Download App

Chapter 52: Chapter 51 Zel Cantheliz Pride

<<< Dr. Eriez>>>>>>>>>>

Kanina ko pang pinagmamasdan si Zhio.

Kung makatingin sa fiancei ni Derick parang tinatadtad ng pino.

No'ng una ang akala ko naiilang si Zhio sa katabi niya dahil babae ito...Pero mali pala ako... Dahil ang fiancei ni Derick ay walang iba kundi si Miss Claire...ang babaeng tinutulungan ni Zhio.

Kung ang titig ni Zhio kay miss Claire ay gusto na niya itong ilayo... Kay Derick naman parang gusto na niya itong maglaho.

Teka kung magkaibigan nga sila ni Miss Claire... Dapat nagkakamustahan na silang dalawa... Bakit umasta ang dalawa parang di pa nagkita o magkakilala ?...

Saka ang pagmumukha ni Zhio kanina pang parang binuro sa asin. Asar na asar...at nanahimik...

Nga naman normal na pala yun sa kanya.

Ngunit lumala ng mapag-usapan yung tungkol kay Derick at Claire...

Balak ngang yayain ng kasal ni Derick si Claire. Napailing ako ng lihim... Ng makita ko ang exspression ng mukha ni Zhio...

Namumula sa lihim na galit na inililihim niya.

Hangang sa di nakayanan biglang tumayo at umalis...

" Pagod na yata si Zhio. Uuwi na siguro yun."

" Masaya na kami na nakadalo siya." Si Mrs. Brundon.

" Napakairitable parin niya hangang ngayon." Si Mr. Brundon na parang napuna ang kilos ni Zhio.

" Lalo na mauunahan siya mag-asawa nitong si Derick."

" Haha. Siguro nga. Balita ko parang wala siyang balak mag-asawa."

" Hindi naman sa walang balak mag-asawa. Sadyang may hinihintay lang siya."

" ahh. Kaya pala may nakareserba na sa kanya. Napakaswerte ng Babaeng yun... Alam naman nating lahat , kailan man di tumitingin sa ibang babae si Zhio."

Nakita kong napatango si Claire.

" Iha. Di naman siguro masamang magtanong sa'yo." Diretso kong tingin at tanong sa kanya.

" Po?.. Ahh di naman po."

" Bagay na bagay sila ni Derick di'ba Dr. Eriez?". Si Mrs. Brundon.

" She is a sweet lady. Babagay talaga siya sa lahat ng mga maginoo. Iha, mapalad ka kay Derick.Derick, miminsan na lamang ang babaeng katulad niya... Napakasimple. Mabuti at di mo pinakawalan ... But Iha, anong minahal mo kay Derick.?"

Lahat sila nagulat sa tanong ko.

Lalong lalo na si Claire...na ikinamutla nito.

Napatitig ang lahat kay Claire....at hinihintay sagutan ang tanong ko.

" Ah , excuse me Mr. Eriez. Parang hindi naman maganda sagutin yan ng fiancei ko sa harapan nating lahat."

Pagdedepensa ni Derick para kay Claire.

" ..." Bubukas na sana ang labi ni Claire ng...

" It doesn't matter anyway. So, let's go back to our business talk." Bagbabawi ko... Na ikinahinga ni Derick at Claire.

Nag-usap-usap na nga kami.

Sa kasarapan ng pag-uusap... Umalis si Derick kasama si Claire.

Saka niyaya na rin ako ni Atty. Wenziel na umuwi.

Nagpaalam na kami sa mag-asawang Brundon...

Yun, kanina pa ngang umuwi Si Zhio...ayon kay Deo.

Sa sasakyan...

" Di mo ba nahahalata si Zhio kanina..." Tanong ko kay Atty, Wenziel...

" Huh?... Parang wala naman ah?"

" Tss... Ako lang pala na ang nakapansin... Lalo na yung rason kung bakit siya umalis kanina."

" Ano yun?"

" Ang fiancei ni Derick ay walang iba kundi si Claire. Ang babaeng tinutulungan ni Zhio."

"... Kaya naitanong mo sa kanya ang nakakamatay na tanong na yun."

" Haist. Tinanong ko lang yun , para malaman ko kung may pag-asa pa ba ang alaga natin sa kanya."

" At sa tingin mo ba may gusto talaga si Zhio sa kanya."

" Di ko alam... Si Zhio ang makakapagsabi."

Nakarating kami sa Mansion.

Sinalubong kami ni Sya.

" Si Zhio." Tanong ko sa kanya habang paakyat ng hagdan.

" ... Nasa silid na niya. Ngunit kaya ko kayo hinintay para itanong sa inyo kung ano ang nangyari at parang gigil na gigil sa galit Master Zhio. Nilock na naman niya ang kanyang silid."

" Tsk. " Nilingon ko si Atty. Wenziel... Napailing siya.

" Duwag ang isang yun. Yung susi ng silid niya... Ibigay mo.sa akin."

" Pagod na si Master Zhio ... Dr. Eriez, nagpapahinga na yun sa mga oras na ito."

Nang makarinig kami ng mga kalabog malapit sa silid ni Zhio...

" Diyos ko po."

Inabot naman niya kaagad sa akin ang susi.

" Sir..." Pigil sa akin ng sang tauhan ni Zhio.

" Bilin niyang ... Wag daw siyang gimbalain."

" Tsk! Inutil! Narinig naman siguro niyo yun. Ano sa tingin niyo ang ginagawa niya!"

Walang nagawa ang tauhan ni Zhio ng mabuksan ko ang pinto...

Walang ilaw...

At nang iswitch namin ang ilaw...

May mag basag na salamin sa sahig...

Ginulo ng ipo-ipo masyado ang boung silid.

May pares ng matang tuliro ang agad na sumalubong sa amin.

Ayun siya...tuliro sa sulok ng silid niya.

Naglakad ako kahit pinigilan ako ni Sya.

Nagpatuloy akong lumapit sa kanya.

" Duwag!'"... Sabay hablot ko sa hawak niyang alak.

Tss... Lagi na lang ako ganito... Laging napapasok sa gulo ni Zhio...

At lagi kong napagsasabihan at higit sa lahat nasisigawan.

"... Psshhh... Sinong duwag. "

Naupo ako sa harap niya...

" Ang tawag sa mga taong tinatalikuran ang kanilang nararandaman ..."

Saka ko tinuro ang dibdib niya

... Ay Duwag. .. Katulad mo Zhio."

Inalis niya ang daliri kong yun.

" Nararamdaman ... Pssh.. Para saan pa yun. Walang kwenta kung napakaipokrita niya."

Nakatingin siya sa parte ng terrace kung saan nakabukas ito... At puno ng butuin ang kalangitan.

Umiling ako sa harap niya.

".Dahil ba napaka-ipokrita niya tama bang talikuran mo ang nararamdaman mo sa kanya. Ha Zhio."

" ... Pssh... Masaya na siya... Para saan pa ang nakakagagong nararamdaman kong to sa kanya. ... Ikakasal na sila.!"

Tumayo ako.

Ngumiti ako sa kanya.

" Ayusin mo nga Zhio ang sarili mo. Inaamin mo lang na naduduwag ka. Alam mo kapag isunawalang bahala mo yang nararamdaman mo... Mapupoot ka lang. "

Tumalikod na ako.

" Masaya kaming marinig na sa wakas... Lumambot na rin ang puso mo para sa isang babae... Nagmamahal ka Zhio ng di mo alam.

Kailangan mo yun aminin sa sarili mo... Dahil sarili mo lang naman ang pumipigil sa'yo. Ngunit kung papairalin mo yang kaduwagan mo... Tss baka maging huli na talaga ang lahat para sa'yo. Baka umabot yung punto na magsisi ka ng husto. Kaya gumawa ka ng paraan ."

Lumingon ako sa kanya...

" Prinsipyo ng mga Zel Cantheliz ... Kung ano ang naisin nila makukuha at makukuha nila..."


CREATORS' THOUGHTS
International_Pen International_Pen

Hug hug hug. Yakapin natin si Zhio guys. ???

Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C52
    Fail to post. Please try again
    • Writing Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login