Download App
25.88% Kiss of Death and Shadows / Chapter 88: The real enemy

Chapter 88: The real enemy

TUMILAPON na parang basahan ang lantang gulay na katawan ng ravenium demon. Diri-diretso itong tumama sa batong pader na naging sanhi ng pagkawasak niyon. Hindi pa man tuluyang nakababangon ang halimaw nang marinig nito ang papalapit na mga yabag. Nangingibabaw sa katahimikan ng paligid ang tunog ng takong ng sapatos na unti-unting lumalapit sa kawawang halimaw. Lalong nanginig ang ravenium.

Lumuhod ang babae sa harapan nito. Mahigpit niyang sinakal ang leeg ng ravenium gamit ang isang kamay at walang kahirap-hirap itong binuhat.

"Anung sinabi mo? Hinayaan niyong makatakas si Winona? Isa kang inutil!" Mabangis at nanlilisik ang kanyang mga mata. Nanggigigil na diniinan niya ang kapit sa leeg nito.

"D-datemire K-kelemis, hirezi sazimo rara hanide kozilo kelesimi zhiha yokure eremzimsi sorcerres." (Patawad kamahalan subalit, nakasisigurado akong napuruhan siya nang husto. Maraming dugo ang nawala sa kanya, nakatitiyak akong hindi magtatagal ang buhay ng sorcerres.)

Hindi siya nakuntento sa hatid nitong balita. Mas lalo niyang diniinan ang leeg nito. "Ang gusto ko ay paslangin mo siya! Gusto kong makita ang bangkay niya!" Umalingawngaw ang boses niya sa kabuuan ng simbahan.

"M-morere Kelemis—" (Ngunit kamahalan)

"Wala kang silbi! Isang mahinang mangkukulam lang hindi niyo pa nagawang tirisin?"

Hinagis niya ang katawan ng ravenium demon. Muli itong lumipad at tumama sa nakasabit na malaking chandelier sa kisame sanhi upang bumagsak iyon kasabay nito. Nadaganan ang katawan ng halimaw.

Nagtataas-baba ang dibdib niya sa labis na galit. Umakyat sa ulo niya ang kanyang dugo. Nauubos na'ng pasensya niya. Masyadong maraming pakielamero ang sumisira sa mga plano niya at nangangati na ang kamay niyang pumaslang.

Nang malaman niyang muli na namang nangingielam ang sorceress na si Winona ay labis na nagliyab ang kanyang dibdib. Minsan na siya nitong nilinlang noong pinalabas nito na kasamang namatay ni Leonna si Alexine.

Ngayon ay humaharang na naman ang walanghiyang sorceres sa mga plano niya. Kaya naman inutusan niya ang mga alagad na burahin na ito sa kanyang landas. Ngunit sa kasamaang palad ay `di pa rin siya nagtagumpay. Masyadong mahirap patayin ang pakielamerang mangkukulam, Nanggagalaiti ang kalooban niya sa galit. Gusto niyang sumabog.

"Jabelo!" tawag niya sa kanyang kanang kamay. Agarang lumapit ang lethium demon at lumuhod sa kanyang harapan. "Nasaan sila Cruxia at Kaizer?"

"Paumanhin kamahalan pero namatay sila sa labanan—"

"Argh!" Hinagis niya ang malaki niyang trono. Tumalsik iyon hanggang sa kabilang panig ng malawak na bulwagan. Napapikit si Jabelo sa labis na takot. Pilit nitong tinatago ang panginginig.

"Sinong pumatay sa kanila?"

"Nakatunggali nila ang anghel na tagabantay na si Cael. Kasama nila ang babaeng mortal at si..." Tila nag-aalinlangan si Jabelo.

Lalong siyang nairita. "Sino? Sabihin mo!"

"A-ang p-prinsipe, Night."

Saglit siyang tumahimik. Namumutlang nakatulala lamang si Jabelo sa kanya. Marahil akala nito ay mas lalo siyang magwawala ngunit laking gulat ng lahat nang bigla na lang siyang tumawa na parang nababaliw.

Nagtatakang nagtinginan ang bawat demonyong naroon. Mas lalong natakot ang mga ito sa inaasal niya. Tila nasisiraan na siya ng bait. Matapos magsawang tumawa, mabilis na tumulis ang kanyang mga mata. "Napakasutil talaga ng lalaking `yan. Ang lakas ng loob niyang kalabanin ako."

Sakit talaga ng ulo ang prinsipe ng dilim at lantaran siyang binabangga. Kung gusto nito ng gulo, sige, pagbibigyan niya ito. Hindi na siya makapag-antay na makuha ang babaeng mortal. Sa oras na mapasakamay niya si Alexine ay wala nang makakapigil pa sa kanya. Kahit pa ang mga pakielamerong anghel ay walang magagawa.

Suddenly, the temperature sank, and all the hair of every demon inside the hall ascended from the roots, including herself. Umihip ang hangin na tila nagmula sa Antarctica dahilan upang magpatay-sindi ang mga kandila na nakakalat sa simbahan. Napako sa kinatatayuan ang bawat isa na tila tinamaan ng malakas na kidlat. Agad tumayo ang mga ito na kasing tuwid ng lapis. Natatarantang pumosisyon ang mga demonyo at tila iisa ang isip na sabay-sabay na lumuhod at yumuko.

Nanatili siyang nakatayo sa gitna ng altar. Nakaabang ang kanyang mala-pusang mga mata sa malaking pintuan na matatagpuan sa kabilang panig ng bulwagan. Unti-unting bumukas ang gitna ng kahoy na pinto. Walang ibang maririnig maliban langitngit niyon. Maging paghinga ng mga nilalang sa paligid ay tila naglaho. Ilang sandali pa at tuluyang bumukas ang pintuan.

Dahan-dahang naglakad papasok ang isang napakakisig na lalaki. His sinister demeanor was enough to jolt everyone inside. It was as if an enormous turmoil had entered, ready to destroy everything in its path. Walang kahit sino sa kanila ang kumikibo o kahit ang huminga man lang sa pagkabahala na magkamali. Dahil sa oras na may hindi magustuhan ang lalaki ay tiyak na katapusan na nila.

Nang sandaling magtama ang kanilang mata ay tumalon naman ang dibdib niya sa labis na pananabik. "Mahal ko, hindi ka naman nagpasabi na bibisita ka pala. I should've prepared for your visit." Malumanay at malambing ang kanyang boses. Napakalayo sa kaninang mabagsik niyang bersyon.

Tumaas ang sulok ng bibig ng makisig na lalaki. Nang tuluyang makalapit sa altar, kinuha nito ang kamay niya at damping hinalikan ang ibabaw niyon. "I wanted to surprise you," he said.

It feels good to hear his thick round voice as it stimulated her whole body, giving her tasty desires. His eyes—that have the color of the earth's ground—gazed at her like a sharp knife, always ready to strike anyone who tries to oppose him. They were screaming a vast power and dreadful evilness that is sure to terrify anyone who sees it.

Ngumiti siya at nilapit ang katawan sa kanyang kabiyak. Sa kabila ng napakaraming taon na lumipas ay hindi pa rin nawawala ang natatanging kisig nito. Kahit sinong babae ay siguradong mahuhulog sa taglay nitong kagandahan na walang katulad sa mundo. Pinatong niya ang pumipilintik na kamay sa magkabilang balikat nito at dinikit ang mukha rito. Nagtatama na'ng kanilang mga ilong. Amoy niya ang bango ng hininga nito na nagpapawala ng katinuan niya.

Umismid ang lalaki. Pinulupot nito ang matigas na braso nito sa makurba niyang bewang. Napasinghap siya nang bigla siya nitong hapitin dahilan upang tumama ang malago at halos hubad niyang dibdib sa katawan nito. Dinikit nito ang bibig sa kanyang tenga.

"Naiinip na `ko mahal ko. Siguro naman alam mo na maiksi lang ang pasensya ko at ang ayoko sa lahat ang sinasayang ang oras ko." Humigpit ang kapit nito sa kanyang bewang. Nakagat niya ang ibabang labi sa kirot na naramdaman habang pigil ang kanyang hininga sa kilabot na hatid ng mga salita nito.

Tumawa siya nang mahina. "You don't have to worry, Lucas. Hawak ko sa leeg ang mortal. Siya ang kusang lalapit sa `kin."

Binitawan nito ang bewang niya at sunud na kinulong ang magkabilang niyang pisngi sa malalaking palad nito. His gaze was enough to make her whole body tremble.

In the dark world they live in, this man is the one you should never oppose. With just a flick of his finger, anyone will disappear like a whiff.

Hinaplos ni Lucas ang kanyang buhok at pinagmasdan ang kanyang mukha. Ngumisi ito at siniil siya ng nag-aalab na halik. Napaungol siya sa sarap na dulot ng mga labi at dila nito.

His full palm crawled smoothly inside her gown. He kneaded her left breast as his eager kisses glided on her neck and towards her jaw. She moaned at the pleasure caused by his fiery touch, completely burning her skin while they ignored the eyes that were covertly watching. It has been how many years since the last time that he touched her like this? She was crying with joy inside. His kisses returned to her mouth and angrily bit her lower lip before releasing her. She wants more, her thirst for him is as vast as the endless desert.

"Siguraduhin mo lang dahil hindi ako tumatanggap ng kapalpakan sa pangalawang beses. Minsan ka nang nagkamali, Lilith. Siguro naman sa pagkakataong `to hindi mo na `ko bibiguin."

Huminga nang malalim si Lilith at pilit na tinatago ang takot na nararamdaman. Sa kabila ng nag-iinit niyang pakiramdam sa pagkakadikit nila ni Lucas ay kasabay naman noon ang kilabot na nananalantay sa bawat ugat niya sa katawan.

"Asahan mo mahal ko," aniya na may ngiti.

Binitawan siya ni Lucas at nagsimula itong humakbang patungong pintuan. Saka lamang siya nakahinga nang maayos. Napako siya sa kinatatayuan habang pinagmamasdan itong tuluyang mawala sa kanyang paningin.

Lalong tumalim ang mala-pusang mata ni Lilith. Hinding-hindi na siya mabibigo sa pagkakataong ito. Minsan nang nakawala sa kamay niya ang anak ng Arkanghel na si Daniel. Ito na'ng huli niyang tsansa. Sisiguraduhin niya na sa pagkakataon ito ay tuluyan na niyang makukuha ang natatanging mortal at walang kahit sino ang makakapigil sa kanya kahit pa ang sutil na prinsipe ng dilim. Wala siyang kahit sinong ititira sa lahat ng hahadlang sa mga plano niya.

"Tignan lang natin Night kung hanggang saan ang tigas ng ulo mo, hmp! Luluhod ka rin sa harapan ko at ipapakita ko sa `yo kung paano ko pahihirapan ang babaeng kinababaliwan mo."


CREATORS' THOUGHTS
AnjGee AnjGee

Wazzup people of the Philippines, happy Sunday my dear cupcakes!

Ayan na, nagbitaw na ako ng pangalan, sino nga kaya ang mga kalaban... hehehe, na eexcite na rin si Author sa mga susunud na kaganapan,

Sino si Lucas? Sino si Lilith? Ano ang magiging papel nila sa buhay ng ating team NiXine??

Marami pang kaabang-abang na mga characters na lalabas kaya abangan!!!!

And as I promised, here are another updates! Enjooooooy!

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C88
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login