((( Sena )))
At saan naman ako pupunta?
Sa harapan ko yung malaking Mall sa Manila. Kuminang kinang pa ang mga mata ko ng makita yun.
Yung tipong nagkaroon ako ng oras para mamasyal.
Ayoko sa Department Store, Ayoko din sa may Foodcourt, wala ako pera, binigay ko na sa matanda yung singko pesos na baon ko. At lalo na sa Supermarket… namamalengke lang ako sa public Market, alam kong mas mura ang bentahan sa Public Market kaysa sa loob ng mall.
Ang trip ko lang sa Mall yung Home Gallery nila. Ang hilig ko kasi sa mga furnitures. Saka napakalawak ng furnitures nila dito. Ingat ingat lang at baka makabasag. Nakaka-inlove ang mga nakikita ko… Wow… Pagka-akyat ko sa 4th Floor.
I-aasist sana ako, sabi ko window shopping lang, naghahanap ako na pwede iregalo sa Mama ko. Nyahaha… ngek. Yung Mama ko pa talaga ang dinahilan ko. Haist… sana man lang maka-collect ako ng mga ganito… mahal na mahal ko kaya ang mga set nang furniture.
From Tea set, malalaking Vase, Dining set, mga statue… wow, grabe ang price, at halos dun kay Budha, 3.6 Million. Sabagay nagbibigay talaga ng happy vibe yung statue na yun. Yung smile niya na ang sabi Watch Out for the more blessing… Haist, Buddha, ibigay mo na lang sa akin please. Saan ba yun gawa? Ay may history pala, matagal na siya. Wow, kung ganun Antique na ito?
Haist kapag ako talaga yumaman.At kung mgakatrabaho… iisa-isahin ko ang mga yan… pero yung hundred at thousands lang yung cost. Wag ni si Buddha, may maliit naman na kagaya niya. Ako na lang magbibigay ng history niya. Ahehehhe
Napatitig ako sa may Clock Chimney… ang ganda, yung tipong pag strike ng twelve ata may kakaibang mangyayari, para siyang palace at curious ako kung ano yung laman… umikot ako doon, ang ganda talaga… Mataas sa akin… at namimilog ang mata ko na kung may pera pa lang ako, binili ko na.
Di ko namalayan, yung cable na nakasaksak dun sa dingding, natisod ako… At parang dahan dahan gumalaw yung oras na natapilok ako saka napa dive kay Buddha… Natumba si Buddha… saka napapikit na lamang ako ng…
Marinig ko ang bagsak ni Budhha…
Crushhhhhhhh…. Pagmulat ko, hindi lang si Buddha… napakagat labi ako dahil… may impact pa… na….
Parang domino yung display na nagsitumba at nabasag… yung oras nag-slow motion bigla…
Oh my gulay… Sana pinatay niyo na lang ako. Wala pa akong trabaho o kayamanan para bumasag ng mga ganitong furnitures… ito ba yung ibig sabihin ng panaginip ko… na halos binasag niya yung mga magagandang furniture sa loob ng silid na yun… Ghad…. Anong gagawin ko… Ito ba yung Final
Destination ko… Grabe naman….
Agad na nagsidatingan ang mga saleslady at guardia. A-anong gagawin ko… parang mahihimatay ako. Halos pagpawisan na ako ng malamig … kahit naka set to the fullest yung aircon ng Mall…
Magkunwari na lang kaya akong nahimatay…
"Miss…"Saka napatitig silang lahat sakin.
Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh. Anong nangyayari sa akin!
"Aida! Mabuti pang tumawag ka na ng Pulis." Sambit nung parang Team Leader nila… Halos di sila lahat makapaniwala, ako di din makapaniwala… Tinulungan nila ako bumangon, pero sa likuran ko yung guardia na handang hawakan ako.
"Mam... " halos di mahanap na salita ng Saleslady na sasabihin sa akin. May dumating na middle woman, at halata sa mga kilay niya na masungit ito… Bakit andito si Miss Minchin.
"Anong nangyari dito…." At napatitig siya sa akin… " Nakikita mo ba ang sign na yun."
Yung sign na kapag nabasag ko… kailangan ko bayaran…
Magkano nga yung Buddha? At hindi lang Buddha ang naitumba ko!
Papa God, kunin niyo na ako please. Lamunin na sana ako ng tiles.
"Kayo, I compute niyo nga ang lahat na nabasag niya."
Napapikit na lamang ako… dahil nagdurugo ang sugat na natamo ko kanina… at pumapatak na ito sa sahig… di ko yun inisip dahil… di ko alam ang gagawin ko kapag narinig ko kung magkano lahat ng yun… Inaasahan ko nang… Million yun… saan ako kukuha nang ganun kalaki… Arayyy… Tumalon na lang kaya ako sa floor na ito.
(George)
Nang maka akyat kami sa floor na naroroon ang mga furniture, napalingon kami ng dis oras sa malakas na basagan na nangyari.
Isang kumpol ng mga tauhan ng Mall ang naroroon at naririnig namin ang pag-iyak ng isang babae… duguan ang blouse niya…
"Mam, kahit ibenta ko pa katawan ko, di ko yan mababayaran!"
"Aba naman Miss, wala ka bang pamilya?"
"Mam kahit ipagbili namin ang katawan namin di namin matutumbasan ang halaga niyan." Halatang pagpapatuloy na pagsasalita niya…
At bigla itong sinampal.
"Kung ganun, antayin na lang natin ang mga pulis."
Parang pamilyar sakin ang babaeng ito…
"She is Pathetic. George, Don't tell me you didn't recognize her again." Mga salitang lumabas sa bibig ni Master Sean.
Yung babae nga. Dumating na yung mga pulis, at agad na pinusasan ang babae.
" Twenty Three Million and eighthundred Sixty Seven Thousand, Miss …" kinuha nito yung ID at…
"Sontoria."
"Wal---." Sampal ang nagpatigil sa pagsasalita niya. Padami ng parami ang mga tao. Habang si Master Sean, sout parin nito ang uniform.
"Alam mo ba ang ginawa mong aksidente! Pati kami mawawalan ng trabaho kapag di mo ito binayaran!"
"Wal--------." Sampal ulit.
At nagulat na lang ako ng isinigaw ni Master Sean ang pangalan ko.
"George!" parang nagtitimpi sa galit si Master Sean
"Settle that thing! Right now!"
Dearest Readers,
Thank you so much!
Here what makes me happy and inspired to finished the story!
Plase Rate the Chapters for 5 Stars!
Comment, what you desire for the outcome of the next chapter... opinions or anything you want to share.
Vote Power Stone, for Ranking purposes, that makes me really happy talaga! Thank You! Have a swag!
For your kindness...
Arigato!