Download App

Chapter 2: Capítulo Uno

"SABI ko naman kasi sa'yo, last na iyon, eh," inis kong sabi kay Lukas pagkapasok namin ng itim na van.

"Promise! Ito na talaga ang totoong last." Pangku-kumbinsi pa niya. "Balak mo pang ipagpatuloy ang pag-aaral mo, 'di ba?"

Inirapan ko na lamang siya. Palagi niya na lang kasing dinudugtong iyon kapag papasok kami sa trabahong ito.

Hindi ko naman talaga gustong gawin ang ganitong trabaho. Hindi pa naman ako nasisiraan ng utak para ilagay sa kapahamakan ang buhay ko. Pero minsan ay kailangan talagang kumapit sa patalim.

Pinag-iipunan ko pa kasi ang pagme-medschool ko. Isang taon na lang at matatapos ko na. Matatapos na dapat ako ngayong taon, pero huminto muna ako dahil nagkaroon ng problema sa pera. Kahit na imbyerna rin iyang sina Mamang at Papang, pinagtitiisan pa rin nila akong pag-aralin noong pinauwi na nila ako sa kanila. Hindi ko nga alam kung saan sila nakakakuha ng pera para pag-aralin pa ako, eh.

"Siguraduhin mo lang dahil ako mismo ang tatapos sa buhay mo!" Pinandilatan ko ng mga mata si Lukas.

Ilang buwan ko pa lang itong ginagawa. Hindi ko naman alam na sa trabahong ito pala ako ipapasok ng lintik na Lukas na iyon. Easy money raw, pero naaamoy ko naman ang kamatayan ko.

"Hope, naman. Hindi mo naman magagawa iyon sa akin. Mahal na mahal mo kaya ako." Akmang yayakapin pa niya ako pero agad ko siyang siniko.

"Umayos ka nga! Tang ina nito, oh!" Inirapan ko siya.

Hindi ko naman talaga mahal siya, eh. Kaya ko lang naman sinagot kasi nagmumukha ng kawawa. Saka isa pa, ang daming utang ko sa kaniya noong nasa medschool pa kami.

"Umayos nga kayong dalawa!" sigaw naman sa amin ni Alexander. Inirapan ko na lamang ang lalaking iyon.

ISANG araw pa ang lumipas bago kami nakarating ng Baguio. Nang makarating kami sa address na binigay ni Arnaldo ay may sumalubong sa amin na mga tauhan niya.

Medyo tagong lugar ang pinagtuluyan namin pansamantala. Wala man lang kuryente. Kahit nga tubig, kailangan pa naming mag-igib mula sa balon. Kaya nagpapasalamat talaga ako dahil may Lukas akong kasama. Meron akong utusan.

Humarap ako sa salamin bago ko sinuot ang itim na blazer ko saka inayos ang suot kong itim din na pencil skirt. Mabilis naman akong napalingon sa pintuan nang biglang bumukas ang pinto.

Bumungad sa akin si Alexander—ang isa pa naming kasama rito na anak din ng boss namin na si Arnaldo—at una kong napansin ay ang hawak niyang susi.

Hinagis niya sa direksyon ko ang pares ng itim na sapatos at mabilis ko namang nasalo iyon. Pagkatapos kong suotin ang sapatos ay agad kong nilipat sa atache case ang mga droga na nasa bag.

Agad din naman kaming umalis ni Alexander, sakay sa isang maliit na kotse. Nakabihis pang-driver siya ngayon. Si Lukas naman ay sa likuran na naupo.

Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na rin kami sa kompanya na pagmamay-ari ni Hassan. Isa siya sa pinakamayamang tao rito sa bansa. Ang hindi alam ng karamihan ay may itinatago palang kaasiman sa likod ng matatamis na mga jam, kaya malago ang negosyo niya. Napagpasa-pasahan na rin ito ng ilang henerasyon nila ang maduming negosyo na ito.

Bago ako bumaba ay binigyan ako ni Alexander ng baril. Isinuksok ko naman iyon sa likuran ko na inipit ng palda ko. Hindi iyon mahahalata dahil nakasuot naman ako ng blazer.

Sabay kaming lumabas ni Lukas ng sasakyan. Inabot niya naman sa akin ang atache case na naglalaman ng droga.

"Bakit may masamang kutob ako ngayon?" bulong ko kay Lukas.

"Relax. Parang katulad lang din naman ito ng mga nauna nating ginawa," kalmado niyang sabi.

Lumingon pa ako sa pinanggalingan namin. Si Alexander ay nakamasid lamang sa paligid. May dumating namang sasakyan na nag-park sa katabi ng sasakyan namin. Mga tauhan din iyon ni Arnaldo na sasamahan kami sa loob. Nakabihis din sila ng pormal na damit.

Pumunta pa kami ng receptionist para itanong kung nasaan ang office ni Hassan. Meron namang sumundo sa aming lalaki na naka-suit at seryosong-seryoso ang mukha.

Lumabas kami ng building pero sa likod kami dumaan. Nadatnan ko rin si Alexander na kakarating lang din doon pati na rin ng mga tauhan ni Arnaldo. Pinagbuksan kami ng lalaki ng pinto upang makapasok na sa loob ng itim na SUV.

Pagkalipas ng isang oras ay nakarating din kami sa factory na pagawaan ng mga jam. Sa likod kami ng factory dumaan at bago kami tuluyang makapasok, kinapkapan muna kami ng taga-bantay roon. Nang nasa likuran ko na ang mga kamay niya ay bigla siyang natigilan at pinataas niya sa akin ang mga kamay ko habang hawak ko pa rin ang atache case. Pinatalikod niya ako at hinablot niya ang baril na nakaipit sa likuran ko.

Tinulak naman ako papasok sa loob ng taong iyon at ganoon din sa kasama ko. Narinig ko ang pagsara ng pinto at nagpatuloy lamang kami sa paglalakad sa loob.

"Ikaw na lang kaya ang magbigay," mahina kong sabi saka binigay agad kay Lukas ang atache case. Tiningnan niya pa ako na parang hindi makapaniwala sa ginawa ko.

"Why me? Ikaw ang nakahawak niyan." Reklamo pa niya at agad na binalik sa akin.

"Why me ka riyan. Wala ka talagang silbi," inis kong sabi sa kaniya saka siya inirapan.

Diniretso lamang namin ang daan at nang makarating kami sa pinakadulo ay nakita naming may nakatayo na matangkad na lalaki na nagche-check ng mga supply nila doon. Ito na yata si Hassan.

"Mr. Hassan, ito na ang pinapadala ni boss Ar—"

Nagulat ako nang bigla siyang humarap sa akin at tutukan ako ng baril sa noo. Ilang pulgada lamang ang layo niyon sa akin. May dalawang kalalakihan naman na hinablot mula sa akin ang atache case. Binuksan iyon ng isa at pinakita kay Hassan. Tumango lamang siya at binalik ang tingin sa akin.

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Mariin akon napalunok at nagpasalin-salin ang tingin ko sa baril na nakatutok sa akin at kay Hassan. Nakangisi siya habang tinitingnan ako.

"Sayang naman kung tatapusin ko na ang buhay mo ngayon dito," nakangisi niyang sabi. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"What do you mean?"

"Hindi ba sinabi sa'yo ng boss mo?" Tumawa pa siya na parang nang-aasar.

Nilingon ko naman si Lukas sa gilid ko. Nakataas din ang dalawang kamay niya. May isang tauhan ni Hassan ang nakatutok ng baril sa kaniyang gilid.

"Hindi ako magtatanong kung alam ko. Nasaan ang utak mo?" sarkastiko ko pang sabi sa kaniya.

Binalingan ko naman si Lukas at binigyan ng tingin na para bang naguguluhan sa nangyayari.

"Sorry," mahina niyang sambit. Kumunot ang noo ko dahil doon.

"Ano?" nagtataka kong sabi.

"Iyong huli nating misyon noong isang buwan, kalahati sa pera ay hiniram ko—"

"Ano?!"

"Babayaran ko naman dapat iyon noong isang linggo, pero kulang pa rin—"

"Eh, bakit ako nandito?"

Makasarili na kung makasarili, pero sobrang mahal ko ang buhay ko.

"Sinabi ko kay boss na pareho nating kailangan—"

"Arnaldo is my friend. And as a good friend, I'm doing him a favor," sabi ni Hassan saka ngumisi. "And he wants both of you dead."

Nagulat ako nang mabilis na gumalaw ang baril niyang nakatutok sa akin papunta sa direksyon ni Lukas. Napapiksi ako nang marinig ko ang malakas na tunog na iyon. Ilang beses kong narinig iyon mula sa kaniya.

Tatlong beses kong narinig ang sunod-sunod na pagputok ng baril.

Biglang bumagsak sa lupa ang katawan ni Lukas. Agad naman akong tumakbo papunta sa kaniya. Nakadilat pa ang kaniyang mga mata at may lumalabas pang dugo sa kaniyang bibig at ilong. Ang daming dugo ang lumalabas sa kaniyang noo. Naliligo na siya sa sarili niyang dugo.

Sobrang bilis ng mga pangyayari. Parang sa loob lang ng isang segundo nangyari ang lahat.

"Lukas! Walanghiya ka talaga! Sinama mo pa ako rito sa kawalanghiyaan mo—"

Natigilan ako nang may maramdaman akong bagay na bumangga sa gilid ng noo ko. Ilang segundo akong hindi makagalaw at nakatingin lamang sa duguang katawan ni Lukas.

Nang makakuha ako ng balanse ay mabilis kong hinablot ang kamay ni Hassan na may hawak na baril na nakatutok sa akin. Agad kong binaluktot ang kamay niya at nahulog naman sa lupa ang baril na hawak niya. Nakakuha naman ako ng pagkakataon upang pulutin iyon at mabilis na tinutok sa kaniya pabalik.

Bigla naman akong natigilan at iginala ko ang paningin sa magkabila ko. Naramdaman kong may nakatutok na dalawang baril sa ulo ko.

"One wrong move and your dead," malamig na sabi ni Hassan.

Mabilis kong tinabig ang kamay ng lalaki na nasa kaliwa ko saka tinapakan ko ang baril na nabitawan niya at mabilis ko namang pinutukan sa balikat ang nasa kanan ko. Ilang beses ko siyang pinatamaan sa kaniyang paa, braso, at hita hanggang sa dahan-dahan siyang bumagsak sa lupa.

Mabilis ang pagkilos ng isa pang lalaki. Akmang susuntukin niya ako sa mukha pero mabilis naman akong nakailag. Ngunit, hindi ko namalayang nahila niya ang aking paa kaya ako natumba. Mabilis nga siya pero mas mabilis ako sa kaniya. Pinutukan ko siya sa magkabila niyang paa bago pa niya maabot ang kaniyang baril.

May mga nagsilabasan namang armadong mga kalalakihan at tinutukan ako ng kani-kanilang mga armas. Agad akong tumayo at hinanda ang sarili ko. Ngunit ang ipinagtataka ko ay kasamahan ko ang iba sa kanila. Paikot-ikot ako sa aking kinatatayuan habang mahigpit na nakahawak sa baril kong tinututok ko sa kanila.

"Kayo na ang bahala riyan. I don't want my hands to get filthy," sabi ni Hassan na ngayon ay palayo na dala ang atache case.

Wala naman akong pakialam sa atache case. Puro droga lang naman ang laman niyon. Kahit kailan ay hindi ako gumamit ng tang inang droga.

Hindi ko plinano na barilin si Hassan. Kapag ginawa ko iyon, mas malaking gulo ang papasukin ko. Kilala siyang tao. Makapangyarihan siya. Kapag pinatay ko siya, lalabas ang napakaraming artikulo tungkol sa kaniya. Madadamay ako.

"Alam mo naman na lahat ng lumalabas sa bibig niya ay ginagawa niya talaga."

Hindi ko na namalayan na nandito na pala si Alexander.

Narinig ko ang pagkasa niya ng baril. Huminga ako nang malalim saka bumuntong hininga. Itinaas ko ang dalawang kamay ko sa ere na senyales na suko na ako at hinayaang mahulog sa lupa ang baril.

Sinenyasan niya naman ang mga kasamahan namin na ibaba ang kanilang mga armas at agad naman nilang sinunod iyon.

"Gusto kong sa labas niyo na lang ako patayin. Ayoko rito. For the last time, Alexander, gusto kong makakita ng magandang view bago ako ma-dead."

"Papatayin na nga kita, demanding ka pa? But why not? Pagbibigyan na kita. Parang wala naman tayong pinagsamahan niyon."

Napairap ako sa aking isipan sa sinabi niyang iyon. May tinawag siyang dalawang lalaki na bantayan ako habang palabas kami.

"Gusto ko ay tayong dalawa lang, Alexander. Ayokong makita nila ang face ko kapag binaril mo na ako. Ang haggard ko na rin. Sana ininform niyo naman ako na papatayin na pala ako sa araw na ito. Para naman kung ma-soco ako ay ang ganda ko naman!" sabi ko habang palabas na kami.

Iritado niya akong hinarap saka sa dalawang lalaki na iyon niya nabuhos ang galit niya sa akin. Ngayon ay kaming dalawa na lamang ang lumabas ng factory.

Nang makarating na kami sa labas ay agad kong hinablot mula sa thigh holster ko ang revolver sa pagitan ng hita ko at tinutok iyon kay Alexander. Sakto namang humarap siya at nanlaki ang kaniyang mga mata.

"Alam kong bobo ka, pero hindi ko alam na sobrang bobo ka pala!"

Pinutukan ko ang kanang kamay niyang may hawak ng baril. Napasigaw siya sa sakit at nabitawan niya iyon.

"Putang ina kang babae ka?!" sigaw niya sa akin. Pinutukan ko pa siya sa kanang balikat niya.

"Putang ina mo rin to the highest level! Huwag mo akong pinuputang inang, gago ka!" sigaw ko pabalik sa kaniya.

Pinuntirya ko naman ang hita niya. Dalawang beses ko siyang pinuntukan doon at bigla siyang napaluhod nang pinatamaan ko ang kaliwa niyang paa.

"Hope, please, tama na... nadala lang naman ako kay Arnaldo," hinang-hina niyang sabi. Nginisihan ko lamang siya.

"Hindi ako bobo, hindi rin ako mamamatay tao, kaya hindi kita papatayin." Pinatamaan ko pa siya sa kaniyang tuhod ng isang beses at kinuha mula sa bulsa ng pantalon niya ang susi ng sasakyan. Tinadyakan ko pa ang hita niyang may tama at sinapak siya sa mukha. Napabaluktot na lamang siya sa lupa.

Humalakhak ako habang naglalakad palayo. Si Alexander naman ay halos maputulan na ng hininga sa kakatawag sa mga tauhan ni Arnaldo. Nang makapasok na ako sa loob ng sasakyan ay nang-aasar ko pang nginitian si Alexander saka pinaandar na ito at umalis na.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login