NAGKALAT ang mga gamit sa sala. Mga sapatos, maduduming damit, at maging ang ilang mga basyo ng alak na wala ng laman. Ito ang hitsurang nadatnan niya sa muling pagdalaw sa kanilang bahay.
Napabuntong-hininga na lamang si Celina, at nanlulumo habang pinagmamasdan ang mga iyon. Naroon sa isang sulok si Ronald. Ang kanyang ama. Nakaupo ito't nakasandal ang likod sa pader. Hawak pa rin nito ang isa pang bote ng alak na halos kalahati na lamang ang laman.
Pansin niyang bahagya nang nakatulog ang kanyang ama dahil sa kalasingan. Iiling-iling na lang siyang lumapit dito't sumalampak nang upo sa sahig.
"Dad... Dad..." Mahina niya itong tinatapik-tapik sa braso para gisingin. "Dad, wake up."
Mabilis na nag-angat ng ulo si Ronald nang sandaling rumihistro rito ang boses ng anak. "Celina, anak!" Biglang umaliwalas ang mukha ng may katandaan ng Zealcita. Limampu't isa na ang edad nito ngunit matikas pa rin ang pangangatawan at medyo bata pang tingnan kung ikukumpara sa totoong edad.
"Dad, naman! Ano po bang ginagawa niyo sa sarili niyo? Bakit kayo naglalasing, ha?" mahinahon niyang tanong sa ama na parang batang paslit ang kinakausap.
Mapait na ngumiti si Ronald. "Papaano ka nakapunta rito? H-hindi ba, kinukulong ka ng asawa mo?"
"Tum--" Bigla siyang napahinto sa pagsasalita at nag-isip ng ibang idadahilan. Hindi nito maaaring malaman na tumakas lamang siya, dahil ayaw na niya itong mag-alala pa. "P-pumunta si Ashton sa Japan kahapon. Bukas pa ang balik niya. Suwerte't hindi niya ako maaaring isama sa business meeting na 'yon, kaya... nagkaro'n po ako ng chance na madalaw kayo. Ayaw niyo po bang narito ako?" Nilakipan pa niya nang pagtatampo ang paliwanag para hindi na mag-usisa pa ang ama.
"Hmmm... Alam mo naman kasi ang ugali ng asawa mo, 'di ba? Nag-aalala lang ako sa 'yo, Celina."
"Teka nga, Dad. Ikaw ang una nating pinag-uusapan dito. Iniiba mo naman ang usapan, e! Bakit ka po ba naglalasing?"
"Celina... I wanna sleep. And at least have a rest. It's my day off, anyway. Kailangan ko 'to, Anak," saad ni Ronald at itinaas ang hawak na bote ng alak.
Napakagat-labi si Celina upang pigilin ang mga luhang nagbabadya dahil sa labis na pagkaawa sa ama. Alam niyang pagod na pagod na ito. Pinapahirapan ito ni Ashton, na halos ito na ang gumagawa ng lahat ng trabaho na dapat ay ang kanyang asawa ang gumagawa. Kung sabagay, tuso lang naman kasi si Ashton at wala talagang laman ang ulo. Ginagamit lang ang kahit na sinong puweding magamit para mapagtakpan mula sa ama ang sariling kapalpakan. Proud na proud ito sa sarili na nilulustay at ipinagmamalaki ang yaman na hindi naman siya ang nagpapakahirap. Nakakaawa lang ang mga taong nasa likod nang tagumpay nito. Kabilang na ang kanyang ama.
"P-pero nakarami ka na, Dad. That's enough!" Mabilis niyang inagaw sa ama ang hawak nitong bote ng alak nang akmang tutunggain na naman nito iyon. "Kung gusto mo po talagang matulog, halika na. Stand up there already, ihahatid na kita sa kuwarto mo. Then, ipagluluto kita ng soup para mainitan ang tiyan mo."
"Celina... How are you?" seryosong tanong ng kanyang ama. Namumula na rin ang mga mata nito't nagbabadya ang mga luha mula roon. Ang tanong na iyon ay hindi lamang bastang tanong. Malalim ang pinaghuhugutan dito ng kanyang ama.
Mabilis na nagbaba nang tingin si Celina para itago ang kanyang mukha. Hindi maaaring mabasa ng kanyang ama ang lungkot sa kanyang mga mata, dahil hindi niya kayang maglihim dito habang nakikita ang nangingilid nitong mga luha. "Okay lang po ako, Dad. Don't worry about me."
"Sinungaling! Sabagay, wala naman akong magagawa kung sinasaktan ka niya... pinagtatakpan mo pa, e!" Inis na tumayong mag-isa si Ronald. Kahit na susuray-suray ay pilit itong naglakad paakyat sa hagdanan. Nasundan na lamang ito ni Celina at maya't mayang inaalalayan ang braso para tulungan itong bumalanse nang lakad.
Matapos pahigain ang ama ay nagpasya na siyang bumama para linisin ang mga kalat ng kanyang ama. Hahayaan na muna niya itong matulog ng ilang oras bago pakainin.
Mabigat man ang loob ay pinilit niyang kumilos. Bawat dampot niya sa mga kalat na naroon ay parang unti-unting pinipiga ang kanyang puso. Hindi niya lubos akalain na ganito kameserable ang magiging buhay ng kanyang ama sa labis na pag-aalala sa kanila ng mommy niya.
Mayamaya pa'y hindi na niya napigil pa ang mga luhang kanina pa niya itinatago sa harapan ng ama. Lihim niyang kinakastigo't kina-iinisan ang sarili sa kawalan nang magawa para sa pamilya nila. Nagdurusa ang kanyang mga magulang habang siya'y pikit-mata na lang na umiiyak. Iyon lang ang kaya niyang gawin.
NANG MATAPOS sa paglilinis ay nagluto na siya ng mainit na soup para sa ama. Nagluto na rin siya ng makakain nito mamaya sa hapunan upang wala na itong dahilan pa para gutumin ang sarili.
"Dad, I have to go," aniya, matapos ang huling subo ng soup na siya na ring nagpakain sa ama. Gustong-gusto niya ang bagay na ito. Ang pagsilbihan ang kanyang ama. Na-miss niya itong gawin.
Dalawang buwan na rin kasi ang lumipas matapos siyang ikasal kay Ashton. Dalawang buwan nga ang matagal na lumipas na wala man lang siyang naririnig na balita mula sa mga magulang. House arrest ang ginawa sa kanya ng asawa. Pinagbawalan siyang dumalaw sa mga magulang. Pinagbawalan siyang kumustahin man lang ang mga ito kahit sa telepono. At sa tuwing mahuhuli siyang sinusuway ito'y bogbog ang inaabot niya. Kung hindi naman ay pagsasamantalahan siya nito habang nakakarinig nang masasakit na salita't pagbabanta para sa kanilang pamilya.
Her husband is a perfect human devil. Kasumpa-sumpa ang ugali nito na kung nataon lang na mahina ang kanyang loob ay nagpakamatay na siya matagal na.
"S-sorry, Dad... I still w-wasn't able to visit mommy..." Bigla na naman siyang binalot nang matinding lungkot. Nasa pinakamahirap na laban ang kanyang ina sa mga panahong ito, ngunit ni hindi man lang niya magawang dalawin. Parang kinukurot ang puso niya sa tuwing maaalala ang huling kalagayan ng kanyang ina. Hindi na nga rin ito nakadalo sa kanyang kasal dahil kailangan nitong manatili sa hospital.
"She'll be fine. Your mom is brave, like you. Lumalaban siya, Celina... para sa 'yo."
Alam niyang hindi mabuti ang lagay ng kanyang ina, kahit pa sabihin ng kanyang ama na okay ito. Nararamdaman niyang sinasabi lang ito ng kanyang ama para hindi na siya masyadong mag-alala pa. Gustong-gusto na niyang makita ang ina. Nasasabik na siyang yakapin at kuwentuhan ito upang mapangiti, at kahit papaano'y mapagaan niya ang loob nito.
At hayan na naman ang mga luha niya. Mga luhang walang kapagura't hindi maubos-ubos. Mabilis niyang pinunasan ang pisngi, pagkuwa'y kinuha ang maliit na notepad sa kanyang bag. May isinulat siya roon at iniabot sa kanyang ama. "You can reach me through this number, Dad. Balitaan niyo po ako tungkol kay Mommy, ha?"
Agad naman iyong kinuha ng kanyang ama, at sandaling tinitigan ang nakasulat na numero. "Always remember that we love you so much, Anak. Ikaw ang tanging buhay namin ng mommy mo."
"Same here, Dad. I miss you both... sobra!" Lumapit siya sa higaan ng kanyang ama at niyakap ito nang mahigpit. "Always take care of yourself. Bawas-bawasan mo na po ang pag-inom, Dad, ha? Hindi 'yan makakabuti para sa inyo. Tsaka, hahanap ulit ako ng pagkakataon para madalaw kayo."
MAY ISANG oras pa bago ang oras ng paguwi ni Ashton sa mansyon nang dumating si Celina. Kaya naman kampante pa siya. Kahit papaano'y malaking bagay na ang makatakas siya ng ilang oras sa poder ng kanyang asawa.
"Naku, Ma'am Celina! Bilisan niyo na po! Pasok! Pasok na!" natatarantang turan ng matandang mayordomang si Aling Martha. Halos kaladkarin na siya nito papasok sa loob ng gate. Naramdaman din niya ang matinding panginginig ng mga kamay ng matanda nang hilahin siya nito.
"Bakit ba ganyan na lang ang takot mo, Aling Martha? Relax ka lang. I'm home one hour earlier, kaya walang malalagot sa'tin. Okay?" Medyo natatawa pa siya sa reaksyon ng matanda.
"S-si Sir Ashton k-kasi..." Nagkakandautal-utal na ito sa matinding takot. Kaya naman nawala na ang mga ngiti niya sa labi at bigla na rin siyang nakaramdam ng kaba.
"Nandito na siya, tama?" Bigla siyang nanlumo. Ngayon na nga lang niya ginawang tumakas, nahuli pa siya.
"Naku! Sinabi ko naman na kasi sa 'yong 'wag ka nang umalis, e. Pa'no na 'yan ngayon? Galit na galit siya. Kanina ka pa niya hinihintay sa taas."
"'Wag na po kayong mag-alala. Ako na po ang bahala. I'll make sure na hindi kayo madadamay sa galit niya," aniya't pilit na ngumiti. Naglakad na rin siya papunta sa main door ng mansyon, habang pilit na nagtatapang-tapangan.
"P-pero, p-paano ka po, Ma'am Celina?" Habol pa rin ng mayordoma.
"I'll be fine." Tipid niyang tugon at mabilis na tinungo ang hagdan paakyat ng silid nila.
Sa bawat hakbang na ginagawa niya'y lalong nagwawala ang dibdib niya sa kaba. Parang bombang segundo na lang ang binibilang bago tuluyang sumabog.
Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga bago pinihit ang door knob ng kanilang silid. Bahala na...
Isang lumilipad na flower vase ang biglang bumungad kay Celina nang buksan niya ang pinto. Halos napatalon siya sa sobrang pagkabigla. Lalo na nang tumama iyon sa pader na naging dahilan nang pagkabasag nito.
Nasundan niya nang tingin ang asawa. Madilim ang mukha nito, nagngingitngit sa galit, at masama ang tingin sa kanya.
"Ashton, l-let me explain..."
"Explain? Ha?" May pang-uuyam sa boses nito. Dahan-dahan din itong gumagawa nang hakbang palapit sa kanya. "Malinaw na bawal kang lumabas ng bahay. Malinaw din na hindi ka maaaring magpakita sa mga magulang mo! Anong explain ang sasabihin mo sa'kin, maliban sa malinaw na sinuway mo ang utos ko? Tell me!"
"Pero magulang ko sila, Ashton! At wala kang karapatang pagbawalan akong makita sila!" galit na ring giit niya.
"And I'm your husband, Celina. Pag-aari na kita!" mariing turan nito. Kasabay niyon ay ang malakas na pagsuntok nito sa pintuan kung saan siya nakasandal.
Muli na naman siyang napatalon sa pagkagulat. Pigil na rin niya ang paghinga dahil sa sobrang pagkakalapit nila sa isa't isa. Naaamoy niya ang alak sa hininga ng lalaki, na humalo na sa masculine scent ng pabango nito. Gusto niya ang amoy na iyon, ngunit hindi ang nagdadala.
"You're only mine, Celina! Officially... and legally MINE! Kaya may karapatan akong gawin ang lahat ng gusto kong gawin sa 'yo! Naiintindihan mo?" anito't walang paalam na siniil siya ng halik.
Marahas ang paghalik nito sa kanya, sa puntong nasasaktan na siya. Hindi na bago ang bagay na ito na ginagawa sa kanya ng asawa. Kung minsan pa nga'y nagdurugo na ang mga labi niya sa sugat na dulot ng marahas nitong paghalik.
Sa mahigit dalawang buwan na ganap na mag-asawa sila, kahit kailan ay hindi niya man lang naramdaman na naging concern ito sa kanya. May mga pagkakataon pa na nagkakasakit siya ngunit hindi man lang ito nag-abalang kumustahin siya. Kung sabagay, ano nga bang inaasahan niya? Ginagamit lang naman siya nito kaya siya pinakasalan, at hindi dahil may pagtingin ito sa kanya.
Mas marami pa ngang pagkakataon na kasama nito sa kanilang sariling silid ang mga babae nito. Hindi man lang ito nahihiya o nakukunsensya na naroon siya't nakikita ang kanilang ginagawang pagtatalik. Nagbubulag-bulagan na lamang siya't hinahayaan ang mga ito. Sa kabilang banda'y siya pa ang nakakaramdam nang pagkahiya kaya umaalis na lang siya. Guest room na ang halos nagsisilbi niyang sariling silid.
Pero mas gusto pa nga niya ang set up na iyon. At least, hindi siya napipilitang ibigay dito ang sarili. At bihira niyang makita ang nakakainis na pagmumukha ni Ashton, habang may naglalarong kademonyohan sa isip.
NAPASINGHAP siya nang maramdaman ang mainit na palad nito sa ibabaw ng isa niyang dibdib. Marahas ang bawat haplos nito, mainit, at nakakapaso. Ramdam na niya ang pagtatayuan ng kanyang mga balahibo, at nanginginig na rin ang kanyang katawan.
Wala siyang tigil sa pag-iyak habang pilit na nagpupumiglas. Hindi siya tumitigil sa pagtulak sa dibdib nito ngunit kulang ang kanyang lakas. Ni hindi niya ito magawang mailayo sa kanyang katawan.
Nagbaba pa ang mga labi nito patungo sa kanyang leeg at nag-iwan doon ng marka.
"Ohhh..." Napaungol ito nang tuluyang maipasok ang isang kamay sa loob ng kanyang pantalon. Patuloy itong nangangapa, ngunit kabisado ng mga daliri nito kung saan pupunta.
Hanggang sa naramdaman na nga niya ang mainit nitong kamay na bahagyang naglalaro-laro sa pagitan ng kanyang hita.
"Ashton... P-please... Stop!" umiiyak na pagmamakaawa niya. Hinawakan niya rin ang braso nito upang subukang hilahin, ngunit para lang siyang humihila ng bakal na nakabaon sa semento. Wala siyang kakayahang tanggalin ang kamay nito.
"This is the sweetest punishment I can give you... Wala rin akong napapala kapag sinasaktan kita... Kaya ito na lang. Besides, this is... what I love the most!" bulong nito.
"Please..." Hanggang sa huling pagkakataon ay patuloy siyang nangungusap. Ngunit, nagbingi-bingihan lang ang lalaki at tuluyan nang ginawa ang balak.
Halos punitin na nito ang kanyang suot na damit. Nanginginig na rin ang mga kamay nito dahil sa matinding pagnanasa na maangkin ang kanyang katawan. Pakiramdam niya ng mga sandaling iyon ay masahol pa siya sa mga babae nito. Mabuti pa nga ang mga iyon at nakararanas ng kaunting paggalang mula rito. Samantalang siya, puro pagpapahirap lang natatamo niya.
...to be continued