Download App

Chapter 13: Chapter 10: Letter

Summer's Outlook

Hindi sa robo hand nag tatapos ang lahat. Ito palang ang simula ng lahat nang bagay na gagawin ko para sa aking pag hihiganti.

Dahil pagkatapos kong isuot ang robo hand sa aking kamay ay nag sanay akong gamitin ang iba't ibang kagamitan sa aking bagong kamay.

Nag sanay din ako sa iba't ibang klase ng pakikipag laban. Gusto ko, sa oras na magkaharap kami ni R-man ay mapapatay ko na siya.

Pero hindi ko maitatanggi na may kaunting pag aalinlangan akong nararamdaman ngayon sa aking katawan.

Ang daming katanongan ang gusto kong matuldukan bago ko siya patayin.

Bakit noong oras na napatay niya si Walts ay bigla nalang nagbago ang kanyang ugali? Trla nagkaroon siya ng kakaibang pakiramdam at bakit nakikita ko sa pagkatao niya si Walts?

Ano ba talaga ang nangyayari sakanya? Posible ba na sumanib sakanya ang kaluluwa ni Walts? Pero kong oo. Paano?

"Ahh!" Sigaw ko ng may kamaong tumama sa aking mukha dahilan kong bakit ako nagising mula sa aking malalim na pag iisip.

"Miss Summer. Sorry po. Madakit po ba?" Tanong sa akin ng kasama ko ngayon.

Tumango naman ako saka napailing.

Nawawala ang focus ko sa aking pag sasanay.

"Pahinga muna tayo!" Ang sabi ko sakanya saka bumaba na sa boxing ring. Tinanggal ko ang gloves sa aking kamay at dumiritso sa upuan kung saan nakalagay ang aking pamunas at ang aking tubig.

Uminom ako ng tubig at napabuntong hininga.

Kung ano ano nang pumapasok sa isip ko simula noong nawala si Walts. Kailangan ko ng sagot dahil kung hindi, baka mabaliw na ako ngayon.

Nasa ganoon akong pag iisip ng makaramdam ako ng kakaiba. Simula kasi noong sinuot ko ang robo hand ay bigla nalang lumakas ang aking pakiramdam. Biglang lumakas ang tibok ng aking puso saka napalingon sa aking likuran.

Naaninag ko ang repleka ng isang tao o mas tamang sabihin ay halimaw.

Pumikit ako para mas mapalakas pa ang aking pakiramdam.

Ng may maramdaman akong isang bagay ang tatama sa akin ay mabilis akong umilag at gumanti. Nag tapon din ako ng isang matulis na kutsilyo mula sa aking robo hand at kasabay ng pagtagak ng tubig mula sa lalagyan ng tubig at ang pagtulo naman ng dugo mula sa babaing nakasilip sa bintana ko.

Humawak siya sa kanyang sugat sa braso at tumakbo. Mabilis ko naman itong sinundan.

Nakita ko siyang pumunta sa labas at mabilis na makatakas.

Gigil naman akong napakuyom ng aking kamao dahil sa inis.

"Saan na kaya pumunta ang isang iyon?"

Babalik na sana ako sa loob ng maaninag ko ang isang papel. Kinuha ko ito saka binasa ang kung ano ang nakasulat.

"Gusto mo nang tapusin ang lahat? Gusto mong malinawan sa lahat ng katanungan na nasa isip mo? Magkita tayo bukas sa abandunadong building malapit sa plaza! - L"

Ang mga salita na nakalagay sa papel.

Napakunot noo naman ako ng mabasa ko na ang sulat. At saka si L? Sino siya? Anong kinalaman niya sa lahat ng ito? Anong alam niya sa mga nangyayari sa buhay ko?

Pupunta ba ako o hindi? Pero parang may nag tutulak sa aking pumunta sa lugar na ito.

Pero what if isa itong patibong? Kaya ko ba?

Lutang akong pumasok sa loob kung saan ako nag te training.

Sige.

Para malinawan na ako sa lahat ng katanungan sa isip ko.

Pupunta ako.

Itutuloy.....


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C13
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login