Download App

Chapter 5: Chapter 4

#unedited

Mishy's POV:

Naluluha ako, Anong nagawa ko? Ni wala nga akong kasalanang maituturing kong napakabigat. Kung ganito ba naman ang magiging parusa ng pagsabi ng katotohanan na mukhang impakta talaga si Jasmin edi hindi na ako magiging honest basta naman huwag lang naman akong parusahan ng ganito.

"Ate Leslie May kasalanan po ba ako sa inyo?" naluluhang tanong ko sa kanya, Naguguluhang tinakpan ni ate ang niluluto niya at bumaling sakin. "Wala naman Mish."

"Bad Girl po ba ako?"

"Hindi naman Mish."

"Pinaparusahan niyo po ba ako Ate Leslie?"

"Ha? Bakit naman kita paparusahan?" naguguluhang sagot ni ate Leslie sa akin.

"Bakit niyo po ako pinaparusahan ng ganito? Ate Leslie! Namamaga na po itong mga Mata ko! Itong onions po hu! Inaaway ako!" Natawa naman siya sa pagsumbong ko, Ate Leslie is four years older than me,kapatid siya ni Jeomar at nakakatandang Anak ni Nanay Maring.

"Ikaw talagang bata ka.Tama na iyan. Sino ba namang may sabing ilang sibuyas ang chopchopin mo? Gigisa lang naman tayo." natatawang sabi nito at saka Nilayo niya sa akin ang sibuyas kasi mapapatay ko na talaga ang mga iyon! Namamaga iyong mata ko sa kakaiyak dahil doon!

"Mish, ako na dito. Maligo kana doon at makapaghanda na ako ng hapunan." Tumango lamang ako bilang sagot at saka pumunta na sa kuwarto namin ni Ate Leslie, Iisang kuwarto lang kami ni Ate Leslie kasi Dalawang kuwarto lamang ang meron dito. Nagsuggest pa nga na sa sala na lang si Jeomar matulog ngunit sabi ko okay lang naman sa akin na magshare ng room. Tutal Parang master's bedroom nila iyon at nakakahiya.

Umalis akong kuwarto ko dala ang tuwalya at mga sabon ko,Ngunit kanina pa ako ikot ng ikot aa bahay ngunit hindi ko makita ang banyo? Maliit nga lang itong bahay pero hindi ko makita kita ang banyo nila, seriously? Asan na?

Dahil nakakapagod ang maglakad napagdesisyonan kong tanungin na lamang si Ate Leslie na nagluluto sa kusina.

"Ate Les!"

"Oh bakit?"

"Asan ang Banyo?"

"Nasa labas."

"Po?!" nagulat ako sa sagot ni Ate Leslie. Ang banyo daw nasa labas?! Seryoso? Paano iyon? Maga-ala boldstar ako? Ibalandra ang katawan ko habang naliligo ako? Huhu mommy!

"Ou Mish,Nasa labas. Sa likod ng bahay andon ang banyo. Magdala ka na lang ng Slipper mo okay?" Kahit na hindi ako makapaniwala ay wala rin naman akong magawa, Ginusto mo ito Mishy kaya hala! Magdusa ka!

Pagkalabas ko ng bahay may banyo nga doon,puro semento lamang ito tapos hallow blocks. Walang masyadong kagamitan. Wala ring Bath tub, Pero may tabo at nakastock na water sa containers.

Kaya mo ito Mishy! Mabilisan lang akong naligo kasi super ginaw! Open kaya ang bubuong! Nawendang pa nga ako ng maghanap sana ako ng shower, Masasanay din naman ako.

"Ay Kabayo! Jusko naman Jeomar! Papatayin mo ba ako sa gulat?!" Nabigla kasi ako ng pagbukas ko ng pinto ng Banyo nakita ko siyang nakaupo sa pintuan ng Bahay at nakatingin sa Lupa.

"Sorry,binabantayan lang kitang lumabas. Minsan kasi may manyak na bubukas ng Pintuan bigla bigla. Ayoko namang manyakin ka nila."

"Teka bakit naman sila pupunta dito? E alam nilang may naliligo."

"Hayst! Inosente! Baka naman na may manyak na pupunta dito kasi alam nilang may magandang babae dito!"

Namula naman ako sa sinabi niya, Ngunit biglang namula pa ako nang pumasok siya sa loob na iniwan ako sa banyo. Doon ko lang kasi narealize na Nakatuwalya lang ako! Mishy tanga ka talaga kahit kailan! Nakakahiya!!

Parang hindi ko matingnan si Jeomar sa mata. Jusko Mishy? Akala ko wala kang hiya?

"Kain ka lang ng kain Mishy ha? Huwag kang mahiya."

"Sige lang po." tanging sagot ko sa tanong ni Ate Leslie sa akin, Magana kaming tatlo sa pagkain.

"Jeomar! Isasama mo ba bukas si Mishy sa liga ng baranggay?" tanong ni Ate Leslie kay Jeomar, Liga?

"Siguro Ate, Hindi ko naman hahayaan na dito lang siya sa bahay, baka may kung anong mangyari sa kanya."

"Ayieeeh! Bunso ha! Lumalablyf kana talaga!" Natatawang pagtutukso ni Ate Leslie sa amin, Napuno ng tawanan ang buong hapag kainan kasi nagpapatawa pa si Jeomar. Pagkatapos naman ay pinauna na akong pinapasok ni Ate Les at siya na lang daw ang magaayos ng huhugasan at mesa kasi baka napagod daw kami sa byahe.

"Good Night Mish! I love you!"

Natawa naman ako sa sinabi niya, teka natatawa ba ako o nakikilig? Hay! Di ko alam! Nagsmile na lamang ako. "Good Night Jeomar!" Pumasok na alo sa kuwarto namin,bago ko isarado ang pinto narinig ko pang sumigaw si Jeomar. "I love you most Mishy! Dream of me!"

Hindi ko na siya sinagot at diretso na lamang sa pagtulog. Napangiti naman ako sa mga galawang Hokage ng baliw na Jeomar na 'yon!

Dahil sa pagod,nakatulog naman agad ako ngunit Alas dyes na ng umaga ng maramdaman ko ang sinag ng Araw sa aking bintana.

Agad naman akong dumiretso sa banyo,Naligaw pa ako. Nalimot ko kasing nasa labas ang banyo nila.

"Hi! Asan si Ate Leslie?" Nakangiting tanong ko kay Jeomar na kain lang ng kain sa mesa. Kita mo to! Sobrang takaw!

"Pumunta sa trabaho,babalik rin naman iyon mamayang hapon, Kain kana Mish at maligo. Sasama ka sakin sa Plaza." tumungo lamang ako bilang sagot at kumain na rin kasama niya, as usual hindi talaga mawawala na tatawa ka. Mukhang papasang clown si Jeomar ah! Pagkatapos naman kumain nagpresenta na akong manghugas na tinutulan naman ni Jeomar pero in the end ako pa rin ang nanalo. Alas dos ng hapon ng bihis na bihis na ako, Naglalakad kami papunta sa Plaza. Tawanan and such.

"Hello bro! Wazzup!" sigaw ng mga lalaki pagkalapit pa lang namin. Pinakilala naman ako ni Jeomar. At take note! Mishy his soon to be girlfriend daw kaya binatukan ko!

"Mish,Maupo ka muna doon, sisimulan na kasi ang opening ng liga." tumango lamang ako at inihatid niya sa upuan. Syempre mga kaedaran ko rin naman ang mga kasama ko sa upuan. May iba umirap sakin pero doon ako umupo sa tabi ng dalawang babae.

"Hi! Pwedeng maki-upo?" nakangiting tanong ko sa kanilang dalawa.

"Hello po! Okay lang po."

"Kasama niyo po si Jeomar?" tanong nung isang babaeng may eye glass.

"Ay yes bakit?"

"Kaya pala tinitingnan ka nila Maria."

"Sinong Maria?"

"Ayun oh!" tiningnan ko naman ang tinuro nilang Maria. Ang totoo sa sobrang ikli ng damit niya di siya papasang Maria.

"Crush niya kasi si Jeomar."

"Ay talaga?"

"Opo, matagal na nga e. Teka kaanu- ano kaba ni Jeomar?" anong isasagot ko? Nililigawan o Kaklase niya?

"Ah eh Kaibigan niya." Parang hindi naman sila naniwala kaya dinivert ko ang usapan."Ako nga pala si Mishy."

"MISHY TALABERA?" sabay na tanong nilang dalawa. Ha? Paano ako nakilala nito?

"Yep, Kilala niyo ako?"

"Ikaw iyong laging sinasabi ni Jeomar noon pa na nililigawan niya."

"Matagal ka ng gustong makilala ni Maria! Ikaw kasi ang sinasabing hadlang sa pagiibigan nila."

"Anyway I'm Carla, siya naman si Trisha Mish." Nagkwentuhan at nagkwentohan pa kami, Mababait din naman sila e. Natatawa nga ako kasi may sense of humor sila. I really want those person na may sense of humor. Kaya nga sabi ni mommy wag na daw akong maghanap ng boyfriend. Clown na lang. Haha

"Hala! Magsisimula na!" Sabi naman ni Trisha, Nakita kong naglalakad ang mga players sa gitna. Team nina Jeomar at yung kalaban kulay Red and jersey. I am not fond of watching basketball kaya wala talaga akong alam sa basketball na 'to.

Busy naman kasi ang dalawa sa pagchecheer sa mga crushes daw nila. Si Maria naman busy rin sa pagchecheer kay Jeomar. Kasama kasi ito sa First Five na maglalaro. Nilibang ko na lamang ang sarili ko sa Cellphone ko.

"Ang galing talaga ni Jeomar Mishy!" Sabi ni Carla na nakatingin parin sa laro, Nakita kong nasa kay Jeomar ang bola at nagshoot sa three point line at pasok naman ang bola kaya tilian ang mga suporta nito. Si Maria naman Cheer na cheer ngunit agad ding napasimangot ng nagwink si Jeomar sa akin. Napangiti na lamang ako,loko loko talaga ito! Kinikilig ako ano!

"Ayiiieehhh Mishy ha!!"

"Ang haba talaga ng hair mo Mishy, Kanina narinig ko Crush ka raw ng team captain ng Brgy Bagtic."

"Ha? Sino?" May pagkachismosa talaga itong si Trisha.

"Yung naka Kulay Blue Jersey! Number 15,Gwapo rin yan ano! 'Yan ata ang mahigpit na kalaban ng Jeomar my labs mo!"

"Naku loko loko ka talaga!" natatawa na lang ako sa kanilang dalawa, Binalik naman nila ang tingin sa laro, Naramdaman kong may nakatingin sakin, and Yeah, Iyong team captain nga ng Brgy Bagtic daw. Ngumiti ako in return sa pagkangiti niya sa akin. Naasiwa nga ako, Anti-social ako noh! Pero ayoko namang masabihan ng Maldita dito.

"Carl,Trish may tumatawag sa akin. Sasagutin ko lang." paalam ko saka umalis sa Plaza.

"Hello My?"

"Baby, Ipapakuha na sana kita dito ng exam sa university. You need to go here before your Vacation ends." Bigla namang pumasok sa isip ko si Jeomar, Ano pa ang pagpunta ko dito kung hindi ko naman siya sasagutin? Haaaysst! Tanga ka talaga Mishy! In the end nagOo na lamang ako may Mommy at pinatay ang tawag.

Babalik na sana ako sa plaza nang makita ko yung team Captain ng Blue team.

"Hi!"

"Hello!" magalang na sagot ko, May kasama siyang batang lalaki. "Hello Kiddo!"

"Hi! I'm Christian, and my little brother Nero. Anong name mo?" nafeel ko rin naman na mabait siya kaya nakipagshake hands ako. "I'm Mishy." Nakangiting sagot ko.

"Alam mo, ang ganda mo.Diba Nero?" Tanong ni Christian sa kapatid nito.

"Opo. Ang ganda niyo po ate Mishy."

"Ang pogi pogi mo nga rin baby Nero e."

"E ang kuya pangit?" natawa naman ako sa kanya at hindi na sinagot.

"Babalik kana sa Plaza Mish?"

"Yes.Kayo ba saan kayo pupunta?"

"Sa Tindahan,ibibili ko kasi ng Meryenda si Nero. Sama ka?" wala naman sigurong masamang sumama right? Sa tindahan lang naman. And besides, Christian is a nice guy. Tapos hindi naman talaga ako fond sa basketball,instead of saying directly yes. "Do you want ate Mishy to go with you Kiddo?"

"Yep po!" Masayang sagot niya sa akin kaya hinawakan ko siya at inakay. Malapit talaga ang loob ko sa mga bata. I really want to have a brother and sister.

"Tara na?"

"Sure!" Pumunta kami sa malapit na tindahan. Naginsist pa nga ako na ako na ang magbabayad ngunit hindi pumayag si Christian. Tumambay pa kami doon at nagchismisan. May sense of humor naman kasi si Christian! Tapos banat pa ng banat! Si Nero naman nakikicheer sa kuya nito.

Nalaman ko rin na ang kapitan sa lugar na ito ang Tatay nila Christian. Nasarapan ang aming kwentohan kaya't medyo ilang oras kami doon sa tindahan. Dahil sa gusto na ring umuwi ni Nero, Napilitan si Christian na iuwi muna ito. Bumili pa ako ng pagkain para kay Jeomar.

Tinago seems to be a nice place. Mababait pa at sobrang hospitable ng mga tao.

May ngiting bumalik ako sa Plaza but then i can feel that there's a barge on my chest.

Maria is wiping Jeomar's sweat.

I am seventeen yearsold when I first understand and feel the word,JEALOUSY


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C5
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login