Download App

Chapter 38: Chapter 36 An Offer Make Over

((( SENA )))

Required yung ilang empleyado na pumunta sa Anniversary ng Kompanya at kasabay na ipagdidiriwang and Wedding Anniversary ng Chairman ng Madrid Empire. Marami ding mga kilala sa Negosyo, Industriya at Politika ang inaasahang darating… Kaya akong isang sampid sa Kompanya ay okey lang na di pumunta kaya lang binilihan ako ng maisusuot ni Boss Luis. Nakakahiya naman na di pumunta. Bago pa ako makarating doon, grabe pa ang pangungutya sa akin ng gorilya kong kapatid. Nagmukha na daw akong tao, siya always naman unggoy. Walang magawa ang lalaking yun na nilihi ni Mama kay Lebron. Pero, idol namin ni Kuya si Lebron… kahit saang team man siya, matalo, Manalo… Lebron parin ang kampi namin.

Yung Dress na binili sa akin, na hangang knee length at may Red Rose sa gitna na clevege. Hahaha. I partner ko mamaya yung cardigan, ayoko bang makita nila balikat ko. Then, flat shoes. Gora na.

Ang kaso pagdating ko dun, ang bundok ko daw tignan! Sa attendance lang ang pinunta ko. Wala na din naman akong pag asa kay Boss Luis. Haist. Nang may humila sa akin... Si Rhen.

Agad niya ako hinila sa mini dressing room... at nalaman ko, dressing Room niya sa loob ng building na yun. Andun yung mga bakla niyang designer ata o fashionista.

"Ano ka bang babae ka, tinatakwil ka namin, sinisira mo lang ang mga obra maestra namin!" sagad na pag iinsulto sa akin. Ngumiti lang si Rhen... habang inaalis ng baklang to ang cardigan. "Ang manang!"

Habang si Rhen,

Slim gown na kita ang biyak ng dibdib, ang ganda nung malabranches na diamong na pumuno ng itaas na bahagi ng damit niya. Kulay nude White at sa bandang taas black na halos nagpatingkad ng mga diamonds. Yung mukha niya na napakaamo, na parang di pinimple sa sobrang kinis at ang buhok niyang blonde na parang kakabiling Manika pa lang sa sobrang shine, at parang ang lambot...

Ayyyy... parang nakakakita talaga ako ng isang totoong Princessa.

"Ikaw na bahala sa kanya." Balak niya akong iwanan dito?

"Okey Mam Rhen."

Umalis siya, at asar naman na inalis ng bakla yung ponytail ko.

"Ang manang mo talaga! Eww!" Sabay tapon ng ipit ko.

I-Wrestling ko kaya ang baklang to, nang malaman niya na kanina pa ako napupuno sa mga pinagsasabi niya! Haist!

Sabog yung wavy na buhok ko! Sa Virgin hair ko, di pa yan nakatikim ng Rebond.

Yun, pinasuot muna sa akin yung isa sa mga robe ni Mam Rhen. Inalis sa mukha ko yung buhok, At kahit ano ano nilagay sa mata ko, mukha ko at labi ko! Kanina pa siya reklamo ng reklamo, pati nga yung Virgin na Kilay ko di nakalampas sa kanya. Sabi kong ayoko... ano ginawa!

"Sus, wag ka iiyak! Tiis ganda nga teh!"

Virgin pa yung Kilay kong to... no need naman ako magpaganda! Di naman ako ang star ngayong gabi ah!

Spray dito, spray dyan sa buhok ko, at namalayan ko na lang ginawa niyang Bun na parang greek days na kagaya kina Hera at Athena.

Then may kinuha siya kumikinang na ipit...

"Ay wag na niyan, mawala ko yan."

"Bakit may intension ka ba na iwala to! Pagkatapos ng party babalik ka dito! Ibabalik mo lahat!"

Pati ba yung Virginity ng kilay ko maibabalik din?

Then, hindi lang yung ipit, isang set pala yun! Hikaw, kwintas, at lastly yung bracelet at singsing. Napaka simple nila pero napaka elegante...

Magkano kayo ito... Nakita ko yung label .... CHAMILIA.

Tapos biglang may inispray sakin na pabango, mukha ba akong langaw?! Di ako nagpapabango! Ano ba yan.

"Aba, ang arte nito, alam mo ba kung anong pabango yan? GIVENCHY!"

"Da Vinchi?!"

"Ewan ko sayo, ang bundok mo talaga! Pero....Ayan perfect... Wait.." nang makita niya ang paa ko...

"Alisin mo nga yang doll shoes mo! Ito, isuot mo'to..Leather Platforms by Nicholas Kirkwood."

Isang High Heels na 6 inch ang takon!

Ngumiti ngiti ako... Mapipilayan ata ako nito,

"Ok na ako sa Dollshoes,,,"

"Oy, babae, wag kang ano! Isuot mo..." Siya na ang kumilos, at yun kahit ayoko... naisuot niya.

"Tayo!" Tumayo ako kahit... Opsss...hahaha.

"Ano ba yan! Umayos ka kasi!" sabay alis niya ng Robe.

"Ganda!"

Napatingin ako sa salamin, Wow, ang tangkad ko. Pero bakit... parang di si Ako?

Parang di ko makilala sarili ko? Wait, bakit kailangan ko mag-ayos ng ganto?!

"Parang na over decorate ako..." Kumento ko na lang…

"Ano ka Christmas Tree... Ayan! Tawagin ko lang si Miss Rhen."

Napaupo ako. Ansakit naman nito sa paa... Awwww... Di pa nga ako humahakbang.

Pumasok si Rhen,

"Wow, di kita nakilala."

Bakit ganito si MIss Rhen?

"Kapag nakita ka ni Luis tiyak, makakalimutan ako noon." na ikinatitig ko sa kanya. Anong ibig niyang sabihin? Ginagawa ba niya ito dahil nahalata niyang may gusto ako kay Boss Luis… Halata ba ako… Ni kuya ko nga di ko sinasabi na may Gusto talaga ako sa Boss ko.

"Ay, nagkakamali po kayo Miss Rhen." Tangi ko. Syempre kahit ayusan ako ng ganito… siya parin ang maganda sa mga mata ni Boss Luis.


CREATORS' THOUGHTS
International_Pen International_Pen

Dearest Readers,

Thank you so much!

Here what makes me happy and inspired to finished the story!

Plase Rate the Chapters for 5 Stars!

Comment, what you desire for the outcome of the next chapter... opinions or anything you want to share.

Vote Power Stone, for Ranking purposes, that makes me really happy talaga! Thank You! Have a swag!

For your kindness...

Arigato!

Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C38
    Fail to post. Please try again
    • Writing Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login