Chapter 1
"Buknoy ikaw na bahala kay inay at itay at totoy. bantayan mo sila ng maiigi ah. ikaw nalang ang maasahan nila dito." habilin ko sa kapatid ko bago ako umalis
"Opo ate ako na pong bahala sa kanila basta mag iingat ka dun." umiiyak na sabi ni buknoy.
Inaayos ko na ang mga damit at gamit na dadalhin ko papuntang maynila para mag trabaho.
Alam ko naman mamimiss nila ako. ganun din naman ako sa kanila. gustuhin ko mang manatili dito pero hindi pwede. maraming kailangang bayarang utang.
Kung hindi kami nakapag bayad sa binigay na palugid samin. maaring makulong si itay. ayan ang ayaw kong mangyare.
Nabaon kami sa utang noong nag karoon ng malubhang sakit si inay. halos lahat na ng tao dito ay nautangan na namin at pati yung bahay at lupa na namin ay naisanla na ni itay para matugunan lang namin ang gastusin sa ospital. at mga pangangailan na gamot ni inay.
Nang gumaling si inay, pinalabas na ito sa ospital. ang kailangan nya lang gawin ay mag pahinga at wag masyadong mag galaw-galaw baka bumalik ang sakit nito, yan ang habilin sakin ng doktor bago kami lumabas ng ospital.
Dahil sa kakulitan ni inay. twing wala kami ni itay sa bahay dahil nasa trabaho kami. nag patuloy sya sa pag lalabandera. pinagod na naman nya ang katawan nya. dun na nag simula ang pag ubo ni inay na akala nya ay simpleng ubo lang hanggang sa may lumabas na dugo sa bibig nito at hinimatay. kaya ayun nasa hospital ulit. ang kulit kasi!
Pero sa awa naman ng diyos ay magaling na si inay. konting pahinga na lang ang kailan para maibalik ang lakas nya.
Nadagdagan man kami ng problema sa pera.
Nabawasan naman ang iniisip ko sa kalagayan ni inay, dahil unti unti na itong gumagaling. kaya ang inaalala ko nalang ngayon ay yung mga utang na kailangan naming bayaran.
Si itay kasi ay wala ng trabaho simula ng patanggalin sya bilang isang security guard sa bahay ng mga malalaking tao na baboy na kay sasama ng ugali na akala mo eh lahat ng tao sa paligid nya ay mga pulubi.
Nawawala kasi ang kwintas ng babaeng bruha nayun. na gawa sa ginto daw at may dyamante daw. aba! pinag kamalan ba naman si itay na magnanakaw.
Lakas din nito mambintang,
miski mahirap si itay, sya na agad ang mag nanakaw. kahit mahirap kami, malinis ang puso namin. marangal ang hangarin namin.
Baka nga binili nya lang yung sa divisoria o baka naman pinagawa nya lang sa recto. tseh!
Nag hihirap man kami ngayon, ni minsan hindi ko sila sinisisi na kung bakit ko kailangan lumuwas ng maynila para magtrabaho dahil sa pag sanla ng bahay at lupa namin.
Ngayon pupunta na ako ng maynila para maghanap ng trabaho. para rin natubos na yung bahay at lupa namin binigyan lang kami ng isang taon para matubos namin yun.
Satingin ko makakaya ko naman makaipon ng mahigit kalahating million sa isang taon.
''wag kang mag alala babalik agad ako pag nakaipon na ako." tumalikod na ako sa kanila at umalis na may luhang tumutulo sa aking mga mata.
Ito na ang pamama-alam ko sa probinsyang kinalakihan ko.