Download App

Chapter 66: Meet Again

Laine's Point of View

EVERYTHING  is settled on tonight's surprise debut party for Nhel.Naayusan na namin yung lugar na pagdarausan ng sayawan.Dun sa likod bahay nila, medyo malaki rin naman yung space kasya na ang mga magsasayaw ng hindi magkakabungguan.

Sagot nila daddy yung malaking cake at ilang gallon ng ice cream.Kay ate Merly naman yung sound system.

Yung mga balloons at mga ginamit na decorations ay sinagot na namin ng barkada. At syempre kila tito Phil na yung ilang mga putaheng handa.

Walang idea si Nhel na may ganitong handaan para sa kanya, basta ang sinabi lang ni tita Bining ay umuwi sya para sa family dinner nila.

Umaasa ako na magiging masaya sya at magiging maayos ang lahat sa pagitan namin.Inaamin ko, medyo kinakabahan ako sa napipintong pagkikita namin, hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang mga sasabihin ko sa kanya, baka nga hindi pa ako makapag-salita pag nakita ko sya.

Haay! Bahala na...

Nang matiyak namin na maayos na ang lahat, umuwi na kami para mag-ayos na at magbihis.

According to tita Bining, usually, mga 7pm na raw dumarating si Nhel pag ganitong weekends,umuuwi pa raw kasi ito sa bahay na inuupahan nya para maglaba upang hindi na magbitbit pa ng maruruming damit.

Pag ok na uli kami, ako na lang ang maglalaba ng mga damit nya.Hehe.Charot!

Tinignan ko ang oras, lagpas 5pm na.Medyo mahaba pa ang time ko para mag-ayos.Kailangan maganda ako mamaya. Ang usapan mauuna sila dad dun, hindi ako sasabay sa kanila sa pagpunta, yung tipong nasa kalagitnaan na yung party pagdating ko, dramatic entrance ba yun?

Nagbabad ako ng husto sa bathtub, gusto ko ma-relax muna, nakakapagod din yung maghapong pag-aayos para sa party.

Nang medyo nilalamig na ako, nag-shower na ako ng mabilis at lumabas na ng bathroom.

Kumuha ako sa built-in closet ng simpleng dress na isusuot ko.Isang light yellow dress na may white color na combination sa bawat sides at above the knee sya.

Nag-blower ako ng buhok at hinayaan ko lang sya na nakalugay.Nagbago ng konti ang hairstyle ko dahil kinailangan dun sa huling photo shoot ko, may bangs na at kinulayan ng dark brown pero mahaba pa rin.Nagandahan nga silang lahat dahil bagay daw sa akin para daw akong si Phoebe Cates..Haha, seriously marami talaga ang nagsasabi na may hawig daw ako dun.Napanood namin ni Nhel sa movie na Gremlins yun nung minsang mag-movie marathon kami.Crush nga nya yun dahil ka-hawig ko nga daw. So,sana magustuhan nya itong bago kong hair style.

Pulbos lang at lip gloss ang nilagay ko sa mukha at labi ko, hindi ako masyadong mahilig sa make-up, kapag may photo shoot lang ako naka-full make up kasi kailangan.At isa pa ayaw din ni Nhel na may make-up ako, mas gusto nya yung natural.

Inilagay ko na yung mga binili ko nuon pa sa States para kay Nhel sa isang paper bag at pati na rin yung gift ko sa kanya na binalot ko kagabi pa.

Almost 9pm na..siguro pwede na akong pumunta sa kanila.Nag-spray na ako ng pabango kong Lacoste.Bago ko pa lang ginagamit to, nagustuhan ko yung amoy nya nung nasa States ako, mild lang at hindi matapang ang amoy.Magustuhan kaya ni Nhel yung amoy? dati kasi baby cologne lang ang gamit ko na paborito nyang singhutin sa akin..

Medyo napangiti ako sa naiisip ko kanina pa.Bakit ba lahat na lang ng pagbabago sa akin hinahangad ko na magustuhan sana ni Nhel?

Natural boyfriend mo pa rin yun, hindi naman kayo nag-break kaya may concern pa rin yun sayo.Sabi ng isang bahagi ng isip ko.

Oo nga naman, ako lang naman yung nag-inarte at lumayas.

Tama na nga ang drama baka tapos na ang party pagdating ko.

Nagmadali akong nagsuot ng shoes at nagpahatid na ako kay Mang Gusting.

Pagdating ko sa kanila, huminga muna ako ng malalim bago pumasok ng gate.

This is it pansit, I'm a bit nervous, my gosh.

Sa terrace pa lang ng bahay nila marami ng tao, nakilala kong mga relatives nila at binati naman ako.Dinig ko yung malakas na sound system, parang pagbibigay na ng birthday messages base sa naririnig kong nagsasalita.

Ok Laine, you're just in time.

Pagpasok ko, bumungad sa akin ang mga magulang ko at magulang ni Nhel na nag-uusap sa sala, tapos na sila kumain dahil wala ng mga laman yung mga plato nila.

Tumayo si tita Bining pagkakita sa akin.

" Salamat anak, dumating ka na. Nag-umpisa na sila dun sa likod, halika kumain ka muna." sabi ni tita na hinila na agad ako sa dining.

Sinamahan nya ako habang kumakain at nung matapos na ako ay pinapupunta na nya ako sa likod.

Nagpaalam muna ako na pupunta ng CR at inabot ko na kay tita yung dala kong paper bag.Siya na lang ang mag-aabot kay Nhel mamaya.

Nung lumabas ako ng CR, medyo atubili akong ihakbang ang mga paa ko papunta sa likod bahay.Base sa naririnig kong sweet music, sayawan na.

Nang sa wakas ay nakarating na ako.Nakita ako ni Rina na nasa may backdoor na nag-aabang na.

" Hay salamat andito kana,kanina pa ako nag-aabang sayo dito sa likod.Nandun lahat sila sa gitna at nagsasayaw na.Pero paalala lang ha? wag mag-inarte, may nag-invite sa mga babaeng na-link kay Nhel nun, wag mo na lang pansinin.Nandito ka para magkaayos kayo,tandaan mo yan." paalala ni Rina.

" Ok friend, thank you.Sa totoo lang kinakabahan ako, baka nga speechless na ko pagdating dun." sabi ko.

" Naku relax ka lang.Ang ganda-ganda mo oh.Baka nga si Nhel ang speechless mamaya pagkakita sayo.I'm sure tititigan ka lang nun magdamag. Ang daming nabago sayo ateng, dalagang-dalaga ka na po at tiyak na tiyak matutulala sayo yun." sabi pa nya na kumindat pa.

" O siya tara na nga.Bahala na si Batman.It's now or never."sabi ko sabay higit sa kamay nya.

Pumunta kami sa may gilid kung saan sila naka-pwesto.Pagdating dun ay si Pete lang ang nakaupo dahil sumasayaw si Wil at Candy sa gitna.

" Buti naman at dumating ka na Laine, nag-eenjoy na masyado yung mga ex ni Nhel sa pagsayaw sa kanya.Baka hindi ka na makasingit nyan." nang-aasar na sabi ni Pete.

Ngumiti lang ako sa sinabi nya.

" Isayaw mo si Laine hon, tapos kunin mo yung kasayaw ni Nhel at ipasa mo si Laine sa kanya tapos ihatid mo na sa upuan yung kasayaw nya at kunin mo naman ako dito para isayaw mo.Gets mo hon?" suhestyon ni Rina kay Pete.

" Oo nga ano! Galing mo talaga hon kahit medyo magulo yung sinabi mo.Lika na Laine ng magkaayos na kayo ni loverboy." tumatawang sabi ni Pete habang hila-hila ako.

Pagdating namin sa gitna lumugar kami ni Pete sa likod ng nagsasayaw na si Nhel at yung na-link sa kanya nuon na si Jessica.

Grabe naman makapulupot tong babaeng ito, nakayakap na halos.

Kalma lang Laine, kayang-kaya mong kuhanin ang kasayaw nya mamaya, wait ka lang.

Hindi kami nakikita ni Nhel dahil nasa likuran nya kami.Nagulat ako sa sumunod na ginawa ni Pete, tumabi na sya kay Nhel at nagkaharap na kami katabi ko naman yung kasayaw nya.

Na-shock sya ng husto ng magtama ang tingin namin.Halo-halong emotions ang nababasa ko sa mga mata nya.Ako naman nakatitig lang sa kanya at kinakabahan.Pero nakuha ko pa ring i-scan ang kabuuan nya.Grabe, ang gwapo naman ng bebeh ko, sarap halikan ng mapulang lips nya na medyo nakaawang sa pagkagulat.Medyo pumayat sya pero bumagay naman sa kanya at sa suot nyang light yellow na Lacoste polo shirt at beige na slacks.

Uy! Terno pa kami ah.

Hindi na nya pansin yung kapareha nya dahil sa akin lang sya nakatingin.Ako rin naman nakatitig lang sa kanya.Nung mapansin ni Jessica yung nangyayaring titigan sa amin ni Nhel, lumapit pa sya lalo kay Nhel at yumakap pa ng husto dito sabay hilig ng ulo nya sa dibdib nito.

Kalma lang Laine...kalma.Hindi ka apektado..HINDI!

Nang magpalit na ng tugtog, kinuha ni Pete si Jessica at isinayaw.Medyo tutol pa sana si Jessica kaya lang isinubsob ba naman ako ni Pete sa harap ni Nhel .Wala na akong nagawa kundi ang kumapit na lang sa balikat ni Nhel at siya naman ay humawak sa bewang ko.

Ramdam ko ang tensyon sa mga kamay nya na nakahawak sa bewang ko.Sana lang hindi nya mapansin ang panginginig ng mga kamay ko na nasa balikat nya.Walang nagsasalita sa amin pareho, panay ang buntong-hininga nya at nakayuko lang ako.

Ang awkward ng sitwasyon.

At ang pumapailanlang na music, swak na swak sa aming dalawa.

Grabe ang galing talaga ng mga kumag na kaibigan namin, planado lahat hanggang sa music na ipatutugtog.Desidido talaga sila na magkaayos kami ng gwapong ito na kasayaw ko.Sana lang hindi sila pumalpak dahil napapaligiran kami ng mga babaeng asungot.

Nang iangat ko ang ulo ko, nagtama ang tingin namin ni Nhel.

Parang may butil akong nakita na kumislap sa kanyang mga mata.

Is he crying?


CREATORS' THOUGHTS
AIGENMARIE AIGENMARIE

Hayan sa wakas nagkita na sila. Magkausap na kaya sila gayong maraming guest na ex ni Nhel na nasa paligid lang? Abangan nyo na lang po

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C66
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login