Download App

Chapter 3: Chapter 1 Who

"Dumadalas ka ng ganyan Dianne ha? halos araw araw ka ng nananaginip ng hindi maganda." Litanya ni Mark habang nagtitimpla ng kape. Hindi ako kumibo at inaalala parin ang panaginip.

Tama siya ilang araw ng ganun ang nangyayari sakin. Minsa'y hinahabol ng kung sino at minsa'y nakapako ang mga kamay ko sa krus. Pakiramdam ko nga totoo ang lahat ng yon dahil nararamdaman ko sa katawan ang sakit at kirot.

"Alam mo puntahan na natin yung sinasabi ko sayong manggagamot sa probinsiya namin uuwi ako ngayong katapusan at may sakit ang lola ko. Hinahanap na raw ang maganda at sexing apo niya." Sabay pilantik ng mga kamay at hawi sa imaginary hair niya.

Umirap ako sa kawalan at ngumisi.

"Macario tigilan mo nga ako alam kong gusto mo lang akong ipakilala sa sinadabi mong pinsan doon kaya mo ako sinasama. Sinasabi ko naman sayong hindi ako interesadong magkalove life." Umupo siya sa kabisera at humigop ng kape. Binalingan ko naman ang tasa kong nangalahati na.

"Hay nako besh masaya magkajowa! sinasabi ko sayo puro masasaya na ang mapapanaginipan mo pag nagkataon tsaka yung pinsan ko mabait yung at sobrang wafu day nakakaglag panty!" Tili niya pumapadyak pa, See.

"Eh di tama nga ako you want to bring me there on purpose! Ayoko sa mga ganyan na nirereto mahirap mag expect sa mga ganyan at lumaki na sa ibang bansa jusme! Puro mga liberated ang mga tao-"

"Oy!" putol niya sakin

"Totoong mabait yung pinsan kong si Knox, baka akala mo ha. Nag aral siya doon dahil may scholarship na binigay at siya lng ang nakapasa sa lahat ng nag-take don kaya siya nandon. Girl pag nakita mo siya baka magsisi kang tinatanggihan mong makilala siya." Iiling iling niyang sabi.

Mark is my friend or lets says bestfriend since napunta ako dito sa Maynila para magtrabaho. Siya ang una kong nakausap sa pinasukan ko simula noong nag aapply palang kami for interview. Kasama ko siya sa Condo at magkahati sa bayarin. Mas mukha siyang babae sakin pag nag ayos at mas maganda pa. Lagi nga siyang napagkakamalang babae sa club na pinupuntahan gabi gabi pero sa umaga lalaking lalaki na ang itsura. Tall, slim ang handsome siya pero nagagalit pag yon ang sinasabi mo sa kanya. Dapat daw Tall, sexy and beautiful dapat.

Speaking of his cousin aksidenteng nasagot ko ang tawag niya noon kay Mark. Paano ba naman magkapareho kami ng phone at pati ringing tone. Natarayan ko pa siya dati dahil hindi ko naman kilala maka "who you" siya sakin eh siya naman ang tumawag.Yun naman pala maling cellphone ang nahawakan ko kaya ayon at doon kami nagkakilala.

Gumagayak na kami ni Mark ngayon papuntang trabaho baka traffic na naman kaya dapat makasakay kami agad.

"Dianney! Bilisan mo na cellphone mo! ID mo. Bag mo. Panty mo!" pagpapaalala niya sakin. Paano'y lagi kong nakakaligtaan pero,

"Grabe besh ah hindi naman ako nakakalimot mag-panty wag mo nga kasi ako minamadali at baka may malimutan na naman ako duh!" Singhal ko sakanya.

"Charot besh!" sabay beso sakin.

"Gora na tayis at makarami! " Napailing nalang ako sa kalandian nito. Hindi magtatagal may magrereklamo ng kapit-bahay namin sa ingay ng tili ng baklang to.

Lumabas kami ng condo at dumiretchong pasok sa elevator nasa 5th floor kami nang tumunog ang phone ni Mark. Dinukot nito sa loob ng handbag niya at napataas ng kilay sa akin bago sinagot ang tawag.

" Yes what can I do for my very hot cousin?" Malanding sabi nito, at mukhang alam ko kung sino.

"Uh Huh?" patanong habang inaayos ang buhok.

"W-what! As in now na?!" biglang tili na naman nito na halos masira na ata ang eardrum ko sa tinis ng boses nito.

"Alright you can stay at my place." Mahinahong sabi nito na bigla kong nilingon. pinatay na ang tawag tsaka isinuksok ang phone pabalik sa bag nito.

"Besh ano yon?" tanong kong mukhang hindi pa sasabihin kung di ko pa tatanungin pero parang alam ko na kung ano at gusto ko lang ma confirm.

Tumunog na ang elevator at diretchong lumabas na kami ng gusali. Nakasunod lang ako sa kanya.

"Ah wala, yung pinsan ko lang." at tumapat na kami sa taxing naghihintay ng sasakay.

"Sino? Bakit daw?"

"Si Knox." Simpleng sagot nito at pumasok na ng taxi.

"Manong sa Ore building lang po." sabi nitong hindi ako nililingon. He knows Im pissed off with him right now kanina niya pa ako iniignora dito!

"Don't worry my cousin won't bite darling."

At tumitig lang ako ng masama sakanya. Mukhang alam ko na kung anong mayroon. Darating siya ngayon na dito.

Oh my God! Saan ulit siya tutuloy?


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login