Download App
18.65% I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 47: Missing You

Chapter 47: Missing You

Nhel's Point of View

" Nhel, bangon na! Hindi ka ba papasok sa school?" si ate Merly yun ginigising ako.

Bigla akong napabangon at tinignan ang oras..7 am na pala, kailangan kong magmadali, dapat makaalis ako ng mga 8am dito sa bahay kundi aabutan ako ng sobrang traffic sa Taft.

" Anong oras ba ang pasok mo ngayon at tanghali kana gumising? si ate uli.

" 10 am ate, pasensya na medyo napuyat kasi ako." sabi ko.

" Naku! Alam ko na yan kung bakit.Siguro pinagpuyatan mo na ulit-uliting basahin ang sulat ni Laine ano? Tama ba ako ha Nhel?" asar ni ate.

Napangiti ako sa sinabi ni ate.May dumating ngang sulat si Laine, inabot sa akin ni Manang Simang kagabi pagdating ko galing school.

It's been a month since the last time I saw her, yun yung hinatid nya ako dito.I can't forget that afternoon nung umuwi na sila ni Mang Gusting. Ayaw naming bumitaw sa isat-isa.Kung di pa kami sinabihan ni ate na gagabihin na sila ay hindi pa kami maghihiwalay.I kissed her one last time then she turned away without looking back.I know she's hurting too.

Hindi pa ako nakakauwi since then dahil may class ako tuwing Saturday hanggang gabi yon kaya sumulat ako kay Laine para malaman nya ang sitwasyon ko at sinagot nya na nga ang letter ko na paulit- ulit kong binasa kagabi kaya ako napuyat at tinanghali ng gising.I missed my babe so much.

" Hello Nhel are you here? Ang lawak ng ngiti natin ah!" asar ulit ni ate.

" Ang understanding talaga ni Laine teh, kung nahihirapan daw ako sa sched ko okey lang daw na huwag muna akong umuwi basta sumulat na lang daw ako lagi." sabi ko.

" Maswerte ka talaga sa kanya.Eh ikaw kaya mo na bang hindi sya nakikita?"  tanong ni ate.

" Medyo teh, I just keep myself busy at school para kahit paano mabawasan ang pangungulila ko sa kanya." sagot ko.

" Well, that's good..Sige na gumayak kana at mag breakfast baka ma-late ka pa." sabi ni ate at iniwan na ako.

Mabilis naman akong natapos at nagpaalam nako kay ate para pumasok na.

" Hi!Nhel pwede ba akong sumabay sayo?" boses ng babae at alam ko na kung sino.

Heto na naman itong babaeng ito, ilang araw ko ng napapansin na sinasadya nya laging sumabay sa akin.Si Peachy yan, kapatid ng kumare ni Ate, bago lang din sya dito at freshman din syang katulad ko sa katabing university ng pinapasukan kong school .Simula nung ipakilala sya ni ate sa akin 2 weeks ago, palagi na lang syang pumupunta sa bahay.Ayokong bigyan ng kulay yung ginagawa nyang pagbibigay ng kung ano-ano pero lately hayagan na nyang sinasabi kay ate yung pagkagusto nya sa akin.Sinabi ni ate sa kanya na may girlfriend nako pero parang deadma lang sya.Ngayon heto na naman sya makikisabay eh 3 days na nya akong tinityempuhang sabayan.I wonder kung pareho kami ng schedule eh hindi ko naman sya nakikita nung first week.

" Ah eh nagmamadali kasi ako baka maiwanan lang kita." sabi ko.

" Naka rubber shoes naman ako kaya kitang sabayan." pilit pa nya.

" Sige bahala ka!" naku patay ako kay Laine nito pag nalaman nya to.I'm just a poor gentleman babe.sorry.

Buti na lang mabilis kaming nakarating ng school at laking pasalamat ko dahil walang traffic, ayokong ma-stuck ng matagal kasama si Peachy.

" O bro aga mong busangot dyan.Ano problema pare?" si Dennis yon kaklase ko at barkada na rin.

" Yung kapitbahay kong kinukwento sayo bro sinabayan na naman kasi ako, naiilang ako masyadong madikit." sabi ko.

" Naku mahirap nga yan lalo na kung may girlfriend kana.Maganda ba?" tanong nya.

" Maganda naman at sexy kaya lang hindi ko type ang ganon bro, may pagka liberated." sagot ko.

" Naku ako rin dehins sa akin yun.Tara na nga naghihintay na yung tatlo sa lobby kanina pa." aya ni Dennis.

Lima kaming magbabarkada sa college of Engineering.Bukod sa amin ni Dennis may isa pang lalake kaming kasama, si Paul, yung dalawang babae sina Melissa at Isabel.Sila yung mga naging kasama ko simula nung mag start ang klase at naging close naman agad kami dahil pare-pareho kaming mga bagong salta ng Manila.Madalas kong ikwento si Laine sa kanila and they are dying to meet her.

Maagang natapos ang class ko kaya napagpasyahan kong umuwi na lang kahit niyaya ako nila Dennis mag mall.Gusto kong gumawa ng letter para kay Laine.

" Hi! Nhel maaga ka yata?"

Bakit nandito na naman to, pumasok ba to kanina? Since gentleman ako, pinansin ko naman sya.

" Wala yung prof namin sa last subject eh.Wala ba si ate?"  tanong ko kay Peachy.

" Nandyan sa loob, mas gusto ko kasi dito sa labas na lang."   sagot nya.

" Ah ganon ba, sige pasok na muna ko gagawa pa kasi ako ng letter para kay Laine." sabi ko na parang may gusto akong ipaintindi sa kanya.

" Laine? Sino sya?" gulat na tanong nya.

" Girlfriend ko." sagot ko.

" M-may g-girlfriend kana? Kelan pa?" nag-stutter pa sya.

" Oo matagal na kami.Hindi mo pa ba alam? Hindi ba nasabi na ni ate sayo?" tanong ko.

" Parang nabanggit na nga nya pero hindi ko masyadong inintindi akala ko nagbibiro lang sya.Sabagay sa itsura mong iyan imposible na wala ka pang girlfriend.Ang swerte naman nya." sagot nya.

" Ako ang maswerte sa kanya.She's my dream girl.A girl that any man wants to have." sabi ko na talagang ipinagmamalaki ko pa kung gaano ako ka-swerte.

Hindi sya kumibo.Parang biglang nalungkot ang itsura nya.

" Sige ha, pasok nako maiwan na kita dyan." paalam ko at dali-dali nakong pumasok ng hindi na hinintay ang sagot nya.

Sana naman wag na nya akong istorbohin, sa ngayon ayoko na uling may babae na namang ma-involve sa pagitan namin ni Laine.Hanggat maari gusto kong umiwas sa mga nagpaparamdam.Hindi naman sa nagyayabang ako, I've been there before at nagka- playboy image tuloy ako dahil sa pagiging gentleman ng sobra at mapagbigay sa mga girls noon.Ayokong magka-problema kami ni Laine, sobrang mahal ko sya at dahil sa kanya nagbago ako.

Okey lang sana kung friendship lang ang gusto ni Peachy sa akin tulad nung dalawang barkada ko sa school na si Melissa at Isabel. It's obvious na may mas malalim pa syang gusto higit sa pagkakaibigan.

Inspired akong gumawa ng letter para kay Laine habang nakaharap ako sa picture nya na nasa study table ko.Inabot ko yung picture frame at para akong tanga na kinakausap ko sya.

Hay naku! Para na akong baliw nito.Miss na miss na kita.Nami-miss ko ang mga luto mo.Ang pag-aasikaso mo.Ang mga paglalambing mo.At syempre ang mga yakap mo, ang mapupulang labi at mabangong hininga mo.

Wow,parang ang perv ko dun sa huling sinabi ko pero aminin ko nami-miss ko talaga yung huling halik na pinagsaluhan namin, sobrang intense kasi.

Ang tagal naman ng sem break, gusto ko ng umuwi.


CREATORS' THOUGHTS
AIGENMARIE AIGENMARIE

Mukhang may sumisingit na magpapagulo sa relasyon ng ating mga bida. Ano kaya ang mangyayari sa susunod?

Please continue to support this story. Thank you.

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C47
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login