, thank you!" nakangiting sumulyap ako kay sir pagkatapos ay nagtrabaho na ako ng muli sa laptop ko.

Mukhang simula nang nawala ako rito pakiramdam ko maraming nagbago kay sir. Mahilig na kasi siya ngayong magsalita at ngumiti hindi katulad dati na laging seryoso. Siguro nga may mabait na side siya kahit papaano.

"Hay naku! Bakit ba siya ang laman ng isip ko?"

Ipinilig niya na lang ang kanyang ulo upang mawala sa isip niya ang kung anumang nag-uumpisang maglaro rito.

Pero nang dahil sa magandang ipinapakita ni Sir Renz ay naramdaman kong kahit papaano ay nawala ang bigat na nararamdaman ko kanina nang maalala ko si Bren.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login