Download App

Chapter 12: Chapter 09: Robo Hand

Summer's Outlook

Tulala! Lutang! Iniisip kung tama ba ang gagawin kong desisyion. Kung ano ang magiging bunga ng bagay na ito.

'Pero Summer. Kailangan mong gawin ang bagay na ito para masaayos ang iyong plano.' Pag kumbinse ko sa aking sarili.

Handa na ako. Para sayo Walts. Gagawin ko ang lahat para sayo maipag higanti kalang!

Naglakad na ako papunta sa kwarto na pinag lalagyan ng mga invention ko.

Hinanap ko ang pinaka matalim na espada at ng makita ko na ito ay kinuha ko saka bumalik sa kung saan ako nanggaling.

Huminga muna ako ng malalim bago ituloy ang aking binabalak.

Kaya mo iyan Summer! Kaya mo yan! Para kay Walts.

Para kay Walts.

Pinatong ko na ang aking kaliwang kamay na durog durog na ang buto na kagagawan ni R- man. Tinalian ng subrang higpit para sa ganon ay hindi dumaloy ang dugo bago itinaas ang espada na hawak ko saka pumikit.

Ito na iyon. Magpakatatag ka Summer!

Isa..

Dalawa..

Tatlo!

"AHHHHHHHHH!!" Sigaw ko ng tumama na ang espada sa aking kamay.

Nabitawan ko ang espada at nahulog ito sa sahig kasama ang ngayon'y putol ko nang braso at kamay.

"Ahhh!" Hindi ko mapigilang mapasigaw sa sakit lalo na ng makita ko ang pag bulwak ng dugo mula sa aking kamay.

Habol hininga ang aking ginawa at pinilit ang aking sarili na huwag maiyak.

Summer! Kayanin mo ito. Kaya mo yan!

Pero hindi.

Napaupo ako sa sahig dahil sa sakit. Nanglalabo nadin ang aking paningin at tanging dugo na lamang ang aking nakikita.

Patuloy ang pagdaloy ng dugo mula sa aking kamay hanggang sa namalayan ko na lamang ang aking sarili na naliligo na sa sariling dugo.

Panginoon! Ito na ba ang katapusan ko? Kung oo, salamat po at magsasama na ulit kami ni Walts.

Napahawak ako sa aking ulo ng unti unti nang nanlalabo ang aking paningin. Itim, pula, at puti ang taking mga kulay ang aking nakikita. Hanggang sa namalayan ko nalang ang aking sarili na nakahandusay na sa sahig.

Pero bago ako tuluyang mawalan ng ulirat isang repleka ang aking naaninag. Isang katawan na hinding hindi ko makakalimutan.

"Wa-walts?" Hirap man pero pinilit ko parong mag salita. Siya nga ba talaga ito? Si Walts nga ba talaga ang nasa harap ko ngayon?

"Anong ginawa mo Summer? Magpapakamatay kaba?" Bigla namang nanlamig ang aking buong katawan ng mahimigan ko ang boses ng lalaki.

Pinilit kong tumayo at abutin ang espada sa taas ng lamesa at itusok sa taong nasa harap ko ngayon pero hindi ko nagawa.

Mahinang mahina na talaga ako to the point na hindi ko na maramdaman ang aking katawan.

"R-man" Sa dami ng gusto kong sabihin sa halimaw na nasa harap ko ngayon ay wala nang lumabas sa aking bibig tanging ang kanyang pangalan nalang ang aking nabanggit.

"Huwag kang mag alala Summer. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sayo. Mahal na mahal kita" hindi ko na masyadong maintindihan ang sinabi ni R-man at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Nagising ako dahil sa ingay ng aking paligid. Dalawang boses ng lalaki ang aking naririnig kaya dahan dahan kong munulat ang aking mata pero parang may nakapatong na mabigat na bagay sa aking mata at hindi ko ito mabuksan buksan.

"Doc, kamusta na siya? Kamusta na si Summer?" Rinig kong tanong ng isa na kung hindi ako nagkakamali ay boses ni tito Leonard.

"Ok na naman na siya. Hindi naman na kumalat ang infection ng kanyang sugat dahil sa hindi siya gumamit ng anesthesia at mabuti nadin at mabilis niyo siyang nadala dito sa ospital kaya hindi siya naubusan ng dugo na pagnagkataon ay maari niya sanang ikamatay.

Iyon nga lang, hindi na talaga namin kayang i survive ang kanyang kaliwang braso at tuluyan na itong natanggal, tinahi na namin ang kanyang braso at nga ilang araw lang ang lilipas at mag hihilom na ito" mahabang paliwanang ng kung hindi ulit ako nagkakali ay ang doctor.

"Mabuti kung ganon doc, so kaylan po ba siya magigising? Halos tatlong linggo na siyang natutulog ah?" Nagulat naman ako ng marinig ko ang sinabi ni tito. Tatlong linggo? Ganon katagal?

"Ano mang oras ay maari na siyang magising." Sagot ng doctor.

"Mabuti naman po kung ganon. Salamat doc for taking care of Summer" pasasalamat ni tito.

"Trabaho ko po iyon mr. President!" Nagpatuloy pa ang kanilang usapan ng halos ilang minuto bago tuluyang nag paalam ang doctor.

Sinubukan ko ulit na idilat ang aking mata at sa pagkakatong ito ay nagtagumpay ako.

"Summer?" Rinig kong boses ni tito.

Hinanap ko kung saan siya naruruon at ng magtama ang aming mga mata ay bigla nalang akong kinilabutan.

May kakaiba sa kanyang pagtingin sa akin na nagbibigay ng kakaibang takot at kaba.

"Bakit mo ginawa iyon? Summer naman. Alam kong nasaktan ka sa pagkawala ni Walts pero hindi mo naman kailangang gawin iyan sa katawan mo"

"Look at you now. Paano kana ngayon? Ano nang mangyayari sayo? Buti nalang talaga at may tumawag sa aking isang lalaki at sinabi ang nangyari sayo."

"Ano ba talaga kasi ang plano mo? Gusto mo ba talagang mawala na?" Nagsimula sa galit na boses si tito Leonard hanggang sa naging emosyonal ang kanyang boses at nakita ko nalang ang pagdaloy ng kanyang luha mula sa kanyang mata.

"Ti-to!" Parang may pumara sa aking lalamunan at hindi ako makapag salita. Gusto ko siyang e comfort, suyuin, humingi ng tawad.

Lumapit siya sa akin saka ako niyakap.

"Tinakot mo ako Summer. Akala ko mawawalan nanaman ako. Alam mo namang ikaw nalang ang pamilya ko diba? Iniwan na ako ni Walts, ayoko namang iwan mo din ako!" Naiintindihan ko si tito sa kanyang nararamdaman, kasalanan ko.

Nagpabigla bigla ako sa mga ginawa ko.

"So-rry po. Na-da-la lang po ako ng aking imusyon" tumango tango siya saka pinunansan ang kanyang luha.

"Ano ba talaga kasing plano mo Summer? Bakit mo ginawa ito?" Tanong sa akin ni tito.

Kaya naman nagsimula na akong mag kwento sakanya ng mga plano ko.

"May ginawa po akong invention tito. I called it 'robo hand' para po siyang artificial hand pero may iba't ibang use. Kaya niya pong mag transform in any kind of weapons na kailangan ko. Naglalabas din siya ng kakaibang init na puwedeng pangtapat sa lasers ni R- man.

Naisip ko po kasing hindi ko kayang labanan ang isang halimaw kung normal lang ako. Para matalo ang isang halimaw, kailangan mong maging kagaya niya. That's why I created 'Robo Hand'." Hindi ko alam kong na convince kp ba siya pero sana, oo.

Tumango tango siya pero hindi padin nawawala ang kunot sa kanyang noo.

"Summer, hindi mo naman kailangang labanan siya. Ang daming military robot na puwedeng lumaban sakanya. Hindi mo kailangang sirain ang buhay mo!" Alam kong concern lang siya sa akin pero alam kong hindi niya ako maiintindihan kahit akong gawin ko.

Sinira ni R-man ang lahat ng meron ako. Walang wala na ako, pate ang tanging tao na minahal at minamahal ko ay pinatay niya din.

Kaya gusto kong ako ang wawasak sakanya.

Iyan yung mga salita na gusto kong sabihin kay tito pero hindi ko nalang sinabi bagkos ay ngumiti nalang ako sakanya. Minsan kasi tumahimik at ngumiti ka nalang kesa pilitin ang iba na maintindihan ka pero in the end hindi naman nila kayang gawin.

"Ok po tito. Pero nabanggit niyo po kanina. Iaang lalaki ang tumawag sa inyo tungkol sa nangyari sa akin? Sino po siya? Kilala niyo ba?" Pag iiba ko sa topic naming dalawa.

Umiling naman siya saka umupo sa sofa sa gilid ng kama.

"Hindi eh. Pero siya ang nag hatid saiyo dito sa hospital. Pero tinanong ko naman siya hindi daw nila maalala, ang weird pa doon ay pati sa CCTV's ay hindi din nakuhanan ang mga pangyayari. Parang may isang kidlat ang dumaan at nakita ka nalang na nasa loob kana ng E.R" humawak siya sa kanya sintido na tila nag iisip sa mga pangyayari.

Pati ako ay napa kunot noo din. Sino naman kaya ang tumulong sa aking dalhin ako dito sa hospital?

Ang huli ko lang naman natatandaan ay-"Huwag kang mag alala Summer. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sayo. Mahal na mahal kita" wait! Hindi kaya si R- man ang gumawa noon sa akin? Pero bakit? Why all of a sudden nagkaroon siya ng care for me?

And ano yung sinabi niya bago ako mawalan ng malay? Hindi ko kasi gaanong narinig eh.

***

Tatlong araw lang simula ng magising ako ay pinayagan na kami ng doctor na makalabas. Binilinan lang kami ng kung ano ano at pinalabas na.

Niyaya pa ako ni tito na sa palasyo niya na muna ako tumira pero tumanggi ako. Noong una ay nay insist siya pero sumuko din ng makitang hindi na mag babago ang isip ko.

Ang totoo niyan ay gusto ko lang kasing tapusin ang kung ano ang naudlot kung ginagawa. Ang robo hand.

Pagkalanas na pagkalabas ko sa hospital ay dumiritsyo kaagad ako sa aking laboratoryo.

Hinanap ko ang ang ginawa saka kinuha ito sa lalagyan.

Pinag masdan ko siya saka napangiti, binaba ko muna ulit siya sa lalagyan at tinanggal na ang benda sa aking kaliwang kamay.

Hindi pa ito gaanong nag hilom pero kailangan ko na itong ilagay. Kating kati na akong tapusin ang problema ko, at iyon ay walang iba kundi si R-man.

Kinuha ko na ulit ang robo hand saka dahan dahang pinasok sa aking kamay. Napakagat pa ako sa aking labi ng maramdaman kong kumirot ang sugat at tela may nahilang sinulid mula sa aking tahe perl ininda ko lamang iyon.

Ng unti unti ko ng napapasok ang robo hand sa aking kaya ay naramdaman ko ang kaunting pagbulwak ng dugo mula sa aking sugat. At muli, ininda ko nanaman ito. Hanggang sa tuluyan ko na itong napasok.

"AHHHHHHHHHH!" Napasigaw ako sa hindi ko malamang kadahilanan. Tela may nadagdag na kakaibang lakas sa aking katawa. Naramdaman ko pa ang biglang mag init ng aking mata.

Parang may kakaibang connection ang robo hand at ako. Parang may bagay akong nalagay sa robo hand na may connection sa pagkatao ko?

Itutuloy.....


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C12
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login