Download App

Chapter 26: The Pageant

Laine's Point of View

Foundation day na.Mamayang gabi na yung pageant.Gosh! kinakabahan yata ako dahil kakaiba yung gagawin ko sa talent portion.

Formal dress.check!

Casual dress.check!

Roller skates attire.check!

Yes, roller skating ang gagawin ko sa talent portion.Sana lang ma perfect ko yun.Baka sumemplang ako, kakahiya! LORD! Help me.

Manonood pa naman ang buong pamilya ko,ang mga barkada pati na rin sila Tita Bining at tito Phil.

Well of course,without the famous Nhel.

Baka hindi ako makapag perform ng maayos kung makikita ko sya.

At tsaka asa pa ko! Eh busy naman yun sa panliligaw sa isang babaeng short hair na hindi naman kagandahan.

Yun na siguro yung forever nya kasi yun na yung niligawan nya.

Uy! Bitter lang ang peg ko.

Medyo inagahan namin nila mommy ang alis para makapag prepare ako sa dressing room.

Susunod na lang sila Rina dahil hindi na sila kasya sa isang kotse namin.Si Tita Baby na kasi ang sakay nun at ang tatlong brothers ko.Babalikan na lang sila ni Mang Gusting.

Marami ng tao sa dressing room ng dumating kami ni mommy.Si dad,tito Phil at Tita Bining ay kumuha na ng pwesto sa may harapan ng auditorium.

NAG-UMPISA na yung program.Naiinip na ako at the same time,nervous din.

And finally, matapos ang mga sandamakmak na intermission numbers, message ng school administrators at guest speakers, nag- umpisa na ang pageant.

Nagpakilala na kaming mga contestants suot ang aming formal gowns.Bale anim kaming lahat na maglalaban-laban..2 sa grade school at 4 sa high school.At ang mananalo will be crowned as Miss Campus Queen.

Contestant number 2 ako...rumbled ang mga numbers namin basta kung ano na lang ang maibigay sayo from number one to six.

Hindi naman importante yung number basta fight lang ng fight.

Rampa na kami suot ang aming formal gowns.I'm wearing a navy blue gown with crystal beads.Tube sya na medyo emphasized yung cleavage ko pero hindi naman sya  ganon ka-revealing but sexy kasi fit sya then pa baloon yung laylayan nya.Nung makita nga ako ni mommy napa nganga sya.Gosh! Ang ganda ko siguro.hehe.

" Good evening everyone! I'm Alyanna Maine Guererro, 13 years old, and proudly represents the freshman year."

Ang lakas ng sigawan ng mga nanonood, nakita ko ang pamilya ko sa may unahan, Nhel's parents at yung apat kong kaibigan.Talagang proud sila na makita ako on stage kaya naman gagalingan ko para sa kanila.Medyo nalungkot lang ako ng konti kasi may kulang.

Then, natapos na yung iba na magpakilala.

Casual wear na.Rampa ulit.This time, white long sleeves ang suot ko na tinernuhan ng black leather skirt na above the knee tapos leather boots.Cool.

The crowd really went wild pagrampa ko dun sa suot ko.Hindi ko alam kung bakit ganon kalakas ang dating sa kanila nung suot ko.Sabagay kakaiba nga naman kumpara dun sa ibang candidates na normal lang na casual dress ang suot.

Then came the talent portion.Nagbunutan kami para sa pagkakasunod-sunod ng magpe-perform.Second to the last ako at yung grade five ang pinaka last.

Sing and dance ang ginawa nung naunang dalawa.Declamation naman yung pangatlo.Tapos acting yung pang apat.Kakaiba na naman yung sa akin.Ewan ko lang kung ano talent nitong grade five na susunod sa akin na syang panghuli.

Tinawag na ako.Pinatay yung ilaw at spotlight lang ang nakatutok sa gitna ng stage.Hindi pa ako lumalabas, boses ko lang na kumakanta ang naririnig nila.

Somewhere out there

Beneath the pale moonlight

Someone's thinking of me

And loving me tonight.

Somewhere out there

Someone's saying a prayer

And will find one another

And that leads somewhere out there.

Nagsisigawan na yung mga tao, naiinip na silang makita yung may- ari ng boses.Nang chorus na nung song lumabas na ako wearing red shorts and jacket at ang roller skates ko.Patuloy ako sa pagkanta at ang pinaka highlight ay nung umikot ako ng mabilis at nag skate ng puro exhibitions.Yung parang nagpe- perform sa Holiday on Ice sa Araneta pag magpapasko.

Lalong nagsigawan ang mga tao at kinilabutan ako ng makita ko ang lahat na tumayo habang malakas na pumapalakpak.Gosh, standing ovation!Thank you Lord, I made it.

Then yung pinaka huli na nagpakita ng talent nya ay yung grade five at ballet dance ang ginawa nya.

Ia-announce na yung mga winners.Tatlo lang ang mananalo.2nd and first runner up, at yung Miss Campus Queen.

Kinakabahan ako, kahit 2nd lang okey na sa akin yun.Magaganda at sexy yung mga kalaban ko lalo na yung mga higher year sa high school, may laban ba ako dun?

Tinawag na ang 2nd runner up, si Ms.Grade five ang nanalo.Tapos, 1st runner up yung Ms.Senior.

Kinakabahan na ako,apat pa kasi kami.Ibinibitin pa nung emcee yung announcement.

Nang sa wakas, nagsalita na sya.

" And our Miss Campus Queen for this year is none other than.....(drum roll)

Candidate number 2, Ms.Freshman,Alyanna Maine Guererro."

Oh my God! Oh my God! Oh my God!

Thank you,Lord!

Nilagay na yung sash at crown sa akin nung last year winner.

Nakita ko na lang na nagtatatalon sa tuwa ang mga kasama ko na nasa harap.Kung hindi lang siguro naka wheel chair si dad baka tumatalon na rin yun.hehe.

Kinon-gratulate ako ng mga kalaban ko at niyakap naman ako ng mga teachers ko.Picture,picture then bumaba na ako ng stage at pinuntahan na sa harap ang mga kasama ko.

Tuwang -tuwa at proud na proud na niyakap nila ako.Feeling ko nalasog na ako sa dami nila.hehe.

Picture, picture uli kasama sila tapos nagyaya na si dad at kakain daw kaming lahat sa restaurant.Wow! Bongga! Ang dami namin ah, 14 kaming lahat. Galante si papa.haha.

Lumabas na kami ng auditorium, at marami pa rin ang bumabati sa akin sa labas.

Congrats Alyanna!You really deserved the title.

Ang galing ng ginawa mo sa talent portion Alyanna Maine.Great!

Yan ang mga naririnig ko sa mga taong nadadaanan namin.I'm so overwhelmed.

Lumakad na kami.

Nung malapit na kami sa parking lot, may isang pamilyar na bulto akong nakita.Kinabahan na naman ako.Instinct yata yun.

Naramdaman nya yata na may papalapit.

Lumingon sya bigla!

Nhel???


CREATORS' THOUGHTS
AIGENMARIE AIGENMARIE

Magkita at magkausap na kaya sila.

Abangan na lang po natin.

Thanks!

God bless.?

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C26
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login