Download App

Chapter 131: Really!!!

"Ingat ka!" Sabi ni Martin sa akin.

Kasalakuyang na kaming nasa parking area ng office building namin.

"Ikaw din!" Sagot ko habang binubuksan ko na yung pintuan ng kotse pero di pa nakaka tapak yung paa ko ng muli akong hilahin ni Martin para halikan sa labi.

"Text-text tayo mamaya!" Bulong niya sa akin ng mag hiwalay yung mga labi namin.

"Ikaw talaga!" Sagot ko naman paano nakaka hiya nasa harapan namin si Mang Kanor at bukas na yung pinto baka mamaya may makakita sa amin na mga officemate.

Di nga ako nagkamali sa alalahanin ko dahil pagkalabas ko ng kotse nakita ko si Dina naka tingin sa akin na parang gulat na gulat.

"Hon, sundo kita mamaya!" Sigaw ni Martin sa akin bago tuluyang umailis.

"Sino yun?" Agad na tanong ni Dina sa akin ng tuluyang maka lapit sa akin.

"Di ko nga yun kilala!" Mabilis kong tangi at sabay akbay kay Dina para umakyat na kami sa building.

"Di kilala eh nakita ko ngang hinalikan ka niya tapos di kilala. Pwedi ba Michelle kwento mo sa pagong!" Sabay kumawala sa pagkaka akbay ko si Dina. Alam ko naman wala na kong lusot pero syempre gusto kong malaman kung hanggang saan yung nakita niya.

"Sige Lolo ko na lang!" Seryoso kong sagot habang naka tayo na kami sa harap ng elevator habang hinihintay ang pagbukas nito.

"REALLY!" Sagot ni Dina sa akin na talagang amuse na amuse siya sa sagot ko habang na lalaki yung mga matang nakatingin sa akin. Di ko tuloy mapagilang matawa.

"Haha... haha... Alam mo naman na kasi nagtatanong ka pa!" Natatawa kong sabi at tuluyan ng pumasok sa elevator na agad siyang sumunod.

"Sympre ayaw kong mag assume na boyfriend mo yun mamaya kung sino lang yun diba?" Ako naman ang nagulat sa sagot niya.

"Normal na lang ba talagang maki paghalikan ngayon sa taong di mo karelasyon?" Takang tanong ko.

"Oo naman kami nga ni Alvin naghalikan pero di kami!" Proud na proud na kwento ni Dina sa akin.

Nagulat ako sa sinabi ni Dina kaya tiningnan ko siyang mabuti. Marahil na realize niya yung binitawan niyang salita kaya agad niyang tinakpan yung bibig niya. Buti na lang dalawa lang dalawa lang kami sa elevator kundi may latest tsismis nanaman sa office namin. Alam ko naman na matagal nang may gusto si Dina kay Alvin pero di ko lang maintindihan kung bakit siya pumayag na maki pag halikan na wala man lang kalinawan sa relasyon nila. Pero bigla ko ring na realize meron nga iba diyan nakikipag one night stand sa taong nakilala lang sa bar. Siguro nga sa panahong ito normal na lang yung mga ganung bagay "no comitment ika nga."

Paglabas namin ng elevator dun lang muling nagsalita si Dina.

"Hoy iniiba mo yung usapan boyfriend mo ba yun?" Pero di ko na siya sinagot dahil nga alam ko di na niya ako kukulitin kasi may mga ibang tao na sa office.

"Morning!" Bati ko sa mga kasamahan kong Engineer na nagkakape sa kani kanilang lamesa. Ganun naman kami bago magsimula ng araw lalo pa kung inaantok.

"Musta biyahe Michelle?"

"Okey lang Sir Dariel." Sagot ko naman habang inalalabas yung laptop ko sa bag.

"Akala ko bukas ka pa reporting?" Muling tanong ni Sir Dariel sa akin.

"Walang masyadong naging problem dun si site mukang gamay na gamay na ng grupo ni Sir John ung pagkakabit kaya di na ko nahirapan."

"Talang di lang kumplekado yung client na yun kaya walang problema." Sagot ni Sir John na kadarating lang at may hawak na tasa ng kape mukang kakagaling lang sa pantry.

"Speaking of kumplekado may problema nanaman sa hotel ni Mr. de Jusus." Sagot ni Sir Dariel

"Nanaman!" Reklamo ko. Sa totoo lang yung client na yung ang pinaka maarte sa lahat ng client namin. Ang dami niyang gustong mangyari pero di naman kaya ng budget.

"Ikaw uli ang request niya magsuport sa kanya Michelle." Narinig ko uling sabi ni Sir Dariel.

"Alam mo naman kasi na patay na patay yung sayo kaya lagi ka pinapapunta dun sa hotel niya. Sagutin mo na kasi haha...haha...!" Pang aasar ni Sir Anthony sa akin.

"Kung kaya ba naman niyang tapatan yung boyfriend ni Michelle eh malamang sinagot na siya nito!" Si Alvin ang sumagot sa pang-aasar ni Sir Anthony. Kararating lang nito at hinila pa niya yung ipit ng buhok ko nung dumaan sa table ko.

"Akin na yan!" Habol ko kay Alvin paano di ibinalik yung ipit ko. Naka pony tail kasi ako kanina at dahil nga hinila niya yung ipit ko naka lugay na ngayon yung mahaba at itim na itim kong buhok. Mabilis naman niya itong hinagis pabalik sa akin na agad ko namang sinalo.

"May boyfriend ka na Michelle?" Tanong ni Sir John sa akin.

"Opo!" Pag-aamin ko. Wala naman ng dahilan para itanggi ko pa isa pa madami na din kasi nakaka alam kaya inamin ko na.

"Patay mukang madaming luluha ah! Lalo na yung nasa unahan ko!" Pang-aasar ni Sir Dariel at syempre si Alvin yung tinutukoy niyang labis na luluha. Pero di naman na ko dun nababahala kasi nga si Alvin pa yung unang nakaka alam sa relasyon naming dalawa ni Martin.

"Inom tayo mamaya tol!" Sagot ni Sir John.

"Wag mo na ko yayain dahil wala akong pera sa isa pa tanggap ko na dahil wala naman ako laban sa boyfriend ni Michelle." Depensa ni Alvin.

"Wow mukang kilala mo na pre ah!" Sagot uli ni Sir John. Dahil sa narinig ko agad kong tiningnan si Alvin ng masakit para pag bantaan siya na wag siyang magkamaling sabihin ang pangalan ni Martin. Para sa akin okey lang naman malaman nilang may boyfriend na ko ang di lang nila pweding malaman kung sino kasi magkaibang bagay yun.

Di basta-basta si Martin at ayaw kong isipin ng mga ka officemate ko na gold digger ako or conflict of interst. Ayaw ko lang ng conflict kaya kung pwedi yung personal kung buhay sana sa akin na lang. Sana maintindihan yun ni Alvin.

"Di ko kilala!" Maiksing sagot ni Alvin at nagsimula ng magtrabaho. Naka hinga na ko ng maluwag kaya nagsimula na kong gumawa ng report at di ko na pinansin yung mga tanong nila tungkol sa boyfriend ko.


CREATORS' THOUGHTS
pumirang pumirang

mag two chapter na lang ako daily para maka bawi hahaha di ko pala kayang magreleas ng 10 chapter haha...

Sana mapatawag niyo ako!!!

Thanks sa support!!!

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C131
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login