Download App

Chapter 30: Unexpected

Nhel's Point of View

HINDI ko alam kung bakit nasabi ko yun.Nagulat nga ako,hindi pa dapat eh, naka schedule yun.Pero siguro dahil yun ang nag- uumapaw sa puso ko kaya yun ang nilabas ng bibig ko.Hindi ko na babawiin yun dahil nasabi ko na at yun naman talaga ang nararamdaman ko sa kanya.Napaaga nga lang ng revelation. Paninindigan ko na.

" What did you say?" tanong nya.

" I love you!" walang gatol kong sabi habang nakatingin sa mga mata nya.

PAK! Hinampas nya ako sa dibdib.

" Alam mo ba yang sinasabi mo ha Nielsen Emmanuel ?" naku binuo na pangalan ko..pero paninindigan ko to.

" Bakit mahirap ba intindihin yun?" balik tanong ko.

" Huwag mo nga akong pinagtri- tripan." asar na sabi nya.

" Uy, Laine seryoso ako.Ikaw lang yung nagpagulo sa isip ko from the first time that I saw you.Kapag nakikita kita buo na ang araw ko,sabi ko sa sarili ko baka attracted lang ako sayo.Crush ganon.Tapos nung tumagal at madalas na kitang naka- kasama hindi na normal ang heartbeat ko and then I realized na in love na pala ako sayo.Strange pero alam ko totoo.

Nag- umpisa yun nung may nangyaring gulo sa pagitan nyo ni Lovie,tama lahat ng hinala nya.Natatandaan mo ba na pinakilala pa kita kay mama kahit natatawa kayo sa ginawa ko.Kasi nga alam ko na ikaw na eh.Bata pa tayo at isa pa mag bestfriend tayo pero hindi ko maintindihan kung bakit sayo ko naramdaman ito.Sobrang bata ka pa para dito pero wala yatang pinipiling age ang love..Kaya ko namang maghintay, sabi ko nga for the next five years pa dapat, kaya lang biglang lumabas eh hindi na pwedeng bawiin, totoo naman kasi.Kahit hindi mo muna ako sagutin okey lang, ang importante lang nasabi ko na at alam mo na.First time ko to, alam mo yan at sana wag kang magagalit hindi ko naman ito sinadya." mahabang paliwanag ko.

Nakatingin lang sya sa akin.Hindi sya kumukurap na para syang nakakita ng alien from outer space.Sa dami ba naman ng revelations ko natural lang na ganyan ang maging reaction nya.

Nabigla na lang ako ng hilahin nya ako palabas ng room nya.

" Naku Nhel gabi na hatid na kita sa gate.Inaantok nako.Ako na lang magsasabi kila dad na umalis kana.Sige bukas na lang ulit.Bye."

tuloy-tuloy nyang sabi habang hila-hila ako papunta sa gate nila.

Wala na akong nagawa.Pagkasara ba naman ng gate binirahan na ng pasok sa loob.Na tensed siguro sya.Hehe.

Natatawang napakamot na lang ako ng ulo..tapos sumakay na lang ako ng bike at umuwi na...

Laine's Point of View

DIRETSO na ko sa room ko at binagsak ko yung sarili ko sa kama pagkahatid ko kay Nhel sa labas.

Huh! Grabe yung lalakeng yun! Ngayon lang ulit kami nagkausap kung ano-ano na sinabi.Lasing ba yun? Eh juice lang naman ininom namin sa resto.

Pero seryoso sya ha? I can see it in his eyes kasi nakatitig sya sa akin habang sinasabi nya yung 3 words na yun kanina.Walang kakurap-kurap.

Hindi ako makapaniwala.Bakit ako? I mean best friend nya ako.Pero hindi naman daw nya sinasadya kaya wag daw akong magalit.

Galit ba ako? Hindi ah! Nagulat lang kasi hindi ko yun ine- expect.Sabagay sya man nabigla rin na nasabi nya na eh supposed to be after five years pa daw.Talaga pa lang hihintayin nya ako ng ganun katagal..Shet na malagket! Ako pala yung paglalaanan nya ng mga prinsipyo nya.Haaayyy, kinikilig yata ako.

Ngayong alam ko na yung feelings nya sa akin.Ano na?

Naku naman! Oo nga crush ko sya pero hindi ko alam kung in love ba ako sa kanya.Ang bata ko pa, kaya hindi ko alam kung ano ba nararamdaman ng taong in love.Sabi nya hindi ko daw kailangang sagutin sya agad.He can wait.Sige nga para maintindihan ko muna kung ano ba feeling ng in love.

Siguro dapat humingi muna ako ng signs kay God.Ayokong mag decide ng mga bagay- bagay without consulting the One up there.I want God to be the foundation of our relationship if ever na magiging kami nga.I maybe sound religious but I was raised like that and I think there is nothing wrong being close to God.

And maybe ang first sign na hihingin ko ay kung makakapagpaalam sya sa super strict na dad ko.Kung buong tapang nyang kakausapin si dad at ipapaalam nya yung intentions nya sa akin.

Bahala nga sya kung ano ang gagawin nya.Ginusto nya yan eh di panindigan nya..haha saka ko na hihingin yung ibang signs kapag nagawa nya na yung una.

Goodluck sayo Nhel!


CREATORS' THOUGHTS
AIGENMARIE AIGENMARIE

Ano kaya ang kahihinatnan ng mga batang puso nila? Wala daw pinipiling edad ang pag-ibig, ngunit ano ang magagawa mo kung dumating sayo ito sa maagang panahon?

Mapanindigan kaya nila ang pagmamahalan nila kung sakali?

Thanks for reading. Please vote.

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C30
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login