Download App

Chapter 5: Chapter 02: Dream

Summer's Outlook

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Puting kisame, maraming aparatos at machine.

"Summer? Summer? Oh my god Summer. Thanks God you're awake!" Sabi ng isang boses saka naramdaman ko ang mahigpit na yakap mula sa kanya.

Hindi ako makagalaw. Ni yumakap pabalik ay hindi ko din magawa. Subrang bigat ng pakiramdam ko.

"Hey Summer? Are you ok?" Tanong sa akin ng lalaki. Tiningnan ko ang kanyang mukha para malaman ko kung sino siya.

"Ahh!" Napahawak ako sa aking ulo ng maramdaman ko ang pagkirot noon. Wala akong maalala. Ang sakit ng ulo ko. Parang naghalo halo ang mga pangyayari sa isip ko.

"Summer. Hindi mo ba ako maalala? Ako ito. Si Walts. You're boyfriend! Walts Stimson!" Kitang kita ko ang lungkot at pag aalala sa kanyang mukha.

Boyfriend? Boyfriend ko siya?

"Hindi mo ba talaga ako maalala? Ok. Stay here. Tatawagin ko lang ang doctor. Baka may explanation siya sa mga nangyayari!" Aalis na sana siya ng hinawakan ko ang kanyang kamay.

"W-alts. Wag mo akong iwan. Natatakot ako!" Sobrang higpit ng hawak ko sa kanyang kamay. Yes. Naalala ko na. Siya si Walts Stimson. My boyfriend.

Ngumiti siya sa akin saka muli nanaman akong niyakap.

"I thought you forgot me already! Natakot ako babe!" I felt comfortable sa mga bisig niya.

"Babe. Takot na takot ako." Sa lahat ng gusto kong sabihin. Iyon lang ang mga salita na lumabas sa aking bibig.

"Why babe? What happened? Anong nangyari sa laboratory mo? Noong pumunta kami ay sira sira na ang mga gamit mo. Tapos, tapos yung mga kasama mo-" Hindi tinuloy ni Walts ang sasabihin niya. Alam ko naman kong bakit. Ako ang may kasalanan ng lahat.

Tumulo nalang ang luha sa aking mata. Ako ang may kagagawan ng lahat ng ito.

"I know Walts. Ako ang may kasalanan ng lahat. Si R- man. Kasalanan ko ang lahat!" Hanggang ngayon malinaw padin ang lahat. Lahat lahat ng nangyari sa akin at sa mga kapwa ko inventor.

"Wait babe? Who's R- man? Sino siya? And anong ginawa mo?" Bumitaw siya sa aming yakapan saka hinawakan ang aking mukha at tinapat sa kanyang. Pinunasan niya ang luha sa aking pisnge pero patuloy padin ang pagtulo nito.

"Naaalala mo yung ginawa kong robot? Siya si R- man. I don't know what happened. It's just that. I don't know Walts. Takot na takot ako. Nag iba siya. He turned into a monster. He killed my co-inventor! And even Lucas."

"He killed Lucas Walts. He killed my bestfriend. Walts! I don't know what to do anymore. Takot na takot ako!" Para na akong wala sa sarili. Ang alam ko lang. Takot na takot ako.

Para na akong mababaliw sa mga nangyayari.

"Hush Summer. Hush! Nandito ako ok? Hahanapin natin siya. We will shut him down. Wag nakang mag alala. Hindi mo kasalanan iyon!" Hinalikan ni Walts ang mga luha ko saka ngumiti sa akin.

"Kaya natin ito. Robot lang siya. Tao tayo!" Pang aalo niya sa akin pero napailing ako.

"Paano Walts? Makapangyarihan siya. Hindi siya basta basta robot lang. Halimaw siya!" Gusto kong ipaintindi kay Walts na hindi lang basta basta si R- man. Ako ang gumawa sa kanya. Kaya alam ko iyon.

Ngumiti lang siya sa akin. "Alam ko Summer. Hindi niya mapapatay ang mga katrabaho mo kong hindi. Pero nakakalimutan mo na yata? Hindi din naman ako basta basta. Anak yata ako ng President. And this world? Pinapagana na yata tayo ng technology. Kaya alam kong kaya natin siya!" Napailing ako saka napabuntong hininga.

Hindi kase nila maintindihan. Masyado nilang minamaliit ang invention ko.

Tulala akong nakatingin sa kisame habang malalim na nag iisip. Hinihintay ko lang na dalawin ako ng antok.

Umalis na si Walts kanina dahil hahanapin daw nila si R- man. Noong una ay ayoko pa siyang umalis dahil sa takot akong mag isa pero sinabi niya sa akin na babalik din kaagad siya kaya pinayagan ko na.

Nag iwan din siya ng maraming military robot sa labas ng hospital room ko para daw may magbantay sa akin.

Hindi nagtagal ng maramdaman ko nadin na hinihila na ako ng antok kaya unti unti ko nading pinipikit ang aking mata. And last time I know, everything's turn black.

Nagising nalang ako sa isang kwarto na sobrang dilim. Tanging ilaw lang na nanggagaling sa buwan ang nag bibigay liwanag sa buong kwarto.

'Nasaan ako?' Inilibot ko ang aking paningin pero hindi ko talaga malaman kong nasaan ako.

"Walts? Tulong! WALTS! NASAAN KA?" napayakaw ako sa aking katawan ng sunod sunod ang ingay na nanggagaling sa kung saan. Mga huni ng pinaghalong ibon at ingay ng ibang hayop.

"Ahhhh!" Napasigaw ako ng may biglang kumalabog sa aking likuran kaya napaharap ako dito.

"Sino yan? Please hayaan mo ako."

"Waltsssss! Nasaan ka? Tulungan mo ako please?" Nag sisimula na akong umiyak dala ng takot at kaba.

Pinto. PINTO! Kaylangan kong hanapin ang pinto para makalabas ako.

Inilibot ko ang aking mata para hanapin ang pinto at ng makita ko na ay tatakbo na sana ako ng marinig ko ang boses ni Walts.

"Su- summer. Tu- tumakas k-a na!" Ramdam ko sakit sa bawat bigkas niya ng nga salita.

"WALTS? NASAAN KA?" Binalot ako halo halong pakiramdam dahilan para hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Tanging pintig ng puso ko lang ang aking naririnig sa mga oras na iyon.

Puso ko na sobrang bilis na pumipintig.

"Ahh!" Tunayo lahat ng balahibo sa aking katawanan ng marinig ko ang ungol na iyon.

Unti unti kong nilingon ang pinanggalingan ng tinig at sumalubong sa akin ang mga pulang mata.

Nanglaki ang aking mata sa aking nakita at mas inaninag pa ang nagmamay ari ng dalawang matang iyon.

Unti unting nagbubukasan ang mga ilaw sa loob ng kwarto at unti unti ko nading naaaninag ang pinanggagalingan ng pulang mata.

Si R- man. Pero ang mas nakagulat sa akin ay may kasama siya. Si Walts. Habang sinisipsip ni R- man ang dugo sa leeg ni Walts. Nakita ko pang pinipilit na itaas ang kamay ni Walts na parang humihingi ng tulong pero bigla nalang itong bumagsak sa lupa sinyales na walang buhay si Walts.

Napahawak ako sa aking bibig saka sunod sunod na tumulo ang aking mga luha.

"WALTSSSSSSSSS! NOOOOOO!" Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga saka habol hiningang napaupo.

Napahawak ako sa aking puso saka tumulo ang luha sa aking mata. What was that for? Anong ibig sabihin ng panaginip na iyon?

Itutuloy.....


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C5
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login