Download App

Chapter 5: Night

   "Stop watching kdrama. Pinapabayaan mo na sarili mo," hinablot pa niya cellphone ko daling sa kamay ko, "You have to eat Angel... Halika na," sabi niya and nag-pout nalang ako habang sumunod sa kanya.

   Nasa San Roque kami, specifically nasa loob kami ng basketball court and nasa bleachers lang ako habang siya naman nagbabasketball lang mag-isa, and yes, nirentahan niya talaga to for this day para sa aming dalawa.

   These days kasi nahuhumaling na ako manood ng kdrama, na halos matagal na akong natutulog and minsan nale-late pa ako sa mga tagpuan namin ni Junyte, "Ih last na episode na iyon Junyte... Kulang nalang matatapos na ako," tantrums ko sa kanya, pero di pa rin siya natinag at binulsa niya ang phone ko.

   Patungo siya sa nanininda ng siomai sa labas ng basketball kaya madali lang kaming napunta doon, "Angel... Just this once, okay? Kain muna tayo. It is almost one in the afternoon. Baka anong mangyari sayo dyan," sermon naman niya. 

   'Kala mo naman mas matanda sakin hmp! When in fact, he's a year younger. Hindi halata sa facial and physical features niya ang edad na eleven turning twelve sa pasukan, while ako twelve turning thirteen sa May. To think na mas una pa akong magb-birthday sa kanya. Good thing I have this baby face. Mas gurang siyang tignan, and yeah, mas mataas siya ng ilang inch tsk. 

   Nakabusangot na ang mukha ko, "Libre mo 'ko ng siomai! Siyam na siomai gusto ko! Gutom na gutom ako! Libre mo ko!", di naman ako galit sa kanya, medyo nagtatampo lang. Well, not medyo tampo, it's more like, 'libre mo 'ko kasi dinistorbo mo panonood ko ng kdrama' kind of tampo.

   Alam niya iyon, kaya nilibre niya talaga ako, we have known each other for two weeks now. After that day, parang alam na namin ang isa't isa, pero hindi katulad ng best friend ko na nasa Manila na si Pakoy. I'm more comfortable with Pakoy, like to the point wala akong pake na malanghap niya utot ko, ganoon. My friendship with Junyte is more like... I can't explain it. We've been hanging out kasi wala naman kaming ginagawa, like me, busy din parents niya kaya we've enjoying each other's company. 

   May times din na namumula ako dahil sa batang ito! Sometimes, I'm embarrassed on showing him my flaws. Sometimes, I want to hug him and just stay with him. Sometimes, nagagalit ako kapag may ibang babae na nagpapacute sa kanya tapos papatulan niya. He's near and close to me yet I feel like ang layo niya.

   Nakita ko nalang na binigay na niya sakin iyong plate na may siyam na siomai and kanin, "So, ano kakainin mo? Don't tell me sweets na naman? Alam mo magkakaroon ka na ata ng diabetes niyan eh," I said. 

   Favorite niya kasi ang lahat basta sweet, basta matamis, lalong lalo na basta chocolate! Which, hindi kami magkatulad when it comes to that, I mean, minsan nakaka-urgh na ang chocolate kapag dinamihan ng kain, pero siya kaya niyang kumain ng chocolate buong araw! Huwaw diba?!

   Nagulat ako ng pitikin niya noo ko, "Okay okay Angel, chill. Siomai din kakainin ko, akala mo ikaw lang mahilig sa maanghang huh," and ayun bumili din siya. Yes, I love spicy foods, and seafoods than meat din, alam na niya iyon. He can bare with my likes din naman, he can eat spicy foods din like how I can eat chocolates pero di sobra. 

   Ah he's been calling me Angel since that day, his basketball game. Hindi ko alam kung ano ang trip niya but I just agreed. That's not my name, pero at least if may tatawag sakin na Angel, I would know na si Junyte iyon, but how I wish ako lang ang tumatawag sa kanya na Junyte. Well, I should be at least happy right? Na aside sa family and best friend niya, ako lang tumatawag ng Junyte sa kanya.

   Kumain na kami while nagkwe-kwentuhan, "Hoy, maraming nagkakagusto sayo sa school niyo 'no? Bata ka pa! Hahaha, and I would like you to start dating that Laura, ang ganda niya, bagay kayo," and hell no! I didn't meant what I said, sinabi ko lang iyon dahil in-ask ko siya ng ganoong question. Baka akala niya interesado ako sa lovelife niya hmp.

   He chuckles, damn it, "Bata? Ikaw ang bata baliw! Age doesn't count by numbers Angel... Nah, I was infatuated by her pero di na. She's not my type," and uminom siya ng gatorade, he's been drinking that dahil sporty or basketball player siya. Yeah, I kinda don't like Laura's attitude though, she's like uh... flirty. Maybe because she's pretty, but I can't judge, and Junyte would not like those kind of girls.

   "Oh, you have a type," mock ko sa kanya at tumawa, "Like girls who can break your heart? Or yung mga petite..." tease ko sa kanya, and there I saw his eyes na ngumiti na naman, I'm really trying na maging normal lang kapag nakikita ko ang mga ngiti niya na abot sa mata.

   Ginulo naman niya ang buhok ko kaya panandalian ko siyang dinilatan ng mata at tinawanan, "You're such a tease Angel. Tapusin mo na nga 'yang kinakain mo, baka pumayat ka niyan!" and now siya naman ang dumilat ang mga mata.

   "Hmm, I'm going to be a high schooler next pasukan Junyte, I need to be fit as in super fit because dalaga na ako and paano ako magkakaroon ng high school love story niyan huh, you're still a baby that's why di mo maiintindihan," nagbiro na naman ako and I was expecting na makikipag-debate na naman siya sakin about him being more mentally matured than me.

   Instead I saw his face darken and his lips purse into a straight line, "So, the things you do for boys huh..." and tumingin nalang ulit siya kinakain niya.

   Napahinto ako doon. Is he mad? Did I say something wrong? May gusto ba 'to sakin? Impossible! Duh Chloe why would you think about something impossible like that! He's still on the process of moving on dimwit! How can he be mad about me impressing boys? As if magkikita pa kami sa pasukan.

   Nagpatuloy nalang ako sa pagkain, but I'm still bothered though. 

   "Tara na," sabi niya, tumingin ako sa kanya pero di na cold ang mukha niya. I want to read or even ask him kung bakit ganoon naging reaction niya but napansin ko din na he's trying to act normal, as if wala lang ang nangyari kanina.

   When we arrived sa loob ng basketball court ay inilabas ko na ang aking cellphone and starting to type the title and episode ng pinapanood ko. Iniangat ko ang aking mukha para mahagilap si Junyte pero hindi ko siya nakita sa court, tumingin ako sa aking right side and halos mahulog ko ang aking cellphone because he's squatting katabi ko and nakatingin sakin na parang puppy na hihintay ang order ng kanyang amo.

   "Anong ginagawa mo dyan? Di ka ba maglalaro muna?" tanong ko sa kanya pero umiling lang siya and tumingin sa cellphone ko.

   Nag-sigh naman siya kaya tinitigan ko siyang mabuti, "I'm gonna watch with you," and I'm so sure na nakita ko siyang namumula habang nakatingin lang sa phone ko and di makatingin sa mga mata ko.

   "Pfft," pinigilan kong huwag matawa lalo na bigla siyang napatingin sakin, "Okay... Pfft! Ikaw? Manonood ng kdrama? Seriously Nyte? Ano bang trip mo?" hindi ko na talaga mapigilan na tumawa.

   Nabigla ako nang bigla niyang kinuha ang cellphone ko, "Manood na nga lang tayo! Tawa tawa pa eh," humina pa ang kanyang boses dahil doon kaya huminto na talaga ako sa kakatawa. He's really so cute.

   "Wag nalang iyan! Last episode na ako dyan eh. After this papanoorin ko iyong Scarlet Heart. Let's watch it together, nandoon si IU eh," and I felt my excitement sa system ko. Ang tagal ko nang napanood si IU sa mga drama! Ngayon may bago na naman siya! Kyaa!

   Napatingin naman ako sa kanya na tinitigan ako, and I felt conscious sa pinakita kong excitement sa kanya baka akala niya weirdo ako, "W-Who's IU?" naramdaman niya rin siguro na napansin ko ang titig niya kaya napatuwid siya ng upo.

   "She's my all time favorite singer-composer! She's very passionate and very talented! Urgh! Girl crush ko siya! She's always number one in the music charts! No one can beat her rank except herself! She's amazing huhu."

   "Hmm," napatingin naman ako sa kanya, "Dalian mo dyan. let's watch that.. Uhh... Scarlet Heart? Tama ba?" napakamot naman siya sa ulo niya kaya napatawa nalang ako and tumango. 

   I don't know why he's trying na tignan mga gusto kong gawin o alamin ang mga bagay na alam kong alien sa kanya, I don't know kung ano ang trip niya ngayon, but he make me so happy, that's for sure.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C5
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login